You are on page 1of 11

Paaralan: EMA EMITS College Baitang/Antas: Baitang 10

Philippines

Guro: Bb. Laiza N. Talens Disiplina: Filipino

PANG-ARAW-ARAW NA Oras/Petsa ng Marso 22, 2022 Markahan: Ikatlong Markahan


BANGHAY-ARALIN SA pagtututuro:
FILIPINO

I. LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum. Sundin ang pamamaraan
upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan
Tinataya ito gamit ang estratehiya ng Formation Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang
kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay na Kurikulum at huhubugin ang bawat
kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Naisusulat ng mga mag-aaral ang buod ng binasang akda.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapagbabahagi ng ginawang pagsusuri sa napankinggang
Pagganap buod ng nasabing akda.

C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


sa Pagkatuto a. nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod sa binasang akda;
b nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa salitang diskriminasyon;
c. . nalilinaw ang kakaibang katangian ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy
sa mga papel na ginagampanan sa akda, pagtiyak sa tagpuan, at pagtukoy sa
wakas ng akda
d. naibibigay ang kahulugan ng matatanlinhagang pahayag sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag;
e. nakasasagot sa mga tanong patungkol sa aralin;
f. naisusulat ang buod ng akda. (F10PB-IIIh-i-85)

II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay na Kurikulum.
Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.

a. Paksa Pantay-pantay ang Lahat sa Mata ng Diyos (pahina 294-299) ng Batayang Akda
Pampanitikan KALINANGAN.
III. KAGAMITANG PANTURO
Itala ang mga kagamitang panturo na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Batayang Akdang Pampanitikan KALINANGAN (Workteks sa Filipino Wika at
Panitikan Para sa Hayskul)
1. Mga Pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina ( 294-299)
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)

b. Iba pang Kagamitang biswal


Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito sa buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw. Para sa
holistikong pagkahubog gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment. Magbigay ng maraming
pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa
kanilang pang-araw-araw na karanasan.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-aral sa a.Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1.Panalangin
pagsisimula ng
bagong aralin.
Magsitayo ang lahat, Jomar maaari mo
bang pangunahan an gating panalangin?
Ama naming nasa langit,
nagpapasalamat po kami sa
panibagong araw na ipinagkaloob
nyo po samin. Nagpapasalamat po
kami sa walang sawang pagbibigay
ng biyaya sa araw araw.
Nagpapasalamat po kami sa malakas
na pangangatawan.
Ama hinihiling ko po napatawarin
nyo po kami sa aming mga
pagkukulang at mga pagkakasala.
Hinihiling ko rin po na bigyan nyo
po kami ng sapat na kaalaman para
maunawaan ang ituturo samin ni Bb.
Laiza. Hinihiling ko rin po na
gabayan nyo po sya sa kanyang
pagtuturo. Yun lang po Ama at
iniwan ko po ito sa pangalan ni
Hesukristo..Amen.
2.Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat.

Ako si Laiza ang magiging guro ninyo sa


araw na ito.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan Magandang umaga rin po.

Bago maupo ang lahat, maaari bang


pakiayos ng linya ng inyong mga upuan at
pakipulot ng kalat sa inyong mga paligid?

(Aayusin ng mga mag-aaral ang


linya ng upuan at pupulutin ang mga
4. Pagtatala ng Liban kalat sa kanilang paligid)
Kung tapos na maaari na kayong maupo,
Anja maaari mo bang iulat kung sino ang
liban ngayong umaga?

Maraming Salamat. Bb. Wala pong liban ngayong


umaga.
5. Balik-aral

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin,


magkaroon muna tayo ng isang gawain.
Kumuha ng isang buong papel at sagutan ito:

Panuto: Balikan ang nobelang Noli Me


Tangere at kilalanin ang mga tauhang ito sa
.
El Filibusterismo.
Isa-isahin ang mga pangunahing tauhan nito
at tukuyin din ang mga tauhang ipinakilala sa
unang bahagi ng El Filibusterismo. Isagawa
ang wastong sagot sa T-chart Organizer na
nasa ibaba.
MGA TAUHAN
_______________ ________________
_______________ ________________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ ________________
_______________ ________________
_______________ ________________
_______________ ________________

Naunawaan nyo ba ang gagawin?


