You are on page 1of 7

PAARALAN Ema Emits College BAITANG/ 9 BAITANG

Philippines ANTAS

GURO: KRIZELL VILLAR DISIPLINA: FILIPINO

PANG-ARAW-ARAW NA ORAS/PETSA 1 Oras MARKAHAN:


BANGHAY ARALIN SA NG
FILIPINO PAGTUTURO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.Sundin ang
pamamaraan upang matamo ang layunin,maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation Assessment.Ganap na mahuhubog ang
mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa
Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng
Pangnilalaman Pilipinas.
B. Pamatayan sa Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol
Pagganap sa isang tauhan ng Noli Me Tanghere na binago ang mga katangian (dekontruksiyon).
C. Mga Kasanayan Nailalad ang sariling pananaw, kongklusyonm at bisa ng akda sa sarili at sa nakakarami.
sa Pagkatuto F9PS-IVa-b-58

Sa pagtatapos ang aralin ng mga mag-aaral ay inaasahang;


a) Nauunawaan ang nais ipahiwatig ng binasang kabanata;
b) Nasasagutan ng wasto ang mga tanong tungkol sa paksang aralin;
c) Natutukoy ang tauhan sa kabanata batay sa katangian nito.
d) Naitatanghal ang dulang panteatro na pumaksa sa ilang napapanahong isyu
panlipunan sa kasalukuyan. (F9PU-IVi-j 63)

II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay sa
Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a. Paksa NOLI ME TANGERE

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na
mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources (LR)
b. Iba pang
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw.
Para sa holistikong pagkahubog , gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment.
Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng analitikal at kusang magtaya ng
dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o  Tumayo ang lahat para sa panalangin.
pagsisimula ng bagong  Diyos Ama Lubos po kaming  …Amen
aralin nagpapasalamat…

 Magandang umaga sa inyong lahat, Ako si  Magandang umaga po Bb. Villar.


Bb. Krizell Villar ang magiging guro ninyo
sa araw na ito.
 Bago kayo umupo, maaari bang pakiayos
ng linya ng inyong upuan at pakipulot ng
mga kalat at itapon ito sa basurahan.  Aayusin ng mga mag-aaral ang linya ng
upuan at pupulutin ang mga kalat.
 Kung tapos na maaari ng umupo. Marydeth
maaari mo bang sabihin kong sino ang
liban sa klase ngayong araw.  Ma’am wala po naitalang liban sa klase
ngayong araw.
 Maraming Salamat.

 Bago tayo magpatuloy sa ating paksang


tatalakayin alamin muna natin kung
natatandaan pa ba ng bawat isa ang huli
nating tinalakay. Natatandaan pa ba?  Opo Ma’am.

 Sige nga kung natatandaan pa, Loreza


ibigay mo nga ang mga pangunahing
tauhan sa Kabanata 5.  Ang mga pangunahing tauhan po sa
kabanata 5 ay sina Don Rafael,
Crisostomo Ibarra, Tiynete Guevvara,
Padre Damaso, Kapitan Tiyago po
 Masuhay bigyan ng 3 palakpak si Loreza Ma’am

 1,2 3
 Ano naman ang mahalagang bagay ang
iyong natutunan sa kwento, Ella?
 Ma’am, natutunan ko po na dapat
huwag agad tayong manghusga sa ating
kapwa sapagkat lahat tayo ay may mga
karapatan na dapat ipaglaban na dapat
 Mahusay.Bigyan din 3 palakpak si Ella. mabigyan ng pagkakataong
Batid kong lubos na ninyong naunawaan maipagtanggol ang sarili.
ang ating nakalipas na aralin.  1,2 3

B. Paghahabi sa  Bago tayo magpatuloy sa ating gawain


Layunin ng Aralin alamin muna nating ang mga layunin na
kailangan nating matamo sa araw na ito.
(Ipapaskil ng guro sa pisara ang layunin)

 Cristy, maaari mo bang basahin ang ating  Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-
layunin. aaral ay inaasahang;
 Salamat Cristy.

C. Pag – uugnay ng  Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


mga halimbawa sa isang pangkatang gawain ngunit bago ko
aralin kayo pangkatin ito muna ang inyong
gagawin.
 Tatawagin natin ang larong ito na “ COPY
PASTE”. Meron akong mga larawan ng
ilang mayayamang tao dito sa Pilipinas.
Ang mga larawang ito ay ibibigay sa
bawat pangkat. Kailangang magaya ng
bawat pangkat ang mga posisyon ng mga
karakter sa larawang ito.
 Bibigyan ko ang bawat pangkat ng 3
minuto para pag-aralan ang mga larawan
na aking ibibigay.

 Bubunot ako ng larawan na gagayahin ng


bawat pangkat at kapag sinabi ko na ang
mga katagang “ READY 1 ,2, 3 Copy,
Paste” dapat maipakita ng bawat pangkat
ang saktong posisyon ng mga karakter sa
larawan. Nauunawaan ba ng lahat?

