You are on page 1of 5

SELF LEARNING MATERIAL 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO UNANG


MARKAHAN
Grade 10

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


2.1 Naipaliliwanag ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan. (EsP10MP-Ic-2.1)

Pagganyak (Motivation)
Alam mo ba ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan?

Pangunahing Konsepto (Basic Concept)

Ang salitang kalayaan ay nagmula sa salitang ugat na laya na ang ibig sabihin ay ang pagiging libre.

Kalayaan - katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang
hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.

Kalayaan - karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang
karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais, sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang
na sisirain sa paggawa niya nito.

Tunay na Kalayaan - ay isang determinasyong gumawa ng mabuti na may kaakibat na responsibilidad

Pananagutan na nakaaapekto sa ideya ng kalayaan.:


1. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” Ito ay kilos na nagmula sa akin.
2. Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o
abilidad na magbigay paliwanag (give account).

Pagmomodelo:
Gawain: Basahin ang bawat aytem, pag-aralan at ipaliwanag ang pagkakaintindi sa tunay na kahulugan
ng Kalayaan.
Sitwasyon 1: Pangarap ni Jess ang pagiging isang doktor kaya sa kanyang propesyon naglilingkod siya ng
mabuti lalong-lalo na sa mga mahihirap na pasyente.
Pagpapaliwanag: Isa ito na nagpapakita ng totoong paggamit ng kalayaan. Dahil nga nilikha ang tao na
mabuti kaya dito natin makukuha ang tamang gabay na magtuturo sa atin ng tamang kahulugan ng kalayaan
na may kasamang responsibildad.
Sitwasyon 2: Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong sa kaniya upang makatawid.
Pagpapaliwanag: Maaari ko siyang tulungang tumawid o kaya’y huwag pansinin. Ang nasa kalooban kong
pagpapakatao ang nagpapakilos sa akin upang tumugon sa tawag na magmahal ng kapuwa. Sa pagtugon ko
ng “oo” rito, inakay ko at tinutulungang tumawid ang matanda sa kalsada. Sa pagtulong sa kaniya, ipinakikita
ko ang aking pananagutan sa kaniya, lumalaya at naliligtas ako mula sa aking makasariling mga interes,
pagmamataas, katamaran at iba pang hindi kaaya-ayang ugali.
Sitwasyon 3: Napabilang ka sa isang politiko at mayayamang pamilya. Taglay sa iyong dugo ang pagiging
maawain at mabuting tao. Nakita ng inyong mga mata ang di-mabuting ginawa ng iyong ama gaya ng
pagpirma ng pekeng dukumento para sa proyekto ng gobyerno para sa kanyang personal na interes. Malaya
mo bang piliin ang dapat at naaangkop na kilos?
Pagpapaliwanag: Masakit man isipin na ang ating pinakamamahal na haligi ng tahanan ay mayroong di-
mabuting ginawa. Pero bilang isang anak na nagmamahal sa ama at bilang isang mabuting tao sa lipunan,
malaya akong gawin ang tama dahil alam ko na ang paggawa ng tama ay siyang makapagbibigay sa akin ng
tahimik na pag-iisip at mahimbing na tulog sa gabi. Kaya pilin ko ang kalayan na bukas sa aking isip at puso.
Dahil naniniwala akong ito ang makapagbibigay sa akin ng tunay at totoong kalayaan.
ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 5
UNANG MARKAHAN
EPISODE 5 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 10

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


2.1 Naipaliliwanag ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan (EsP10MP-Ic-2.1)
Gawain 1: Ipaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan nang tig-iisang salita lamang.

KALAYAAN

Gawain 2: Panuto: Ipaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan.


Basahin at unawain ng mabuti ang sitwasyon.

1. Isang babae na gustong bumili ng sapatos sa mall dahil imbitado siya sa isang Wedding Ceremony ngunit
ang sapatos ay nagkakahalaga ng isang libong piso at limang daang piso lamang ang kanyang pera.
SELF LEARNING MATERIAL 6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO UNANG
MARKAHAN
Grade 10

Pangalan: Kuha:
Baitang at Pangkat: Petsa:

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


2.2 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsiyensiya
(EsP10MP-Ic-2.2)

Pagganyak (Motivation)
Alam mo ba ang ibig sabihin ng Konsiyensiya ? Sa kasalukuyan, paano mo masasabing ang iyong kilos
ay tama o mali? Nagagawa mo bang makita ang iyong sarili na nasa mabuti o nasa masama? Ano ang
sanggunian mo bago ka umaksiyon sa isang bagay?

