You are on page 1of 1

Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos

Ayon kay Agapay, nakasalalay kung anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Ayon pa rin sa
kanya, ang kilos ang nagsisilbing salamin na nagpapakita kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

Dalawang Uri ng Kilos ng Tao

May dalawang uri ang kilos ng tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (humane act).
1. Kilos ng tao (Acts of man).
 Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao
 Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free-will).
 Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos.
 Halimbawa: pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi

2. Makataong Kilos (Humane act)

 Ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang may kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa (voluntarilly)
 Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free will)
 Ano man ang kahihinatnan ng kilos ay pananagutan ng taong nagsagawa ng kilos.
 Halimbawa: pagnanakaw, hindi pagsabi ng totoo, pagkalat ng dumi

Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Accountability) Ayon kay Aristotle

1. Kusang-Loob - ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito. Ang gumagawa ng kilos ay may
lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Halimbawa:
Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa
kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga
angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit
upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.

2. Walang Kusang-Loob – kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa sa kilos.
Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito
sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at
nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si
Dean dahil iyon ay siang manerismo niya.

3. Di Kusang-Loob - kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman
sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang sapilitan pagsagawa ng kilos.
Halimbawa: Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng
kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-bawas.” Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na
tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya
susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban.

You might also like