You are on page 1of 16

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Ang Kalayaan at ang Pananagutan Ko

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Ang Kalayaan
Modyul 6
at ang Pananagutan Ko

Alamin

Ako, Ikaw, Tayo ay talagang naiiba sa anumang nilalang dito sa mundo


sapagkat tayo ay malaya.
Ngunit tunay nga bang malaya tayo sa
panahon ng CoVid-19 pandemya? Kung higpit
na ipinagbabawal ang paglabas ng mga
kabataang 20 gulang pababa (at mag stay-at-
home) bakit may mga kabataang pagala-gala pa
rin, naglalaro pa sa labas ng bahay ng walang
face mask at walag social/physical distancing?
Isa ka ba sa kanila? Kuha ni VJ Bate III

May mga kabataang naniniwala na ang kalayaan ay isang karapatan na


gawin ang anumang naisin ng tao. Kung ikaw ay malaya, para saan ba ang iyong
kalayaan? Paano ba ginagamit ang kalayaang taglay mo?
Matapos mabasa ang modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama;
ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.
(EsP7PT-IIf-7.3)
2. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang
kanyang paggamit ng kalayaan. (EsP7PT-IIf-7.4)

Sa pagpatuloy ng modyul na ito, pahabain ang iyong pasensya na alamin at


suriin ang iyong binasa. Sundin ang panuto sa mga gawain. Gamitin ang iyong
kalayaan sa matalinong paraan.

1
Subukin

Bago tayo magsimula sa modyul, ating alamin ang iyong kaalaman tungkol sa
kalayaan.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa dyornal notbuk.
1. Ito ang nagbigay direksiyon ng kalayaan.
a. kilos-loob b. isip c. Batas-moral d. emosyon
2. Nakasalalay ang Kalayaan ng tao sa kanyang __________.
a. kilos-loob b. pasiya c. Batas-Moral d. isip at kilos-loob
3.Bakit hindi mababawasan ang panloob na kalayaan ng tao?
a. sapagkat ang tao ay bukod-tangi sa lahat
b. sapagkat lahat ay makakaya nating gawin
c. sapagkat may sariling isip tayo
d. sapagkat nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang Kalayaan
4. Ito ay uri ng kalayaan na isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-loob.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
5. Alin sa sumusunod ay tama sa relasyon ng tao at batas-moral.
a. Ang tao ay may moral na tungkulin na piliin ang naaayon sa moral na batayan
b. Dapat malaya ang tao na magpasya kung moral o hindi moral ang gagawin
c. Hindi obligasayon ng tao ang maging moral
d. Walang kalayaan ang tao kapag sinunod niya ang moralidad.
6. Ang tunay na kalayaan ay
a. paggawa ng mga ambisyon c. paggawa ng mabuti
b. pagpapalaya ng iba d. pagpapasiya ng mga iniisip
7. Anong uri ng kalayaan ang mawawala kapag ikinulong ang isang tao?
a. Panloob na Kalayaan c. Mga nais
b. Likas-loob d. Panlabas na kalayaan
8. Alin sa mga sumusunod ay tama tungkol sa ideyang “may limitasyon ang
kalayaan”?
a. Sapagkat ni walang tao ang nakagawa sa kanyang mga ninais
b. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. Ang tao ay hindi perpekto.

2
d. Dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral
9. Ito ay panloob na kalayaan na may kakayahang magnais o hindi magnais.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
10. Bakit kailangang hayaan ng magulang na pumili ang kanyang anak na
magpasya para sa sarili?
a. Dahil sa pagkakamali, sila’y natututo ng mga mahahalagang aral
b. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. Dahil dapat magamit ang isip ng anak
d. Dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral
11. Ang tao ay may kakayahang sumuri at pumili ng nararapat dahil sa kanyang
a. mga nais c. pinag-aralan
b. kultura d. kamalayan
12. Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang
a. gawin ang mga ninais c. maging matagumpay
b. maging maligaya d. magsuri at pumili ng
13. Ang lahat ng desisyon at pagpapasiya ng isang tao ay may kakambal na
a. tagumpay c. kasalanan
b. kaligayahan d. pananagutan
14. Bakit binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaan?
a. upang malaya tayong mahubog ang ating pagkatao
b. dahil tayo ay may konsensiya
c. dahil tayo ay nauugnay sa Diyos
d. dahil tayo ay may isip
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tama? Ang kalayaan ay
a. ginagamit sa lahat ng iyong ninais.
b. ang paggawa ng mabuti para sa sarili at kapwa.
c. para lang sa mga matatandang marunong magpasiya.
d. ginagamit para sa kaligayahan ng sarili.

