You are on page 1of 5

Bayugan City Division

Bayugan City
Mt. Olive National High School
Mt. Olive, Bayugan City

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang
taong nagsasalita at kumikilos (F9PB-IIa-b-46);
b. Naipapakita ang kahalagahan ng pagtanaw ng utang na loob; at
c. Nakapagbubuo ng simbolo sa kanilang sarili gamit ang iba’t ibang hayop .

II. Paksang Aralin:


Paksa : Panitikang mula sa Korea
Ang Hatol ng Kuneho na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 pp. 103-107
Kagamitan : tsarts, teksto, mga larawan, mga kopya ng kwento
Time Allotment : Agosto 20, 2018 1:00-2:00 pm (G9 Diamond)

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Tumayo ang lahat para sa pagdarasal na
pangungunahan ni Jecel.
Magandang hapon,klas. Magandang hapon din po,titser.
Kumusta kayo sa hapong ito? Mabuti po,titser.
Magaling. Ngayon ay nasisigurado kong handa na
kayo sa bagong aralin natin ngayon. Tama ba ako
klas? Opo, titser.
Sino ang liban sa klase, Bb. Class Monitor? Maaari Dalawa po ang liban titser.
mo ba akong bigyan ng listahan ng mga liban?
Narito po titser.
Bakit kaya sila liban? May sakit po silang dalawa.
Klas, ano ba ang dapat gawin ng mga mabubuting
mag-aaral sa klase? Dapat naglinis na ng silid-aralan bago ang
oras ng klase.
Dapat ay handa lagi sa klase at may dalang
aklat sa Filipino 9.
Itaas ang kamay kapag may katanungan.
Huwag magsalita kung may nagsasalita
pang iba.
Huwag manglamang sa kapwa tao.
Tandaan ang mga tinalakay at ibahagi ang
kaalaman sa iba.
Masiglang makilahok sa talakayan sa klase.
Magaling! Maaasahan ko ba ang lahat ng mga iyon
klas? Opo, titser.
Basahin nang sabay-sabay ang mga layunin natin
sa hapong ito: a. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng
paggamit ng hayop bilang mga tauhan
na parang taong nagsasalita at
kumikilos (F9PB-IIa-b-46);
b. Naipapakita ang kahalagahan ng
pagtanaw ng utang na loob; at
c. Nakapagbubuo ng simbolo sa kanilang
sarili gamit ang iba’t ibang hayop .
Nauunawaan ba ninyo ang ibig sabihin ng ating
mga layunin? Maliwanag po, titser.
Magaling! Ngunit bago tayo dumako sa ating
aralin ay magkakaroon muna tayo ng balik-aral sa
ating tinalakay kahapon. Itaas lamang ang kamay
kung gusto ninyong sumagot.

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Ano-ano ang mga maiikling tula ng bansang
Japan? Tanka at Haiku, titser.
Magaling Khen! Ano naman ang kadalasang paksa
ng Haiku? Sa kalikasan po, titser.
Magaling Jane! Bigyan natin sila ng “Angel Clap”.
Natitiyak kong naunawaan ninyo an gating
paksang tinalakay kahapon. Sang-ayon ba kayo
klas?
Opo, titser.

2. Pagganyak
Ngayon klas, magkakaroon tayo ng isang
pangkatang gawain na susukat sa inyong galing at
bilis. Ang pamagat ng ating gawain ay “Hula-
Hulayo” o Hulaan ang Hayop.
Ang buong klase ay hahatiin sa tatlong pangkat at
pipili sila ng tig-limang representante. Bubunot
ang bawat manlalaro ng iba’t ibang mga hayop at
papahulaan sa mga kapangkat sa pamamagitan ng
panggagaya sa huni at kilos ng hayop na nabunot
sa loob lamang ng 30 segundo. Ang maraming
mahulaan na hayop ang siyang tatanghaling
panalo.
Malinaw pa ang panuto klas? Opo, titser.
Magbilang ng isa hanggang tatlo para sa inyong
pangkat. Isa,dalawa,tatlo…………………………………

Mga Hayop na Huhulaan:


paruparo tigre kambing baka
leon kuneho kalabaw ahas
ibon aso unggoy bao
pusa uod bubuyog isda
manok palaka

Sino ang ang nanalo? Pangalawang pangkat.


