You are on page 1of 7

Pangasinan State Grade Level

School: University & Section: II-B


Teacher: John Kyle O. Subido Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Quarter: Una


Dates
and Checked by: _____________________________
DETAILED Time: Cooperating Teacher
LESSON PLAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at
Pangnilalaman pagkakaroon ng disiplina tungo sa pagkakabuklodbuklod o pagkakaisa ng mga
kasapi ng tahanan at paaralan.
B. Pamantayan sa Naisasagawa nang palagian ang pangangalaga at pag-iingat sa katawan
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Naisakikilos ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at pag-
Pagkatuto (Isulat ang code iingat ng katawan. EsP2PKP-Id – 11
sa bawat kasanayan) Tiyak na Layunin:
A. Matutukoy ang angkop na kagamitan sa paglilinis ng katwan.
B. Napahahalagahan ang mabuting epekto ng paglilinis sa katawan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mabubuting dulot nito.
C. Naipapakilala ang tamang paglinis ng sarili sa pamamagitan ng pagsasadula.
II NILALAMAN
( Subject Matter) Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng Katawan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao, MELC
Pagtuturo
2. Mga pahina sa Kagamitang K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao, MELC, Module 4:
Pang Mag-aaral Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng Katawan
3. Mga pahina sa Teksbuk K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao, MELC, Module 4:
Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng Katawan
4. Iba pang Kagamitang Panturo

5. Values Integration Pagpapahalaga sa sarili


IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Bago natin simulan ang aralin, Amen.


Panalangin magkaroon muna tayo ng isang
taimtim na panalangin.

Magandang araw sainyo mga bata. Magandang araw din po Titser


Pagbati
Bago kayo umupo ay maari ninyo bang
ayusin ang inyong mga upuan at pulutin
ang mga kalat sa ilalim nito.

Narito naman ang ating alituntunin sa


ating klase:
1. Makinig sa guro
Alituntunin sa klase 2. Magtaas ng kanang kamay pag may
gustong itanong o sabihin
3. Maging magalang

Maari ko bang malaman mga bata kung


meron bang lumiban sa ating klase
ngayon?
Wala po
Pagtala ng liban Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong
sarili sapagkat kayo ay kompleto kayo sa
ating klase ngayon.

A. Balik –Aral sa nakaraang Aralin o


pasimula sa bagong aralin (Drill/ Subukin nating ang inyong nakaraang
Review natutunan mga bata gawing hugis Puso
ang inyong kamay kung ang ibibigay
/ Unlocking of Difficulties)
kong sitwasyon ay nagsasaad ng
kabutihang asal at ekis naman pag hindi
kabutihang asal ang nasabing sitwasyon.

1. Nagmano si Lyka sa kanyang Lola.


2. Itinapon ni Asher ang kanyang selpon
dahil nagalit siya sa kanyang Ina.
3. Si Linda ay nagbigay puri sa
magandang pinta na ginawa ng kaniyang
kaklase.
4. Si Alysa ay sinira ang gawa ng
kaniyang kaklase.

Ayan magaling! Natutuwa ako dahil


naalala ninyo ang ating aralin sa
nakaraang araw.
B. Paghahabi sa layunin ng Bago tayo magsimula sa ating aralin ay
aralin (Motivation) may inihanda akong palaro sainyo.

Handa na ba kayo?
Opo!
Mahahati ang klase sa dalawang grupo.
May isang magrerepersenta sainyo at siya
muna ang tatayong lider sa inyong grupo.

Ang laro natin ngayon ay Four (4) pics


One (1) Word.

Ang mga lider ang siyang sasagot sa mga


larawan at maari ninyong tulungan ang
inyong lider sa paraan ng pagbulong.
Isulat ang sagot sa pisara at ibahagi ito sa
ating klase kung paano ito gamitin.

Ang pinakamaraming tamang sagot ay


siya ang mananalo,

Maliwanag ba?

Mga larawan: Opo!

Nail Cutter
Sabon

Tuwalya

Sipilyo

Nagustuhan niyo ba ang ating palaro mga


bata?

