You are on page 1of 5

Filipino Modyul 7: Ang nawawalang

Kwintas.
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto:

a. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga tradisyunal na pagdiriwang ng kabisayayaan


F7PB-IIe-f-9.

Kung handa ka na, ipagpatuloy mo ang pagaaral nang maayos sa araling ito.

Paano matuto gamit ang modyul na ito Para matamo ang mga layunin sa itaas, kailangan lang ay sundin
ang sumusunod:

a. Nauunawaan ang mga pangyayari sa kwento.


b. Nakapag bibigay ng sariling opinyon sa kwentong tinalakay.
c. Nakapagtatala ng mga Magaganda at hindi Magandang kaugalian.

GAWAIN 1: IBALIK RIN

Panuto: Alalahanin ang mga nangyari sa iyong buhay noon. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba batay
sa iyong karanasan. Ilagay ang kasagutan sa patlang na ibinigay pagkatapos ng katanungan.

1. Mayroon ka bang bagay na ipinahimm mo sa iyong kakilala o kaibigan at hindi na naisuli?


Ano ito at bakit niya hiniram?
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos niyang hindi ito ibalik sa iyo?
3. Sinubukan mo ha siyang tanungin ukol rito? Ano ang kaniyang nabanggit?
4. Paano kung ikaw ang nanghihiram nang hindi nagbabalik? Ano ang iyong gagawin upang
makabawi sa kaibigan o kakilalang pinaghiraman mo?

ALAM MO ВА?

Ang uwak ay isa sa pinakamatalinong ibon. Kilala ang mga ito sa husay nilang lumutas o dumiskarte sa
isang problema. Mahusay rin ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa mga kapwa nila uwak. Ayon sa mga
pag-aaral, hindi nila basta nakakalimutan ang mukha ng taong nanghuli at nagmalupit sa kanila.
Katunayan, kahit pagkalipas ng isang taon ay nakikilala pa rin ng mga uwak ang mga taong ito at
naipaaalam pa sa kanilang mga kasamahan kaya't nangyayari minsan ang sabay-sabay na pag-atake ng
mga uwak sa tao.

Sinasabing ang mga uwak ay puwedeng maging kaibigan o kalaban ng manukan. Kaibigan dahil
naitataboy ng mga ito ang ibang mga ibong puwedeng sumila sa mga manok at sisiw tulad ng mga lawin.
Gayundin, ang malakas at matinis na tinig ng uwak ay nagbibigay-babala sa inahin para ipunin ang mga
sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak at saka magtago para hindi mabiktima ng mga maninila.
Gayunpaman, nagiging kaaway rin ito dahil hindi man nila hinuhuli at kinakain ang mga inahing kaya
nang lumaban sa kanila, ang pinupuntirya naman nila ay ang mga itlog, sisiw, at maliliit na manok.
Kinakailangan pa rin ng mga tagapag-alaga ng manok ang ibayong pag-ringt at paglalagay ng
masisilungan ng kanilang mga alaga para maiwasang maging biktima ng iba pang hayop na maninila.

GAWAIN 2 TALAHANAP

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakadiin na ginamit sa akda sa hanay A. Piliin ang sagot
mula sa hanay B at isulat sa linya ang titik ng tamang sagot.
A. B.
1. Makinang ang kuwintas. a. Binalaan
kaya naakit agad ang inahin b. Makintab
dito. c. Nagmamalaki
2. Liyad ang dibdib ng inahin d. Pagkalaykay
habang ipinapakita sa ibang e. paniniyak
hayop ang suot- suot na
kuwintas.
3. Binantaan ng uwak ang
inahin dahil sa pagkawala ng
kanyang kuwintas,
4. "Hahanapin ko ang kuwintas
mo," ang paniniguro ng
inahin.
5. Hanggang ngayon ay patuloy
sa pagkalahig sa lupa ang
mga inahin na tila may
hinahanap.

GAWAIN 3: SAL-UNGAT?

Panuto: Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Punan
ang mga patlang ng mga angkop na titik upang mabuo ang salita na may mga kulang na titik.
1. Isang inahing manok at kaniyang mga sisiw ang naninirahan sa isang halamanan.
2. Napatingala ang inahin nang dumating ang kaibigang uwak.
3. Nagpunta siya sa kaibigan para ipakita ang bagong biling kuwintas.
4. Pumayag ang uwak na ipahiram ang kaniyang kuwintas sa kaibigan.
5. Agad kumibo ang inahin nang makita ang kaibigan.

