You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Mindoro State College of Agriculture and Technology


Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7


Nobyembre 26, 2018, 1:00-2:00 ng hapon
Pagbabagong Morpoponemiko

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikilala at naipaliliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng pagbabagong
morpoponemiko;
b. nasusuri at natutukoy ang mga pagbabagong morpoponemiko na naganap sa
mga salita;
c. nabibigyang halaga ang paggamit ng pagbabagong morpoponemiko sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan.

II. Paksang – aralin


Paksa : Pagbabagon Morpoponemiko (Wika)
Sanggunian : Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markhan
Pahina : 70-71
Awtor : Rowena del Castillo et, al.
Kagamitan : Laptop, Powerpoint Presentation, Marker, Manila paper,
Cartolina, Pentelpen, Yeso

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral


A. Pang-araw-araw na gawain
a. Panalangin
Magsitayo ang lahat!
Mary Ann, pakipangunahan ng
panalangin sa araw na ito.
(Magsisistayo ang mga mag-aaral)
Panginoon maraming salamat po sa
araw na ito. Nawa’y ingatan nyo po
kami kasama ng aming mga mahal sa
buhay na naiwan sa aming mga
tahanan. Ito po ang aming samo’t
dalangin sa pangalan ni Hesus . AMEN!
b. Pagbati
Magandang hapon sa inyong lahat!
Magandang hapon din po Sir Castillo!

c. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo pakipulot ng mga
kalat at basurang nakikita nyo sa
inyong paligid at pakiayos din ng linya
ng inyong mga upuan.
(pupulutin ang mga kalat at aayusin
ang linya ng upuan.)
d. Pag-alam sa liban
May liban bas a araw na ito?
Sir wala po!

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

e. Pagwawasto ng takdang-aralin
Nuong nakaraang araw ay nagbigay
ako ng takdang- aralin.

Mary Ann, pakibasa ng iyong


ginawang takdang-aralin? (Babasahin ang takdang-aralin.)

Fiona, pakibasa ng iyong gianawang


takdang-arali. (Babasahin ang takdang-aralin.)

Pakipasa na ang inyong takdang-aralin


at akin itong iwawasto. (ipapasa ng mga mag-aaral ang
kanilang mga takdang aralin)

f. Pagbabalik- aral
Marlyn Anne ano ang iyong
natatandaan sa nakaraang aralin
natin? Sir, ang atin pong pinag-aralan kahapon
ay patungkol sanaysay.

Magaling!

Ano naman ang inyong natatandaan


tungkol sa sanaysay.
Sir, ang sanaysay po ay isang paraan
upang maipahayag natin ang ating mga
saloobin.
Ikaw naman Lorie Jane, ano ang iyong
natatandaan? Sir, ang sanaysay po ay isang sulatin na
naglalaman ng mga nais sabihin ng
Napakahusay! isang tao.

Lubos nga ninyong nauunawaan ang


ating nakaraang aralin.

B. Pagganyak
Magkakaroon tayo ngayon ng isang
panonood na kung saan ay inaasahan kong
inyong susuriin ito at iintindihing mabuti.
Maliwanag baa ng aking tinuran? Opo sir!

(Ipapanood ang video clip ng Biolink


Soap)

Kaye Isabella, ano ang iyong naramdaman


habang ika’y nanonood? Sir, natawa po ako kase iyong ina at
ama noong bata ay mapuputi
samantalang iyong anak nila ay maitim.
Mahusay!

Ikaw naman Misha Nicole? Sir, natutunan ko po na kapag gumamit


Ano naman ang iyong natutunan sa ating ka ng sabong Biolink magbabago ang

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

napanood. iyong kulay.

Mahusay!
Malaki ang kinalaman ng salitang
pagbabago sa ating susunod na aralin.

C. Paglalahad
Pero bago natin talakayin ang susunod
nating paksa ay alamin muna natin ang
ating layunin sa araw na ito. Fiona,
pakibasa ng ating layunin. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang iba’t ibang uri ng
pagbabagong morpoponemiko
b. naipaliliwanag ang pagkakaiba
ng mga uri ng pagbabagong
morpoponemiko;
c. nakapagbibigay halimbawa sa
bawat uri ng pagbabagong
morpoponemiko;
d. nabibigyang halaga ang
paggamit ng pagbabagong
morpoponemiko sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan.

Maraming salamat!

Ngayon nga ay ating tatalakayin ang


patungkol sa “Pagbabagong
Morpoponemiko”.