Balikan

3
Malaya ba ang tao? Gaano ba kalaya ang isang tao? Bakit kaya
pinagkalooban ang tao ng Kalayaan? Ano kaya ang tunay na Kalayaan?
Bago tayo magpatuloy sa ating modyul, ano kaya ang nasa isip mo kapag
nakaririnig ka ng salitang “Kalayaan”.
Kopyahin ang graphic organizer at isulat ang sagot sa dyornal notbuk.

_______________________
___

________________
Kalayaan ________________

________________

Tuklasin
Ang kalayaan ng tao ay ginagamit sa paraang makabubuti sa sarili at sa kapwa.
Ating bigyan pansin ang mga taong gumagamit ng kanilang kalayaan sa iba’t-ibang
paraan.
Gawain 1: Kilalanin Mo Sila
Magsaliksik at magbigay ng tatlong (3) pangalan ng tao na mula sa iyong
pamilya. Kilalanin sila sa pamamagitan ng interview kung ano ang kanilang
karaniwang katangian sa pagiging isang malaya. Gawing gabay ang halimbawa.
Isulat ang sagot sa iyong dyornal notbuk.

Pangalan Paraang ginagamit ang kanyang kalayaan

Halimbawa: Ginagamit niya ang kanyang Kalayaan sa pagsagot ng


mabuti at pagiging masunurin sa kanyang mga magulang at
Lunel Samrano mga nakatatanda sa kanya.

1.

4
2. Suriin

3.

Ikaw ay kabataang may taglay na kalayaan. Malaya tulad ng mga isda sa


dalampasigan at ibon sa himpapawid. Ngunit ano nga ba ang batayan sa iyong
pagiging malaya?
Gawain 2: Ako’y Malayang Pilipino
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Limitahan ang iyong sagot sa dalawa (2) hanggang
limang (5) pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa
iyong dyornal notbuk.
1. Sino sa mga malayang tao na naisulat ang
iyong hinahangaan? Bakit?
2. Sa iyong opinyon, ano ba ang tunay na kalayaan? Paano mo ba
magagamit ang tunay na kalayaan bilang isang Pilipino sa isip, salita at sa
gawa?
Ang kalayaan ay isang tunay at mahalagang pag-aari ng isang tao. Ito ay
nangunguhulugan na likas sa tao ang kanyang pagkamalaya at likas sa kanya ang
hanapin ang kanyang kalayaan. Isang mahalagang palatandaan ng kalayaan ng tao
ay ang kanyang kakayahang piliin at ganapin ang kanyang ninanais.
Kahit na may mga kabataaang nag-aakala na ang kalayaan ay kapangyarihan
na gawin ang anomang naisin, ang kalayaan ay may limitasyon. Ang tao ay tunay na
malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang
kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Ang ibig sabihin
nito, tayo ay malaya na gamitin ang ating kilos-loob upang gawin ang ating nanaisin.
Ang tao ay nakatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang
anomang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya.
Maari siyang maakit o magganyak pero hindi maaaring puwersahin o pilitin. Hindi
kabilang sa kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang piniling
kilos. Halimbawa: Bilang isang mag-aaral, ikaw ay malayang mag-aral ng mabuti,

5
magbarkada, mambu-bully o hindi, sabihin ang katotohanan o magsinungaling.
Subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Ang Likas na Batas-Moral
ang nagbibigay-hugis. Kung gayon ay may alintuntuning kailangang sundin na
nagbibigay-hugis at direksyion sa kalayaan.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may dalawang uri ang Kalayaan at ito ang
Panloob na Kalayaan (internal Freedom) at ang Panlabas na Kalayaan (external
Freedom.)
1. Panloob na Kalayaan – nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang Kalayaan.
Tinutukoy ang Panloob na Kalayaan ng Kilos-loob ang:
a. Kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o
hindi magnais.
b. Kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito ang kalayaan upang
tukuyin kung alin ang
nanaisin.