 Opo Ma’am.
 Dapat bawat miyembro ng bawat pangkat
ay may gagampanan. Nauunawan?  Opo Ma’am.
 Ang pangkat na makakagaya ng tama at
makakakuha ng mataas na puntos ang
siyang mananalo.
 Bigyan nga ako ng tatlong bagsak kung
lubos na nauunawaan.
 Bumilang ng isa, dalawa…  (Papalakpak ang mga mag-aaral)
 Maaari na kayong magtungo sa inyong  Isa, dalawa, isa, dalawa…
mga pangkat.

(Makalipas ang 3 minuto)


 Handa na ba ang bawat pangkat?  Opo Ma’am.
 Bago ako bumunot ng larawan na inyong
gagayahin iwasang gumawa ng labis na
ingay.
 Simulan na natin ang unang larawan na
gagayahin ay ang Pamilya Villar. Ready, (Gagayahin ng mga mag-aaral ang larawan
1,2,3 Copy, Paste. na nabunot ng guro.)

(Pagkatapos ng 2 minuto)
 Bigyan natin ng ang galing-galing clap ng
unang pangkat dahil sila ang nakakuha ng  One, two ,three
pinakamataas na puntos. One two, three ang galing galing!
 Palakpakan ang inyong mga sarili.
(Muling papalakpak ang mga mag-aaral.

D. Pagtalakay ng  Gising na ba ang inyong mga isipan?  Opo ma’am gising na gising na po.
bagong konsepto at  Ngayon naman base sa ating natapos na  Sa aking palagay po Ma’am ito po ay
paglalahad ng gaawain ano kaya sa inyong palagay ang may kinalaman sa mayayamang tao.
bagong kasanayan ating paksa sa araw na ito , Arlene
 Mahusay Arlene maaari ngang may
kinalaman ito sa mamayamang tao ng ating
lipunan.
 Ang ating paksang tatalakayin ngayon ay
ang “KABANATA 6 NG NOLI ME
TANGERE “ na pinamagatang “ SI
KAPITAN TIYAGO.
(Ipapaskil ng guro ang paksang
tatalakayin)
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
F. Paglinang sa  Para sa inyo ano ba ang totoong  Para sakin Ma’am ang totoong yaman po
kabihasaan kahulugan ng mayaman o kayamanan? ay ang mga bagay na hindi kalian man
(Tungo sa Ella? mananakaw ninuman tulad na lamang po
Formative ng edukasyon.
Assessment)  Ma’am para sa akin ang kayaman ng tao
 Mahusay Ella, May iba ka pa bang ideya ay hindi lamang masusukat na mga
Orlan? bagay na meron siya kundi kung paano
din siya makisalamuha at makisama sa
mga taong nasa paligid niya.
 Mahusay Orlan, tumpak ang inyong mga
kasagutan ngunit alamin natin kung ang
inyong nabanggit ay isa sa mga katangian
ni Kapitan Tiyago.

 Maaari mo bang basahin ng malakas sa


harap ng klase ang buod ng Kabanata 6
Jhenie
Makinig mabuti habang nagbabasa ni
Jhenie nais kong bawat isa ay gumawa ng
isang tanong na may kaugnayan sa binasa,
maaaring kung SINO, ANO, KAILAN,
SAAN at PAANO. At tatawag ako ng
mag-aaral na magtatanong at tatawag
naman siya ng sasagot ng kanyang
tanong.Kaya dapat maunawaan ninyo ang
paksang binasa upang makasagot kayo sa  Opo Ma’am
mga tanong na ibibigay ng inyong
kaklase. Nauunawaan ba? (Babasahin ni Jhenie ang KABANATA 6
ng NOLI ME TANGERE “SI KAPITAN
TIYAGO”)
 Si Kapitan Tiago ay ang nag-iisang anak
ng isang negosyante ng asukal sa bayan
ng Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-
(Matapos ang pagbabasa) aaral sa lohika sa tuling ng isang
kaibigang Dominikano na kanyang
 Naunawaan ba ng lahat ng kwento ni pinaglingkuran…
Kapitan Tiyago?  Opo Ma’am.
 Nakagawa ba ng mga katanungan ang  Opo Ma’am.
lahat?
 Base sa inyong mga katanungan
malalaman natin kung talagang naunawan
ng lahat ng binasang paksa. Simulan natin
ang unang tanong na magmumula kay  Sino ang nag-iisang anak ng negosyante
Haide. ng asukal sa bayan ng Malabon? Sarah
 Si Kapitan Tiyago ang nag-iisang anak
 Sarah, maaari kang tumayo. ng negosyante ng asukal sa bayan ng
Malabon?
 MAhusay Sarah, Ano naman ang iyong  Ano ang turing ni Kapitan Tiyago sa
katanungan Sarah? kanyang sarili? Chermylyn
 Tinuturing niya ang kanyang sarili ay
 Chermlyn. isang KASTILA at hindi bilang isang
PILIPINO.
 Mahusay. Ang iyong katanungan.  Bakit nasabi na Kasundo ni Kapitan
Tiyago ang Diyos. Marcos
 Marcos, maaari kang tumayo.  Nasasabing siya ay kasundo ng Diyos
sapagkat siya ay nagpapamisa at
nagpapadasal tungkol sa kanyang sarili.
 Mahusay, sunod na tanong Marcos.  Paano mo mailalarawan si Kapitan
Tiyago? Emil
 Emil?  Si Kapitan Tiyago ay nasa pagitan ng 35
taong gulang, Maitim ang buhok,kung
hindi lamang nanabako at nangunguba
ay maituturing na sya ay magandang
lalaki po.

