You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral na pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
Pangnilalaman popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
Pagganap kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)
C. Mga kasanayan sa Natutukoy ang kahulugan ng pelikula
Pagkatuto. Isulat ang Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
code ng bawat (F8PT-lllg-h-32)
kasanayan
II. Nilalaman Mga salitang ginagamit sa mundo ng Pelikula
A. Sanggunian K-12 Gabay sa Kurikulum
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Laptop, Powerpoint at Biswal na kagamitan
Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang aralin at  Panalangin
pagsisimula ng bagong Tatawag ang guro ng isang mag-
aralin. aaral para pangunahan ang
pagdarasal.
Inaasahan ang pagganap ng mag-
aaral
 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo, pulutin ang
mga kalat na nasa ilalim ng inyong
mga upuan at isaayos ang hanay
ng mga ito.
Inaasahan ang pagganap ng mga
mag-aaral

 Pagtatala ng liban
Para sa kalihim ng klase, sino ang
mga mag-aaral na hindi
makasasama sa ating talakayan
ngayong araw? Ngayong araw ay kumpleto po ang
Baitang 8.

Natutuwa ako sapagkat


makasasama ang lahat sa ating
paglalakbay. Ngunit bago ang
lahat, nais ko muna kayong
tanungin kung handa na ba kayo?
“HANDA NA BA KAYO?”

Opo, handang-handa na po kami!


Magaling!
Balik-aral

Bago tayo magsimula ng


talakayan, sino sa inyo ang
nakatatanda ng tinalakay natin
noong nakaraang Linggo?

Ang tinalakay po natin sa


nakaraang araw ay tungkol sa
dokumentaryong pelikula. At
natalakay din po natin ang mga
elemento ng pelikula.

Ang mga mag-aaraal ay may iba’t-


ibang kasagutan

Napakahuhusay!
B. Paghahabi sa layunin LIGHTS, CAMERA, ACTION!
ng aralin at pagganyak Magpapakita ang guro ng mga sikat
na linya mula sa ibat ibang pelikula
at kailangang tukuyin kung sino at
anong pelikula ito.

“Akala mo lang wala… Pero meron,


meron, meron!”
Bata-bata, paano ka ginawa?

“Ang pera natin hindi basta-basta


mauubos, pero ang pasensya ko,
konting-konti na lang!”
One More Try
“Mahal mo ba ako dahil kailangan
mo ako, o kailangan mo ako kaya
mahal mo ako?”
- Claudine Barretto, Milan (2004)
Milan

.“Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko


ng masikip, ayoko ng mabaho,
ayoko ng walang tubig, ayoko ng
walang pagkain, ayoko ng putik!”
- Maricel Soriano, Kaya Kong
Abutin ang Langit (1984)
Kaya Kong Abutin ang Langit

“Wala akong pakialam… ibalik mo


sa akin si Jun-jun. Ibalik mo sa
akin ang anak ko! Ibalik mo sa
akin si Jun-jun. Ibalik mo ang…
ahhhhh!”
- Vilma Santos, Paano Ba ang
Mangarap? (1983)
Paano Ba ang Mangarap?

“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan


mo lang ako… And I’m so stupid to
make the biggest mistake of falling
in love with my best friend.”
- Jolina Magdangal Paano Ba ang
Mangarap? 1998)
Paano Ba ang Mangarap?
C. Pag-uugnay ng mga Batay sa inyong nakita at narinig
halimbawa sa bagong na linya, anong klaseng mga
aralin emosyon ang inyong mga
napansin?
Ang mga mag-aaraal ay may iba’t-
ibang kasagutan

Saan nyo madalas makita o


mapanood ang mga ito?
Ang mga mag-aaraal ay may iba’t-
ibang kasagutan.
D. Pagtalakay ng bagong Pelikula
konsepto at paglalahad Ang pelikula, na kilala din bilang
sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng gumagalaw
na larawan ang letratong pelikula
sa kasaysayan, kadalasang
tinutukoy ang larangang ito ng
akademya

Ano ang masasabi nyo tungkol sa


pelikula?
Ang mga mag-aaraal ay may iba’t-
ibang kasagutan

“Nabibigyang kahulugan ang mga


salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula”

Ibabahagi ng guro ang mga


salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula gamit ang biswal na
kagamitan.