Opo Binibini.

Simulan nyo na.

May ipapakita ako sa inyong mga larawan,


B. Paghahabi sa maari kayong magbigay ng reaksyon at
Layunin ng Aralin. saloobin patungkol sa mga larawan. Narito
unang pangkat ng mga larawan.

Ano ang masasabi nyo sa unang pangkat ng


larawan?

Binibini larawan po ng mga inaapi.

Tama. Ito ay larawan ng mga inaapi, nakikita


nyo naman sa unang larawan sya ay dinuduro,
sa pangalawa naman ay pinag-uusapan
habang sya ay nakatalikod at sa pangatlo ay
sinasaktan ng pisikal.

Sa tingin nyo ba tama ang ginagawa ng nasa


larawan? Hindi po Binibini.

Tama. Sabi nga sa isang kasabihan, “Huwag


mong gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong
gawin sa iyo.” Ibigsabihin, huwag natin
gawin sa iba yung mga ayaw nating
maranasan kagaya na lang ng pananakit sa
salita man o sa gawa.

Ito naman ang pangalawang larawan, ito ay


isang editorial cartooning patungkol sa
nangyayari sa loob ng El Filibusterismo.
Ano ang inyong reaksyon sa larawang ito?

Ang ipinapahiwatig ng larawan ay


ang hindi pantay-pantay na pagtingin
ng gobyerno sa panahon ng mga
mananakop.
Mahusay! Patuloy na ibinababa ng mga
mananakop ang karapatan ng Pilipino sa mga
panahon na iyan.

Ngunit bago tayo magpatuloy sa ating


gawain, atin munang basahin ang mga
layunin na dapat nating matamo sa araw na
ito. Sa pagtatapos ng aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
a. nasusuri ang pagkakaayos
ng napakinggang buod sa binasang
akda;
b nakapagbibigay ng sariling
pakahulugan sa salitang
diskriminasyon;
c. . nalilinaw ang kakaibang
katangian ng akda sa pamamagitan
ng pagtukoy
sa mga papel na
ginagampanan sa akda, pagtiyak sa
tagpuan, at pagtukoy sa
wakas ng akda
d. naibibigay ang kahulugan
ng matatanlinhagang pahayag sa
pamamagitan ng
pagpapaliwanag;
e. nakasasagot sa mga tanong
patungkol sa aralin;
f. naisusulat ang buod ng
akda. (F10PB-IIIh-i-85)

C. Pag-uugnay ng Sa nakaraang
mga halimbawa aralin na ating
sa aralin tinalakay,
ano nga ulit ito
Anja?
El Filibusterismo po Binibini. Isa sa
mga tanyag na akda ni Jose Rizal.

Mahusay Anja! Ito ay El Filibusterismo. Ang


nobelang El filibusterismo o Ang Paghahari
ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas
na si José Rizal, na kaniyang buong pusong
inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez,
Burgos, at Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda


ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.
Sinimulan niyang isulat ito sa London,
Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi
nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica.
Natapos ang kanyang akda noong Marso 29,
1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola
na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng
pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat
noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na
nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na
kalayaan at karapatan ang bayan.

Ang mga pangunahing tauhin sa akdang ito


ay sina:

Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na
nakasalaming may kulay

Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Juli

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay- ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.

D. Pagtalakay ng Sa pagkakataong ito, ngayon ay papangkatin


bagong konsepto at ko kayo sa tatlo. Mag-uulat kayo ng buod ng
paglalahad ng bagong Kabanata I, II at III ng El Filibusterismo. Ang
kasanayan # 1 unang pangkat ay Kabanata I, ang
pangalawang pangkat ay Kabanata II naman,
at ang pangatlo ay Kabanata III.

Mag-uulat kayo ayon sa pagkakasunod-


sunod.

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para


paghandaan ito at 5 minuto naman para sa
pag-uulat.

