You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin (Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa


Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin,
maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at
mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin
sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat
kasanayan at nilalaman.)
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatbo, mapanuring
Pangnilalaman pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitkan
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
Pagganap panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan sa Napag-iiba ang katotohhanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
Pagkatuto. Isulat ang personal na interpretasyon ng kausap F8PN-III-e-29
code ng bawat
kasanayan
II. Nilalaman Kontemporaryong Programang Panradyo
Paksa: Katotohanan at Opinyon
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=2dYUwTfgPU0
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Ppt, telebisyon, kartolina
Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang  Panalangin
aralin at Bago tayo magsimula ay dadako muna
pagsisimula ng tayo sa isang panalangin.
bagong aralin.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral)
(Inaasahan ang pagganap
ng mag-aaral)
 Pagbati
Isang magandang araw sa inyong lahat
grade 8!

Ang mag-aaral ay babati ng


isang Magandang araw

 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo ay pulutin muna ang
lahat ng kalat na makikita at isaayos ang
hanay ng mga upuan.

 Pagtatala ng liban
Sa puntong ito ay nais ko munang
malaman kung sino ang wala sa aking
klase para sa araw na ito.

(Inaasahan ang pagtugon


ng kalihim ng klase).
Balik-aral
Bago tayo magpatuloy sa ating bagong
talakayan atin munang balikan ang ating
huling tinakay

Ano ang tinalakay natin nonng nakaraang


araw?
Ang huling paksa na
tinalakay noong nakaraang
araw ay tungkol sa
estratehiya sa paglaganap
ng mga ideya sa pagsulat
ng balita, komentaryo, at
iba pa
(balbal,kolokyal,banyaga)

(Ang mga mag-aaral ay


Mahusay! Patunay lamang na may may iba’t ibang kasagutan)
natutunan kayo sa ating huling talakayan.
B. Paghahabi sa Bago tayo mag umpisa sa ating talakayan ay
layunin ng mayroon muna tayong paunang gawain kung
aralin at saan tinatawag ko itong “Salita, Buuin mo!”
pagganyak kung saan may mga inihanda ako ditong
mga salita na kailangan ninyong mabuo.
Pipili ako ng mga mag-aaral na bubuo ng
mga ito. At Ididikit ang nabuong salita sa
pisara.

Naunawaan ba?

(Isasagawa ang Gawain) Opo, naunawaan po namin.

KATOTOHANAN
OPINYON
HINUHA
PERSONAL NA INTERPRETASYON
C. Pag-uugnay ng Ano-anong mga salita ang nabuo?
mga halimbawa
sa bagong aralin Ang mga salitang nabuo po
ay katotohanan, opinyon,
Mahusay! ito ay may malaking kaugnayan sa hinuha, personal na
paksang ating tatalakayin ngayon. interpretasyon

D. Pagtalakay ng Ngayon nais kong hingin ang inyong


bagong konsepto atensyon at makinig sa ating talakayan
at paglalahad
Ano nga ba ang katotohanan?

KATOTOHANAN – Ang katotohanan ay ang


pagpapahayag ng isang ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at
hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar.
Hindi ito kailanman nagbabago.

Sa pagpapahayag ng katotohanan ay
maaaring gumamit ng mga sumusunod na
salita:

• Batay sa
• Ayon kay
• Pinatutunayan ni
• Mula kay
• Mababasa sa

Halimbawa:
Batay sa botohan si joan ang nanalong class
president

OPINYON- Ang opinion naman ay isang


pananaw ng isang tao o pangkat na maaring
totoo pero pwedeng pasubalian ng iba.

Sa pagpapahayag naman ng opinyion ay


maaaing gamitin ang sumusunod:
•Sa aking palagay
• Sa aking paningin
• Sa nakikita ko
• Kung ako ang tatanungin

Halimbawa:
Sa aking palagay magiging maaganda kung
ang bahay ay kulay puti.

HINUHA- Ang hinuha o interference ay kilos


o proseso ng pagkakaroon ng kongklusyon
tungkol sa isang bagay mula sa mga kilalang
katotohanan o ebidensya.

