You are on page 1of 5

Bayugan City Division

Bayugan City
Mt. Olive National High School
Mt. Olive, Bayugan City

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakikinig nang mapanuri upang matalinong makalahok sa mga gawain sa
klase F8PN-IVi-j-38;
b. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na mga salita na mababasa sa akda;at
c. Napapahalagahan kung paano ipinagbunyi ang tagumpay ni Florante bilang
isang bayani.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Florante at Laura (saknong 305-316)
Sanggunian : Obra Maestra: Florante at Laura, pahina 172-176
Kagamitan : tsarts, teksto, mga larawan, aklat, laptop
Petsa : Marso 13, 2019

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Tumayo ang lahat para sa pagdarasal na
pangungunahan ni Kim
Magandang umaga, klas. Magandang umaga din po,titser.
Kumusta kayo sa hapong ito? Mabuti po,titser.
Magaling. Ngayon ay nasisigurado kong handa
na kayo sa bagong aralin natin ngayon. Tama ba
ako klas? Opo, titser.
Sino ang liban sa klase, Bb. Class Monitor? Dalawa po ang liban titser.
Maaari mo ba akong bigyan ng listahan ng mga
liban? Narito po titser.
Bakit kaya sila liban? Hindi po namin alam.
Klas, ano ba ang dapat gawin ng mga
mabubuting mag-aaral sa klase? Dapat naglinis na ng silid-aralan bago
ang oras ng klase.
Dapat ay handa lagi sa klase at may
dalang aklat sa Filipino 8.
Itaas ang kamay kapag may katanungan.
Huwag magsalita kung may nagsasalita
pang iba.
Huwag manglamang sa kapwa tao.
Tandaan ang mga tinalakay at ibahagi
ang kaalaman sa iba.
Masiglang makilahok sa talakayan sa
klase.
Magaling! Maaasahan ko ba ang lahat ng mga
iyon klas? Opo, titser.
Basahin nang sabay-sabay ang mga layunin a. Nakikinig nang mapanuri
natin sa hapong ito: upang matalinong makalahok
sa mga gawain sa klase F8PN-
IVi-j-38;
b. Nabibigyang kahulugan ang
mahihirap na mga salita na
mababasa sa akda;
c. Napapahalagahan kung paano
ipinagbunyi ang tagumpay ni
Florante bilang isang bayani; at

Nauunawaan ba ninyo ang ibig sabihin ng ating


mga layunin? Maliwanag po, titser.
Magaling! Ngunit bago tayo dumako sa ating
aralin ay magkakaroon muna tayo ng balik-aral
sa ating tinalakay kahapon. Itaas lamang ang
kamay kung gusto ninyong sumagot.

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Sino ang Heneral ng Albanya? Si Florante.
Magaling Vicky! Sino naman ang Hari ng
Albanya? Haring Linceo, titser.
Magaling Edy! Bigyan natin sila ng “Angel Clap”.
Natitiyak kong naunawaan ninyo ang ating mga
saknong tinalakay kahapon. Sang-ayon ba kayo
klas? Opo, titser.

2. Pagganyak

Ngayon klas, magkakaroon tayo ng isang


pangkatang gawain na susukat sa inyong galing
at bilis. Ang pamagat ng ating gawain ay “Ako
ang Nagwagi!”.
Ang buong klase ay hahatiin sa tatlong na
pangkat. Ang gagawin ng bawat pangkat ay
magpapaunahan sa pagtukoy ng mga
larawan sa tamang kompetisyong kanilang
napanalunan sa pamamagitan ng isang QUIZ
BOWL. Ang unang makasagot ng tama ang
siya magkakaroon ng puntos.
Malinaw pa ang panuto klas? Opo, titser.
Magbilang ng isa hanggang tatlo para sa inyong
pangkat. Isa,dalawa,tatlo,……………………………..

1. Manny Pacquiao – Boxing


2. Catriona Gray – Ms. Universe 2019
3. Melai – Pinoy Big Brother
4. Magnolia (Ang Pambansang Manok) – PBA
5. Juliana Segovia – Ms. Q and A
6. TNT Boys – Your Face Sounds Familiar
7. Maureen – Asia’s Next Top Model
8. MONHS – Most Functional Library (Div. Level)
Sino ang ang nanalo? Ang Unang pangkat.
Bigyan natin “Switch it Up Clap”
3. Ugnayang Tanong-Sagot
Klas, ano-ano ang napapansin ninyo sa ating
mga ginawang gawain? Tungkol sa mga tao/grupo/institusyon
na nanalo sa isang paligsahan.
Tama ka,Trixia! Ano kaya ang ating paksang
tatalakayin? Siguro po tungkol sa kabayanihan ng ni
Florante.
Ang pagkapanalo ni Aladin.
Ang pagpupunyagi ng kahariang
Albanya.
Magaling! Sa umagang ito ay tatalakayin natin
ang mga saknong 305-316 ng Florante at
Laura”Ang Pagtatagumpay”.
C. Talakayan
1. Pagbabasa ng Teksto (Talasalitaaan)
Ngunit bago kayo magbasa sagutin muna natin
ang talasalitaan
Narito ang panuto:
Itapat sa Hanay B ang kahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit na nasa Hanay A.
Gamitin ito sa iyong sariling pangungusap.
HANAY A HANAY B

