You are on page 1of 10

10

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter II – Linggo 1
Ang Pagkukusa sa Paggawa ng Mabuti
at Gawaing Dapat Panagutan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 1: Ang Pagkukusa sa Paggawa ng Mabuti at Gawaing
Dapat Panagutan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Elya Marie E. Al-ag


Pangnilalamang Patnugot: Ian Sherwin B. Aya

Editor ng Wika: Luz L. Javarez

Mga Tagawasto: Robelyn P. Bonilla at Armor T. Magbanua

Mga Tagasuri: Ian Sherwin B. Aya, Luz L. Javarez, Loida A. Sernadilla, PhD. at
Shirley F. Lilang

Tagaguhit: Elya Marie E. Al-ag

Tagalapat: Elya Marie E. Al-ag

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V, SDS


Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang, EPS-EsP
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon,


Armor T. Magbanua, Maricel A. Zamora, Glenda T. Tan
Charles Andrew M. Melad, at Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Ang Pagkukusa sa Paggawa ng Mabuti
at Gawaing Dapat Panagutan
MELC: Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
(EsP10MK-IIa-5.2)
Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (EsP10MK-IIb-5.3)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga gawaing may pagkukusa sa paggawa ng mabuti
2. Nakikilala ang pagkakaiba ng kilos ng tao at mga gawaing isinagawa ng
may pagkukusa sa makataong kilos
3. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
1. Ang kilos ay ang pagsasagawa ayon sa ating nais at katuwiran
2. Ang kilos ng tao (acts of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao
o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
3. Ang makataong kilos (human act) ay isinasagawa ng may kaalaman, malaya, at
kusa. Ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
4. Ang pagkukusang kilos (voluntary act) ay ang pagsasakatuparan ng mga
mabubuting gawain ng kusa at bukal sa kalooban.

Natutuhan mo na ginagamit ng tao ang isip at kilos-loob, konsiyensiya,


kalayaan, at dignidad hindi lamang upang mabuhay siya bilang tao, kundi upang siya
ay magpakatao.

Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao?

Ayon kay Agapay, anomang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung
magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng
kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng
kanyang buhay. Ayon pa rin sa kaniya, ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang
isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. Dahil sa isip, kilos-loob, at
kalayaan ng tao, tayo ay may kapangyarihang kumilos ayon sa ating nais at ayon
sa katwiran.

Dalawang uri ng kilos ang tao


A. Ang kilos ng tao (acts of man)
B. Makataong kilos (human act)

1
Ang kilos ng tao (acts of man) ay mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos
na nagaganap sa tao ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan
ng isip at kilos-loob. Masasabing ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o
masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
Halimbawa:
1. Paghinga
2. Pagtibok ng puso
3. Pagkurap ng mata
4. Pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat
5. Paghikab, at iba pa.

Ang makataong kilos (human act) ay isinagawa ng tao nang may


kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng
isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa ng gawaing
masama. Ito ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsiyensiya.

Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao? Ang sagot ay oo.
Halimbawa: Si Leo ay nagtatrabaho sa palengke upang magkaroon ng baon sa
araw-araw at upang makapasok sa paaralan. Kinaumagahan, sa oras ng recess
habang siya ay kumakain nilapitan siya ng kaniyang kaklase at nanghingi sa
kaniya ng makakain. Hindi siya nagdalawang isip sa pagbibigay kaya’t agad naman
niya itong binigyan kahit alam niyang limitado lang ang panggastos niya araw-
araw.

Pagsusuri: Sa pagkakataong ito, bukal sa kalooban ni Leo ang pagbibigay ng


kakanin sa kaniyang kaklase. Ito ay kusang loob niyang ibinahagi.

Samakatuwid, ang kilos na ginawa ni Leo na makatulong sa kaniyang


kaklase ay isang kilos ng tao na maaaring maging makataong kilos dahil hindi
naging hadlang ang kaniyang kakulangang pinansiyal sa pagtulong sa kaniyang
kapuwa. Ito ay kaniyang ginawa ng boluntaryo upang makagawa ng mabuti.

Sa pagkakataong ito, ginamit ni Leo ang kaniyang kakayahang pumili at


malayang kilos-loob sa pagtukoy at pagpili ng kaniyang kilos. Ipinakita niya ito
noong binahagian niya ng kakanin ang kaniyang kaklaseng nagugutom. Kaya, ang
kilos ay malayang pinili ang paggamit ng mabuti. Isang indikasyong ito ay ginusto
at sinadya. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos (voluntary act) sa
paggawa ng mabuti.

