You are on page 1of 14

Ika-walong

San Mateo Vocational and Antas


Paaralan Baitang
MASUSING Industrial High School
BANGHAY Asignatura Filipino 8
Guro NOVY C. DOCTOR
ARALIN SA
FILIPINO 8 Petsa at
Ikaapat na
oras ng April 1, 2024 Markahan
Markahan
pagtuturo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan
Pangnilalaman na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang
suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan

B. Pamantayan Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na


sa Pagganap naghahambing sa lipunang Pilipino sa Panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan

C. Kasanayan sa Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa


Pagkatuto napakinggang mga pahiwatig sa akda F8PN-IVa-b-33

Sa loob ng isang oras ang 90% sa mga mag-aaral ay inaasahang:


Mga Layunin:
a. Nakikilala ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng Obra Maestra ni Francisco
Balagtas sa pagtalakay;
b. Naibabahagi ng mga mag-aaral ang sariling pananaw sa Florante at Laura sa
paglutas ng mga suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan;
c.
II. NILALAMAN O PAKSA
a. Pangakalahatang Paksa: Florante at Laura: Isang Obra Maestrang
Pampanitikan ng Plipinas
b. Ispesipikong Paksa: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian Batayang Aklat sa Filipino 8 Pinagyamang Wika at Panitikan Yunit IV,
Pinagyamang Pluma 8, Bulwagan 8
1. Mga pahina sa Batayang Aklat sa Filipino 8 Pinagyamang Wika at Panitikan Yunit IV,
gabay ng Guro Pinagyamang Pluma 8, pp. 483-642, Bulwagan, pp. 263-375
2. Mga pahina sa Batayang Aklat sa Filipino 8 Pinagyamang Wika at Panitikan Yunit IV, pp. 236-341
kagamitang pang
mag-aaral
3. Mga pahina sa Batayang Aklat sa Filipino 8 Aralin 15: Yunit IV-Florante at Laura
teksbuk
4. Karagdagang Aklat ng Florante at Laura
kagamitan sa
portal ng
learning
resources
B. Iba pang Youtube, laptop, LED Tv, worksheet
Learning
Resources
C. Integrasyon Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao (Values), Edukasyong Politikal
IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Panalangin
Gawain
Bago natin simulan ang ating klase,
hinihiling ko sa lahat na mangyaring
tayo ay tumayo at dumulog sa Poong
Maykapal sa pamamagitan ng isang
panalangin.

Maaari mo bang pangunahan, Allyza?

Panginoon, maraming salamat po sa


panibagong araw na ito at kami ay binigyan
mo ng panibagong buhay at pagkakataon
nang sa gayon kami ay matuto. Bigyan mo
muli kami ng isang bukas na isip upang
tumalima sa aming puso`t isipan at
maunawaan ang bawat aralin na siyang
makatutulong sa katagumpayan sa buhay
na ito. Ito ang aming dalangin sa matamis
na pangalan ng aming Amang
Tagapagligtas, Amen.

Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat, klas!

Magandang araw din po, guro!

Bago tayo magsimula tiyaking


komportable kayo sa inyong
kinauupuan at walang maingay sa
paligid upang maging maayos ang
daloy ng ating talakayan. Pakitago ang
mga gadgets at ilabas lamang ito kapag
sinabi kong gagamitin natin.
Maaari na ba tayong magsimula, klas?

Opo, guro.

Pagtala ng lumiban sa klase

Sa naatasang magtala ng lumiban sa


ating klase, maaari ko bang malaman
kung mayroon bang lumiban?

Wala po guro.

Pagpapaalala sa mga alituntunin sa


silid-aralan
Narito ang mga 5M`s sa klase:

1. Maging marespeto at
magalang.
2. Makinig at makilahok sa
talakayan.
3. Magtanong kung mayroong
hindi naintindihan.
4. Magsalita kung kailangan, isara
ang bunganga kung hindi
naman.
5. Magtaas ng kamay kung
gusting magbahagi ng
kasagutan.

Maliwanag ba ang ating mga


alitutunin, klas?

Opo, guro.

B. Balik-aral Bago tayo magtungo sa ating


panibagong aralin ay atin munang
balikan ang ating tinalakay nang
nakaraang talakayan.

Nang nakaraang talakayan, ano na


muli ang ating pinag-aralan klas?

Ang Yunit III na pinamagatan pong


Kontemporaryong Panitikan, guro.

