You are on page 1of 13

PAARALAN EMA EMITS College BAITANG/ Baitang 7

Philippines ANTAS

GURO: G. Darrel Jay M. Herrera DISIPLINA: Filipino

PANG-ARAW- ORAS/PETSA MARKAHAN Ikalawang


ARAW NA NG : Markahan
BANGHAY-ARALIN PAGTUTURO
SA FILIPINO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.
Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa
paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin
dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Pangnilalaman kabisayaan.
B. Pamatayan sa Naisusulat ng mga mag-aaral ang sariling awiting- bayan gamit ang wika ng
Pagganap kabataan.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) natatalakay ang kahulugan at mga katangian ng isang Alamat;
b) nagagamit ng maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-
gaano, di-gasino, at iba pa) (F7WG-IIc-d-8)
c) nakaguguhit ng mga simbolo o larawan na may kaugnayan sa probinsya ng
Visayas.

II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a.Paksa Alamat

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Internet
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=T2JYqG7TpSU
Kagamitan mula March 6, 2023
sa portal ng
Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang pang-ICT at Kagamitang biswal
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin
bagong aralin na pangungunahan ni Bb. Kimberly.
Ama, maraming salamat po sa
panibagong araw na
ipinagkaloob mo sa amin.
Salamat po sa iyong pag-iingat
sa amin sa araw-araw. Dalangin
ko po na kami po ay iyong
palaging gabayan. Maraming
salamat po sa lahat ng mga
biyayang dumadating sa buhay
namin. Ama, patawarin mo po
kami sa mga pagakakasalang
nagagawa namin. Nawa po ay
ang inyong presensya ang
maghari ngayong umagang ito.
Ang lahat ng dalangin kong ito
ay iniaalay ko sa matamis mong
pangalan, Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si


Ginoong Darrel Jay Herrera, ang inyong Magandang umaga po.
guro sa araw na ito.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo maaari bang (Aayusin ng mga mag-aaral ang


pakiayos ng linya ng inyong mga upuan at linya ng upuan at pupulutin ang
pakipulot na rin ng kalat sa inyong mga kalat sa paligid.)
paligid.

4. Pagtatala ng Liban
May liban ba sa araw na ito? Walang pong liban ngayong
araw.

Mainam! Senyales lang iyan na kayo ay


interesadong matuto sa araw na ito.

5. Balik-aral
Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa Mga
Bulong at Awiting Bayan.

Bb Marjorie, base sa iyokng natutunan


kahapon, ano nga ulit ang mga bulong at awiting Ang bulong po ay isang
bayan? matandang katawagan sa
orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuluan ng pilipinas
samantalang ang awiting bayan-
awiting bayan ang tradisyunal na
musika at ang genre na
umusbong mula sa
panunumbalik.

Magaling!
Maraming Salamat, maaari ka nang maupo.

B. Paghahabi sa Bago natin simulan ang ating talakayan, igugrupo


Layunin ng Aralin ko muna kayo sa apat para sa ating pangkatang
Gawain. Sa gawaing ito, guguhit ang bawat
pangkat ng simbolo o larawan na maiuugnay sa
probinsya ng Visayas. At pumili ng isang
miyembro ng grupo na maguulat ng inyong
ginawa sa unahan.

Naunawaan ba ninyo angn aking panuto?


Opo sir.
Ngayun ang bumilang hanggang apat para sa
inyong magiging pangkatang gawain. (Bibilang ang mga mag-aaral)

Sir, tapos na po.


Mabuti.
Ngayun ay pumunta na kayo sa inyong mga
kagrupo at maaari na kayong magsimula.
(Magsisimulang gumawa ang
mga mag-aaral)

(Pagkatapos ng ilang minuto)


Tapos na ba anng lahat?
Opo.
Mabuti kung ganon.

(Magprepresenta ang bawat


grupo ng kanilang mga naiguhit
na larawan)

Magagaling!
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.
(papalakpak lahat ng mga-aaral)

Kung gayon, maaari na nating simulan ang ating


aralin. Ngunit bago tayo tuluyang dumako,
basahin muna ninyo ng sabay sabay ang layunin
na dapat nating makamit sa mga oras na ito.

Basahin ng sabay sabay ang ating layunin.

