You are on page 1of 3

Ika-22 ng Marso, 2024

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino


I. Layunin:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang katangian ng pangunahing tauhan sa kwento.
b. Naibabahagi ang sariling kaisipan at pananaw hingil sa nabasang kwento
c. Nakakabuo ng isang tulang haiku batay sa aral na napulot sa maikling kwento.

Kasanayang pampagkatuto:

II.Paksang Aralin
Paksa: Lupang Tinubuan na isinulat ni Narciso G. Reyes
E-Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=6WjYBsOsrCk
Kagamitan: Pantulong na biswal, laptop, projector, bidyo, speaker.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a1. Panalangin

 Panalangin
 Pag-ayos ng upuan
 Pagpulot ng kalat
a2. Pagbati
Magandang Araw sa ating lahat.
a3. Patala ng mga lumiban
Mayroon bang lumiban sa ating klase?
a4. Pagbibigay ng Alituntunin
Inaasahan ko na magiging MABAIT kayo sa ating talakayan ngayong
araw.
a5. Balik-Aral
Tungkol saan ang ating tinalakay noong nakaraang araw?

B. Pagganyak
GAWAIN 1: AYUSIN MO AKO!
Panuto:

1. Ayusin ang mga salita


2. Kapag nabuo na ang salitang hinahanap idikit ito sa binigay kong papel.
Gawin ito hanggang mabuo ang iba pang salita.
3. Ang unang grupo na matatapos ay siyang panalo na magkakaroon ng
karagdagang limang puntos sa pagsusulit.
C. Pagpapakilala sa Aralin

 Ang paksa natin ngayong araw ay isang Maikling Kwento na pinamagatang


“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes
 Layunin
D. Pag-alis sagabal
GAWAIN 2: Tapat-Dapat
Panuto: Itapat sa Hanay A ang tamang kahulugan ng bawal salita sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Nayon 1.Pag-alala, pagbabalik tanaw,


2. gunita 2.Malaking silid
3. bulwagan 3.Matinding kalungkutan
4. takilpsilim 4.Maliit na pamayanan na
5. dalamhati 5.Malapit ng magdilim.

E. Pagtalakay sa paksa

 Pagpapakilala sa awtor ng kwento


 Gabay na tanong
 Magbabasa ng maikling kwento

Gawain 3: ISIPIN MO’KO!


Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at sasagutin ng bawat grupo ang mga
gabay na tanong.

F. Paglalahat

GAWAIN 4: PUNAN ANG PAGKUKULANG!


Panuto: Gamit ng Graphic Organizer sa ibabaay punan ang Simulang pangyayari,
Gitnang pangyayari, at Wakas ng kwento pagkatapos ibahagi ninyo ito sa harapan.

“LUPANG TINUBUAN”

SIMULA GITNA WAKAS


G. Paglalapat

Gawain 5: ROLETA NG KAISIPAN!


Panuto: Iikot ang roleta at kung kaninong numero huminto, siya ang magbabahagi ng
kanyang sariling kaisipan o pananaw hinggil sa nabasang Maikling kwento.

IV. EBALWASYON
Panuto: Gumawa ng tulang haiku batay sa aral na napulot sa maikling kwento. Gawing
gabay ang pamantayan na nasa ibaba.
PAMANTAYAN PUNTOS
ANYO 10
- Pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat
NILALAMAN 10
- Angkop at wasto ang mga salitang ginamit.
PAGKAMALIKHAIN 20
- Orihinal ang ideya sa nilikhang tula.
KABUUANG PUNTOS 40

V.Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang kwento ni Pedro L. Ricarte na pinamagatang “Boy Nicolas” at
tukuyin ang mga pinangyarihan ng kwento at mga pangunahing tauhan nito, gayundin ang
mga aral ng kwento. Isulat ito sa inyong kwaderno at ipasa sa susunod nating talakayan.

Inihanda ni:
PRECIOUS A. RICO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
AILEEN MELODY DE VERA, LPT
Guro ng Wika

You might also like