Pangunahing Konsepto (Basic Concept)

Konsiyensiya – ay isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa
masamang dapat iwasan pinaka angat na nilikha sa lahat ng nilikha ang tao dahil siya ay biniyayaan ng isip
(Intellect) na may kakayahang magnilay o magmuni-muni at maunawaan ang mga kaganapan. Bukod dito,
ang isip ay may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Maaaring magkamali ang paghuhusga ng
konsensiya kung tama o mali ang isang kilos. Ito ay nakadepende sa kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan.
May mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao. Ang kamangmangan
ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay.

Uri ng Kamangmangan:
1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance). Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong
pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling
kapabayaan ng tao.
2.Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance). Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang
pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng kamangmangan na
bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya.

Mga yugto ng proseso sa pagkilos ng konsensiya na nakakatulong sa ating pagpapasiya:

Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at
totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo.
Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang gawaing
kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng
pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang ating nalalaman sa
mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon.

Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Ito ay oras ng paghatol ng konsensiya.

Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay. Ang negatibong resulta ng maling paghatol ng
konsensiya ay indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuto rin mula sa maling paghatol.

Pagmomodelo:
Gawain: Basahin ang bawat aytem, pag-aralan at suriin ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw
batay sa paghusga ng konsiyensiya.

Sitwasyon #1: Nakita mong dumadaing sa sobrang sakit ng tiyan ang iyong nakababatang kapatid. Nais mo
siyang bigyan ng gamot pero hindi mo tiyak kung alin sa mga gamot sa lalagyan ang para sa sakit ng tiyan.
Ano ang gagawin mo?
Sagot/Pagsusuri: Maliwanag na hindi mo dapat bigyan ng gamot ang iyong kapatid dahil hindi ka tiyak sa
kung ano ang ipaiinom sa kaniya. Sa sitwasyong ito, mahalagang itama ang kamangmangan mo sa
pamamagitan ng pag-alam sa gamot para sa sakit ng tiyan. Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong
alamin kung ano ang tama at mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng
tao ang katotohanan at kabutihan”

Sitwasyon #2: Nagbigay ka ng pera sa isang batang namamalimos sa kalye dahil sa labis na awa. Magaan sa
loob mo na ikaw ay nakakatulong sa iyong kapwa. Pero nalaman mo na ipinambibili pala ng bata ang perang
ibinibigay sa kanya ng rugby

Sagot/Pagsusuri: Sa sitwasyong ito, hindi maituturing na masama ang iyong kilos dahil wala ka namang
kaalaman dito noong nagbigay ka ng pera. Mag-iiba ang sitwasyon kung ipagpapatuloy mo ang pagbibigay
ng pera sa kabila ng kaalaman mo. Hindi nawalan ng karangalan ang konsensiya dahil sa pagkakataong
ginawa ang pagpili, pinaniniwalaan mong tama at mabuti ang iyong ginawa.
Ang mahalaga ay magkaroon ka ng pananagutan upang ituwid ang iyong pagkakamali
matapos mong malaman ang katotohanan.

ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 6


UNANG MARKAHAN
EPISODE 6 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 10

Pangalan: Kuha:
Baitang at Pangkat: Petsa:

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


2.2 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsiyensiya
(EsP10MP-Ic-2.2)

Gawain 1: Suriin ang mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng


konsiyensiya ayon sa sitwasyon.

Konsensiya ko, Susundin Ko!


Nagtanong ang aking mga magulang tungkol sa dahilan ng pag-uwi ko ng gabi mula sa paaralan. Sinabi kong
naghanda kami ng aking mga kaklase para sa isang pagtatanghal sa susunod na araw. Lingid sa kanilang
kaalaman, naglaro ako ng computer games at sumama sa lakad ng aking mga kaibigan.

Sagot:

Gawain 2: Basahin ang sitwasyon at suriin ang mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa
paghusga ng konsiyensiya ayon sa sitwasyon.
May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may
dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng
kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng
ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang
magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?

Sagot:

You might also like