You are on page 1of 4

Santiago City

Tel/Fax: (078)-682-8454 / 305-0957


www.northeasterncollege.edu.ph

Ika- __ ng Pebrero 2024


Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino
I.Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akdang binasa.
b. Nakapagbabahagi ng pananaw ukol sa kaugaliang nakuha mula sa binasang
kwentong bayan.
c. Nailalathala ang mga pangyayari mula sa binasang kwentong bayan na maiuugnay
sa kasalukuyan.

Kasanayang Pampagkatuto: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng


lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga
tauhan. (F7PN-la-b-1)

II.Paksang Aralin
a. Paksa: “Ang Munting Ibon”
b. E-Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=G_Qijre6VJo&t=26s
c. Kagamitan sa Pagtuturo: Laptop, Powerpoint Presentation, Litrato, Cartolina,
Scotch Tape, Marker,Manila paper, Chalk,Illustration board, Speaker at Bidyo

III.PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO
A. Panimulang Gawain
a1. Pagbati
Isang mapagpalang araw sa lahat.
a2. Pagdarasala
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin.
a3. Pagtala ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase?
a4. Pagbibigay Alituntunin
Bilang mag-aaral, ano ang gagawin ninyo kapag may nagsasalita sa harap?
a5. Balik-aral
Ngayon nais kong malaman kung naunawaan ba ang ating tinalakay noong
nakaraan.
B. Pagganyak
GAWAIN 1: Hularaan
Panuto: Hulaan kung ano ang ipinapahiwatig ng larawan.
Tanong:
1. Anu-ano kaya ang klase ng pagsasama mayroon ang mga mag-asawa sa
bawat hugis?
2. Sa palagay ninyo bakit kaya mayroong masaya at malungkot na pagsasama
sa isang relasyon?

1
C. Pagpapakilala sa Aralin

 Ang paksa natin ngayong araw ay isang Kwentong Bayan na pinamagatang


“Ang Munting Ibon”
 Layunin

D. Pag-alis Sagabal
Bago natin tuklasin at talakayin ang Kwentong Bayan atin munang bigyan ng kahulugan ang
mga matatalinhagang salita na nakapaloob sa Kwento.

Gawain 2: Ebun-ebun
Panuto: Alamin ang kasingkahulugan ng nasa itaas ng ibon at piliin ang tamang sagot.

E. Pagtalakay sa Paksa

 Gabay na tanong
 Magpapanood ng bidyo

Gawain 3: Tanong! Tanong! Tanong??


Panuto: Gamit ng Wheel, kung sino ang mapili siya ang sasagot sa mga katanungan.

2
F. Paglalahat
Gawain 4: T-tsart
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at ang bawat pangkat ay may naaatas na
gawain.

G. Paglalapat
Gawain 5: Scan mo ako!
Panuto: Gamit ng qr code i-scan ang code at sagutan ang mga katanungan.

 Kung ikaw si Lokes a Mama ganun din ba ang pagtrato mo sa iyong asawa?
Bakit at Ipaliwanag.
 Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Lokes a Babay gagawin mo rin ba ang
desisyong kanyang ginawa? Ipaliwanag.
 Anu-ano ang mga mahahalagang aral na napulot mo mula sa kwentong bayan
na ating pinanood?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Pagsunod-sunurin sa ibaba ang mga pagyayari mula sa kwentong “Ang Munting
Ibon”. Lagyan ng bilang isa hanggang sampu (1-10)
_____1. Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita niyang isang matabang usa ang
nakasabit sa bitag ng asawa habang ang sa kanyang bitag naman na nasa tabi ng puno ay
isang maliit na ibon lamang.
_____2. Noong unang panahon, may mag-asawang naninnirahan sa malayong bayan ng
Agamaniyog na sina Lokes a Babay at Lokes a Mama.
_____3. Napanaginipan niyang pinapakain daw niya ng palay ang kanyang alagang ibon at ito’y
nangitlog ng isang montias o mamahaling hiyas at ito nga ay nagkatotoo.
_____4. Laking gulat ni Lokes a Mama na ang bitag ni Lokes a Babay ay nakahuli ng malusog
na usa habang ang sa kaniya ay isang munting ibon.
_____5. Umalis si Lokes a Babay sa kanilang bahay at namuhay nang maligaya, masagana at
mapayapa.
_____6. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag- asawa ang kani-kanilang bitag sa
gubat at ang mga ito ay kanilang binabalikan sa madaling araw.
_____7. Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa at sabay silang tumungo
sa kagubatan.
_____8. Araw-araw, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli ng kanilang
bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa ilalabas na
diyamante.
_____9. Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas si Lokes
a Mama para tingnan ang kanilang mga bitag.
_____10. Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang sa
maubos ang usa ay hindi niya ito binigyan.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Saliksikin ang isang Kuwentong Bayan na Nakalbo ang Datu Ilagay ito sa inyong
kwaderno at ipapasa sa susunid nating talakayan

3
Inihanda ni:

PRECIOUS A. RICO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

AILEEN MELODY de VERA, LPT


Guro ng Wika

You might also like