Bigyan natin sila ng tatlong bagsak.
Gusto bang bumawi ng una at pangatlong
pangkat? Opo,titser
At dahil diyan ay may isa pa tayong gawain na
pinamagatang “Guess Who/What???”
Sa pareho pa ring pangkat, magpapaunahan sila
sa paghula sa mga larawang ipapakita ng guro sa
pamamagitan ng pagsusulat at pagtataas ng slate
board.
Malinaw pa ang panuto klas? Opo, titser.
Kung gayon, simulan na!
Mga
Huhulaang Larawan:

Lee Min Ho Jung Kok Goblin TwiceSouth Korea


Sino ang ang nanalo? Unang pangkat.
Bigyan natin “Pakbet Clap” Pak na pak,bet na bet, PAKBET

3. Ugnayang Tanong-Sagot
Klas, ano-ano ang napapansin ninyo sa ating mga
ginawang gawain? Tungkol sa mga hayop at mga tao/palabras
at watawat ng Korea?
Tama ka,Ben! Ano kaya ang ating paksang
tatalakayin? Siguro po tungkol sa hayop na panitikan?
Panitikan po na may mga Koreanong
tauhan.
Panitikang tungkol po sa Korea.
Magaling! Lahat ng inyong mga hula ay tama. Sa
hapong ito ay may babasahin kayong kuwento na
pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho” mula sa
bansang Korea.

C. Panlinang na Gawain
1. Pagbabasa ng Teksto (Direct-Thinking Activity)
Ngunit bago kayo magbasa ay makinig muna sa
panuto.
Sa pareho pa ring pangkat kanina ay pumili ng
kayo ng inyong lider, tagasulat at taga-ulat.
Babasahin ninyo ang buong kuwento pagkatapos
ay magbabagyuhang-isip kayo at sagutin ang mga
katanungang ibibigay ko sa inyo. Isulat ang inyong
sagot sa manila paper at idikit ito sa pisara.
Gagawin ninyo ang gawaing ito sa loob lamang ng
10 minuto.
Maliwanag baa ng panuto? Titser, iuulat pa po ba ang aming sagot?
Oo, gagawin ito ng tagapag-ulat ninyong
myembro. May katanungan pa ba? Wala na po titser.
Simulan na ninyo ang gawain.

Ang Hatol ng Kuneho


Isilanin sa Filipino ni Vilma C. Lambat

Noong unang panahon, nang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kanyang
paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang
sumigaw ipang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre.
Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niya ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya
ng loob at agad tumayo. “Tulong! Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw. Gusto niyang makaahon mula sa hukay.

“Ah! Isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito.” Pagmamakaawa ng tigre.
“Kung tututlungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay”.

Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring
mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay.“ Maaring hindi tulungan ng lalaki ang tigre, ito ang nasa kanyang isip.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipan iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa
ako tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob.”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng torso at dahan-dahan niyang
ibinaba sa hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki. Gumapang ang tigre sa torso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking
tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki. “Sandali! Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito baa ng
paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom na ako! Hindi ako kumain nang I;ang araw!” tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.” “Sige,” ang wika ng tigre. “Pero
pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit ang mga dahon at sanga naming ang kinukuha ninyo
upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong pagkain? Mga taon ang aming binilang upang lumaki. Kapag kami’y ay malaki na ay
pinuputol ninyo. Ginagamit niyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang
humukay sa butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom. ”
“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki. Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang
isang baka. “Hintay! Hintay!”pakiusap ng lalaki. “Tanungin natinn ang hatol ng baka.”
Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sab aka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinion ng baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin!” Tingnan mo, mukla nang kami ay
maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo naming ang bukid uypang
makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na….pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nilang ang
aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang
taong iyan…
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubwelo upang
sakmalin ang lalaki. Alam ng lalaki na ito na ang kaniyang katapusan. Nang biglang du8mating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki. “Anon a naman!” singhal ng tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ko ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hato; kung dapat mob a akong kainin”
“Ah! Walang kwenta! Alam mo na ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at baka.”
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.
Isinalaysay ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kanyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga.
Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang
inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli niyong isalaysay sa
akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng lalaki ang hukay sa kuneho . “Pumunta kayo sa mga posisyon niyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
Tumalon kaagad ang tigre sa hukay nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain niya ang tao.
“Ah! Ganito pala ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay ay hindi makaahon. Ikaw naman lalaki ay narinig moa ng
paghingi ng saklolo kaya tinulungan moa ng tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng
tao ang tigreng makalabas mula sa hunay,” paliwanang ng kuneho na tila may ibang kausap,. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng
kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya ang naisip ko na magpatuloy ang tao sa paglalakbay at dapat na manatili
angh tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa! ” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kanyang paglukso.