Sa pagtatapos ng aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natatalakay ang
kahulugan at mga
katangian ng isang
Alamat;
b) nagagamit ng maayos
ang mga pahayag sa
paghahambing
(higit/mas, di- gaano, di-
gasino, at iba pa)
(F7WG-IIc-d-8)
c) nakaguguhit ng mga
simbolo o larawan na
may kaugnayan sa
probinsya ng Visayas.

Maraming Salamat.
Ngayon ay makakamit lamang natin ang layunin
na ito kung kayo ay magkakaroon ng
kooperasyon.

C. Pag – uugnay ng Base sa ating ginawang pampasiglang Gawain


mga halimbawa kanina. Nagkaroon kayo ng ideya tungkol sa kung
sa aralin saan nagsimula ang ating aralin ngayon. At tama
ang inyong mga iniisip. Tungkol sa kabisayaan
ang ating tatalakayin ngayun. At ang ating
magiging paksa ay “Alamat”.

Wena, para sa iyo, ano ang alamat?


Ito po ay isang uri ng kuwentong
bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.

Mahusay!
Maraming Salamat Wena.

Narito pa ang isang kahulugan ng alamat.

Ang alamat ay isang pasalitang anyo ng panitikan


na nagsimula pa noong panahon ng katutubo.
Layunin din ng panitikan na ito na ipaliwanang sa
pamamagitan ng pagsasalaysay ang pinagmulan
ng mga bagay, lugar, hayop o pangyayari. Dahil
ito ay nabibilang sa piksyon, ang mga pangyayari
ay hango sa mga di- kapani-paniwalang
pangyayari at walang basehang siyentipiko o pag-
aaral.

Ang alamat ay may ilang kasanayang


panggramatika din, ang pahambing na
magkatulad, pahambing na di- magkatulad,
palamang at ang pasahol.
Ginoong Aian, maaari mo bang basahin ang
pahambing na magkatulad? Opo sir.
Ang pahambing na magkatulad
ay naghahambing ng dalawang
bagay na may parehong timbang
o kalidad, ginagamitan ito ng
mga salitang pareho, tulad, gaya
ng, kamukha ng, kapareho, at iba
pa.

Maraming Salamat.
Bb. Deanne, basahin ng malakas ang pahambing
na di-magkatulad at ang dalawang uri nito.

Ang pahambing na di-


magkatulad ay may dalawang
uri. Ito ay ang palamang at
pasahol. Ang palamang ay may
higit na positibong katangian
ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing. Naipakikita ito
sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang lalo, higit, di-
hamak, mas, at iba pa.

Pasahol ay may higit na


negatibong katangian ang
inihahambing sa
pinaghahambingan. Gumagamit
dito ng di-gaano, di-gasino, at
di-masyado.

Maraming Salamat. Maaari ka nang umupo.

D. Pagtalakay ng May ibibigay ako sa inyong isang halimbawa ng


bagong konsepto alamat. Basahin ito ng Mabuti at analisahin ang
at paglalahad ng mga italisadong mga salita nang sa gayon ay mas
bagong kasanayan maunawaan ninyo ang inyong binabasa.

(babasahin ng mga mag aaral


ang ibibigay ng guro)

Ang Alamat ng Baysay


(Bahagi ng The Beautiful
Bungangsakit)
Salin ni Reynaldo S. Reyes

Dahil sa ipinakitang
kalupitan ng mga tulisang-dagat,
ang mga naniniraham sa Balud,
sa pangunguna ng mga
misyonerong Heswita, ay
nagtungo sa Binongtoan, isa sa
kalapit na nayon. Doon ay
nagsimula silang bumuo ng
panibagong nayon at matatag na
kuta na yari sa mga batong
adobe. Pinatatag nila ang
kanilang nayon. Naglagay sila
ng mga pamigil na harang laban
sa marahas na pananalakay ng
mga tulisang- dagat. Ang mga
tagapamuno ng Binontoan ay
sina Ambrocio Makarumpag,
Francisco Karanguing, Juan
Katindoy, at Tomas Makahilig.
Sa pagpupulong ng mga
tagapamuno na dinaluhan ng
mga misyonerong Heswita,
sila’y nagkasundo na pangalanan
ang lugar na Baysay na may
kahulugang “Maganda” bilang
parangal at sa alaala ng kanilang
magandang si Bungangsakit.