Anong ginawa natin dito, Charles?

Nagkaroon po tayo ng Rebyu/Pagrerebyu


upang sa ganoon po ay maihanda po kami
sa ikatlong markahang pagsusulit po
naming.
Lahat ba klas ay nakapasa sa
pagsusulit?

Opo guro.

Kung gayon, pagbati sa inyo klas.


Nagagalak ang aking puso sapagkat
kayo ay nakapasa sa inyong pagsusulit.
Pag-igihan pa ninyo dahil may isa pa
tayong markahan. Ipakita na ninyo ang
inyong galing, husay, at pagiging
aktibo sa akin ngayon.

Palakpakan naman ninyo ang inyong


mga sarili, klas.
(papalakpak ang mga mag-aaral)
C. Pagganyak Bago pa man tayo dumako sa ating
panibagong aralin klas, mayroon
akong ipaparinig sa inyong kanta at
pagkatapos ay magbabahagi kayo sa
klase kung ano-ano ang mga nabubuo
sa inyong isipan?

“Kantang Pagsubok”

Sa inyong napakinggang kanta klas,


ano ang mesahe na nabuo sa iyong
isipan, Ayesha?

Ang mensahe po ng kanta para sa akin ay


ito po nagbibigay po ng inspirasyon sa akin
na magkaroon po ako ng positibong
pananaw, pag-asa, at determinasyon sa
aking buhay. Magtagumapay man o
mabigo, hindi dapat sumuko at patuloy na
lalaban.
Mahusay Ayesha!
Lahat tayo may kaniya-kaniyang
problema, nasa sa atin kung paano
natin ito masusolosyunan, pakatandaan
klas, na sa tuwing tayo nasa baba ng
ating buhay dahil sa pagsubok, lagi
nating tandaan na may Diyos na
gumagabay sa atin.

Maliwanag ba klas?

Opo guro.

D. Talakayan Paglalahad ng aralin


Ang pag-aaralan natin ngayong araw
klas ay pakibasa ng malakas,
Nathaniel?

“Pag-aaral sa Kahalagahan ng Pag-aaral


sa Florante at Laura”

Malayang Talakayan
Nais ko munang malaman ninyo klas,
ano nga ba ang Obra Maestra pakibasa
ng malakas, Jimmy?

Ang obra maestra ay ang pinakamahusay


na gawa ng isang manunulat o masterpiece
sa Ingles.
Sa obra maestra ni Francisco Balagtas
na Florante at Laura klas, ito ay
akdang pampanitikan na hitik sa
mabubuting aral sa buhay.

Mayroong apat na paghihimagsik si


Francisco na hango sa kanyang obra.
Ito ay hinggil sa kalagayan ng
Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol.
Ano kaya ang ito, Alexa?

Himagsik sa laban sa malupit na


pamahalaan.

Klas, noon mahigpit ang pamamalakad


ng mga Kastila sa bansang Pilipinas sa
panahon ng kanilang pananakop. Isa
ito sa mga suliraning nais bigyang
pansin ni Balagtas sa kanyang awit na
Florante at Laura. Isa sa pahiwatig na
binibigyang diin niya rito ay ang
saknong 14 kung saan ipinamalas ni
Franscisco ang kanyang hinagpis sa
katauhan ni Florante habang nakatali
sa puno ng Higera. Pakibasa, Janine?

“Sa loob at labas ng bayang kong sawi


Kaliluha`y siyang nangyayaring hari
Kagalinga`t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa`t pighati.

Sunod naman ay ang himagsik laban


sa maling kaugalian, pakibasa, Mika?

“Ang laki sa layaw karaniwa`y hubad


Sa bait at muni`t sa hatol ay sulat;
Masaklap,
Habag ng magulang sa irog at anak.

Maraming mga Pilipino ang narahuyo


o naakit sa maling kaugalian ng
pagpapalaki sa mga anak na nagbunga
ng pagkakaroon ng mga ito ng mga
ugaling katulad ng pagiging
mainggitin, pagiging mapaghiganti,
pang-aagaw ng pag-ibig at iba pang
negatibong kaugalian na namana natin
sa mga kastila. Saknong 202 ang
binasa nating pahiwatig ni Balagtas
kung saan binanggit niyang ang labis
na pagmamahal sa anak ay hindi
nakabubuti sa halip ay nagiging daan
ng pagiging hambog.
Pangatlong himagsik ay ang himagsik
laban sa hidwaang pananampalataya.