Dahil sa simpleng pagbahagi ay naging kilos na ang intensiyon ay


makatulong at makapagbigay, ang dating kilos ng tao ay naging makataong kilos.

Pananagutan ang isang gawain kung ang ginawang kilos ay mali at masama.
Ang kilos na ito ay may kapanagutan at ang mga ito ay walang kabuluhan.
Halimbawa:
1. Tinulungan ni Sandriel ang kaniyang guro upang magpasikat.
2. Ibinahagi ni Cyrus ang kaniyang baon upang may mai-post sa facebook.
3. Hinintay ni Danica na dumami ang tao bago niya itinawid sa kalsada ang isang
matandang babae upang makakuha ng parangal ng pagkilala.

Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling


kilos upang masabing ito ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree)
ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay
nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito ay (degree of
willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaang tinatamasa.

2
Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas
mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Anumang isinagawang
mali o masama maliit man o malaki ay may kakaharaping pananagutan at
kaparusahan.

Ang antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa.


Nangangahulugan ito na may maliit at malaking pananagutan para sa maliit at
malaking bagay na nagawa. Ang Likas na Batas Moral ay patuloy na iiral upang
manatili at umiral ang katarungan. Lahat ng bagay ay may kapalit, malaki man ito
o maliit.
(Pinagkunan: Mary Jean B. Brizuela, et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul para sa Mag-aaral.
Pasig City: Department of Education, FEP Printing Corporation, 2015, 92-94.)

Tayo’y Magsanay

Panuto: Isulat ang MK kung Makataong Kilos ang ipinapahayag at


KNT naman kung Kilos Ng Tao. Isulat ang sagot sa patlang.

____1. Si Kenjie ay humahalakhak sa kaniyang pinapanood na comedy movie.


____2. Pagkurap ng mata.
____3. Pinag-iigihan ni Marie ang pagbasa at pagsagot ng modyul upang makakuha ng
mataas na marka at magbigay kasiyahan sa kaniyang mga magulang.
____4. Kahit naririnig ni Agnes ang pagmumura ng kaniyang mga kalaro ay hindi niya
ito ginagaya. Sa halip ay sinasaway niya ang mga ito.
____5. Nakaugalian ni Dave na hugasan ang mga pinagkainan pagkatapos nilang
kumain upang tulungan ang kaniyang nanay sa mga gawaing bahay.

Maliban sa mga pahayag sa itaas, mayroon ka pa bang alam kung paano


maipapakita ang iyong pagiging mapanagutan bilang tao?

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang kilos ay nagpapahayag ay


tama at ekis (x) naman kung mali.

Mga Pahayag Sagot


1. Pagtanggi sa alok ng barkada na maglakwatsa dahil hindi pa tapos ang
sinasagutang modyul.
2. Pagsauli ng sobrang sukli sa tindera sa tindahan.
3. Hindi pagsunod sa mga responsibilidad sa tahanan dahil sa sinasagutang
modyul.
4. Pagpupuyat sa paglalaro ng ML (Mobile legend) dahil hindi na kayang sagutan
ang mga modyul.
5. Paglabas ng bahay ng hindi sinusuot ang face mask/faceshield.

Masusi mo bang naunawaan ang nais ipahayag ng bawat sitwasyon


sa itaas?Paano mo sisimulan ang iyong mga ito?

3
Ating Pagyamanin

Panuto: Kahunan ang mga salitang higit na makakatulong sa


iyo upang maisagawa ang mga gawaing may pagkukusa sa
makataong kilos.

R T Y U I O P A S D F G H
H J P K L M A K A T A O M
N P B A V C X I Z L K J H
G F A D N S A L P O I U Y
T R E G W A Q O Q W E R T
Z X C V K B N S N M Z X C
T R E G W U E A E U I O P
Z X C V K E K E G K L M A
E E I S I P E U E U E E P
N P B A V Q W E S E T E K
G F A D N U I O T A E A K
T R E G W K L M Y Y Y Y N
Naisagawa ba ang gawain? Paano makatutulong sa iyong pag-unlad ang
mga salitang iyong kinahunan?

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang


sagot sa loob ng kahon na tumutukoy sa kahulugan nito.