1. t_ d_g 2. n_p_y_o 3. i_a_o 4. t_m_t_l 5. t_m_h_k

Basahin ang pabulang "Ang Nawawalang Kuwintas" na tumatalakay sa isang pangyayari sa pagitan ni
Uwak at ni Inahin. Pagkatapos basahin ang kuwento ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

ANG NAWAWALANG KWINTAS

Noong unang panahon, may isang uwak na bumili ng magandang kuwintas mula sa isang mangangalakal.
Ipinagmamayabang niya ang nabili kaya isinabit niya kaagad ito sa leeg niya upang makita ng lahat.
Pagkaraan, lumipad siya sa malayo hanggang sa nakarating sa isang magandang maliit na hardin. Doon
niya nakita ang matagal na niyang kaibigan na si Inahing Manok na mayabang na naglalakad sa buong
paligid kasunod ang mga sisiw niya. Sabi ni Inahin sa kaniya, "O, napakaganda naman ng kuwintas mo.
Maaari ko bang hiramin? Ibabalik ko sa iyo ito bukas na bukas din." Gusto ni Uwak ang inahin kaya
kusang ipinahiram nito ang kuwintas sa loob ng isang araw. Kinaumagahan, bumalik si Uwak para sa
alahas niya. Nakita niya si Inahin at mga sisiw na nangangalaykay sa lupa malapit sa lumang pader.
"Nasaan ang kuwintas ko?" tanong ni Uwak. "Nawawala," sagot ni Inahin. "Kinuha ito ng mga sisiw ko
kahapon habang natutulog ako at ngayon hindi na nila matandaan kung saan nila ito nailagay. Maghapon
na kaming naghanap ngunit hindi pa namin ito nakikita," "Kailangang bayaran ninyo ito kaagad," wika ng
uwak. "Kung hindi, pupuntahan ko ang hari at sasabihin kong ninakaw ninyo ang kuwintas ko." Natakot
ang inahin sa sagot na ito. Nagsimula siyang mahahala kung paano siya makaiipon ng perang kailangan.
Ang uwak na papunta noon sa isang pista ay nayayamot na nagsabi, "Kukuhanin ko ang isa sa mga sisiw
mo kada araw hilang kabayaran sa utang mo. Kapag nahanap mo ang kuwintas, ibigay mo kaagad sa akin.
Saka ko lang titigilan ang pagkain sa mga sisiw mo." Napilitang makontento ang mahin sa kasunduang ito,
sapagkat kung tatanggi siya, baka magpunta ang uwak sa hari. Hanggang ngayon, makikita mo na
magkasama ang inahin at ang mga sisiw na nangangalaykay sa lupa sa paghahanap sa nawawalang
kuwintas. Ang mga uwak naman ay patuloy na naghahanap ng bayad sa nawawalang alahas sa
pamamagitan ng pagkain ng mga sisiw, Sinasabi na ang mga inahin at sisiw ay di kailanman titigil sa
pagkahig sa lupa hangga't hindi nahahanap ang nawawalang kuwintas.

GAWAIN 4: SASUTIN NATIN


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ma katanungan batay sa kuwentong binasa.

1. Ano ang ipinakita ni Uwak sa kaibigan niyang Inahin na kaniyang ipinagmamalaki?


2. Anong bagay ang naisip ni Inahin bakit niya itong gustong himmin
3. Ano ang naging dahilan bakit nawala ng inahin ang kuwintas?
4. Kuwintas ng kaibigan mo para maipakita sa ibang tao? Bakit oo o bakit hindi?
5. Anong aral ang gustong ipahiwatig ng pabulang iyong nabasa?
6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Uwak, anong kondisyon ang bahanggitin mo sa kaibigan
mong nakawala ng bagay na hiniram niya sayo?

GAWAIN 5. ISULAT MO

Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. Ilagay ang kasagutan sa patlang na ibinigay.

Bakit kailangang pag-ingatan at isauli ang mga bagy na hiniram mo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

GAWAIN 6: HANAPARES

Panuto: Hanapin mula sa mga pahayag sa hanay b ang maaring tamang tigma nasa hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
1. Masayang-masaya habang palipad-lipad a. Galit na galit siyang nagbanta at nagbigay
ang isang uwak. ng kondisyong kukunin ang siisw ng
2. Nagandahan ang inahin sa bagong inahin hangga't hindi naibabalik o
kuwintas ng kaibigan. nababayaran ang nawawalang kuwintas.
3. Habang natutulog ay hindi namalayan ng b. Hindi na matandaan ng mga sisiw kung
inahin na kinuha ng kaniyang mga sisiw saan inilagay ang kuwintas kaya Nawala
ang kuwintas na hiniram niya sa kaibigan. ito.
4. Nalaman ng uwak na nawawala ang c. Hiniram ng imahin. ang kuwintas para
kaniyang kuwintas. maisuot at maipakita sa ibang hayop.
5. Nagkakahig ng lupa ang inahin at ang d. . Nakabili kasi ang uwak ng isang bago at
mga sisiw. napakagandang kuwintas.
e. Patuloy nilang hinahanap ang
nawawalang kuwintas ng anak.

GAWAIN 7: BAGUHIN
NATIN

Panuto: Basahin ang pahayag na nasa ibaba, pagkatapos ay gawin ang gawaing ibinigay.

Ang panghihiram nang hindi naisasauli o naibabalik ay isang hindi kanais-nais na kaugalian.
Malihan ditto ay may iba pang mga kaugaliang dapat iwasan o iwaksi. Gayunpaman, kung may
mga negatibong kaugalian tayong nagagawa ay may mabubuti rin naman. Ilista sa mga kahon sa
ibaba ang mga kaugalian nating hindi kanais-nais at ang mga dapat nating ipagpatuloy at
pagyamanin, magtala nang hindi bababa sa tatlo. Ilagay ang kasagutan sa loob ng kahon.

Mga kaugaliang dpat nating iwasan Mga kaugaliang dapat nating


o iwaksi. panatilihin at pagyamanin.

You might also like