 Mahusay , batid kong lubos na ninyong


naunawaan ng paksa na ating tinalakay ,
ngunit alamin naman natin kung ano ang
aral na iparating sa ating ng kabanata 6.  Hindi mababago ng pera o ng anumang
May ideya ka ba Kathleen? uri ng kapangyarihan ang pagkatao ng
isang nilalang.Magbihis ka man ng
ginto ay mananatiling tanso pa din ang
iyong kalooban.

 Mahusay Kathleen, kahit pa dumanas tayo


ng kahirapan sa buhay bago natin maabot
ang rurok ng tagumpay dapat marunong pa
rin tayong lumingon sa ating
pinanggalingan. Alam pa rin dapat nating
magpakumbaba sa mga taong nakakababa
sa atin. Huwag nating gamitin sa maling
paraan ang ating kapangyarihan para sa
sarili lang nating kagalakan. Tulad na
lamang ni Kapitan Tiyago na akala niya
pati Diyos ay nalulugod sa mga ginagawa  Opo Ma’am.
niya.
 Nauunawaan na ba?

G. Paglalapat ng  Muli tayong magkakaroon ng pangkatang


Aralin sa Pang- gawain ngunit manatili na lamang kayo sa
araw – araw na inyong mga grupo.
buhay  Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang
dula-dulaan tungkul sa mga mga
mayayaman at makapangyarihang mga tao
kung saan ginagamit ang kanilang posisyon
upang makaangat sa iba. Ngunit ito ay sa
paraang panteatro kung saan kailangan
paawit ang bibitwang mga dayalogo. Opo Ma’am
Nauunawan ba?
 Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto para
sa paghahanda at 2 minuto para sa
pagtatanghal.

Ito ang ating pamantayan


PAMANTAYAN
Kaangkupan sa paksa 20pts
Kaayusan ng mga salita 15pts
Partisipasyon 5pts
KABUUAN 40pts.

 Simulan na

(Makalipas ang 5 minuto.)

 Ngayon naman ay tunghayan na nating ang (Magtatanghal ang unang pangkat.)


presentasyon ng Unang pangkat.

 MAhusay, Sumunod naman ang


Ikalawang pangkat.

(Matapos ang pagtatanghal)

 Mahusay ang inyong mga ipinakita subalit


ang nakuha ng pinakamataas na puntos ay
ang ikalawang pangkat na nakakuha ng 37
pts sapagkat sakto sa paksa ang kanilang
ipinakita gayundin ang samantalang ang
ikalawang pangkat ay nakakuha ng 35pts
sapagkat medyo nalihis na sa paksa ang
kanilang itinanghal. Ganunpaman bigyan
ang inyong mga sarili ng ang galing galing
clap.  Isa , dalawa, tatlo ,isa dalawa ,tatlo ang
GALING GALING!
Ngayon naman nais kong dugsungan ninyo
ang mga salitang aking sasabihin ng sari Opo Ma’am.
ninyong opinion o saloobin nauunawaan ba?

Para sa aking ang kapangyarihan at


kayamanan ay__________ , Jessable?  Para sa akin ang kapangyarihan at
kayamana ay dapat na ginagamit sa
tamang paraan lalo na sa makataong
Mahusay. Para sa akin ang kapangyarihan at pamamaraan.
kayaman ay_________, Haide?
 Para sa aking ang kapangyarihan at
kayamanan ay hindi basehan ng pagkatao
sa halip ito ay bagay lamang na dapat
ipamahagi sa bawat isa.
H. Paglalahat ng Aralin  Nauunawaan na ba ng lahat? Dahil  Opo Ma’am
nauunawaan na ninyo lubos mo ng
nauunawaan Jake,

I. Pagtataya ng aralin Kumuha ng kalahating bahagi ng papel.

Siya
J. Karagdagang Basahin ang kabanata 7
Gawain at Takdang-
Aralin
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa
bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulunga ? Tukuyin
ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay
ng guro (bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya
ang epektibong gamitin? Bakit
nasabing ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:
.
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

Bb. Cherryl Marigocio


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:

Tagapag-ugnay ng Asignatura ( Filipino )

Pinagtibay ni:
Prinsipal

You might also like