“Ipinapahayag ng pananmit mo, Taga


Albania ka at ako`y Persiano. Ikaw ay
kaaway ng bayan at sekta ko,
Sa lagay mo ngayo`y magkatoto tayo”

Sa panahon ng pananakop ng mga


kastila klas, ipinayakap din nila sa
ating ang Kristiyanismo, subalit
kaugnay nito ang mga maling turo na
kaugnay ng relihiyon. Ipinakita nila
ang hindi pagpapahalaga sa mga Moro
(Muslim) sa halip ipanaturing nilang
kaaway ang mga ito. Sa akda ni
Balagtas na Florante at Laura ay
ipinamalas niyang maaaring maging
magkaibigan ang Moro at Kristiyano
na makikita sa katauhan nina Aladin at
Florate.

At pang-apat na himagsik ay ang


himagsik laban sa mababang uri ng
Panitikan, pakibasa ng malakas,
Gressalyn?
Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
ay ipinagbawal ang pagsulat ng mga
akdang tumutuligsa sa kanilang
pamamahala. Tanging ang paksa nila ay
paksang relihiyon lamang ang
pinapayagang mga paksa na dapat taglayin
ng mga panitikan. Gayumpaman, sinikap ni
Farncisco na sumulat ng isang awit na
nasa anyong patula na tumutuligsa sa
pamamahala ng mga Kastila. Ginamit niya
rito ang paraan ng paglalahad na nasa
anyong patumbalik (flashback).

Bahagi ng pag-aaral ng akdang ito ang


talambuhay ni Balagtas na ipinakikita
ang mabubuti niyang katangian na
maituturing na isang ehemplo sa mga
mambabasa higit lalo sa mga mag-
aaral.

Narito ang mga kahalagahan ng pag-


aaral ng Florante at Laura, pakibasa ng
malakas ang unang kahalagahan,
Janine?
Pagpapahalaga sa edukasyon, po guro.
Ipinakita ni Balagtas ang pagpapahalaga sa
edukasyon. Sa kabila ng kahirapan ng
kanilang buhay ay hindi naging hadlang
upang makamit ang magandang
kinabukasan, kahit pa nawalay sa kanyang
mga magulang at pumasok siya na utusan
sa kanilang kamag-anak sa Maynila upang
maipagpatuloy lamang ang kanyang pag-
aaral.

Ipinakita ni Balagtas ang


pagpapahalaga sa edukasyon. Sa
kabila ng kahirapan ng kanilang buhay
ay hindi naging hadlang upang
makamit ang magandang kinabukasan.

Sumunod na kahalagahan, Shane?


Inspirasyon sa pagsulat ng akda.

Katapatan ng pag-ibig sa sinisinta.

Ang kabiguan ni Francisco sa pag-ibig ang


nag-udyok upang isulat ang kanyang obra
at ito`y ialay sa babaeng sumagot sa
kanyang puso. Katapatan at wagas na
pagmamahal ang nilalaman ng kanyang
tula para kay Selya. Mayroon siyang mga
tagubilin sa babasa ng kanyang akda. Kung
babasahing mabuti ang nilalaman nito ay
masasabing tunay na mahalaga at
makabuluhan.

Kaya naman klas, kahit ang ating mga


pambansang bayani na si Gat Jose
Rizal ay naging inspirasyon ang
Florante at Laura sa pagsulat niya ng
Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nawala man sa mundo si Francisco
Balagtas, ngunit ang kanyang alaala at
obra maestra kailanman ay
mananatiling buhay sa puso at isipan
ng ating mga kababayan.

Pagiging uliran at mabuting magulang.


Pagmamahal at paggalang sa magulang.
Wastong pagpapalaki ng anak.

Dahil sa angking kakayahan,


determinasyon at katatagan ni
Balagtas, isinilang ang isang
panitikang nagbigay ng ibang antas sa
sining ng panitikan noong panahong
walang kalayaang makasulat at
maipahayag ang kaisipan,
pagkamalikhain, at damdamin ng
mahuhusay na manunulat na Pilipino. Nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Mararamdaman din natin sa Florante


at Laura ang aral sa pag-ibig na huwag
agada gad susuko sa ating minamahal.

Nasasalamin ang kalagayan ng bansa sa


kamay ng mga Kastila.