Meron ba sa inyo ang may ideya


patungkol sa Pagbabagong
Morpoponemiko?
Sir, ang pagbabagong
Marco, may ideya ka ba? morpoponemiko po ay pagbabago
sa isang morpema.

Magaling! Sir, pagabago po ng karaniwang


Catherine, ano naman ang ideya mo? salita o morpema na naapektuhan
sa impluwensya ng kaligiran nito.

Mahusay!

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang


pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
apat na pangkat. Gagawa kayo ng isang
malikhaing biswal na kung saan ito ang
gagamitin ninyo upang ipakita ang inyong
mabubunot na gawain, magbibigay kayo
ng 2 halimbawa sa bawat paksa. Pipili
kayo ng isang kasapi na maglalahad o

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

mag-uulat ng inyong ginawa. Mayroon


kayong 5 minuto para sa paghahanda at 2
minuto para sa paglalahad. Maliwanag ba Opo sir!
ang aking tinuran?

Narito ang pamantayan ng inyong gawain


na magiging basehan sa pagbibigay ng
inyong marka. Laurence, maaari mo bang
basahin? RUBRIK
Nilalaman 20 puntos
Presentasyon 15 puntos
Kooperasyon 10 puntos
Takdang Oras 5 puntos
KABUUAN 50
PUNTOS
Maaari na kayong magsimula ngayon!
(Magsisimula na ang mga mag-
aaral sa paggawa ng kanilang
gawain.)
Ang unang magpapakita ng kanilang
ginawa ay ang pangkat I at susundan ng
mga kasunod na pangkat. 1. Asimilasyon
Sir ang amin pong ginawa ay para sa
Pangkat I maaari na kayong magsimula. kahulugan ng Asimilasyon. Sinasabi po
na ang asimilasyon ay tumutukoy sa
pagbabagong anyo ng morpema dahil
sa impluwensya ng mga katabing tunog
nito.
URI NG ASIMILASYON
a. Di-Ganap na Asimilasyon/
Parsiyal
Ang ponemang /ng/ ay nagiging
n/o/m o mananatiling /ng/ dahil
sa kasunod na tunog. Kapag
ikinabit sa isang salitang- ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ng/
ay nagiging /m/.
Halimbawa:
Pang- + paaralan = pampaaralan
Pang- + bayan = pambayan

Naging /n/ naman ang huling


ponemang /ng/ kung ang
kasunod ay aliman sa mga
sumusunod na ponema :
d/l/r/s/t/.
Halimbawa:
Pang- + dikidik = pandikdik
Pang - + taksi = pantaksi
Mahusay! Bigyan natin sila ng Aling
Dionesia Clap!

Pangkat II kayo naman ang magpakita ng


inyong ginawa. b. Asimilasyon Ganap

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Bukod sa pagbabagong
nagaganap sa ponemang /ng/
ayon sa puntong artikulasyon ng
kasunod na tunog, nawawalan na
rin ang unang ponemang
nilalapian ng salita dahil ito ay
inaasimila o napapaloob na sa
sinusundang ponema.
Halimbawa:
Pang- + palo – pampalo = pamalo
Pang- + tali – pantali = panali
 May mga salitang maaaring
gamitan ng alinman sa
dalawang uri ng asimilasyon
nakamihasnan nang gamitan
lamang ng asimilasyong ganap.
Halimbawa:
Pang- + kuha=
pangkuha/panguha
Pang- + tabas =
pangtabas/pantabas
Ang mga sumusunod na hindi
ginagamitan ng asimilasyong
ganap.
Halimbawa:
Pang- + bansa = pambansa
Pang- + luto = panluto
Mahusay! Bigyan natin sila ng WOW Clap.

c. Pagkakaltas ng Ponema
Ngayon naman ay ang pangkat III. Ang amin pong ipapakita ay ang
Pagkakaltas ng Ponema  Nagaganap
ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
Takip + -an = takipan = takpan
Sara + -han= sarahan = sarhan

Napakahusay! Bigyan natin sila ng Dora


Clap!

Ngayon naman ay ang huling pangkat. Ang


ikaapat. d. Reduplikasyon
Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang
pag-uulit na ito ay maaaring
magpahiwatig ng kilos na ginagawa o
gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos
o pagpapaami.
Halimbawa:
aalis, pupunta, naglalakad, masasaya,
Napakagaling ng pagkakapaliwanag ng magtataha
huling pangkat.

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Napakahuhusay ninyo sa pagpapakita ng


inyong mga ginawa. Kung kaya ang
nangunang pangkat sa ating gawain ay ang
pangkat… (babanggitin ng guro ang
pangkat na nanalo.)