Nauunawaan ba ang gagawin? Opo Binibini.

Bago kayo magsimula pakibasa muna ng


pamantayan Sidnhey.
Pamantayan
Nilalaman 10pts.
Kooperasyon 5pts.
Pagganap 10pts.
_________________________
Kabuuan 25pts.

(gagawin ng mga mag-aaral ang


pangkatang gawain)

(nagsimula na ang pag-uulat)


Ang unang mag-uulat ay ang unang pangkat.
Unang pangkat – Kabanata I:

Isang umaga ng Disyembre ay


makikitang naglalakbay ang Bapor
Tabo. Sa paglalakbay nito, dala-dala
niya ang napakaraming pasahero
patungo sa lalawigan ng Laguna….

(natapos ang unang pangkat)


Mahuhusay! Bigyan sila ng isang masigabong
palakpakan.

Ngayon naman ang pangalawang pangkat.


Pangalawang Pangkat – Kabanata II:

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng


kubyerta. Masikip at siksikan doon
dahil may mga pasahero at naroon
din ang mga bagahe at kargamenrto.

Naroon si Basilio na isang mag-aaral


ng medisina at si Isagani na isang
makata mula sa Ateneo. Kausap nila
si Kapitan Basilio. Napag-usapan
nila ang balak ng mga mag-aaral
tungkol sa pagtuturo ng wikang
Kastila na hindi naging
matagumpay….

Mahuhusay! Bigyan sila ng masigabong (natapos ang pangalawang pangkat)


palakpakan.

Ngayon naman ang pangatlong pangkat.

Pangatlong Pangkat – Kabanata III:

Nauwi ang usapan sa ibabaw ng


kubyerta sa mga alamat.
Nagsimulang ikuwento ng Kapitan
ang alamat ng Malapad-na-Bato.
Ayon sa alamat, itinuturing daw na
banal ng mga katutubo ang lugar at
tahanan ng mga espiritu.

Ngunit nang manirahan daw dito ng


mga kriminal ay nawala ang
pangamba sa mga kaluluwang
naroon. Sa mga tulisan na natakot
ang mga tao….
Mahuhusay! Bigyan rin sila ng masigabong
palakpakan.
(natapos na ang pangatlong pangkat)

(Pagbibigay ng rekomendasyon at mungkahi


ng guro) (natapos na ang pag-uulat)

(Pagbibigay ng puntos ng guro sa bawat


pangkat)

E. Pagtalakay ng Upang mas maunawaan ang akda, kumuha ng


bagong konsepto at isang buong papel.
paglalahad ng bagong
kasanayan # 2 Panuto: Ibigay ang kahulugan ng
matatalinhagang salita o pahayag na may
salungguhit sa loob ng pangungusap sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag.

1. Matapos na hambalusin ng baston ni


Donya Victorina si Don Tiburcio nag-ala
ulisis itong tumakas.
Paliwanag: __________________________

2. Ang mga manlalakbay ay maginhawang


nakaupo sa mga upuang nalililiman ng
habong upang hindi mainitan sa init ng araw.
Paliwanag: __________________________

3. Ang Bapor Tabo ay may karumihan dahil


sa pagkulapol ng pinturang ipinahid sa buo
niyang katawan.
Paliwanag:___________________________

4. Napag-usapan ng grupo ni Kapitan Tiyago


at ang pagkagumon niya sa paghithit ng opyo.
Paliwanag:___________________________

5. Hindi magkamayaw ang mga pasahero sa


pag-akyat sa Bapor Tabo.
Paliwanag:___________________________

6. Ang Bapor Tabo ay makikitang


naglalakbay at tila hirap na hirap sa pag-usad.
Paliwanag:___________________________

7. Ang mga puno ng kawayan sa magkabilang


pampang ng ilog ay napapagalaw ng
malamyos na simoy ng hangin.
Paliwanag:___________________________

8. Ang Bapor Tabo ay tila nagbibigay ng


babala tuwing ito ay sisilbato.
Paliwanag:___________________________
9. Ang natatanging ginang na nakihalubilo sa
mga taga-Europeo at walang tigil na
kapipintas sa mga Indiyo ay si Donya
Victorina.
Paliwanag:___________________________

10. Hindi maputol ang pagmamalabis ni


Kapitan Tiyago sa paghithit ng opyo dahil
kinukunsinti ni Padre Irene.
Paliwanag: __________________________

F. Paglinang sa Mukhang nauunawan na ninyo ang ating


kabihasaan (Tungo sa aralin, ngayon kumuha ulit kayo ng isang
Formative buong papel.
Assessment)
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa buong
pangungusap.