Isa sa matutuhan natin sa Florante at


Laura ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa ating mga magulang.

Maimumulat din tayo na gawin natin Pagtulong sa kapuwa sa kabila ng


ng maayos ang mga ginagawa natin sa pagkakaiba ng relihiyon.
buhay upang makuha natin ang resulta Pagpapakita ng kalakasan at katapatan ng
nito balang araw. babaeng Plipina.

Pag-iingat laban sa mga taong makasarili.


Pagtatanggol at pag-aalay ng buhay para sa
bayan.
Masining na ibinahagi ni Balagtas ang
kanyang naranasan noong panahon ng
mga Espanyol. Ang obrang ito ang
nagpamulat sa diwang makabayan at
damdaming nasyonalismo ng mga
Pilipino.

Pagpapaalala na maging maingat sa pagpili


ng pinuno ng bayan.
Pagpapahalaga ng mga kababaihan sa
kanilang dangal at kapurihan.
Masasalamin ang Kulturang Pilipino.

Ang Florante at Laura ay nagtuturo ng


iilang mga magaganda`t mahahalagang
aralin. Ito ay nagbibigay ng antilo ng Opo guro.
kasaysayan kung paano nabuhay ang
ating mga ninuno noong panahon ng
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas

Pakatandaan klas, na ang inyong mga


natalakay ay ang mga kahalagahan ng
Obra Maestra ni Francisco Balagtas na
Florante at Laura.

Naintindihan ba klas?

E. Paglalapat Ngayong klas, ay mayroon akong


inihandang gawain para sa inyo at
pinamagatan ko itong HIM (Hinuha
Mo`y Ibabahagi Mo!)

Maaari mo bang subukin, Boyet?

Panuto: Basahin ang mga pahiwatig at


sabihin kung ito ay Pagpapahalaga sa
Edukasyon, Pagmamahal sa Magulang,
Pagtulong sa Kapwa.

Unang pahiwatig pakibasa, Nathaniel?

Sa aking pagkabata`y kinamulatan, kay


ama`y ang bait na di paimbabaw, yaong
namumunga ng kaligayahan, nanakop sa
pusong suyui`t igalang.
Sagot ay ano, Janine?

Pagmamahal sa magulang po guro.

Magaling!

Pangalawang pahiwatig, Jairus?

Sagot ng Gerero`y “Huwag kang


manganid, sumapayapa ka`t mag-aliw ng
dibdib; ngayo`y ligtas ka na sa lahat ng
sakit, may kalong s aiyo ang nagtangkilik.

Anong sagot, Aries?

Pagtulong sa Kapwa po guro.

Mahusay!

Panghuling pahiwatig, Shaine?

Araw ay natakbo at ang Kabataan sap ag-


aaral ko sa aki`y nanana; bait ko`y lumibis
at ang karunungan, ang bulag kongi sip ay
kusang dinamtan.
Sa aking pagkabata`y kinamulatan,

Anong sagot, Sandro?

Pagmamahal sa edukasyon po guro.

Tama!

F. Natapos nating pag-aralan ang ating


Pagpapahalaga naging aralin ngayong araw, paano
natin ngayon maiuugnay ang Florante
at Laura sa paglutas ng mga suliranin
sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan,
Gressalyn?

Maiuugnay ko po ang Florante at Laura sa


paglutas ng mga suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan gay ana lamang po
sa edukasyon, marami pa rin ang hindi
nakakapag-aral o hindi sapat ang kalida ng
edukasyon.
At isa po yon sa isyung panlipunan na
maiuugnay ko po sa obra maestra ni
Balagtas.

Mahusay!
G. Paglalahat Bilang kabuoan ng ating pagtalakay
klas, upang matiyak ko kung may
natutuhan ba kayo sa ating pagtalakay,
ano na nga muli ang obra maestra,
Jimmy?

Ang obra maestra ay ang pinakamahusay


na gawa ng isang manunulat o masterpiece
sa Ingles.

Mahusay! Si Jimmy nga ay nakinig ng


mabuti.

Magbigay ng iyong hinuha tungkol sa


mga nabanggit kong kahalagahan ng
pag-aaral ng Florante at Laura, Grade
8?

