You are on page 1of 13

7

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 2- Modyul 10:
Kalayaan
KARAPATANG SIPI ©2020

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7


Kwarter 2 – Modyul 10: Kalayaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Walang aangkin ng


anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng
may-akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at
makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na
kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-
akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ann P. Espallardo – Jose Panganiban National High School


Editor: Veronica O. Bolaňos – Basud National High School
Flordeliza B. Siguenza – Camarines Norte National High School
Tagasuri ng Nilalaman:
Sheila C. Bulawan – EPS II , Regional Office V
Dario I. Cabanela – EPS II, Division of Camarines Norte
Amy V. Dumail – EPS I, Division of Camarines Norte
Nagdisenyo ng Pahina: Veronica O. Bolaňos
Panimula

Ayon kay Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Sa nakikita mo
sa iyong paligid, maniniwala ka pa kaya sa mga katagang iyon? Napakahalaga ng
papel na ginagampanan mo sa lipunan bilang isang kabataan kaya mahalaga na mas
maunawaan mo kung para saan ang kalayaan na ipinagkaloob ng Diyos.

Maraming teen-ager na katulad mo ang nagnanais na maging malaya at


magawa ang lahat ng bagay na ibig. Marahil, isa ka rin sa nagnanais nito, tama ba
ako? Ano nga ba ang maging malaya? Basta ba nagagawa mo ang iyong naisin ay
malaya ka na? Ano ang tunay na kahulugan ng pagiging malaya?

Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin
o paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan
Kasanayan sa pagkatuto:
Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan (EsP7PS-
IIe-7.2)

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap.


Isulat ang titik ng tamang sagot na iyong kwaderno.

1
1. Kung ikaw ay nakakita ng isang ilog na may babalang “Bawal Maligo Dito”,
ikaw ay malaya pa ring magnais o hindi magnais na maligo sa ilog. Hindi ito
maipagkakait, makukuha o maaalis sa iyo. Anong uri ng kalayaan ang
tinutukoy nito?
A. Pangkalahatang Kalayaan
B. Panlabas na Kalayaan
C. Panloob na Kalayaan
D. Pansariling Kalayaan

2. Nag-away kayo ng iyong kaibigan. Dahil sa emosyon, nagpost ka sa iyong


facebook ng masasakit na salita laban sa kanya. Ito ba ay nagpapakita ng
kalayaan?
A. Hindi po, dahil maaaring masira ang dignidad ng aking kaibigan at
maaaring ikapahamak niya rin ito.
B. Opo, kasi inilabas ko lamang ang aking sama ng loob ngunit alam ko
namang magbabati ulit kami.
C. Hindi po, dahil nadala lamang ako ng emosyon.
D. Opo, kasi facebook ko naman iyon.

3. Madalas nating gamitin ang katagang “Nasa demokratikong bansa tayo kaya
gagawin ko lahat ng aking naisin at sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin.”
Ito ba ay pagpapahayag ng kalayaan?
A. Hindi po, dahil ang totoong mapanagutang paggamit ng kalayaan ay
paggawa ng kabutihan at pagiging mapanagutan.
B. Opo, dahil ang tunay na kalayaan ay kung magagawa ko ang anomang
aking naisin at isa pa karapatan ko iyon.
C. Opo, dahil kaya nga ipinaglaban ang demokrasya upang tayo ay maging
malaya.
D. Hindi po, dahil marami ang magagalit sa akin.

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalayaan?


A. Paglalaro ng mobile legends maghapon
B. Pagtulong sa gawaing bahay
C. Pag-inom ng alak
D. Pagsisigarilyo

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kalayaan maliban sa isa:


A. Pag-aaral ng leksyon
B. Masayang pamilya
C. Bayanihan
D. Kahirapan

2
Paglinang sa Kaalaman, Kakayahan, at
Pang-unawa

Gawain: Ano ang kalayaan para sa iyo?

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang
nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan at alin sa mga ito ang walang kalayaan.
Isulat ang titik ng larawan na nagpapakita ng kalayaan sa unang hanay. Isulat din
ang titik ng larawan na nagpapakita ng kawalan ng kalayaan. Sundan ang pormat
kasunod ng mga larawan.

3
Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng
Kalayaan

Pamprosesong mga tanong para sa Gawain:


1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang hanay?
2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang hanay?
3. Ano ang ipinakikita nitong kahulugan ng kalayaan?

4
Pagpapalalim

KABATAAN, TUNAY KA NGA BANG MALAYA?

Sa unang aralin tungkol sa kalayaan, tinalakay ang iba’t ibang indikasyon kung
bakit sinasabing taglay ng tao ang kalayaan. Ipinaliwanag rin kung bakit ang
kalayaan ay hindi lubos o may hangganan. Ngunit, paano mo malalaman kung
ikaw ay nasa loob pa rin ng hangganang iyon? Syempre, kailangan mong suriin
ang bawat kilos mo upang malaman ito.

Ang kalayaan ay handog ng Diyos na tao lamang ang pinagkalooban. Kung


gagamitin ito nang mapanagutan magsisilbi itong puhunan upang mapaunlad ang
ating sarili. Subalit kung aabusuhin ang paggamit nito baka ito pa ang magbigay
daan sa iyong kabiguan at kalungkutan.

Di iilang kabataang katulad mo ang nasadlak sa kaawa-awang kalagayan


sanhi ng maling paggamit ng kalayaan. Ang akala nila ay walang kalakip na
pananagutan ng kalayaan, na sila ay malaya basta nagagawa nila ang lahat ng
kanilang nais. Subalit hindi ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Ayon kay Esteban ang konsepto ng kalayaa’y hindi nangangahulugan na


nagagawa mo ang lahat ng iyong naisin, sa halip, ito ang karapatan mong gawin
ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng
ating kalikasan.