Ang mga salita na inyong nabuo ay


konektado sa ating aralin.

Dahil ang ating aralin ngayon ay


“Gawain na Magpapanatili ng
Kalinisan ng Katawan”

At sa pagtatapos ng aralin na ito kayo


ay inaasahana na:

A. Matutukoy ang angkop na kagamitan


sa paglilinis ng katwan.
B.Napahahalagahan ang mabuting epekto
ng paglilinis sa katawan sa pamamagitan
ng pagtukoy sa mabubuting dulot nito.

C. Naipapakilala ang tamang paglinis


ng sarili sa pamamagitan ng
pagsasadula.

C. Pag-uugnay ng mga Magtatanong ang guro ayon sa mga bagay


halimbawa sa bagong na kanilang nakuha sa four (4) pics one
aralin (Presentation) (1) word.

Sa mga kagamitan na inyong nahulaan


saan dito ang araw-araw ninyong
nagagamit? (Magtataas ng kamay at sasagot sa
guro)
Bakit kailangan natin mapanatili ang
kalinisan ng ating mga katawan?
(Magtataas ng kamay at sasagot sa
guro)

D. Pagtatalakay ng bagong Iprepresenta ng guro ang iba’t-ibang


konsepto at paglalahad ng gawain na magpapanatili ng kalinisan ng
bagong kasanayan #1 katawan gamit ang Power point
(Modelling) presentation (PPT)
Mga Gawain na Magpapanatili ng
Kalinisan ng Katawan

Pagligo araw-araw- Mapapanatili nito


ang kalinisan ng iyong katawan,
Gayundin, mailalayo ka nito sa iba’t-
ibang uri ng mga sakit. Ang angkop na
kagamitan ay Sabon at iba pa.

Bakit kaya mahalaga ang pagligo araw-


araw?
Ano pa ang inyong mga ginagamit sa
inyong pagligo? (Magtataas ng kamay at sasagot sa
guro)
ANG PAGSISIPILYO- Pagktapos
kumain ay mabisang paraan uoang
mapanatili ang malinis at matitibay mong
mga ngipin. Ang angkop na kagamitan ay
Sipilyo.

Sa panong paraan makatutulong ang


pagsisipilyo sa ating mga ngipin?

Paggupit ng iyong mga kuko- (Magtataas ng kamay at sasagot sa


Makaiiwas ka na pamahayan ito ng mga guro)
mikrobyo mula sa bahay na iyong
hinawakan. Ang angkop na kagamitan ay
Nail Cutter.

Patingin nga ng inyong mga kuko kung


nasa tamang haba lang ito.

Bakit natin kailangan na nasa tamang


haba palagi ang ating mag kuko?

Paglinis ng iyong mga tainga-


Mapapanatiling, malinis, mabango at
malinaw ang iyong pandinig. Ang angkop (Magtataas ng kamay at sasagot sa
na kagamitan ay Manipis, malinis at guro)
basang tela.

Bakit na kailangan na manipis at basang


tela ang gamitin kesa sa cotton buds?

Mayroon akong ipapakitang larawan ng


isang bata at ituturo ko ang parte ng
katawan niya at sabihin ninyo saakin kung
anong kagamitan ang dapat na gamitin
upang mapanatili ang kanyang kalinisan.
(Magtataas ng kamay at sasagot sa
Maliwanag ba mga bata? guro)
Opo!
May mga iba pang paraan para mapanatili
E. Pagtatalakay ng bagong ang ating kalinisan sa katawan.
konsepto at paglalahad ng Sa pamamagitan ng pagkain ng mga
bagong kasanayan #2 masustansyang pagkain nalilinis nito
(Guided Practice) ang pangloob at panglabas na bahagi
katawan.
(Curriculum Integration-Health)

Sa tingin ninyo mga bata ano ang mga


masusustansyang pagkain na
nakatutulong satin para malinis ang
pangloob at panglabas nating katawan?

Mahahati ang klase sa dalawang grupo.


