You are on page 1of 7

GRADE 7 Marcelo I.

Cabrera Vocational
School Grade Level 7
DAILY LESSON High School
PLAN EDUKASYON SA
Teacher Christian D. Trajico Learning Area
PAGPAPAKATAO
Teaching Dates January 13, 2023
Quarter SECOND
and Time 10:30-11:30
Section Garnet

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin
ang kanyang paggamit ng kalayaan.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat 1. Nahihinuhang likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit
ang code ng bawat kasanayan ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan
2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng
paggamit ng kalayaang pumili sa mabuti o masama.
3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging
maganda ang bunga at napanagutan ang pagpili sa kilos. EsP7PTIIf-7.3
II. Nilalaman Kalayaan
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 58-61
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 75-89
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
4. Karagdagang Kagamitan mula sa ortal Panturong Biswal: LCD projector, laptop
ng Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop https://www.youtube.com/watch?
v=bvPaNSiiGhA
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Pang-araw araw na gawain


1. Pagdarasal Ating iyuko ang ating mga ulo.
Maari bang tumayo ang lahat at sisisimulan natin Sa ngalan ng Ama, anak at
ang umaga sa isang panalangin. Maaari bang Espiritu Santo
pumunta sa unahan ang mamumuno sa Amen___________________.In
pananalangin. Jesus Name we pray, Amen!

Mgandang Umaga po!!

2. Greetings
Mgandang Araw mga bata!
Kamusta ang iyong araw? (students will align their
chairs properly)
3. Classroom Management
Bago tayo magsimula ayusin ang mga upuan at
limutin ang mga kalat. Ang kalihim ng klase ang syang
magsasabi kung sino ang
Pwede ng umupo lumiban sa kanilang klase.

4. Checking of Attendance
Sino ang lumiban sa araw na ito Wala po!

5. Checking of Assignment:
May takdang aralin ba kayo?

(Sasagot and mga bata batay sa


A. Balik-aral sa nakaraang aralin at Ano ang ibig sabihin ng kalayaan? kanilang nalalaman)
pagsisimula ng bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng mga 1. Nahihinuha na likas sa
pagganyak mag-aaral ang mga layunin ng aralin. tao ang malayang pagpili sa
mabuti o sa masama; ngunit ang
kalayaan ay may kakambal na
pananagutan para sa kabutihan
2. Nakapaninindigan sa
sariling posisyon tungkol sa
pananagutan bunga ng paggamit
ng kalayaang pumili sa mabuti o
masama.
3. Nakabubuo ng
sanaysay na nagpapakita ng
malayang pagpapasyang hindi
naging maganda ang bunga at
napanagutan ang pagpili sa kilos

B. Ipagawa ang larong Word Hunt. Hanapin at


tukuyin ang mga salitang may kaugnayan sa
kalayaang nakasulat sa ibaba ng worksheets. Ito

ay maaaring pahalang, pababa, pahilis o


pabaliktad. Bigyan ng premyo ang mga mag-aaral
na naunang makakuha ng tamang kasagutan.
(gawin ito sa loob ng 5 minuto.) (Constructivist
Approach)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ipaskil ang tsart na inihanda ng guro. Pag-aralan


sa bagong aralin ang sumusunod na sitwasyong nakasulat dito.
Tumawag ng piling mag-aaral na magbabahagi.
Isulat ng guro ang kasagutan ng mag-aaral.
Magkaroon ng talakayan sa natapos na gawain.
(gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Integrative Approach)
SITWASYON RESULTA PANANAGUT
AN
1. Pagbibisyo
(pagsugal,
pagsigarilyo,
pag-inom ng
alak,
pagkalulong
sa droga)
2. Maagang
pag-aasawa o
pagbubuntis

3.
Pagpapabaya
sa pag- aaral
(hindi
gumagawa ng
project, o
naghahanda
ng takdang
aralin at iba
pa.)
4. Pagrebelde
sa magulang
5. Pagsama
sa maling
barkada

A. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipabasa


paglalahad ng bagong kasanayan ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat
#1 pangkat at iulat ito sa klase gamit ang graphic
organizer. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative Approach)

Unang Pangkat - Bubble Web

Konsepto ng Kalayaan
May mga kabataang nag-aakalang ang kalayaan
ay kapangyarihan na gawin ang anumang naisin (Sasagutan ng mga mag-aaral
ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang tao ang mga katanungan)
ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang
kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang
B C
mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang
mga ito. Nais ng taong hindi magkasakit, hindi uS oW
tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bp no
bagay ngunit wala siyang kalayaan upang magawa bi ce
r
ang mga ito. Kung ganoon, ano nga ba ang ld pt
tinutukoy na kalayaan ng tao?
d
ee ClM
Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, W us
ang tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o r a
pagpapasya. Binigyang kahulugan ni Santo Tomas em te
p
de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos- ba r
loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa p
kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang
taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili
ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay
nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang
sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao
ang maaaring magtakda nito para sa kanya.
Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit
subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit
ang kalayaang ito ay hindi tumutukoy sa kalayaan
upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang
pagpili. Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang
likhain ang kahihinatnan ng kanyang piniling kilos.
Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing
magbarkada kaysa mag-aral ng leksyon, subalit
hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito.
Hindi
maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa
kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi malaya ang
taong piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang
pinili. Samakatuwid, ang kalayaan ay hindi lubos at
ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay
itinakda ng Likas na Batas Moral. Ipinaliwanag ni
Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan
sa batas na ito katulad ng kaugnayan ng
dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan
ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang
nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas
na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit
ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan
nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning
kailangang sundin na nagbibigay hugis at
direksiyon sa kalayaan.

Ikalawang Pangkat - Concept Cluster

Uri Ng Kalayaan
Mayroong dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa
obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,
nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang
kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng
kilos- loob ang:
a. Kalayaang Gumusto (freedom of
exercise) - ito ang kalayaang magnais o hindi
magnais
b. Kalayaang Tumukoy (freedom of
specification) - ito naman ang kalayaan upang
tukuyin kung alin ang nanaisin
Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo
Rito”. Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o
hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang
babala. Sakaling nagpasya ang kilos-loob na
sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong
tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang
kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil
ang magpiknik na lamang sa dalampasigan,
lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang.
Walang maaaring magtanggal ng panloob na
kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha
o maaalis sa kanya.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan
upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-
loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na
salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o
maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng
puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay
ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na
kalayaan. Halimbawa ng panlabas na kalayaan ay
ang politikal, propesyonal at pang-akademikong
kalayaan. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang
kalayaang pumili ng sasalihang samahang politikal,
bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang pang-
akademikong kalayaan halimbawa ay ang
kalayaang pumili ng paaralang papasukan at
kursong kukunin sa kolehiyo. May kalayaan ang
mga propesyonal na gampanan ang kanilang
tungkulin ayon sa sariling pamamaraan subalit
hindi taliwas sa mga panuntunan.
Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng
kalayaan ay nangangahulugang nagagawa o
nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang
makamit ang pinakamataas at pinakadakilang
layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong
linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.

Ikatlong Pangkat - Word Map


Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa
Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay
masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa
bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao,
mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit
nga ba pinayagan ng Diyos na maging malaya ang
taong tanggapin o suwayin ang Kanyang batas?
Bakit hinahayaan ng isang magulang ang kanyang
anak na sumubok, pumili at magpasya para sa
kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang
Diyos o maging ang magulang ng pagsunod mula
sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit
at pagsunod na may takot. Dahil dito, ang kalayaan
ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan.