1. PINALAKANG TABING
2. SINE
3. CUT
4. LIGHTS, CAMERA, ACTION!
5. TAKE TWO
6. DEREK
7. BIDA
8. KONTRABIDA
9. ISKRIP

Isasaad/ipapaliwanag isa-isa ng
guro ang mga salitang ginagamit
sa mundo pelikula.

MGA SALITANG GINAGAMIT SA


MUNDO NG PELIKULA
PINALAKANG TABING- (silver
screen) o sinehan
SINE- lugar panooran ng mga
pelikulang nakaanunsyong
panoorin
CUT- salitang ginagamit ng
director kung hindi nasisiyahan
sapagarte o may eksenang hindi
maayos.
LIGHTS, CAMERA, ACTION!-
hudyat na magsisimula na ang
pag-arte o pagkuha ng eksena
TAKE TWO- tumutukoy sa ilang
ulit kinukuhanan ang eksena
DEREK- tawag sa taong
nagmamaneho sa artista at
paggalaw ng pelikula
BIDA- taong pinakatampok sa
pelikula
KONTRABIDA- katunggali ng bida
ISKRIP- teksto o nasusulat sa
paglalahad ng pelikula

E. Pagtalakay ng bagong Mayroon akong inihandang isang


konsepto at paglalahad “action box” ito ay pagpapasa-
ng bagong kasanayan pasahan ninyo habang binibigkas
#2 ang pahayag na “LIGHTS,
CAMERA, ACTION!”

Inaasahan ko na ang lahat ay


makikiisa sa ating gagawing palaro.

Handa na ba ang lahat?


Opo.
F. Paglinang sa Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa
Kabihasahan (Tungo sa tatlong pangkat magbibigay ang
Formative Assessment) guro ng mga sikat na linya na
binitawan ng mga actor/actress.
Ang bawat pangkat ay pipili ng
isang kinatawan at bibigkasin ito
ng may emosyon.

Minsan Lang Kita Iibigin

Four Sisters and a Wedding

My Ex’s and Why


Inaasahan ang pagganap ng mga
mag-aaral
G. Paglalapat sa aralin sa Ibahagi ang iyong ideya o opinyon
pang-araw-araw na sa pahayag na;
buhay
“IKAW ANG DIREKTOR NG
IYONG BUHAY”

H. Paglalahat sa aralin Sino ang maaaring magbahagi ng


mga salitang ginagamit sa pelikula
batay sa ating tinalakay?

Sa inyong palagay ano kaya ang


kahalagahan na malaman natin
ang mga salitang ito?
I. Pagtataya ng Aralin Direksiyon: Kumuha ng kalahating
malinis na papel sagutan ang mga
sumusunod:
1. Tawag sa taong nagmamaneho
sa artista, Paggalaw ng pelikula
ay nakasalalay sa kanya._______
2. Lugar na nagsisilbing tagpuan
din, Mga pelikula, masarap ditong
panoorin________
3. Teksto o nasusulat sa
paglalahad, Linya ng mga tauhan
ay dito nakasaad.________-
4. Hudyat ng pagsisimula ng pag-
arte, Inihahanda ang ilaw pati na
ang lente.________
5. Salitang ginagamit ng director
kung hindi nasisiyahan, Kahit
ilang beses ay pwede itong
bitawan.___________

J. Karagdagang gawain Bilang isang mag-aaral, ano ang


para sa takdang-aralin kahalagahan sayo ng pelikula?
at remediation

Inihanda ni:
PRINCESS MAY F. GONZALES
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like