May ibibigay ako sainyong sampong
larawan at inyo itong tukuyin kung ito ba
ay nakatutulong upang malinis ang
ating katawan o hindi.Ilagay ang mga
larawan sa aking ibibigay na papel.

Mayroon akong mga papel dito na


F. Paglilinang sa Kabihasnan naglalaman ng mga mabuting epekto ng
(Tungo sa Formativ Assessment) pagligo at ilan sa mga ito ay hindi resulta
(Independent Practice) ng mabuting epekto ng pagligo.

Bumunot ng isang papel at ito ay idikit sa


larawan ng bata kung ito ay mabuting
epekto ng pagligo.

Panuto: Alamin at idikit sa larawan ang


mabuting epekto ng paglilinis sa katawan.

Mga nakasulat:
*Ikaw ay babango.
* Babaho ang iyong hininga
* Dudumi ang iyong buhok
*Iyong mararamdaman ang lamig at
kapreskuhan.
*Ikaw ay magiging malinis at malayo sa
sakit.
*Magiging malinis ang iyong buong
katawan.
*Matatanggal ang dumi sa katawan.

G. Paglalapat ng aralin sa Mahalaga na mapanatili natin ang ating (Magtataas ng kamay at sasagot sa
pang araw-araw na buhay kalinisan sa katawan upang ano? guro)
(Application/Valuing) (magtatanong sa mga bata)

Ngayon naman ay sabay-sabay natin


gawin kung paano nga ba gamitin ang
mga angkop na kagamitan sa paglilinis ng
ating katawan.

Maari ba na tumayo ang lahat sabay-


sabay nating gawin ang tamang paggamit
sa mga kagamitan na nagpapanatili ng
kalinisan ng ating katawan.

Gamit ang kunyaring mga kagamitan


ay gagayahin nila kung papano
gagamitin ng guro ang mga
kagamitan.
H. Paglalahat ng Aralin Mahalagang malaman ninyo ang mga
(Generalization) hakbang na magpapanatili ng kalinisan ng
katawan upang ang inyong katawan ay
manatiling malakas, masigla, at malayo sa
anumang sakit.

Bakit nga ba mahalaga ang pagligo araw-


araw?
(Magtataas ng kamay at sasagot sa
Magaling! guro)

Bakit din mahalaga ang pagsisipilyo?


(Magtataas ng kamay at sasagot sa
Mahusay! guro)

Bakit din kailangan na mapanatili ang


haba ng inyong mga kuko?

Magaling! (Magtataas ng kamay at sasagot sa


guro)
At bakit din na dapat na manipis, malinis,
at basang tela ang gamitin sa paglilinis ng
inyong tenga?

Magaling!
(Magtataas ng kamay at sasagot sa
guro)
Tayahin
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang
kagamitan sa paglilinis ng katawan. Isulat
sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Inaalis ang gusot ng buhok.


A. Sabon
B. Suklay
C. Sipilyo
D. Nail cutter
2. Ginugupit ang mahahaba at
maruruming kuko.
A. Sabon
B. Suklay
C. Sipilyo
D. Nail cutter
3. Tinatanggal ang mga dumi sa pagitan
ng ngipin.
A. Sabon
B. Suklay
C. Sipilyo
D. Nail cutter
4. Nagpapanatili ng kalinisan ng katawan
sa pang araw-araw.
A. Sabon
B. Suklay
C. Sipilyo
D. Manipis at basang tela
5. Ginagamit ito upang linisin nang
dahan-dahan ang iyong tenga.
A. Sabon
B. Suklay
C. Sipilyo
D. Manipis at basang tela

J. Karagdagang Gawain para


sa Takdang-Aralin at Magbigay ng iba pang kagamitan na
Remediation ginagamit upang mapanatili ang kalinisan
ng ating katawan at tukuyin kung saan ito
ginagamit. Gawin ito sa iyong kuwaderno
o sagutang papel.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

Prepared by: Checked by:


John Kyle O. Subido SIXIANE KIM RECEPTION
Student Teacher Instructor

You might also like