Ikaapat na Pangkat - Spider Web

Palatandaan ng Taong Mapanagutan sa Paggamit


ng Kalayaan Ang tao ay kailangang maging
mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang
gagawin. Paano mo malalaman kung naging
mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? Narito
ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang
kabutihang pansarili (personal good) at ang
kabutihang panlahat (common good). Halimbawa,
ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan
ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao.
Ang maging malaya sa kamangmangan,
kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga
ito. Itinatalaga rin ang kalayaan para sa ikabubuti
ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga
proyektong pampamayanan o maging sa
pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
2. Kung handa kang harapin ang anumang
kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat
kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto,
mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na
harapin ang kahihinatnan ng pasya o kilos kundi
ang gamitin ang kalayaan upang itama ang
anumang pagkakamali.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi
sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas
na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y
likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat
gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na
ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa
pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang
panlahat.

Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa


kanyang kilos-loob, ang tao ay may kamalayan,
kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng
nararapat. Siya ay may moral na tungkulin na piliin
ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng
kilos-loob ay bahagi ng ating ispirituwal na aspekto
ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang
malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao.
Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t
inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang
naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay
ang paggawa ng mabuti.
B. Pagtalakay ng bagong konsepto at Magsagawa ng pag-uulat ang bawat
paglalahad ng bagong kasanayan pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong
#2 sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Paano maipamamalas ang tunay na


kalayaan?
2. Bakit kailangang may hangganan ang
kalayaan ng tao?
Paano naging malaya ang taong gumagawa ng
mabuti?

C. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative Magsagawa ng pag-uulat ang bawat
Assessment) pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong
sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Bakit kailangang maging mapanagutan ang
bawat isa sa kanyang kilos o pasya?
Sa paanong paraan magiging tunay na
malaya ang tao?
Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 5
na buhay o higit pang pangungusap na nagpapahayag ng
isang panawagan sa kapwa mag-aaral na
maging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist
Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman 40%
b. Kaugnayan sa Tema . 35%
c. Paggamit ng Salita 25%
Kabuuan 100%
Ano ang dapat nating tandaan sa paggamit ng
D. Paglalahat sa aralin kalayaan? May kalayaang pumili ang tao
dahil sa kanyang kilos-loob. Ang
tao ay may kamalayan kaya siya
ay may kakayahang magsuri at
pumili ng nararapat. Siya ay may
moral na tungkuling piliin ang
ayon sa moral na batayan. Ang
kalayaan ng kilos-loob ay bahagi
ng ispirituwal na aspekto ng
ating pagkatao. Bigay ito ng
Diyos sa tao upang malaya
niyang mahubog ang kanyang
pagkatao. Ang tunay na
kalayaan ay mapanagutan kaya’t
inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa
kabutihan. Ang tunay na
kalayaan ay ang paggawa ng
mabuti.

Isulat sa notbuk at punan ng tamang sagot ang


E. Pagtataya ng aralin sumusunod: (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Contructivist Approach)
Panuto: Piliin ang tamang sa sagot sa Hanay B
para sa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng
iyong napiling sagot.
Hanay A Hanay B
1. KALAYAAN A. Ito ay kalayaang
nakasalalay sa kilos-loob ng tao
2. LIKAS NA BATAS MORAL B. Ito
ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing
ninais ng kilos-loob.
3. PANLABAS NA KALAYAAN C. Ito
ang nagbibigay-hugis sa paggamit ng tunay
na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito
4. PANLOOB NA KALAYAAN D. Ito
ay kapag nagagawa ng isang taong gamitin
ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular
na bagay o kilos.
5.PANANAGUTAN E. Ito ang
kakambal ng kalayaan

G. Karagdagang gawain para sa takdang- Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa
aralin at remediation inyong notbuk at humanda sa pagbabahagi.
1. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan?
Paano mo malalaman kung naging
mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan?

May tanong ba? Wala po Sir.


Okay! Let us call it a day.

Good Bye Class Good bye Sir!


IV. MgaTala

V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang


ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuhong nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by Checked by

CHRISTIAN D. TRAJICO CLARA ALPHA R. MONTESA


Substitute Teacher Head Teacher II
Noted by

WINONA E SANQUE
Principal IV

You might also like