Mayroong dalawang uri ng kalayaan:


1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,
nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob
na Kalayaan ng kilos-loob ang:
a) Kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o
hindi magnais

5
b) Kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan
upang tukuyin kung alin ang nanaisin

Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo


Dito”. Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi
magnais na sundin o kaya balewalain ang babala.
Sakaling nagpasya ang kilos-loob na sundin ang sinasabi
ng babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang nanaising
gawin bilang kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya
marahil ang magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar o
umuwi na lang.
Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao.
Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa kanya.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain
na ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik
ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa
pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong,
mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.

Halimbawa:
1. Politikal - nakapaloob dito ang kalayaang pumili ng sasalihang
samahang politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno
2. Pangakademikong kalayaan - kalayaang pumili ng paaralang
papasukan at kursong kukunin sa kolehiyo.
3. Propesyonal - may kalayaan ang mga propesyonal na
gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sariling
pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga panuntunan.

Ayon pa sa EsP 10-Modyul 4, hindi tunay na Malaya ang tao


kapag hindi niya makita ang lampas sa kanyang sarili; kapag wala siyang
pakialam sa nakapaligid sa kanya; kapag wala siyang kakayahang
magmalasakit nang tunay at kapag siya ay nakakulong sa pansarili
lamang niyang interes.

6
Pagsasapuso

Ang Gawain 1 at Gawain 2 ay sasagutan ng mag-aaral sa kuwaderno.


Maaaring masagutan at maipasa ng mag-aaral ang kanilang mga awtput sa
gawaing ito sa pamamagitan ng pagpili ng paraang angkop sa kasalukuyan
nilang kalagayan ng pag-aaral (modalities). Ang nasabing pamamaraan ay
nasa ibabang bahagi ng gawaing ito.

Gawain 1
Natutunan sa modyul:Sa loob ng isa hanggang tatlong pangungusap ay ibuod
ang tinalakay na aralin.
___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________.

Gawain 2:
Suriin ang iyong sarili. Balikan ang iyong mga naging karanasan o mga
pagpapasyang ginawa o ang iyong mga gawi. Tukuyin kung alin sa mga ito ang
nagpapakita ng kalayaan at alin naman ang hindi nagpapakita ng
kalayaan.sundin ang pormat sa ibaba.
Nagpapakita ng Kawalan ng
Nagpapakita ng Kalayaan
Kalayaan

7
Pagsasabuhay

Gawain
Panuto: Pumili ng isang karanasan, pagpapasya o gawi mo na iyong naitala sa kolum
matapos ang pagsusuri sa sarili. Tukuyin ang naging epekto o patunay na ito ay
nagpapakita o hindi nagpapakita ng kalayaan. Ilahad ang naging realisasyon mo ukol
dito. Gamiting gabay ang graphic organizer sa ibaba.

Epekto o Patunay na
Nagpapakita/Hindi Nagpapakita ng
Kalayaan

Karanasan, Pagpapasya o Gawi


Mo

Realisasyon sa Karanasan,
Pagpapasya o Gawi Mo

Pagtataya

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon, masasabi


mo bang may kalayaan sa mga ito? Sa bawat sitwasyon sa unang hanay,
sabihin kung may kalayaan o wala sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek
(/) kung mayroon o ekis (×) sa ikalawang kolum. Isulat ang iyong patunay sa
iyong sagot, isulat ito sa ikatlong kolum. Gamitin ang rubrik sa ibaba ng tsart
para sa pagmamarka sa bahagi ng Patunay.

8
May Kalayaan(/)
SITWASYON PATUNAY
o Wala (x)
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom ng
alak, pagkalulong sa droga

2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis

3. Pagpapabaya sa pag-
aaral (hindi gumagawa ng
project, o naghahanda ng
takdang-aralin, etc.)
4. Pagrebelde sa magulang

5. Pagsama sa maling
barkada

9
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya
1. C
2. A
3. A
4. B
5. D

Pangwakas na Pagtataya

Paalala: Magkakaroon ng iba-ibang kasagutan ang mga mag-aaral sa ibang gawain


batay sa kanilang naunawaan / natutunan. Susundin ang rubrics sa pagbibigay ng
puntos.
Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi
Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang
(5)
Inaasahan Inaasahan
(4)
(3) (2)

Nilalaman Makabuluhan ang Bawat patunay May Hindi angkop


bawat patunay ay may sapat kakulangan sa ang mga
dahil sa husay ng na detalye detalye binigay na
pagpapaliwanag patunay at
paliwanag

Kawastuhan Naipapakita ang Naipakikita ang Hindi ganap na May


ng sagot mga kasagutan mga kasagutan naipakita ang kakulangan at
batay sa katibayan batay sa mga mga kasagutan walang pokus
at mga katwirang katibayan at batay sa mga ang mga
angkop sa ilang katwirang katibayan at kasagutan
tinalakay angkop sa mga katwirang
tinalakay angkop sa
tinalakay

10
Sanggunian

Babasahin:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Bahagi), Unang


Edisyon, 2012

Open High School Program, EP I Modyul 8

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 15 Kalayaan

Larawan/icon/clipart
Honesto Character, Mascot Design for “Project LOVE (Living oppurtunities for
Values Enhancement) - An Innovation”, SDO Camarines Norte, March, 2020

https://www.clipartkey.com/view/hmomxb_missions-clipart-industry-profile-objetivos-de-
la-publicidad/
https://www.123rf.com/photo_86924040_stock-vector-preparing-for-exam-icon-set.html
https://icons8.com/icons/set/heart
https://nohat.cc/f/bulb-icons-with-human-hand-and-light-beams/comvecteezy662256-
201908030713.html

11

You might also like