1. Bakit sinasabing mapagpanggap ang Bapor


Tabo?
____________________________________
____________________________________

2. Sino-sino ang tinutukoy na illustrisimos at


mga reverendos? Isa-isahin.
____________________________________ .
____________________________________

3. Sa pagkakalarawan sa Bapor Tabo sa


dalawang bahagi nito, ano ang sinisimbolo
nito sa ating lipunan?
___________________________________
___________________________________

4. Ano ang pagkakaiba ng mga pasaherong


nasa ibaba at sa itaas ng kubyerta?
___________________________________
___________________________________

5. Anong uri ng pagkatao mayroon si Donya


Victorina? Paano ipinakita sa kabanata na
minamaliit niya ng mga Indiyo?
___________________________________
___________________________________

G. Paglapat ng Ahlea, ano ang pagkakaiba ng mga


Aralin sa Pang- pasaherong nasa ibaba at nasa itaas ng
araw-araw na kubyerta? Ang pagkakaiba ng pasaherong nasa
buhay itaas at ibaba ng kubyerta ay ang
katayuan nila sa lipunan. Ang mga
nasa itaas ay mayayaman,
makapangyarihan at tinitingala sa
lipunan samantalang ang mga nasa
baba ay alipin, mahihirap at hindi
kapareho ang nakukuhang
pribilehiyo sa mga nasa itaas.
Mahusay Ahlea! Saktong sakto ang sagot mo.

Sidnhey, nakaranas ka na ban g


diskriminasyon? (sagot)

Jomar, bilang isang kabataan paano mo


maipapakita sa lipunan ang iyong pantay na
pagtingin sa lahat?
Sa pamamagitan ng hindi pagtingin
sa mga negatibong aspeto nila, sa
halip na kilalanin ng maayos ang
isang tao.
Tama. Sa pamamagitan ng pagkilala natin sa
tao at paglagay ng sarili natin sa kanilang
mga sitwasyon. Pag-unawa sa ating mga
pagkakaiba iba.

H. Paglalahat ng
aralin Bilang paglalahat, may ilang katanungan ako
upang masukat kung may natutunan kayo sa
ating aralin.

Patungkol saan ang ating aralin ngayon?


Pantay-pantay ang Lahat sa Mata ng
Diyos po.

Antonette, sa tingin mo nakaranas rin ba ng


diskriminasyon si Jose Rizal at naisulat nya
ang El Filibusterismo?
Opo Binibini.

.
Mahusay! Salamat Antonette.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng
salitang may salungguhit sa hanay A. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

A B
___1. Di magkamayaw ang a. hinabol
mga pasahero b.nangingibabaw
___2. Mga upuang c. ininsulto
nalililiman ng habong d.magkaintindihan
___3. Umiiral pa rin ang e.silungan
katigasan ng loob
___4. Kinutya niya ang mga
pari
___5. Tinugis ng mga
kawal

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain at Takdang Gumawa ng buod ng Kabanata I, II, III ng El
Aralin Filibusterismo.

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga estratehiyang panturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo naisakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y
matulungan? Tukuyin ang mga maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maari
nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng
paggabay ng guro (bawat
pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasyo
E. Alin sa aking mga
estratehiya ang epektibong
gamitin? Bakit nasabi itong
epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa
ibang guro?

Inihanda ni:
Bb. Laiza N. Talens
Gurong Nagsasanay
Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Lichfield Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:
G. Emerson Guerra
Tagapag-ugnay ng Asignatura (Filipino)

You might also like