MGA GABAY NA KATANUNGAN SA BAWAT PANGKAT

Unang Pangkat Pangalawang Pangkat Pangatlong Pangkat Pang-apat na Pangkat

1.Sino-sino ang mga tauhan sa 1.Saan nahulog ang tigre? 1.Sino ang unang nagbigay 1.Anong uri ng puno ang
kuwento? 2.Tama ba ang naging hatol ng ng hatol? nabanggit sa akda?
2.Tama ba ang naging hatol ng puno ng pino? 2.Tama bang kainin ng tigre 2.Paano mo mailalarawan ang
baka? 3.Paano mo mailalarawan ang ang tao? katangian ng tigre?
3.Paano mo mailalarawan ang katangian ng baka? 3.Paano mo mailalarawan 3.Kung ikaw ang hahatol sa
katangian ng lalaki? 4.Ano ang nahinuha mo ang katangian ng puno ng sitwasyon, gagawin mo rin ba
4.Sa iyong palagay, kung matapos basahin ang akda? pino? ang ginawa ng kuneho? Bakit?
nakapagsasalitang muli ang mga 4.Anong aral ang iyong 4.Bakit kaya mga hayop ang
nilalang sa ating kalikasan natin napulot mula sa akda? ginamit na mga tauhan sa
ngayon, ano kaya ang kanilang akda?
hatol sa ating mga tao? Bakit?

Tapos na ba klas? Opo, titser


Ngayon ay iuulat na ninyo ang inyong mga sagot.
Magbibigay ng puntos at puna ang guro sa bawat pangkat
Palakpakan nninyo ang niyong mga sarili dahil
matagumpay ninyong natapos ang gawain.
Lubos niyo na bang na unawaan ang akda klas?

Opo, titser.
Anong uri kaya ng panitikan ang inyong binasang
akda? Pabula po titser.
Bakit mo naman nasabing pabula Melbert? Sapagkat ang mga tauhan ay mga hayop na
may kakayahang magsalita at may
mapupulot na aral mula sa kuwento.
Tama si Melbert. Ito ay isang uri ng pabula.
2. Paglalahat
Klas, ano-ano ang inyong natutunan sa talakayan
natin ngayon? Dapat matutong tumanaw ng utang na
loob.
Magaling! Ano pa? Maging mapagmalasakit sa iba palagi.
Huwag manlamang sa ibang tao.
Matotong magpasalamat.
Maging wais sa bawat desisyong gagawin.
Ano nga ulit ang kahulugan ng pabula? Ito ay isang uri ng panitikan na ang mga
tauhan ay hayop na kumakatawan sa mga
katangian ng mga tao. Ito ang may aral na
mapupulot.
Sa inyong pangkat naman, ano ang iyong
IV. natutunan?
Pagtataya Dapat magka-isa at magtulungan sa bawat
gawain.
Ngayon klas, ay may gagawin kayong indibidwal Dapat maging masinop at magtiwala sa
naman na gawain. Makinig habang babasahin ko kakayahan ng iyong mga kapangkat.
ang panuto at
Magaling! basahin din kong
Kinagagalak ninyo ito ng tahimik.
marami kayong
Sa isang buong papel, gumuhit
natutunan sa hapong ito. ng isang hayop na
sumisimbolo sa inyong sarili at sumulat ng
paliwanag bakit iyon na hayop ang napili.
Narito ang pamantayan sa pagmamarka

PAGKAMALIKHAIN – 50%
NILALAMAN – 40%
KALINISAN – 10%
KABUUAN – 100%

Maliwanag baa ng panuto klas? Opo,titser


Simulan niyo na.
(Pagkatapos ng 5 minuto.)
Kung tapos na kayo ay ipasa niyo na ang inyong
mga papel

V. Takdang-Aralin
Narito ang inyong takdang-aralin

Manaliksik ng iba pang mga akdang ang mga


hayop ang mga tauhan. Isulat ito sa kwaderno at
ipasa bukas.

May katanungan pa ba klas? Wala na po,titser.


Paalam na Grade 9! Paalam na po at maraming salamat Bb.
Baldon. Mabuhay!

Inihanda ni:

LAARMIE B. BALDON
SST-I

You might also like