Halimbawa:
CoViD-19 May mga babala ang ating
gobyerno tungkol sa “Iwas
CoViD19 Pandemic”. Ang iyong
kilos-loob ay malayang magnais o
hindi magnais na sundin ang mga
babala. Bilang isang mamamayan,
susundin mo ba ang mga patnubay
ng ating gobyerno? Malaking
kawalan ba sa iyong kalayaan ang
pagsunod para sa ikabubuti ng
ating bayan?
Walang sinoman ang maaring magtanggal, magkait, at kumuha ng panloob
na kalayaan ng tao.
2. Panlabas na Kalayaan - ito ay kalayaan upang isakatuparan ang gawain na
ninais ng kilos-loob. May mga panlabas na salik na nakaimpluwensiya sa kalayaan.
Sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao, maaaring mabawasan o maalis ang
kalayaan. Mawawala ang panloob na kalayaan kapag ikinulong ang tao.

6
Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay
may kakayahang sumuri at pumili ng nararapat.
Ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal
na pananagutan. Ang tao ay kailangang maging
mapanagutan sa anomang kilos at pagpapasyang
ginawa. Ang tao ay may moral na tungkulin na
piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang
kalayaan ay bigay ng Diyos upang malaya niyang
mahubog ang kanyang pagkatao. Ang kalayaan
ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispiritwal na
aspeto ng ating pagkatao. Ang tunay na kalayaan
Kuha ni VJ Bate III
ay ang paggawa ng mabuti.
Ang kalaayan ay hindi isang lisensya sa pagsalita o paggawa ngunit sa
paggawa kung ano ang karapatdapat at wasto.

Pagyamanin
Malaya man tayong gumawa ng ating mga nais ngunit hindi tayo malaya sa
pagpili sa mga kahihinatnan nito. Ginagamit mo kaya ang iyong kalayaan sa
wastong paraan?
Gawain 3: Bunga ng Kalayaan Ko
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ang maaaring
kahihinatnan ng kilos sa bawat sitwasyon.
- Isulat sa ikalawang kolum ang kahihinatnan ng kilos.
- Limitahan sa dalawa (2) hanggang tatlong (3) sagot bawat sitwasyon.
- Isulat sa iyong dyornal notbuk ang gawaing ito maliban sa halimbawa.

7
Sitwasyon Kahihinatnan
Halimbawa: Halimbawa:
-Mas marami ang akiing mga
Kapag nag-aral ako ng leksiyon araw- natutunan
araw
-Magiging mataas ang mga marka
- kung palagi ko itong ginagawa,
maaaring makapagtapos ako sa
aking pag-aaral

1. Kapag kaagad kong ma-share sa


Facebook ang aking mga nabasang
impormasyon sa social media

2. Kapag makibahagi ako sa batas”


Iwas CoViD19” sa aming komunidad

3. Kapag pinagbigyan ko ang alok ng


kaibigan na uminom ng kaunting alak

4. Kapag nakikiisa ako sa mga


gawaing bahay

5. Kapag mambu-bully ako sa aking


mga kaklase dahil sa utos ng barkada

8
Isaisip

Bakit kaya binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaan? Bilang mag-


aaral, pinapahalagahan mo kaya ang kalayaan na ipinagkaloob sa iyo?
A. Sa kabuuang natutunan mo sa tunay na kahulugan ng kalayaan, ano kaya ang
simbolo o sagisag ng kalayaan at bakit? Iguhit sa dyornal notbuk. Maaring lagyan
ng kulay.
B. Ibuod ang iyong ideya sa kalayaan sa pamamagitan ng pag-kumpleto sa
talahanayan. Sa iyong dyornal notbuk, isulat ang sagot sa bawat hanay. Limitahan
ang iyong sagot sa dalawa (2) hanggang tatlong (3) pangungusap lamang.
Ako ay Malaya dahil… Bilang isang Malaya, dapat…..

Isagawa

Natutunan mo na malaya kang gumawa sa lahat ng iyong mga nais ngunit


hindi ka malaya sa pagpili ng mga kahihinatnan ng iyong mga kilos. Paano mo kaya
magagamit ang iyong kalayaan sa responsableng pamamaraan? Nakabubuti ba sa
sarili at sa ibang tao ang mga pasiya mo sa buhay?

