You are on page 1of 4

SELF-LEARNING MATERIAL 9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 10

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:

3.1 Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan (EsP10MP-Id-3.1)

Pangganyak (Motivation)

“Higit na Malaya ang tao kapag ginawa niya ang mabuti. Walang tunay na
kalayaan kundi sa pagmamahal at pagliligkod.”

Pangunahing Konsepto (Basic Concept)

Ang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng tao. Ayon ky Santo Tomas de Aquino,” ito ang
katangian ng kilos - loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyangmaaaring hantungan at itakda
ang paraan upang makamit ito.”Kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong
tawag ngpangangailangan ng sitwasyon.Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya makita ang lampas sa
kanyang sarili;kapag wala siyang pakialam sa nakapalibot sa kaniya; kapag wala siyang kakayahang
magmalasakit nang tunay; at kapag siya ay nakakulong sa pansariling lamang niyang interes. Kung ang
pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay sa akin ng kakayahang ipaliwanag ang aking kilos, gayundin
ang pagkakaroon ng malayang kilos - loob, hindi masisigurong ako ay totoong malaya. Higit na nagiging
malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at
paglilingkod.nagtutulak na gumawa ang isang tao ng tunay at totoo na nakabase sa kabutihang panlahat at
hindi ang kabutihang pansarili lamang.

Pagmomodelo:

Gawain 1:

Panuto: Buuin ang pinasimulang pahayag sa ibaba tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan.

Halimbawa:

1. Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at


paglilingkod.
2. Ito ay ang pagmamahal sa kapwa, paglilingkod sa pamilya at pagtulong sa mga
nangangailangan.

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na nagsasaad ng tunay na
kahulugan ng kalayaan, at ekis (X) naman kung sumasalungat ito. Isulat ang sagot sa inilaang patlang
bawat bilang.

_X 1. Panggagaya at pangongopya sa gawa ng klase upang tumaas ang marka.


_/__ 2. Lagi kong iniisip na ang tunay na paggamit ng kalayaan ay lagging may kaakibat na
pananagutan.
_/____3. Kapag may mga hamon o problemang dumating, kailangan itong pag-isipan nang mabuti at
hanapin ang pinakaangkop at pinakatamang solusyon para dito.

Mga Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Learners’ Material, DepEd


ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 9 UNANG
MARKAHAN
EPISODE 9 EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Grade 10

Pangalan: Taon Kuha:


at Pangkat: Petsa:

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


3.1 Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan (EsP10MP-Id-3.1)

Gawain 1:
Panuto: Buuin ang pinasimulang pahayag sa ibaba tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan

1. Ang tunay na kalayaan ay

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na nagsasaad ng tunay na
kahulugan ng kalayaan, at ekis (X) naman kung sumasalungat ito. Isulat ang sagot sa inilaang patlang
bawat bilang.

_____1. Malaya kang nakakalabas sa bahay sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap ngayon.

_____2. Magagamit mo ang social media sa panahon na ikaw ay may gustong matutunan at hanapin.
Napapanatili ang privacy at legal na paggamit nito.

_____3. Ang buhay ay sadyang napakahirap intindihin. Kung kaya, anuman ang nais mong mangyayari
sa iyong kinabukasan ay malaya kang pumili sa wasto at nararapat na gawain o kilos.

_4. May kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos ayon
sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon.

_5. Ang isang matanda na nakatayo sa kanto ay pwede kong hindi papansinin at tutulungan sa
pagtawid sa kalsada dahil Malaya akong pumili kung tutulong ako o hindi.
SELF-LEARNING MATERIAL 10 EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO UNANG MARKAHAN
EPISODE 10
Grade 10

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:

3.2 Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan
(EsP10MP-Id-3.2)

Pangganyak (Motivation)

“Narinig mo na ba ang katagang ito? O di kaya’y nasambit mo na rin ang mga ito? Tama nga kaya ang
mga katwiran na binanggit- sira na ang araw ko dahil sa ginawa ng kaibigan at nakababagot ang klase, wala
akong natutuhan sa leksiyon dahil sa guro? Nangangahulugan ba ito na ang nangyayari sa isang tao ay
kagagawan ng kanyang kapuwa? Para bang ibinibigay mo ang remote control ng iyong buhay sa ibang tao at
sinabing; “heto, palitan moa king damdamin at kilos kung kalian mo gusto” (John by the way sa kanyang
aklat na “What I Wish I’d known in High School)

Pangunahing Konsepto (Basic Concept)