Samantala, ang mga taga- Omit


na nakasalamuha ni
Bungangsakit ng kanyang
kabataan ay hindi sumama sa
pagtatatag ng bayan ng baysay.
Sa halip, sila’y nakaisa at
nagtatag ng kanilang sariling
barangay na pinangalanang
Guibaysayi, na may kahulugang
“Ang Pinakamaganda” bilang
pagbibigay paranngal din sa
kagandahan ng kanilang si
Bungangsakit. Ang mga
naninirahan sa Baysay ay
nagtatag ng pangkat ng mga
tagapagtanggol na binubuo ng
matatapang na kalalakihan sa
kanilang lugar na
pinamumunuan ni Katindoy,
isangn matapang na mandirigma.
Batid nilang ang mga tulisangn-
dagat ay muling babalik kaya’t
nagtayo sila ng kuta na yari sa
matitigasa na bato sa Bungal na
matatagpuan sa Bukana ng ilog.
Sa kutang ito magtitipon ang
matatapang na tagapagtanggol ni
Katindoy upang planuhin ang
kanilang mga gagawing depensa
laban sa mga tulisanng-dagat at
upang mamatyagan ang
paparating na mga vinta.
Noong 1832, ang ilang piling
lugar sa Bungal ay inihanda para
sa pagtatayo ng Simbahan
Katoliko ng mga Heswita.
Subalit sa kakapusang-palad,
ang walo-walo ay dumating at
sinalanta ang buong kuta. Ang
walo-walo ay walong araw na
walang tigil sap ag-ulan nang
malaksa na may kasamang
malalakas na hangin. Pagkalipas
ng ilang araw, dumaan pa ang
napakalakas at nagngangalit na
bagyo sa lugar na kumitil sa
napakaraming buhay at sumira
ng napakaraming ari-arian.
Sapagkat walang matirahan angn
sinalanta ng bagyo, ang mga
natirang buhay na naninirahan sa
Baysay ay nagpasyang muling
kumilos upang humanap ng
lugar na may mga burol na
magsisilbing pananggalang sa
malalakas na hangin. Napili nila
ang kasalukuyang kinalalagyan
ng bayan ng Baysay. Malapit sa
lugar na ito ay matatagpuan ang
mga burol. Isa sa mga ito ay
tinayuan ng mga katutubo ng
mataas na tore. Mula sa tore ay
matatanaw ang paparating na
mga Vinta at ang mga burol ay
maaaring mapaglikasan sa mga
panahon ng pagbaha at kublihan
kapag may malalakas na bagyo.

Tapos na ba kayong magbasa ng alamat? Opo sir.

Kung gayon, ihanda ang sarili para sa susunod na


gagawin na may kaugnayan sa alamat na binasa.
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong
kasanayan # 2
F. Paglinang sa Ngayon ay magkakaroon tayo nang pangkatang
kabihasaan Gawain na kung saan ihahambing ang binasang
(Tungo sa Alamat ng Baysay sa iba pang mga alamat na
Formative nabasa. Gumamit ng limang pangungusap na may
Assessment) pahambing na magkatulad at limang pangungusap
para sa pahambing na di-magkatulad.

Magsisilbing unang grupo ang unang hanay at


ikalawang grupo ang huling hanay.
Naunawaan ba ninyo ang aking panuto?
Opo.

Mabuti kung ganon.


Maaari na kayong pumunta sa inyong mga
pangkat.

Narito ang krayterya ng inyong presentasyon.

Maaari na kayong mag umpisa. Mayroon lamang


kayong 15 minuto para sa gawaing ito. (magsisimulang gumawa ang
mga mag-aaral)

Tapos na ba?
Opo.

Mainam kung ganun. Simulan na natin ang


presentasyon.

Maaari nang pumunta sa unahan ang unang


grupo.

(magtatanghal ang unang grupo)

Mahusay! Bigyan sila ng ang galing galing clap.