Halimbawa:

Ang hinuha ko kung bakit siya nagagalit sa


kanyang ama ay dahil sa pag-iwan nito sa
kanilang mag-ina

Sabi naman ni mario, ang hinuha nya kung


bakit nag kasakit sa bato aira ay dahil sa
pagkakahilig nito sa maalat na pagkain.

PERSONAL NA INERPRETASYON- Ay ang


pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang
bagay, lengguwahe, o iba pa. at itoy
ipapaliwanag mo para sa mga ibang tao na
hindi maintindihan ito. Ito ay nakabatay sa
sarili mong pananaw.

Halimbawa:

Kapag ang tao ay nananaginip ng tungkol sa


pera, ibig sabihin matindi ang
pangangailangan.

E. Pagtalakay ng Naintindihan ninyo ba ang pagkakaiba iba


bagong konsepto ng ating mga tinalakay?
at paglalahad ng
bagong opo
Mahusay! Kung ganon sino ang
kasanayan #2 makakapagbanggit ng apat na ating
tinalakay
Ito po ay ang katotohanan,
opinion, hinuha at personal
na interpretasyon
F. Paglinang sa
Kabihasahan Mahusay! Ngayon ay dadako na tayo sa ating
(Tungo sa pangkatang gawain kung saan ay hahatiin
Formative ko kayo sa apat na grupo at kung anong
Assessment) pahayag ang mapunta sa inyong grupo ay
iyon ang gagawan ninyo limang halimbawa
ng pangungusap, isusulat ito sa manila
paper. Bibigyan ko lamang kayo ng 6 na
minuto para gawin ito,

At narito ang panukatan sa pagmamarka ng


inyong presentasyon.

Pamantayan sa Pagmamarka
Presentasyon – 5 puntos
Nilalaman – 8 puntos
Partipasyon – 2 puntos
Kabuuan – 15 puntos

Maaari na kayong magsimula.

Tapos na ang anim na minuto maari na Ang mga mag-aaral ay


kayong pumunta sa una, uumpisahan natin magsisimula sa kanilang
sa unang pangkat. gawain.

Binabati ko ang lahat sa mga nag pakita ng


presentasyon. Tama ang inyong mga Pagpapakita ng
naibigay na mga halimbawa. presentasyon ng bawat
pangkat
G. Paglalapat sa
aralin sa pang- Ngayon ay nais kong bigyan ninyo ng sarili
araw-araw na ninyong pagkaunawa itong pahayag na ito:
buhay

“Huwag basta maniniwala sa “fake news” ng


walang sapat na basehan”

Bilang mag-aaral kailangan


hindi tayo agad maniniwala
sa mga impormasyong
ating nakikita sapagkat
maari itong makaapekto sa
iba at magdulot ng mga
hindi magagandang bagay
Mahusay!

Dapat lamang na maingat tayo sa


pagkukuha ng impormasyon at wag
maniniwala agad sa mga nababasa o
nakikita natin lalo na sa internet dahil halos
karamihan sa mga ito ay hindi totoo at
pawang mga sariling opinion lamang.
H. Paglalahat sa Ano-ano nga muli ang ating tinalakay?
aralin Ang atin pong tinalakay ay
patungkol sa mga pahayag
na katotohanan, opinyon,
hinuha at sariling
interpretasyon.
I. Pagtataya ng Ngayon naman tayo ay dadako na sa ating
Aralin pagtataya ng aralin
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nag
sasaad ng
KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA,
PERONAL NA INTERPRETASYON
1. Si Bong Bong Marcos ang
kasalukuyang president
ng pilipinas
2. Magiging matagumpay
siguro tayo kung tayo ay
magtutulungan
3. Kung napadaan ka sa
nuno sa punso dapat mag
sabi ka ng “tabi-tabi po”
4. Sa aking palagay, dapat
ipagbawal ang “TIKTOK”
5. Ang I’ts Showtime ay isa
sa programa ng abs-cbn

Susi sa pagwawasto:
1. KATOTOHANAN
2. HINUHA
3. SARILING INTERPRETASYON
4. OPINYON
5. KATOTOHANAN
J. Karagdagang Manood ng balita at maghanap ng issue at
gawain para sa bigyan ng sariling opinion
takdang-aralin
at remediation

Inihanda ni:

Josue B. Dela Cruz


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like