You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng
Pangnilalaman panitikang popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
Pagganap kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)
C. Mga kasanayan sa Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na
Pagkatuto. Isulat ang nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
code ng bawat mabigyang solusyon.
F7PB-IVc-d-21
kasanayan

II. Nilalaman Ibong Adarna: Ang Bunga ng Inggit, Ang Dalangin ng Bunsong Anak
sa Gitna ng Paghihirap, Ang awit ng Ibong Adarna.
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://pdfcoffee.com/ibong-adarna-ang-bunga-ng-inggitdocx-pdf-
mula sa portal ng free.html
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Laptop, Telebisyon, Biswal at Powerpoint
Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa nakaraang Panimulang-Gawain
aralin at pagsisimula ng  Panalangin
bagong aralin. Tatawag ang guro ng isang mag-aaral
para pangunahan ang pagdarasal.

Inaasahan ang pagganap ng


mag-aaral
 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo, pulutin ang mga
kalat na nasa ilalim ng inyong mga
upuan at isaayos ang hanay ng mga
ito.

Inaasahan ang pagganap ng


mga mag-aaral

 Pagtatala ng liban
Para sa kalihim ng klase, sino ang mga
mag-aaral na hindi makasasama sa
ating talakayan ngayong araw?
Ngayong araw ay kumpleto po
ang Baitang 7.

Natutuwa ako sapagkat makasasama


ang lahat sa ating paglalakbay. Ngunit
bago ang lahat, nais ko muna kayong
tanungin kung handa na ba kayo?

HANDA NA BA KAYO?
Opo, handang-handa na po
kami!

Magaling!
Balik-aral
Bago tayo magsimula ng talakayan,
sino sa inyo ang nakatatanda ng
tinalakay natin noong nakaraang
talakayan?
Ang tinalakay po natin sa
nakaraang araw ay tungkol sa
Panalangin ng may akda sa
Ibong Adarna.

Ang mga mag-aaral ay may


iba’t-ibang kasagutan

B. Paghahabi sa layunin ng Bago tayo magsimula ay mayroon


aralin at pagganyak akong inihandang isang aktibiti na
tatawagin nating “HULA-RAWAN at
TALASALITAAN”

Ang mag-aaral na makakapagbigay ng


tamang kasagutan ay makakatanggap
ng pa-premyo.

Handa na ba ang lahat? Opo

INUMOG
NUGBIBOG-BINUGBOG
BINUGBOG

NALASOG
ROGDUNA=NADUROG

NADUROG
SUMABAY

UMAGAPAY
BAYSUMA=SUMABAY

KAPANGYARIHAN

LALANG
KAYARIHANPANG=KAPANGYARIHAN

MATAMLAY

LUGUNG-LUGO
LAYMATAM=MATAMLAY

Mahusay!
C. Pag-uugnay ng mga Batay sa ating isinagawang gawain ano
halimbawa sa bagong sa palagay ninyo ang kaugnayan ng
aralin mga ito sa paksang ating tatalakayin?

Batay sa atin pong


isinagawang gawain, maaaring
may kaugnayan po sa mga
pangyayari sa ating tatalakayin
ngayon na tungkol po sa Ibong
Adarna.
Mahusay!
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad Isang gabi, si Don Pedro at si Don
Diego ay may masamang balak kay
Don Juan. Inimbita nila si Don Juan
na bantayan ang Ibong Adarna sa gabi.
Ang plano ni Don Pedro at ni Don
Diego ay na gisingin si Don Juan na
mas maaga para habang nagbabantay
siya, makakatulog siya. Habang
natutulog si Don Juan, si Don Pedro at
si Don Diego ay pinakawalan ang
Ibong Adarna. Noong nagising si Don
Juan, nagulat siya na bigla nalang
wala na ang Adarna at hinanap-hanap
niya ito. Ang mga magkakapatid ay
takot sa mga parusa ng Hari, kaya ang
dalawang kapatid na si Pedro at Diego
ay sinabi sa Hari na si Don Juan ay
yung nakawala ng Adarna. Naghanap
sila ng ibon hanggang dumating sila sa
Armenya.
KAHALAGAHAN:
Ang kabanata na ito ay importante
dahil dito, ipinapakita ang tunay na
ugali ni Don Juan na kahit masama
ang mga ginagawa ng mga kapatid
niya sakanya, mahal pa niya sila dahil
sila ay magkakapatid. Dito rin
magaganap ang masamang ugali ni
Don Pedro at ni Don Diego.

Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa

Gitna ng Paghihirap
aglahi- insult
paglibak- distinction
antak- smart
nalugmok- wallow
himutok- sigh
Si Don Juan ay tinaksilan ng kanyang
dalawang nakakatandang kapatid
dahil sa kanilang inggit sa kanya
sapagkat siya ang nakahuli sa Ibong
Adarna. Nang siya'y iniwan na ng
kanyang mga kapatid na halos na
mamamatay na siya ay nagdasal siya
sa Birheng Maria
na sana ay mabubuhay parin ang
kanyang ama, hindi niya man alam
kung bakit ginawa ng kanyang mga
kapatid niya ito sa kanya, kahit
ganoon humingi parin siya sa ng
kapatawaran para sa kanyang
dalawang magkakapatid sa Birheng
Maria.
Buod
Hindi makagulapay si Don Juan sa
tinamong hirap, bugbog, at sakit ng
katawan na ginawa ng dalawa niyang
kapatid. Sa kanyang panalangin,
hiniling niya na kung hindi siya
papalaring mabuhay, loobin sana ng
Panginoon at Mahal na Birhen na
mabuhay ang kanyang ama. Hindi pa
rin niya maubos-maisip kung bakit
nagawa iyon ng kanyang mga kapatid.
Gayunpaman inihingi na rin niya ang
kapatawaran ang mga ito sa
Panginoon.
Dumating na si Don Juan sa
Berbanya. Lubos na sumaya ang
kanyang ama at ina, at samantalang
nabahala naman ang kanyang mga
nakakatandang kapatid. Gumanda na
ang pangit na balahibo ng Adarna ng
makita si Don Juan. Gumaling si
Haring Fernando.

Buod
Inawit ng ibon ang paghihirap at
dalamhati ni Don Juan. Inilantad niya
ang kasinungalingang ginawa nina
Don Diego at Don Pedro. Inawit niya
ang pagsasalaysay ng pambubugbog
sa kanyang bunso.

Buod
Mga Aral
Ninais ng Hari na parusahan ang
dalawang magkapatid sa pamamagitan
ng pagpapatapon at pagbawi ng lahat
ng kanilang karapatan, ngunit
nahabag si Don Juan at hiniling na
patawarin na ang dalawa. Pumayag
ang Hari at silang lahat ay namuhay
ng matiwasay.

Mahahalagang Saknong

 Ang inggit ay walang


maidudulot na maganda.
 Huwag maging gahaman sa
kapangyarihan.
 Gumawa ng mabuti.
 “Magkaroon ng pag-ibig sa
kapwa; maging handang
gumawa para sa iba ng higit pa
kaysa inaasahan ninyo sa
kanila."

E. Pagtalakay ng bagong Batid ko na naunawaan ng lahat ang


konsepto at paglalahad tatlong paksa na ating tinalakay.
ng bagong kasanayan #2
BUNUTIN ANG KAPALARAN MO
May mga katanungan akong inihanda
at mayroon din naming mga pa-oremyo
lamang ang nakalahad.

Handa na ba ang lahat?


Opo
ANG BUNGA NG INGGIT
 Anong kasamaan ang binalak
ng magkapatid kay Don Juan?
Bakit nila nagawa ang bagay na
iyon?
Ang ginawang kasamaan po ng
magkapatid kay Don Juan ay
gisingin si Don Juan na mas
maaga para habang
nagbabantay siya,
makakatulog siya. Habang
natutulog si Don Juan, si Don
Pedro at si Don Diego ay
pinakawalan ang Ibong
Adarna.
Nagawa ito ng magkapatid
dahil sa kanilang inggit kay
 Bakit hindi umawit ang Ibong Don Juan.
Adarna nang madala na ito sa
kaharian?