Gawain 4: Ako at ang Aking Responsableng Kalayaan


Ano ang gagawin mo upang magamit ang kalayan sa pagpapaunlad sa iyong
sarili o buhay?
Panuto: Sa iyong mga nakaraang ginawa at pasya, alin sa mga ito ang nais mong
baguhin at paunlarin? Magtala ng mga kilos na gusto mong baguhin o paunlarin.
Ano ang mga epekto nito sa kapwa at sa iyong pagkatao? Isulat ito sa dyornal
notbuk.
Kilos na gusto kong Epekto sa kapwa at Mga gagawin kong Maaring epekto sa aking
baguhin sa sarili sa aking pagkatao pagbabago pagkatao o sa kapwa ko

1.

2.

9
Tayahin

Ngayong tapos ka na sa modyul, ating tayahin ang inyong mga natutunan.


Panuto: Saguting mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa dyornal notbuk.

1. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa kalayaan?


a. Hindi tayo malaya. c. Ang kalayaan ay para lang sa mga matatanda.
b. May limitasyon ang kalayaan d. Ang kalayaan ay kilos. 2. Ilan ang uri ng
kalayaan ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat
3. Ito ay uri ng kalayaan na nakasalalay sa kilos-loob ng tao.
a. Panlabas na Kalayaan
b. Kalayaang gumusto
c. Panloob na kalayaan
d. Kalayaang tumutukoy
4. Ito ay panloob na kalayaan na tumutukoy kung alin ang nanaisin.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
5. Ito ay panloob na Kalayaan na magnais o hindi magnais.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
6. Ito ay uri ng kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
7. Ito ay ang kakambal sa kalayaan ng tao.
a. Solusyon c. Kilos-loob
b. Katwiran d. Pananagutan
8. Ang tunay na kalayaan ay
a. Paggawa ng mga ninais c. Pagpasya ng mga gawain
b. Pagpapalaya ng iba d. Paggawa ng mabuti
9. Ito ay nagbibigay hugis sa kalayaan
a. Batas-moral c. Likas-loob
b. Desisyon d. Pananagutan
10. Ang nagbigay ng kalayaan ay anga. Likas-loob c. Diyos

10
b. Magulang d. isip
11. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang
a. likas-loob c. mga nais
b. panloob na kalayaan d. panlabas na kalayaan
12. Bakit may limitasyon ang kalayaan?
a. sapagkat ni walang tao ang nakagawa sa kanyang mga ninais
b. dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. dahil lahat ng bigay ng Diyos ay may limitasyon
d. dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral
13. Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang a. Gawin ang mga
ninais c. Maging matagumpay
b. Maging maligaya d. Magsuri at pumili ng nararapat
14. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng responsableng kalayaan?
a. Nagrebelde sa mga magulang kasi hindi nakuha ang kagustuhan.
b. Naglilinis ng bahay kahit hindi inutusan.
c. Inubos ang pagkain sa mesa kahit may hindi pa nakakain sa pamilya.
d. Palaging naglalaro ng online game.
15. Hindi perpekto ang tao subalit, dahil sa kalayaan maaaring
a. palagi siyang magkakamali.
b. baguhin at paunlarin ang kanyang pagpapasiya.
c. kunti nalang ang kanyang mga nanaisin.
d. pumili ng ibang kilos.

Karagdagang Gawain

Iyong natutunan na ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Sa bawat


pasiya na iyong gagawin, dapat mong makita ang mga kahihinatnan nito.

Magninilay-nilay sa problema o suliranin na iyong kinakaharap ngayon.


Gumawa ng graphic organizer na magbabanghay sa maaaring pagpilian at ang
katumbas nitong mga kahihinatnan.
Talakayin at gawin ito kasama ang isa sa iyong kapamilya at sang-ayunan
ang pinakawastong kagustuhan sa paglutas sa iyong problema o suliranin.

11
Isulat sa dyornal notbuk ang gawaing ito.

•Mga kahihinatnan
Pagpilian •1.
1 •2.
Problema at
suliranin sa
buhay
Halimbawa:
Online game addiction •Mga kahihinatnan
Pagpilian •1.
2 •2.

•Mga kahihinatnan
Pagpilian •1.
•2.

12
Susi sa Pagwawasto

13
14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000 15
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like