You are on page 1of 5

FILIPINO Grade 4

PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

//Pangalan: _______________________________________________ Petsa: _____________


Baitang 4- ______________________ Marka: _______/45

I. Basahin at unawain ang kwento.

ANG SAPATERO AT ANG MGA DUWENDE

May isang sapatero na ubod nang hirap at may materyales lamang para sa isang pares
na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales upang gawin niya sa
umaga ang sapatos. Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na
ang pares ng sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa. Madali niyang naipagbili ito at
nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares. Inihanda niyang muli ang kayang
gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga, nakita niyang yari na ang
dalawang pares ng sapatos. Mabilis na ulit niyang nabenta. Ganoon na naman ang nangyari.
Tila may tumutulong sa kanya sa paggawa. Naging maganda ang pamumuhay ng sapatero.

“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa atin?” tanong niya isang araw sa kanyang
asawa. Napagkasunduan nilang mag-asawa na subukan kung sino ang mabait na
tumutulong sa kanila.

Kinagabihan, nagtago sila sa likod ng makapal na kurtina. Nakita nila ang mga
duwende.

“Mga duwende pala! Paano kaya natin sila mapapasasalamatan?” wika ng sapatero.

“Hayaan mo igagawa ko sila ng mga damit,” sambit ng asawa.

Kinabukasan, inilagay nila sa lugar na makikita ng mga duwende ang mga damit.
Tuwang-tuwa ang dalawang duwende sa damit na ibinigay sa kanila. Pagkatapos gawin ang
mga sapatos, mabilis na tumalon sa bintana ang mga duwende. Mula noon hindi na bumalik
ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawang
marunong gumanti ng utang na loob.

Ayon sa kuwentong " Ang sapatero at ang mga duwende,” basahing mabuti ang bawat katanungan
at bilugan ang titik ng tamang sagot. (5 Puntos)

1. Sino ang tinutukoy na ubog nang hirap sa kwento?


a. Mangingisda
b. Magsasaka
c. Kartero
d. Sapatero

2. Ano lamang ang mayroon siya?


a. Isang net para sa panghuli ng isda.
b. Mga binhi pantanim ng palay.
c. Materyales para sa isang pares na sapatos.
d. Isang tela para sa damit.

3. Ano ang nakita niya isang umaga?


a. Nakita niya ang Isang sakong ginto.
b. Nayari na ang pares ng sapatos.
c. Tumubo ang mga binhing itinanim niya.
d. Nasira ang net para sa pangingisda.

FILIPINO Grade 4– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE- Pahina 1 ng 4


FILIPINO Grade 4
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

4. Dahil sa paulit-ulit na nangyayari, ano ang naisip niya?


a. May tumutulong sa kanya.
b. Baka sinusubikan ang kanyang katapatan.
c. Nais niyang sorpresahin ang kanyang anak.
d. Gantimpala iyon ng diyos.

5. Ano ang napagkasunduan nila ng kanyang asawa?


a. Subukan kung sino ang tumutulong sa kanila.
b. Humingi ng tulong sa pulis.
c. Maghanda ng pain para mahuli kung sino man iyon.
d. Sumayaw at kumanta.

6. Paano nila natuklasan kung sino ang tumutulong sa kanila?


a. Nagtago sila sa likod ng makapal na kurtina.
b. Kumanta sila ng malakas.
c. Nagluto sila ng masarap na pagkain.
d. Nagbigay pugay sila sa mga tumulong sa kanila.

7. Ano ang nakita ng mag-asawa?


a. Isang anghel
b. Isang baka
c. Tatlong Pusa
d. Dalawang Duwende

8. Ano ang nais nilang gawin sa kanilang nakita?


a. Turuan sumayaw at kumanta.
b. Magpasalamat sa kanilang tulong.
c. Ampunin ang dalawang bata.
d. Makausap kung bakit sila tinutulungan.

9. Bakit tuwang-tuwa ang tumulong sa Mag-asawa?


a. Dahil natuto silang kumanta at sumayaw.
b. Dahil masarap ang inihain na pagkain sa kanila.
c. Dahil kinikiliti sila ng mag-asawa.
d. Dahil binigyan sila ng damit ng mag-asawa.

10. Paano nagtapos ang kwento?


a. Masayang nagbati-bati ang lahat.
b. Lumipat ng magandang bahay ang mag-anak.
c. Nagkaroon sila ng sasakyan at maraming anak.
d. Nagpatuloy ang swerte sa buhay ng mag-asawa.

FILIPINO Grade 4– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE- Pahina 2 ng 4


FILIPINO Grade 4
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

II. Kahunan ang panghalip na pananong sa pangungusap. (15 Puntos)

1. Magkano ang isang kilo ng lansones?

2. Ano ang bulking natatanaw mula sa tagaytay?

3. Alin sa mga ito ang pipiliin mo para kay Ted?

4. Ano-ano ang mga binili mo sa tindahan?

5. Sino ang nais mong makapartner?

6. Sino-sino ang mga kaibigan mo?

7. Isinulat nino ang nobelang binabasa mo?

8.Kani-kanino ang mga proyektong nakadispley?

9. Sino ang paborito mong aktres?

10. Ipinadala kanino ang sulat para sa mayor?

11. Kani-kanino sa mga panauhin ibibigay ang mga regalong dala mo?

12. Tutulungan nino-nino ang mga batang ito?

13. Alin sa mga ito ang gusto mong bilhin?

14. Ilan beses ka naglalaba sa isang linggo?

15. Ano ang programa sa telebisyon na pinanood mo ngayon?

III. Lagyan ng ang panghalip na pamatlig sa pangungusap. (10 puntos)

1. Ganito ang paghawak sa bagong silang na sanggol.

2. Ang mga babaeng sundalo ay hayun.

3. