You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
Pangnilalaman popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan
Pagganap sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan F8PT-IIIa-c-29
sa Pagkatuto. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng
Isulat ang code ng multimedia.
bawat kasanayan
II. Nilalaman Mga Lingo/Termino na Ginagamit sa Mundo ng Multimedia
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa Sipi ng akda
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://youtu.be/H3NTRak3ZHE?feature=shared
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resource
B. Iba pang Laptop, Telebisyon, Biswal at Powerpoint
Kagamitang
Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang aralin  Panalangin
at pagsisimula ng Tatawag ang guro ng isang mag-aaral para
bagong aralin. pangunahan ang pagdarasal.
Inaasahan ang pagganap
ng mag-aaral

 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo, pulutin ang mga kalat na
nasa ilalim ng inyong mga upuan at isaayos ang
hanay ng mga ito.
Inaasahan ang pagganap
ng mga mag-aaral

 Pagtatala ng liban
Para sa kalihim ng klase, sino ang mga mag-aaral
na hindi makakasama sa ating talakayan
ngayong araw?
Ngayong araw ay
kumpleto po ang Baitang
8.
Natutuwa ako sapagkat makasasama ang lahat
sa ating paglalakbay. Ngunit bago ang lahat, nais
ko muna kayong tanungin kung handa na ba
kayo?

(Pagtatanong ng guro ng “HANDA NA BA KAYO?”)


Magaling!

Opo, handang-handa na
po kami!
Balik-aral

Bago tayo magsimula ng talakayan, sino sa


inyo ang nakatatanda ng tinalakay natin noong
nakaraang Linggo?

Ang tinalakay po natin sa


nakaraang araw ay
tungkol sa kampanyang
panlipunan na kung saan
ay kinakailangan ng
bawat tao ang
pagkakaroon ng mga
hakbang sa paggawa nito
upang mas maging
malinaw sa mga
mambabasa, tagapanood
at tagapakinig.

Ang mga mag-aaraal ay


may iba’t-ibang kasagutan

Napakahuhusay!
B. Paghahabi sa Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng isang laro
layunin ng aralin at ito ay tatawagin nating “CHOOSE-AND-TELL”.
at pagganyak
Sa larong ito ay kinakailangan ninyong pumili
ng larawan at ilahad ang inyong ideya tungkol
dito.

Naunawaan ba?
Opo.
Mga Pamatnubay na Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa mga sumusunod
Ang akin pong napansin
na larawan?
sa mga larawan ay ito po
ang madalas na ginagamit
ng mga tao ngayon sa
pang-araw-araw na
pamumuhay.

2. Matutukoy ba ninyo isa-isa ang tawag sa mga


sumusunod na larawan?
Opo.

3. Ano ang kabuluhan ng mga logo sa pang


araw-araw?
Ang kabuluhan ng mga
logong ito sa pang-araw
araw ay mas napapdali
ang ating mga gawain sa
buhay gaya na lamang ng
pakikipag-usap sa mga
mahal natin sa buhay na
nasa mnalalayong lugar.
C. Pag-uugnay ng Batay sa ating isinagawang gawain ano sa
mga halimbawa palagay ninyo ang kaugnayan ng mga ito sa
sa bagong aralin paksang ating tatalakayin?
Sa aking palagay, ang
ating paksang tatalakayin
ay may malaking
kaugnayan tungkol sa
social media. Dahil
napansin ko sa mga
larawan ay madalas na
nating nakikita at
ginagamit sa pang-araw-
araw.
Ang mga larawan na inyong nakita ay malaki ang
kaugnayan sa ating talakayan. Sapagkat ang
ating pagtatalakayan ay tungkol sa
Lingo/Termino na ginagamit sa mundo ng
Multimedia.

Handa na ba kayo?

Opo.
D. Pagtalakay ng Mga Lingo/Termino na Ginagamit sa Mundo
bagong konsepto ng Multimedia
at paglalahad Ano ang Multimedia?
Ang mga mag-aaral ay
may iba’t ibang kasagutan
Ang multimedia ay paggamit na higit sa isang
pamamaraan ng pagpapahayag sa paraang
elektroniko. Kasama sa mga pamamaraang ito ay
ang bidyo, larawan, tunog at iba pa.