A. Pagpapahalaga sa edukasyon.
B. Wastong pagpapalaki ng anak.
C. Inspirasyon sa pagsulat ng akda.
D. Katapatan ng pag-ibig sa sinisinta.
E. Pagiging ulian at mabuting
magulang.
F. Pagmamahal at paggalang sa
magulang.
G. Pag-iingat laban sa mga atong
makasarili.
H. Pagtatanggol at pag-aalay ng buhay
para sa bayan.
I. Nagsisilbing gabay sa pang-araw-
araw na amumuhay.
J. Pagtulong sa kapuwa sa kabila ng
pagkakaiba ng relihiyon.
K. Pagpapakita ng kalakasan at
katapatan ng babaeng Plipina.
L. Nasasalamin ang kalagayan ng
bansa sa kamay ng mga Kastila.
M. Pagpapaalala na maging maingat sa
pagpili ng pinuno ng bayan.
N. Pagpapahalaga ng mga kababaihan
sa kanilang dangal at kapurihan.
O. Masasalamin ang Kulturang
Pilipino at Relihiyon.

Mahuhusay klas!

Nagagalak ako sapagkat naikintal


ninyo ang ating naging aralin ngayong
araw.

H. Para sa ating pagtataya, maglabas ng ½


PAGTATAYA crosswise at sagutin ang inihanda kong
O gawain na pinamagatan kong TAK
EBALWASYO (Tukuyin Ang Kahalagahan), pakibasa
N NG ARALIN ng malaks ang panuto, Mika?

Suriin ang mga pahiwatig sa akda at


tukuyin kung ito ay:
 Pag-aalay ng buhay para sa bayan
 Pagpapahalaga sa edukasyon
 Tapat at wagas na pag-ibig
 Gabay sa pang-araw-araw na
pamumuhay
 Pagmamahal sa magulang
1. Limang buwang singkad ang
hinihinging taning ang kaniyang
sinta`y bago ko tanggapin; ngunit
ipinasyang tunay sa panimdim ang
magpatiwakal kundi ka dumating.
2. Nang aking matantong nasa
bilangguan ang banying monarka`t
ama kong birang; nag-utos sa
hukbo`t aming sinalakay hanggang
sa nabawi ang Albaniang bayan.
3. Dito naniwala ang bata kong loob
nasa mundo`y walang katuwang
lubos; sa minsang ligaya`y tali
na`ng kasunod-makapitong lumbay
hanggang matapos.
4. Siya nang pagsilid ng pangingilabot
sa kalabang hukbong parang
sinasalot ng pamuksang tabak ni
Menandrong bantog…ang kampo`t
hiktorya`y napaaming lubos.
5. Araw ay natakbo at ang Kabataan
sap ag-aaral ko sa aki`y nanana;
bait ko`y lumibis at ang
karunungan, ang bulag kongi sip ay
kusang dinamtan.
6. Sa aking pagkabata`y kinamulatan,
kay ama`y ang bait na di
paimbabaw, yaong namumunga ng
kaligayahan, nanakop sa pusong
suyui`t igalang.
7. Sagot ng Gerero`y “Huwag kang
manganid, sumapayapa ka`t mag-
aliw ng dibdib; ngayo`y ligtas ka na
sa lahat ng sakit, may kalong s aiyo
ang nagtangkilik.

Sagot:
1. Tapat at wagas na pag-ibig
2. Pag-aalay ng buhay para sa
bayan
3. Gabay sa pang-araw-araw
4. Pag-aalay ng buhay para sa
bayan
5. Pagpapahalaga sa edukasyon
6. Pagmamahal sa magulang
7. Pagtulong sa kapwa

V. Karagdagang Para naman sa ating karagdagang


Gawain/ gawain/takdang aralin, pakibasa ng
Takdang Aralin malakas ang panuto, Ayelie?

Panuto: basahin at unawain ang kaligirang


pangkasaysayan ng Obra Maestra ni
Francisco Balagatas ang Florante at Laura.
a. Pagtukoy sa layunin sa Lipunan sa
pahanong naisulat nito
b. Epekto ng akda pagkatapos itong
isulat.

Maliwanag ba klas?

Opo guro.
VI. TALA
VII.PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remedation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa
remedation.
E. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking Punongguro at Superbisor
F. Anong kagamitang panturo ang aking naidubuho
nan ais kong kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

NOVY C. DOCTOR
Bsed 4 Filipino
Sinuri ni:

RUBILYN J. ADELAN
Guro sa Filipino 8

You might also like