You are on page 1of 2

A. Suriin ang mga sumusunod na kilos.

Lagyan ng tsek (√ ) kung ito’y nagpapakita ng kalayaan at ekis (×) kung may kawalan ng
kalayaan. Isulat ang sagot sa dyornal notbuk.
1. Sumali sa patimpalak ng awit si Rosel upang maipakita niya ang kanyang talento.
2. Papasok na sana si Mario sa silid-aralan nang sabihin ng kanyang kaibigan na maglaro ng online games sa
computer shop at ililibre siya nito. Naisip ni Mario na pagkakataon na niya iyon para makapaglaro nang libre.
3. Nakapulot ng pitaka si Eron sa daan na may lamang pera at ID. Natutuwa siya dahil makabibili na siya ng bagong
cellphone. Subalit nakita sa ID ang numero ng telepono ng may-ari. Sa halip na itago niya ang pera, tinawagan niya
ang may-ari.
4. Nakita ni Maricel na kinuha ng kanyang matalik na kaibigan ang pera sa bag ng kanyang guro. Subalit hindi niya ito
maipagtatapat sa kanyang guro, baka ibabagsak ang kanyang kaibigan at hihinto ito sa pag-aaral. Kaya minabuti
niyang manahimik na lamang.
5. Pinakopya ni Lito ang kanyang kaklase dahil naawa siya na walang sagot sa kanilang pasulit dahil laging
nakababad sa computer shop.
B.Piliin ang titik na may tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa dyornal notbuk.
6. Ayon kay Esther Esteban (1990) ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya.
b. Nakatakda ang kalayaan sa batas-moral.
c. Ang kalayaan ay nakabatay sa pagsunod ng batas-moral.
d. Ang kalayaan ay nasa batas-moral.
7. Ano ang kakambal ng kalayaan?
pagnanais b. pananagutan c. pasusumikap d. paghahangad
8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya makainom ng alak.
b. Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masabi ang kanyang mga hinanakit.
c. Hindi mapakali sa kanyang upuan si Matilde dahil nakokonsensya siya sa kanyang ginawa.
d. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.
9. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang
a. konsensya c. kilos-loob
b. dignidad d. moralidad
10. Paano malalaman kung napanagutan ang paggamit ng kalayaan?
a. Nagagawa ang gusto at nais mo.
b. Natutugunan ang iyong pangangailangan.
c. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya.
d. Nagagawa mong salungatin ang batas-moral.
11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa batas-moral?
a. pakikihalubilo sa iba
b. pakikipagrelasyon sa may asawa
c. pakikipagkaibigan sa kapwa
d. pakikipag-usap sa mga kakilala
12. Ano ang mensahe ng tekstong nasa loob ng kahon?
Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang magmalasakit sa iba at nakakulong lamang siya sa pansariling
interes.
a. Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.
b. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
c. Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa iba.
d. Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng mabuti para sa sarili at sa kapwa.

13. Ano ang ugaling ipinakita ng tao sa pahayag na “Nakakulong ka sa pansarili mong interes"?
a. mahabagin c. matapang
b. magiliw d. makasarili
14. Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?
a. isip c. batas-moral
b. puso d. dignidad
15. Ano ang kasalungat ng kalayaan?
a. pagtakas c. pagkakulong
b. pag-aalpas d. pagkawala
16. Ito ang nagbigay direksiyon ng kalayaan.
a.kilos-loob b. isip c. Batas-moral d. emosyon
17. Nakasalalay ang Kalayaan ng tao sa kanyang
a. kilos-loob. b. pasiya c. Batas-Moral d. isip at kilos-loob
18. Bakit hindi mababawasan ang panloob na kalayaan ng tao?
a. sapagkat ang tao ay bukod-tangi sa lahat
b. sapagkat lahat ay makakaya nating gawin
c. sapagkat may sariling isip tayo
d. sapagkat nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang Kalayaan
19. Ito ay uri ng kalayaan na isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-loob.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
20. Alin sa sumusunod ay tama sa relasyon ng tao at batas-moral.
a. Ang tao ay may moral na tungkulin na piliin ang naaayon sa moral na batayan
b. Dapat malaya ang tao na magpasya kung moral o hindi moral ang gagawin
c. Hindi obligasayon ng tao ang maging moral
d. Walang kalayaan ang tao kapag sinunod niya ang moralidad.
21. Ang tunay na kalayaan ay
a. paggawa ng mga ambisyon c. paggawa ng mabuti
b. pagpapalaya ng iba d. pagpapasiya ng mga iniisip
22. Anong uri ng kalayaan ang mawawala kapag ikinulong ang isang tao?
a. Panloob na Kalayaan c. Mga nais
b. Likas-loob d. Panlabas na kalayaan
23. Alin sa mga sumusunod ay tama tungkol sa ideyang “may limitasyon ang kalayaan”?
a. Sapagkat ni walang tao ang nakagawa sa kanyang mga ninais
b. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. Ang tao ay hindi perpekto.
d. Dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral
24. Ito ay panloob na kalayaan na may kakayahang magnais o hindi magnais.
a. Panlabas na Kalayaan b. Kalayaang gumusto c. Panloob na Kalayaan d. Kalayaang tumutukoy
25. Bakit kailangang hayaan ng magulang na pumili ang kanyang anak na magpasya para sa sarili?
a. Dahil sa pagkakamali, sila’y natututo ng mga mahahalagang aral
b. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. Dahil dapat magamit ang isip ng anak
d. Dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral
26. Ang tao ay may kakayahang sumuri at pumili ng nararapat dahil sa kanyang
a. mga nais b. kultura c. pinag-aralan d. kamalayan
27. Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang
a. gawin ang mga ninais c. maging matagumpay
b. maging maligaya d. magsuri at pumili ng
28. Ang lahat ng desisyon at pagpapasiya ng isang tao ay may kakambal na
a. tagumpay c. kasalanan
b. kaligayahan d. pananagutan
29. Bakit binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaan?
a. upang malaya tayong mahubog ang ating pagkatao
b. dahil tayo ay may konsensiya
c. dahil tayo ay nauugnay sa Diyos
d. dahil tayo ay may isip
30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tama? Ang kalayaan ay
a. ginagamit sa lahat ng iyong ninais.
b. ang paggawa ng mabuti para sa sarili at kapwa.
c. para lang sa mga matatandang marunong magpasiya.
d. ginagamit para sa kaligayahan ng sarili.

You might also like