Kilalanin natin ang mga nasa larawan.

POPULAR NA ANYO NG PANITIKAN


Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga salita na
karaniwang nakikita sa social media.
2. Natutukoy ang mga popular na anyo ng
panitikan na karaniwang nakikita sa mga social
media.
Social Media
Tumutukoy ito sa Sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Itinuturing na isang
pangkat ng mga Internet-based na mga
aplikasyon na bumubuo ng ideolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay daan sa paglikha at pakikipagpalitan
ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

FACEBOOK
Isang uri ng social media na kung saan maaring
magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng
mensahe at baguhin ang kanilang saring
sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga
kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

TWITTER

Ang tawag sa microblogging na serbisyong


nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na
magpadala at basahin ang mga mensahe na
kilala bilang “tweets”. Ang mga nakarehistrong
user ay maaaring magpost ng mga tweet ngunit
ang mga di nakarehistro ay maaari lamang
magbasa ng mga ito. Naaakses ng mga user ang
twitter sa pamamagitan ng website interface nito,
SMS, o isang app sa isang mobile device.

INSTAGRAM

Isang uri ng social media na may serbisyong


magbahagi ng kanilang larawan at video.
Pinapayagan ang mga gumagamit na mag-edit at
mag-upload ng mga larawan at maiikling video sa
pamamagitan ng isang mobile app. Ang mga
gumagamit ay maaaring magdagdag ng isang
caption sa bawat isa sa kanilang mga post.

YOUTUBE

Ang website na nagbabahagi ng mga video at


nagbibigay-daan para sa mga tagagamit nito na
magbahagi, makita, at ibahagi ang mga video
clips. Ang mga video na ito ay maaaring gawing
reaksiyon; ang dami ng husga o likes at ng mga
nakanood ay parehong nakalathala. Maaari ring
mag-iwan ng komento ang mga manonood sa
karamihan ng video.

WATTPAD
Isang uri ng website o app para sa mga
mambabasa at manunulat na maglathala ng mga
bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa
iba’t ibang genre. Nilalayon nitong lumikha ng
mga pamayanang panlipunan sa pamamagitan
ng mga kuwento para sa mga baguhan at
batiking manunulat.

Sa patuloy na paggamit ng isang kabataang tulad


mo ng social media, maraming mga salita ang
nabuo na palaging ginagamit at nakikita sa social
media.

Basahin ang mga sumusunod na pahayag:


1. “OMG ang ganda nman ng OOTD ko,
kailangan kong magselfie.”
2. “Gusto ko lang sanang i-flex ang bago
kong relo.”

Mga Pahayag na makikita sa Social Media:

SEENZONE- Nakita ang iyong mensahe ngunit


hindi ka nireplayan.
PA-FALL- isang taong nagpapakita ng motibo na
may gusto siya sayo at nang tuluyan ka nang
nahulog sa kanya ay iiwan ka na niya ng walang
pasabi.
GHOSTING- bagong paraan ng pakikipaghiwalay.
Bago man o matagal nang karelasyon ay biglang
napuputol ang pagsasama, walang usap, walang
paghingi ng tawad, biglang Nawala ng walang
paliwanag.
YOLO- You only live once.
LODI- hango sa salitang Ingles na idol at
binaligtad ito upang maiba ang pagbigkas. Ito
ang salitang ginagamit kung mayroon kang taong
hinahangaan.
CHAROT- biro o walang katotohanan.
PABEBE- ginagamit na salita sa taong maarte sa
kaniyang kilos o hindi pangkaraniwan ang
kayumian ng kanyang kilos.
SELFIE- pagkuha ng larawan sa sarili gamit ang
isang gadget.
FRIENDZONE- isang uri ng relasyon na
hanggang kaibigan lamang, marahil hindi pa
handa ang isang tao o sadyang kaibigan lamang
ang turing nito.
FLEX- salitang ginagamit kapag may
ipinagmamayabang, maaaring tao, hayop o
bagay.
SANAOL
EDI WOW