1. Si Florante ang pumuksa kay Hen. Osmalik a. magtaksil


2. Nabalot ng lumbay si Laura b. lungkot
3. Natimawa ang Crontona ng mga Moro c. pumatay
4. Hindi nila matatap ang plano ng kalaban. d. naalila
5. Ang pag-ibig ay hindi maglililo e. malalaman
MGA SAGOT: 1. C 2.B 3.D 4. E. 5.A

Janith, gamitin ang salitang pumuksa sa iyong


sariling pangungusap. Ang katol ay pamuksa ng lamok.
Magaling! Janna, gamitin ang salitang lumbay sa
iyong sariling pangungusap. Wala ang lumbay tuwing sasapit ang
kapaskuhan.
Magaling! RJ, gamitin ang salitang natimawa sa
iyong sariling pangungusap. Ang mga Pilipino ay natimawa ng mga
dayuhan.
Magaling! Jhayson, gamitin ang salitang
matatap sa iyong sariling pangungusap. Hindi ko matatap ang kahulugan kung
hindi niya ito pinaliwanag.
Magaling! Lester, gamitin ang salitang maglililo
sa iyong sariling pangungusap. Ang aking kaibgan ay hindi maglililo.
Magaling! Bigyan natin silang lima ng limang
bagsak!

2. Pagbabasa ng Teksto (Unang Pakikidigma, Saknong 305-316)


Ngayon klas, bago kayo magbabasa ng mga
saknong ay makinig muna sa panuto at basahin
Nilalamandin ito ng tahimik. 50%
Pagkamalikhain
Sa pareho pa ring pangkat ay babasahin 30%
Kooperasyon ng Pangkat
ninyo ang saknong 305-316. Pagkatapos itong 20%
KABUUAN
mabasa ay magbabagyuhang-isip kayo at 100%
gawin ang mga sumusunod:
Malinaw ba ang panuto klas? Opo,titser.
Simulan na.
Unang Pangkat – gagawa ng GMA (Group
Pagkatapos ng itinakdang minute ay ilalahad na ng mga pangkat ang kanilang mga awtput.
Mapping Activity)
Magbibigay
Pangalawang puntos
ng ang–puna
Pangkat ang guro batay
magsasadula pagkatapos maglahad ang lahat.
Naunawaan niyo na ba
sa mga saknong na binasa ngayon ang kahulugan
ng mga saknong?
Pangatlong Pangkat – bumuo ng apat na Opo, titser.
hugot lines mula sa mensahe ng mga saknong
na binasa

Gagawin ang gawaing ito sa loob lamang ng


labing limang minuto. Mamarkahan sila ayon
sa mga pamantayan.
3. Paglalahat
Klas, ano-ano ang inyong natutunan sa ating
talakayan ngayon? Dapat ipaglaban ang sariling bayan
Ang kasarinlan ay napakahalaga sa isang
bayan
Ang pagmamahal sa pamilya ay isang
napakalakas ng bigkis.
Magaling! Ikinagagalak kong marami pala
kayong natutunan sa umagang ito.

IV. Pagtataya
Ngayon klas, ay magkakaroon kayo ng isang
maikling pasulit. Makinig habang babasahin ko
ang panuto at basahin din ninyo ito ng tahimik.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang inyong sagot sa answer sheet na
ibibigay ng guro.

Mga Tanong:
1. Matatawag bang bayani si Florante? Bakit?
2. Makatotohanan ba ang mga pangyayaring nabanggit sa akda?
3. Kung ikaw si Florante, ano ang iyong mararamdaman sa sitwasyong iyon?
4. Naranasan mo na bang magtagumpay o naging kampeon sa isang paligsahan? Ano
ang iyong naramdaman?
5. Dapat bang maging mayabang kapag nananlo na? Ano ang iyong gagawin sa taong
iyong tinalo
Ipasa na ang inyong answer sheet.

V. Takdang-Aralin
Narito ang inyong takdang-aralin

Basahin ang saknong 317-320 at sumulat ng


buod nito sa activity notebook. Maghanda
para sa oral recitation sa susunod na tagpo.
May katanungan pa ba klas?
Paalam na Grade 8! Wala na po,titser.
Paalam na po at maraming salamat Bb.
Baldon. Mabuhay!

Inihanda ni:

LAARMIE B. BALDON
SST-I

You might also like