Noong nasa Baitang 7 kapa, naipaliwanag sa iyo na ang tao ay may taglay na kalayaan mula sa
kanyang kapanganakan. Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santos Tomas de Aquino, ang kalayaan ay
katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang
paraan upang makamit ito. Ibig sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kanyang sarili.”
Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaring magtakda nito para sa kanya. Nangangahulugan
lamang na ang remote control ng kanyang buhay ay hawak ng sarili niyang mga kamay, siya ang pumili ng
estasyon ng kanyang mga gawain na kaniyang nais gawin, sapakat ang kapangyarihan ng kilos-loob ay
maaaring ibigay sa iba. Kaya nga, kung sakaling nagalit ka o ‘di kaya’y nasira ang araw mo, iyon ay dahil sa
pinili mong magpaapekto at masira ang araw mo. Gayundin kung wala kang natututunan sa iyong leksiyon,
may paraan na pwede mong gawin upang maunawaan mo ang iyong aralin. Ito ay dahil may kakayahan ang
taong isipin na kung ano ang nararanasan niya sapagkat mayroon siyang kamalayan.
Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa
nararanasan. Maaari mong piliing magalit at masira ang iyong araw dahil sa kilos ng isang kaibigan, o kaya’y
unawain ang kanyang kalagayan, patawarin siya, at manatiling maayos ang iyong ugnayan. Maaari mong
piliin ang mabagot at walang matutuhan sa leksiyon o kaya’y humingi ng tulong sa guro sa bagay na hindi
naunawaan, at magkaroon ng pokus upang maunawaan nito. May kakayahan ang taong magtimpi at may
dahilan siya upang unawain ito.
Pagmomodelo:

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan na makikita sa bawat
pahayag sa ibaba. Lagyan ito ng tsek (/) kung tama ang pasya o kilos at ekis (X) naman kung hindi.

/_ 1.Magbayad ng buwis sa takdang panahon.


X_2.Pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan dahil sa maagang pagbubuntis.
/ 3.Pagtulong at pagbigay sa nangangailangan ng walang inaasahang kapalit.

Gawain 2:
Panuto: Batay sa natalakay na aralin, magbigay ng sariling pasya o pagkilos sa mga sumusunod na pahayag sa
ibaba.
Sitwasyon:
1. Pagsali sa mga gawaing pangkabuhayan, proyekto ng pamahalaan at kawanggawa katulad ng
pagbigay tulong sa kapwa dulot sa mga pangyayaring naranasan ng ating bansa sa kasalukuyang
panahon.

Posibleng Sagot: Para po sa akin, bilang isang mamayan ng bansa natin, pipiliin ko ang magbigay o
sumali sa mga programang may kaugnayan sa pagtulong ng kapwa Pilipino dahil ito ay isang uri ng
responsibilidad na dapat kung gawin kahit sa simpleng pamamaraan lamang.

2. Pagsasawalang-kibo sa mga payo ng magulang at pagbibigay halaga lamang sa sariling gusto at


interes upang lumigaya.
Posibleng Sagot: Ang ganitong katangian ay hindi nararapat sundin o tularan sapagkat napakahalaga sa
akin ang makinig sa mga payo o desisyon mula sa mga magulang o pamilya. Ang pagsunod sa sariling
kagustuhan o desisyon para lumigaya ay panandalian lamang. Ngunit ang pagbibigay ng maayos na
direksiyon mula sa ating mga magulang ay panghabambuhay na kasiyahan.

ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 10 UNANG


MARKAHAN
EPISODE 10 EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Grade 10

Pangalan: Taon Kuha:


at Pangkat: Petsa:

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:

3.2 Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan (EsP10MP-Id-3.2)
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan na makikita sa bawat
pahayag sa ibaba. Lagyan ito ng tsek (/) kung tama ang pasya o kilos at ekis (X) naman kung hindi.

1. Pagtulong sa ama na nag tatrabaho sa bukid kahit na niyaya ng kaibigan na maglaro ng Basketbol
sa kabilang barangay.
2. Pagtugon sa panawagan nang pamahalaan sa ipinatupad na mga protocols dulot ng Covid 19.
3.Pakikialam sa anumang gawain ng kapitbahay kahit na ito ay personal lamang.
4. Paggawa ng simpleng pagtulong sa barangay tulad ng paglilinis at wastong pagtatapon ng basura
upang maiwasan ang mga sakit at magkaroon ng ligtas na pamayanan at kasulugan.
5. Pagtimpi o pagtatanim ng galit sa kaklase dahil sa isang gawain o proyekto na hindi ka naisali sa
grupo.

Gawain 2:
Panuto: Batay sa natalakay na aralin, magbigay ng sariling pasya o pagkilos sa mga sumusunod na pahayag
sa ibaba.

1. Niyaya ka nang iyong kaklase na maglalaro lamang ng computer game buong maghapon dahil
nakakabagot ang pagpasok sa klase at pakikinig sa guro. Sagot:
_
_
_

2. Pagbabantay sa mga nakakabatang kapatid buong araw dahil nagtatrabaho ang iyong mga
magulang.
Sagot:
_
_
_

You might also like