1,2,3
1,2,3
Ang galing galing

Ngayon dumako naman tayo sa pangalawang


grupo. (magtatanghal ang pangalawang
grupo)

Mahusay! Bigyan sila ng Good Job clap. 1,2,3


1,2,3
G-oo-d j-o-b
Good Job!
Narito ang puntos ng bawat grupo.
Pangkat isa, nakatanggap ng 4 na puntos at ang
pangkat dalat naman ay nakatanggap ng 3 puntos.
G. Paglalapat ng At dahil mukhang naunawaan naman ninyo ang
Aralin sa Pang- ating tinalakay.
araw – araw na
buhay Shiela, paano mo maisasabuhay ang nabasa mong
alamat kanina?
Sa pamamagitan po nito,
isasabuhay ko po yung katulad
nung nasa alamat na pagkakaisa.
Dahil para sa akin, ito po ay
mahalaga dahil mas napapaunlad
ang isang lugar o bagay kung
ang bawat tao ay may
pagkakaisa.
Tama!

Naunawaan ba?
Opo.

H. Paglalahat ng Muli nating balikan ang aralin na tinalakay natin


Aralin ngayong araw.

Eman, ano ang kahulugan ng alamat base sa ating


tinalakay ngayon?
Ito po ay isang uri ng kuwentong
bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Ang alamat ay
may ilang kasanayang
panggramatika din, ang
pahambing na magkatulad,
pahambing na di- magkatulad,
palamang at ang pasahol.

Arjon ano naman ang pahambing na magkatulad?


Ang pahambing na magkatulad
ay naghahambing ng dalawang
bagay na may parehong timbang
o kalidad, ginagamitan ito ng
mga salitang pareho, tulad, gaya
ng, kamukha ng, kapareho, at iba
pa.

Ginoong Edmon, Ano naman ang pahmbing na


di- magkatulad at ang dalawang uri nito?

Ang pahambing na di-


magkatulad ay may dalawang
uri. Ito ay ang palamang at
pasahol. Ang palamang ay may
higit na positibong katangian
ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing. Naipakikita ito
sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang lalo, higit, di-
hamak, mas, at iba pa.

Pasahol ay may higit na


negatibong katangian ang
inihahambing sa
pinaghahambingan. Gumagamit
dito ng di-gaano, di-gasino, at
di-masyado.

Tama!
Lubos na nga ninyong naunawaan ang naging
aralin natin ngayong araw.

I. Pagtataya ng aralin Kung gayon ay kumuha ng isang malinis na papel


at magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit.
Panuto: Mula sa nabanggit na katangian ng
alamat, isa-isahin ang mga kapani-paniwala at di-
kapani-paniwalang mga pangyayari sa binasang
akda.

Kapani-paniwala Di- kapani-paniwala

1. 1

2. 2

3. 3

4. 4

5. 5

Ipasa ang papel sa unahan kung tapos na. (ipapasa ng mga mag-aaral ang
papel sa unahan)
J. Karagdagang Karagdagang Gawain:
Gawain at Takdang- Itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng alamat sa
Aralin epiko at dula.

Panitikan Pagkakatulad Pagkakaiba

Alamat

Epiko

Dula

May mga katanungan po ba o nais pang linawin?


Wala na po.

Mabuti kung ganun. Bago tayo magtapos, sabay


sabay muli nating basahin ang ating layunin sa
oras na ito.

Sa pagtatapos ng aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natatalakay ang
kahulugan at mga
katangian ng isang
Alamat;
b) nagagamit ng maayos
ang mga pahayag sa
paghahambing
(higit/mas, di- gaano, di-
gasino, at iba pa)
(F7WG-IIc-d-8)
c) nakaguguhit ng mga
simbolo o larawan na
may kaugnayan sa
probinsya ng Visayas.

Maraming Salamat!

Magsitayo ang lahat.


(tatayo ang mga mag-aaral)
Paalam na sa inyong lahat.
Ako muli si Ginoong Darrel Jay M. Herrera ang
inyong naging guro sa oras na ito.
Paalam na po.
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat lingggo. Paano mo naisakatuparan. Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y
matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari
nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng
paggabay ng guro (bawat
pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasyon
E. Alin sa aking mga
estratehiya ang epektibong
gamitin? Bakit nasabing ito
ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:
G. Darrel Jay M. Herrera
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Lichfield V. Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay

You might also like