ANYO NG PANITIKAN SA SOCIAL MEDIA


Ang paglaganap ng internet at pag-usbong ng
iba’t ibang social media ay nagdulot ng
napakalaking pagbabago sa anyo ng panitikan.
Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng mga
kabataang tulad mo sa mga kontemporaryong
anyo ng panitikan ang nag-udyok sa
pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo nito.
Sa pamamagitan ng social media at mga
aplikasyon nito sumasabay ang panitikan sa
modernisasyon ng mundo- sa pagbago-bagong
aspekto ng teknolohiya at internet. Ang
modernisasyong ito ay ang nagluwal sa
makabagong anyo sa pamamaraan ng
pagkukuwento, pagtula at iba pang anyo ng
panitikan na labis na kinahuhumalingan ng
mga kabataan.

Narito ang ilan sa mga anyo ng panitikan na


nababasa sa social media:
BLOG- Ito ang modernong pamamaraan ng
pagsusulat kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan internet sa
mukha ng mga artikulo na may iba’t ibang mga
partikular na paksa.
PICK-UP LINES- tumutukoy sa magiliw na
paggamit ng paghahambing upang makatawag
atensyon sa taong pinatutungkulan nito.
VLOG- isang uri ng blog na ginagamit ang video
bilang medium nito. Ito ay tinatawag na web
television. Ang mga vlog ay kadalasang
napanonood sa YouTube.
FLIPTOP- ito ay pagsasagutan ng dalawang
magkalabang panig sa pamamagitan ng rap o
mabilis na pagsasalita. Tinatawag din itong
makabagong balagtasan ng mga kabataan.
SPOKEN WORD POETRY- isang anyo ng tula na
may malikhaing pagsasaad ng kuwento o
pagsasalaysay. Ito ay malikhaing inilalahad ng
patula sa madla at punong-puno ng emosyon.

Ilan sa mga halimbawa ng mga s alitang


ginagamit sa mundo ng multimedia.

Internet- ito ay internasyonal na network na


pang-kompyuter na nag-uugnay sa mga
indibidwal na nasa iba’t ibang panig ng mundo.
Techie- ito ay tawag sa taong magaling sa
paggamit ng kompyuter.
World Wide Web- ay isang koleksyon ng mga
dokumento na naka-store sa iba’t-ibang
kompyuter sa pamamagitan ng internet sa iba’t-
ibang sulok ng mundo.
Distance Learning- ito ay tumutukoy sa isang
maayos na program a ng pagtuturo kung saan
ang guro at mag-aaraal ay magkalayo o hindi
pisikal na magkasama.
Upload- ito ay paraan ng pagpapasa ng mga data
mula sa kompyuter patungo sa iba sa
pamamagitan ng network.
E. Pagtalakay ng Upang masukat kung lubos nyong naunawaan
bagong konsepto ang paksang ating tinalakay mayroon akong
at paglalahad ng inihandang gawain na tatawagin nating
bagong “TANONG KO, SAGOT MO”.
kasanayan #2
Mayroon akong inihandang isang kahon na
naglalaman ng pangalan ng bawat isa at kung
sino ang mabubunot sa aking mahiwagang
bunutan ay siya ang sasagot sa katanungan.

Handa na ba ang lahat?


Opo. Handang-handa na
po kami.

Panuto: Ibigay ang hinihinging kahulugan ng


mga pangungusap sa bawat bilang.

Mga Katanungan:
1. Ito ang tawag sa microblogging na serbisyong
nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na
magpadala at basahin ang mga mensahe na
kilala bilang “tweets”.
Twitter
2. Tumutukoy sa magiliw na paggamit ng
paghahambing upang makatawag atensyon sa
taong pinatutungkulan nito.
Pick-up Lines
3. Isang uri ng social media na kung saan
maaring magdagdag ng mga kaibigan at
magpadala ng mensahe.
Facebook
4. Ito ay isang koleksyon ng mga dokumento na
naka-store sa iba’t-ibang kompyuter sa
pamamagitan ng internet sa iba’t-ibang sulok ng
mundo. Tinatawag din itong WWW.
World Wide Web
5. Ito ay tawag sa taong magaling sa paggamit ng
kompyuter.
Techie
F. Paglinang sa Batid ko na talagang ang bawat isa ay nakinig
Kabihasahan at nagkaroon ng mga bagong kaalaman sa ating
(Tungo sa tinalakay. Ngayon ay may inihanda akong
Formative pangkatang gawain na kung saan ay
Assessment) magsasama-sama ang bawat pangkat.

MEKANIKS:

1. Bawat pangkat ay pipili ng isyu sa


pamamagitan ng pagbunot sa inihanda ng guro.

2. Kung may napili na ay bumuo ng isang


“Facebook Post” tungkol sa pagbibigay paalala na
maaaring makatulong sa paglutas ng
problema/isyung napili.

Sa pangkatang ito ay bibigyan ko lamang kayo


ng limang minuto upang maipakita ang mga
ginawang presentasyon.

Nauunawaan ba ang inyong gagawin?


Opo, nauunawaan namin.

Bago niyo umpisahan ang pagkatang gawain ay


nais ko munang sabihin ang pamantayan sa
pagmamarka para sa gagawin niyong
pagsasadula
Pagsasagawa ng mag-
Maaari na kayong magsimula. aaral

Tapos na ang limang minuto sa pagsasagawa ng


pangkatan. Ngayon naman ay kailangang
ipresenta ng bawat grupo ang mga natapos na Pagpapakita ng
gawain. Sisimulan ng unang pangkat. presentasyon ng bawat
pangkat

Pagbibigay komento at marka ng gurong


nagsasanay

G. Paglalapat sa Batay sa inyong sariling opinyon, paano nyo


aralin sa pang- ipaliliwanag ang pahayag?
araw-araw na
buhay “Impormasyon kilatisin,
Bago pindutin!”
Sa akin pong
pagkakaunawa ay
kinakailangan muna natin
laging iisipin kung ano
nga ba ang magiging
epekto nito sa
makakakita o
makakabasa at kung alam
nating hindi magiging
maayos ang magiging
resulta ay hindi na dapat
pa itong ibahagi sa iba.

Magaling!
Iba’t-ibang kasagutan ng
mag-aaral

Kaya dapat maging maingat sa paggamit ng social


media. Gamitin ito sa tamang paraan at hindi
para manira sa ibang tao, sa kabulastugan o sa
illegal na paraan.

H. Paglalahat sa Kung lubos niyong natandaan ang ating


aralin tinalakay ano nga muli ang mga lingo/termino na
ating nabanggit? Ipaliwanag.
Ang mga mag-aaral ay
may iba’t-ibang kasagutan

Tumpak ang inyong mga kasagutan!


I. Pagtataya ng Ibigay ang mga hinihinging impormasyon sa
Aralin bawat bilang.

1. Isang uri ng website o app para sa mga


mambabasa at manunulat na maglathala ng mga
bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa
iba’t ibang genre.

2. Ito ay isang uri ng relasyon na hanggang


kaibigan lamang, marahil hindi pa handa ang
isang tao o sadyang kaibigan lamang ang turing
nito.
3. Iang anyo ng tula na may malikhaing
pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay.

4. Ito ay internasyonal na network na pang-


kompyuter na nag-uugnay sa mga indibidwal na
nasa iba’t ibang panig ng mundo.

5. Ito ay tumutukoy sa isang maayos na


programang pagtuturo kung saan ang guro at
mag-aaraal ay magkalayo o hindi pisikal na
magkasama.

SUSI SA PAGWAWASTO:
1. Wattpad
2. Friendzone
3. Spoken Word Poetry
4. Internet
5. Distance Learning

J. Karagdagang Para sa karagdagang gawain, mayroon akong


gawain para sa inihandang concept map na kung saan
takdang-aralin at kinakailangan ninyong magbigay ng mga
remediation impormasyon o salita na may kaugnayan sa
Lingo/termino sa mundo ng multimedia.
“Concept Map”

LINGO/TERMINO SA MUNDO
NG MULTIMEDIA

Inihanda ni:

PRINCESS MAY F. GONZALES


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like