Hindi umawit ang Ibong


Adarna dahil wala sa harap si
Don Juan.
ANG DALANGIN NG BUNSONG ANAK
SA GITNA NG PAGHIHIRAP
 Ano-anong pagkakataon sa
iyong buhay na maaari mong
ihambing sa pinagdaanan ni
Don Juan?

Malayang kasagutan ng mag-


aaral.
 Magkatulad ba kayo ng
ginagawa ni Don Juan sa mga
pagkakataong wala kang
matakbuhan?
Malayang kasagutan ng mag-
aaral.
ANG AWIT NG IBONG ADARNA
 Sino ang tumulong para
maligtas si Don Juan sa tiyak
na kamatayan pagtapos siyang
pagtulungang bugbugin at iwan
ng mga kapatid sa kaparangan?

Nagdasal nalang siya sa Diyos


na gumaling ang kanyang
tatay at huwag parusahan sina
don diego at don pedro. Ang
mga dasal ni don juan ay
narinig at may isang matanda
na lumapit at pinagaling si don
juan. Noong nagising siya
naging normal na ulit siya.
 Ano ang naging desisyon ng
hari na magiging parusa ng
kanyang dalawang anak? Kung
ikaw ang hari, ganito rin ba ang
iyong magiging desisyon?
Bakit?
Malayang kasagutan ng mag-
aaral.
Talaga nga namang napakahuhusay
ninyo.
F. Paglinang sa Batid ko na talagang ang bawat isa
Kabihasahan (Tungo sa ay nakinig at nagkaroon ng mga
Formative Assessment) bagong kaalaman sa ating tinalakay.

Mula sa binasang bahagi ng Ibong


Adarna, gawin ang nasa ibaba.
Magpalabunutan ang bawat lider ng
pangkat. Ang makakuha ng tatsulok
ay sasagutin ang pamagat at tauhan,
parihaba ay ang tagpuan, bilog ay ang
problema at ang parisukat ay solusyon

Ang mga sagot ay matatagpuan sa


ulap.

PAMAGAT

TAUHAN

TAGPUAN

PROBLEMA/SOLUSYON

Lahat ba ay nasagutan?

Opo
Ngayon ay tingnan natin kung tama
ba ang naging sagot ng bawat pangkat.

Handa na ba ang lahat?

G. Paglalapat sa aralin sa Sa bawat paksa ay may iba’t ibang aral


pang-araw-araw na tayong mapupulot, kaya naman bilang
buhay mag-aaral ano ang mga aral na
nakuha mo sa bawat paksa?
Bilang isang mag-aaral ang
napulot po naming aral ay
maging mapagpatawad sa mga
nagkasala sayo. Walang
lihim na hindi nabubunyag.
Maging patas sa pagpataw
ng kaparusahan

Mahusay na kasagutan. Lahat ng


inyong kasagutan ay tama.
H. Paglalahat sa aralin Para malaman natin kung ika’ y
talagang may natutuhan, ipaliwanag
ang sariling pananaw sa pahayag na
ito.

“Ang inggit ay hindi nagbubunga ng


maganda.”
Ang mag-aaral ay may iba’t
ibang kasagutan.
“Maging tapat
at huwag angkinin ang tagumpay na
pinaghirapan ng iba.”

Ang mag-aaral ay may iba’t


ibang kasagutan.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Suriin kung Tama o Mai ang


ugaling ipinapakita. Isulat ang hugis
puso kung tama ang pag-uugali at
kalahating puso kung mali.

1. Inaalagaan ko ang aking kapatid na


bunso, lalo na kapag wala ang aming
magulang.
2. Lagi kong inaaway ang aking kuya.
3. Tinutulungan ko ang aking ate sa
mga gawaing bahay.
4. Naiinggit ako ssa kapatid bunso.
5. Tinuturuan ko sila sa paggawa ng
kanilang takdang-aralin.

J. Karagdagang gawain Laging tandaan na ang pananalig ng


para sa takdang-aralin Diyos ay sandata sa anumang
at remediation pagsubok.

Maraming salamat mga mag-aaral sa


inyong partisipasyon at
pagtutulungan. Paalam!

Inihanda ni:

PRINCESS MAY F. GONZALES


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like