A. Pananagutan B. Pagkukusa C. Isip D. Kilos


E. Makatao F. Pagkakaisa

______ 1. Pagsasagawa ayon sa ating nais at katuwiran.


______ 2. Tumutukoy sa tungkulin o obligasyon ng isang tao sa kaniyang kapuwa kapag
nakagawa ng mali o masama.
______ 3. Paggawa ng isang bagay na hindi labag sa kalooban at hindi naghihintay na
utusan upang gawin o tapusin ang isang gawain.
______ 4. Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa at iniisip ang kaniyang
kapakanan at kabutihan.
______ 5. May kakayahang umunawa, umalam, magsuri, tumuklas, at magbigay-
kahulugan sa mga kaalaman.

Naging matagumpay ba ang pagbibigay mo kahulugan sa bawat pahayag?


Bakit?

4
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang tamang
sagot.

A. Makataong kilos (Human Act) E. Walang kabuluhan


B. Kilos ng Tao (Act of Man) F. Kilos
C. Pagkukusang kilos (Voluntary Act)
D. Bigat ng kagustuhan o pagkukusa (degree of willfulness or voluntariness)

______1. Ang pagsasakatuparan ng mga mabubuting gawain ng kusa at bukal sa kalooban.


______2. Ang isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa,
kung malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang degree ang
pagkukusa o pagkagusto.
______3. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan
ng isip at kilos-loob.
______4. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa ng mali o masama.
______5. Pagsasagawa ayon sa ating nais at katuwiran.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik lamang

1. Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa pagsasagawa ayon sa ating nais at


katuwiran?
A. Bibig B. Kilos C. Mata D. Puso

2. Tinulungan ni Marvin ang kaniyang magulang na maghanda ng kanilang


pagsasaluhan ng hindi inuutusan. Alin sa sumusunod ang higit na halimbawa nito?
A. Kilos ng Tao C. Bigat ng kagustuhan
B. Makataong kilos D. Paggalang

3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kilos ng tao. Alin ang HINDI kabilang.


A. Pagbibigay ng pagkain sa isang kaklase ng kusa at lugod sa kabutihan.
B. Patuloy na pagtibok ng puso.
C. Paghikab sa umaga.
D. pagkurap ng mata dahil sa biglang paghampas ng hangin.

4. Ang kinahaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa kaalaman


at kalayaan na tinatamasa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy dito?
A. Kilos ng Tao C. Bigat ng kagustuhan o pagkukusa
B. Makataong kilos D. Pagkukusang kilos
5
5. Kilos na may indikasyong ginusto at sinadya. Ang pananagutan ay nararapat na
may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos.
A. Kilos ng Tao C. Bigat ng kagustuhan o pagkukusa
B. Katanyagan D. Pagkukusang kilos

6. Alin ang higit na tumutukoy sa tungkulin o obligasyong kinakailangang gawin ng


isang tao sa kaniyang kapuwa kung nakagawa ng mali.
A. Pananagutan C. Pagtitiis
B. Pananampalataya D. Pagsisikap

7. Ito ay may kakayahang umunawa, umalam, magsuri, tumuklas, at magbigay-


kahulugan sa mga kaalaman.
A. Kamay B. Isip C. Mata D. Puso

8. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa makataong kilos?


A. Pagkurap ng mata
B. Pagtawa sa nakakatawang panoorin.
C. Pagasasalita habang tulog.
D. Pagtanggi sa alok ng barkada na maglakwatsa dahil hindi pa tapos ang
sinasagutang modyul.

9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kilos ng tao?


A. Pagbibigay ayuda sa kapitbahay sa panahon ng pandemya ng may pagnanais
na makatulong sa kanilang pangangailangan.
B. Pagkaramdam ng gutom.
C. Pagtulong sa magulang sa mga gawaing bahay na hindi inuutusan.
D. Paghingi ng saklolo sa matandang inatake sa puso ng bukal sa kalooban.

10. Ang pagsauli ng sobrang sukli sa tindera sa palengke ng bukal sa kalooban ay


nagpapakita ng:
A. Makataong kilos C. Pagtitiis
B. Kilos ng tao D. Mapagbigay

6
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
1. KNT 2. KNT 3. MK 4. MK 5.MK

Gawain 2
1. ✓ 2. ✓ 3. X 4. X 5. X

Ating Pagyamanin

Gawain 1

Gawain 2
1. D 2. A 3. B 4. E 5. C

Ang Aking Natutuhan


1. C 2. D 3. B 4. A 5. F

Ating Tayahin
1. B 2. B 3. A 4. C 5. D
6. B 7. B 8. D 9. B 10. A

Sanggunian
Aklat

Brizuela, Mary Jean B., Patricia S. Arnedo, Geoffrey A Guevarra, at Earl P. Valdez
Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Pasig City: Department of Education. 2015.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like