You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inasasahang:
a) Natutukoy ang kinalabasan ng mga pangyayari sa akdang napakingga.
b) Naipaliliwanag at nakapagbabahagi ng mahahalagang kaisipan sa napanood na akda.
c) Nakapagtatanghal ng maikling pagsasadula ukol sa napulot na gintong aral sa akda.

II. Paksang Aralin


a) Paksa: Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)
b) E-Sanggunian: https://youtu.be/1EfTJc_8aIw?feature=shared
c) Kagamitang Panturo: Laptop

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
a.1 Panalangin
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin.

a.2 Pagbati
Magandang umaga sa lahat.

a.3 Pagtala ng mga lumiban sa klase


Mayroon bang lumiban sa klse?

a.4 Alituntunin
Bilang mag-aaral, ano ang gagawin ninyo kapag may nagsasalita sa harap?

a.5 Pagpasa ng Takdang-Aralin


Mga anak, ipasa na ang mga takdang-aralin sa harapan nang walang ingay.

B. Pagganyak

Gawain 1: Think mo , Share mo!


Panuto: Ibahagi ang saloobin sa salitang MANLILINLANG.

1. Ano ang iyong saloobin sa salitang manlilinlang?


2. Bakit kaya lumalaganap ang mga ganitong pangyayari sa bansa?

C. Pagpapakilala sa aralin

Gawain2. Buoin mo nga ako


Panuto: ang klase ay papangkatin sa dalawa at bubuoin ang larawan ng ‘Natalo na rin
si Pilantok” at kung sino una makabuo sila ang panalo.

D. Pag-alis Sabal

Bago ang lahat, atin munang bigyang pansin ang mga salita na makikita o mababasa na
malalim hindi maunawain ng iba.

Gawain 3. Hula-an mo ako!


Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng mga matatalinhagang
salita na kikita sa pangungusap.

1
E. Pagtalakay sa Paksa

Mga gabay na tanong

1. Ilarawan si Pilanto?
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilantok ang baboy-ramo?
3. Bakit kaya galit na galit si Pilantok?
4. Kung ikaw ay tulad ni Pilantok na mahilig manlinlang o manloko ng iyong kapwa, ano
ang kailangang baguhin mo upang hindi dumating ang araw na pagsisisihan mo ang
mga kasamaang ginagawa mo?

Mga Tauhan:
Ang mga tauhan sa kwentong “Natalo din si Pilandok” ay ang mga sumusunod.

Si Pilandok- isang maliit na usa, isang tuso at mapanlokong hayop.

Ang Baboy ramo- isang mabangis na hayop na may pangil. siya ang nagnanais kumain kay
Pilandok. Nalinlang siya ng usa sa pamamagitan ng pagsasabing ang kailangan nito ay laman
ng tao upang ito ay mabusog. Sa Kasamaaang palad walang kaalaman ang Baboy ramo sa
hitsura ng tao. Ang kahinaang ito ang ginamit ng matalinong si Pilandok laban sa Baboy ramo
na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ang Buwaya- kumakain ito ng buhay o patay na hayop. Siya ang isa sa mahigpit na kalaban ni
Pilandok, dahil sa kanyang mga panlilinlang kaya ito ay galit sa kanya. Ito din ay kanyang
nalinlang sa pagsasabing ang kagat-kagat nito ay isang patpat lamang hindi ang paa ng isang
usa.

At ang Suso na isang maliit na hayop, na kung kumililos ay makupad. Siya ang nakatalo kay
Pilandok sa karera, ginamit nito ang kanyang utak upang malinlang ang usa. Kinasabwat nito
ang isang kaibigan na kanyang kawangis, ang siyang mag-intay sa dulo ng kanilang takbuhan.
Kung kaya’t ang mapag-linlang na si Pilandok ay natalo.

ALAM MO BA?

Ang pilandok o "Philippine mouse-dear" ay isang maliit na hayop. Halos isang piye
(1 foot) lang ang taas nito kapag nakatayo. Bagama't tinatawag itong mouse-deer at medyo
nahahawig sa usa ay hidi ito kapamilya ng mga usa (cervidae family) dahil kabilang ito sa
tinatawag na chevrotain family. Bagama't karaniwan itong matatagpuan sa mga bayan sa timog
kanlurang Palawan, higit na nakilala ang Pilandok mula sa mga pabulang Merano kung saan ito
inilalarawan ng mapanlinlang, mapamaraan at tuso na lagging nanlilinlang sa mga
makakasalumuha niya ng buwaya, unggoy, baboy ramo, at maging ng sultan. Kung ang mga
Tagalog ay may Juan had, ang mga Meranao naman ay may Pilandok.

Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)

https://youtu.be/1EfTJc_8aIw?feature=shared

2
MGA GABAY NA TANONG, SAGOT:

E. Paglalahat
Gawain 4: Share mo lang ?

Panuto: Hahatiin sa dalawa ang klase at sagutan ang mga


tanong sa qrcode.

TANONG:
Unang grupo - ibahagi ang mga mahahalagang pangyayari sa pabula
Pangalawang grupo - ilarawan kung anong klaseng hayop si pilantok.

F. Paglalapat

Gawain 5: Share your kaalaman.

Panuto: ibahagi ang mga saloobin sa mga tanong na namakikta sa qrcode.

TANONG:
1. Sino ang naging pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya.
2. Sino-sino na ang mga napaglinlangan na siya?
3. Paano tinalo ng isang munting suso ang mapaglinlang na pilantok?
4. Paano nagwakas ang kwento?

IV. Ebalwasyon
Gawain 6 : Hula-Hula-Hook!
Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat, pagkatapos ang bawat
pangkat ay may nakatalagang mga salitang huhulaan na nabanggit sa karunungang
bayang napakinggan. Ang isang miyembro ang aakto at ang iba naman ay silang
huhula. Sa loob ng labing-limang minuto ay dapat mahulaan ang mga salita.

V. Takdang-aralin
Panuto: Salkisikin ang kwentong Juan tamad at mag tala ng mga matatalinhagang salita at bigyan
ng pangungusap

Inihanda ni: Precious A. Rico


Gurong nagsasanay

Iwinasto ni: _ Aileen Melody De Vera, LPT_


Guro ng Wika at Panitikan

3
4

You might also like