D. Paglalahat
Ngayon any magkakaroon tayo ng isang
gawain na tatawagin nating BUUAN NA!.
Ipapangkat ko kayo sa apat na grupo.
Bibigyan ko kayo ng sobre na naglalamang
mga ginulong letra at base sa inyong
nabuo ay ibibigyan ninyo ang kahulugan.
Pipili ng isang kinatawan na siyang mag-
uulat sa klase. May dalawang minuto kayo
para sa pagbubuo at isang minuto naman
sa paglalahad. Maliwanag ba ng aking
tinuran? Opo sir!

Ngayona ay pumunta na kayo sa inyong .


mga ka-grupo.

Pangkat I ano ang inyong nabuo? Ibigay


ang kahulugan nito. Ang sa amin po ASIMILASYONG Di-
GANAP.
Ang ponemang /ng/ ay nagiging
n/o/m o mananatiling /ng/ dahil
sa kasunod na tunog. Kapag
ikinabit sa isang salitang- ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ng/
ay nagiging /m/.

Mahusay!

Ang pangkat II naman Sir, ang nabuo po naming ay


Asimilasyong Ganap.
Bukod sa pagbabagong
nagaganap sa ponemang /ng/
ayon sa puntong artikulasyon ng
kasunod na tunog, nawawalan na
rin ang unang ponemang
nilalapian ng salita dahil ito ay
inaasimila o napapaloob na sa
sinusundang ponema.

Magaling!

Ang pangkat III naman! Sir ang sa amin po ay ang Pagkakaltas


ng Ponema.
Pagkakaltas ng Ponema  Nagaganap
ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Mahusay!
Dumako naman tayo sa pangkat IV Sir, ang nabuo po naming ay
Reduplikasyon.
Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang
pag-uulit na ito ay maaaring
magpahiwatig ng kilos na ginagawa o
gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos
o pagpapaami.

Mahusay!

Ngayon nga ay lubos na ninyong


nauunawaan ang ating tinalakay.

E. Pagtataya
Magkakaroon tayo ng isang maikling dula-
dulaan. Base sa inyong nabuong mga salita
kanina sa inyong mga pangkat. Buboo
kayo ng isang dula na kakikitaan ng mga
salitang nabuo ninyo base sa inyong
nabuong pangkat kanina (Asimilasyong
Ganap, Asimilasyong Di-Ganap,
Pagkakaltas ng Ponema at
Reduplikasyon). Mayroon kayong 3 minuto
para sa paghahanda at 2 minuto naman sa Maliwanag po!
presentasyon. Maliwanag ba?

Narito ang pamantayan sa pagpupuntos sa


inyong gagawin. Jake pakibasa mo nga ng
ating pamantayan. RUBRIK
Nilalaman 20 puntos
Panghikayat sa Madla 10 puntos
Kaangkupan sa paksa 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
Takdang Oras 5 puntos
KABUUAN 50
PUNTOS
F. Pagpapahalaga

Kyla Jasmin, bilang isang mag-aaral na


nasa ika-7 baitang, paano mo
mapapahalagahan ang wastong paggamit
ng pagbabagong morpoponemiko sa iyong
pang-arawa-araw na pakikipagtalastasan?
Maribel ano ang iyong masasabi? Sir, mapapahalagahan ko po ito sa
pamamagitan ng pagiging masuri ako
sa paggamit ng mga salita upang
maiwasto ko po ang mga maling
Mahusay! paggamit ko.
Ikaw naman John Russel?
Sir sa paraang gagamitin kop o ito lalo
na kapag kami ay gagawa ng isang
Magaling!
akda.
Ikaw naman Adrian?

Sir, mapapahalagahan kop o ito sa

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

pamamagitan ng paggamit ng wasto


lalo na sa pakikipag-usap upang mas
Mahusay! magkaunawaan kami ng aking kausap.

IV. Takdang Aralin


Sumulat ng isang talata na mag 100
salita na ginagamitan ng mga
pagbabagong morpoponemiko at
salungguhitan ang mga ito. Isulat ito
sa isang buong papel.

May mga katanungan pa ba kayo?

Kung gayon ay paalam na sa inyo Grade


Wala nap o sir!
7!

Paalam na din po, Sir Castillo!

Inihanda ni:

EDGAR V. CASTILLO
Gurong Nagsasanay

Winasto nina:

Bb. LYKA JOY F. DE CASTRO


Gurong Tagapamatnubay

JOAN F. POLITICO
STS- Filipino

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece

You might also like