You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
Pangnilalaman popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan
Pagganap sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan sa Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng
Pagkatuto. Isulat pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)
ang code ng bawat
F8WG-IIId-e-31
kasanayan

II. Nilalaman Aralin 3.2 Kontemporaryong Panitikan at Panitikang Popular

a. Panitikan: Kontemporaryong Programang Panradyo


b. Wika at Gramatika: Mga Angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Konsepto ng Pananaw (ayon, batay, sang-Ayon sa, sa akala, iba pa)

A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://youtu.be/4T1QHoTIdpg?feature=shared
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Laptop, Telebisyon, Biswal at Powerpoint
Kagamitang Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang aralin at  Panalangin
pagsisimula ng Tatawag ang guro ng isang mag-aaral para
bagong aralin. pangunahan ang pagdarasal.
Inaasahan ang pagganap ng
mag-aaral

 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo, pulutin ang mga kalat
na nasa ilalim ng inyong mga upuan at
isaayos ang hanay ng mga ito.
Inaasahan ang pagganap ng
mga mag-aaral

 Pagtatala ng liban
Para sa kalihim ng klase, sino ang mga mag-
aaral na hindi makasasama sa ating
talakayan ngayong araw?
Ngayong araw ay kumpleto po
ang Baitang 8.

Natutuwa ako sapagkat makasasama ang


lahat sa ating paglalakbay. Ngunit bago ang
lahat, nais ko muna kayong tanungin kung
handa na ba kayo?

(Pagtatanong ng guro ng “HANDA NA BA


KAYO?”)
Opo, handang-handa na po
kami!
Magaling!
Balik-aral
Bago tayo magsimula ng talakayan, sino
sa inyo ang nakatatanda ng tinalakay natin
noong nakaraang Linggo?
Ang tinalakay po natin sa
nakaraang araw ay tungkol sa
kontemporaryong programang
panradyo na kung saan ang
Radio Broadcasting ay ang
komunikasyon ng mga tunog sa
pamamagitan ng mga alon o
waves upang maghatid ng
musika, balita, at iba pang uri
ng programa ng isang istasyon
sa maraming indibiduwal na
tagapakinig.

Ang mga mag-aaral ay may


iba’t-ibang kasagutan.
B. Paghahabi sa “RADYO NG KAALAMAN”
layunin ng aralin at Mayroon akong inihandang radyo na
pagganyak naglalaman ng iba’t ibang larawan at
kinakailangan lamang ninyong hulaan kung
sino ito at saan mo sila kadalasan
napapakinggan o napapanood.
Inaasahan ang pagganap ng
mga mag-aaral.
C. .Pag-uugnay ng mga Batay sa ating isinagawang gawain ano sa
halimbawa sa palagay ninyo ang kaugnayan ng mga ito sa
bagong aralin paksang ating tatalakayin?
Batay po sa ating isinagawang
gawain, maaaring ito may
kaugnayan sa mga wastong
gramatika na ating kailangang
gamitin sa paggawa ng balita.

Mahusay!
D. Pagtalakay ng Mga Angkop na Ekspresyon sa
bagong konsepto at Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
paglalahad (ayon, batay, sang-Ayon sa, sa akala, iba
pa)

Radio Broadcasting- ay isang uri ng


pagsasahimpapawid ng impormasyon o
balita, lokal man o internasyonal sa
pamamagitan ng radio waves.

Dulaang panradyo-isang klase ng


pagtatanghal na ginagamit lamang ang boses
at iba’t ibang tunog katulad ng yabag ng mga
tauhan, kalansing o tunog ng mga
kagamitang kanilang hinahawakan, at iba
pa. Ginigising nito ang ating panlasa, pang-
amoy at pandama sapagkat nahuhubog nito
ang malikhaing kamalayan sa ating
naririnig.

Dokumentaryong panradyo-isang
programang naglalahad ng katotohanan at
impormasyon, maaaring isyu tungkol sa
lipunan, politikal o historikal. Maaaring
gawin din ang paglalahad sa pamamagitan
ng dulaang panradyo.

Iskrip-mahalaga ang iskrip sa


pagsasahimpapawid ng mga naririnig natin
sa radyo. Ito ang dahilan kung bakit
organisado ang pagpapahayag ng balita.

Ang SFX, BIZ, SOM, CHORD at Standard


Chord ay mga salitang ginagamit sa
pagbuo ng isang iskrip para sa
pagsasahimpapawid sa radyo (radio
broadcasting)

Ang SFX ay tumutukoy sa sound effects


na inilalapat sa radyo.

Ang BIZ ay ang pambungad na tunog sa


pagkakakilanlan ng programa.

Ang SOM ay ang maikling musika na


nag-uugnay sa putol-putol na bahagi ng
iskrip sa radyo.

Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay


karaniwang ginagagamit sa pagsusulat ng
iskrip para sa pagsasahimpapawid sa radyo
(dokumentaryo at programang panradyo),
subalit hindi ito sapat upang magpatunay
na wasto ang mga bibigkasin natin habang
tayo ay nag-aanunsyo sa radyo. Narito ang
mga salitang ginagamit para sa
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw ng
isang tagapagbalita.

Ang mga wikang ito ay idinaragdag sa


midyum ng komunikasyon ng mga
tagapamahayag (announcer) o komentarista
(commentator)sa pagsasahimpapawid ng mga
balita, ulat, at mga puna tungkol sa mga
naganap, nagaganap at magaganap pa sa
ating bansa.

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto


ng Pananaw

A. Mga ekspresyon sa pagpapahayag ng


konsepto ng pananaw na ginagamit ang
ideya o pananaw sa isang pag-aaral o kaya
ay ipinahahayag ang sanggunian kung saan
kinuha o hinango ang impormasyong ito:
Ayon kay/sa, Sang-ayon kay/sa, Batay sa,
Alinsunod kay/sa, para kay/sa at iba pa.

Halimbawa: Sang-ayon sa 1987


Konstitusyon ng Pilipinas, ang wikang
Filipino ang pambansang wika at isa sa mga
opisyal na wika ng komunikasyon at sistema
ng edukasyon.

B. Mga ekspresyong nagpapahayag ng


pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw: Sa isang banda, Sa kabilang
dako, Samantala

Halimbawa: Sa isang banda, mabuti na rin


sigurong nangyari iyon upang matauhan ang
mga nagtutulog-tulugan.

Sa pagpapahayag ng isang tagapamahayag


sa kaniyang programa, malimit na gumamit
ng makatotohanang pagpapahayag na kung
saan ang impormasyon ay may batayan
dahil may pinagbatayan, ito ang nagiging
daan upang ang isang tagapamahayag ay
magkaroon ng integridad sa pamamahayag.

E. Pagtalakay ng Upang masukat kung lubos nyong


bagong konsepto at naunawaan ang paksang ating tinalakay
paglalahad ng mayroon akong inihandang gawain na
bagong kasanayan tatawagin nating “BIGAY-HALIMBAWA”
#2
Kinakailangan niyo lamang magbigay ng
mga halimbawa ng ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

Ang estudyanteng makapagbibigay ng


halimbawa ay magkakaroon ng pa-premyo.

Handa na ba ang lahat?


Opo
F. Paglinang sa Batid ko na talagang ang bawat isa ay
Kabihasahan (Tungo nakinig at nagkaroon ng mga bagong
sa Formative kaalaman sa ating tinalakay. Ngayon ay may
Assessment) inihanda akong pangkatang gawain na kung
saan ay magsasama-sama ang bawat
pangkat.

Bibigyan ko kayo ng mga salita at


kinakailangan ninyo itong dugtungan ng
mga wastong ekspresyon.

PANGKAT 1

Alinsunod kay…

PANGKAT 2

Kung ako ang tatanungin, nakikita kong….

PANGKAT 3

Sa bagay na iyan, masasabi kong…

Mayroon lamang kayong 3 minuto sa


pagsasagawa ng pangkatang gawain.
Maaaring simulan na.

Pagsasagawa ng pangkatang
gawain
G. Paglalapat sa aralin Sa pagkakataong ito ay kinakailangan ko
sa pang-araw-araw ang inyong mga ideya o opinyon tungkol sa
na buhay pahayag na ito;
“LAHAT TAYO AY MAY KARAPATANG
MAGSALITA”
Inaasahan ang pagganap ng
mag-aaral
H. Paglalahat sa aralin
Naunawaan ko na_______________
Nabatid ko na ____________________
Magagamit ko ang kaalaman sa araling ito
sa__________________

Inaasahan ang pagganap ng


mga mag-aaral
I. Pagtataya ng Aralin Piliin sa kahon ang mga angkop na
ekspresyon sa paghahayag ng konseptong
pananaw upang mabuo ang pangungusap.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Ayon sa/kay
Ganoon din Batay sa /kay
Sa paniniwala ni/ng
Para kay
Akala ko/ni/ng
Sa pananaw ni/ng

1._______________PAGASA, ang bagyo ay


tatama at magla- landfall sa Pilipinas sa
darating na Miyerkules o Huwebes.
2. __________________ nakararami, mas
mainam na magtrabaho kaysa mag-intay ng
tulong mula sa gobyerno.
3. __________________ utos ng Pangulong
Duterte, ang Metro Manila ay mananatiling
nasa General Community Quarantine
hanggang sa katapusan ng Hulyo.
4. __________________ Lisa, ay wala siyang
gaanong tagahanga ngunit nagkamali siya.
5. __________________ datos ng World Health
Organization, nasa 216 na ang mga bansang
mayroong kaso ng COVID-19 sa buong
mundo.
J. Karagdagang gawain Ano ang Telebisyon?
para sa takdang- Ano ang Kontemporaryong Programang
aralin at Pantelebisyon?
remediation

Inihanda ni:

PRINCESS MAY F. GONZALES


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like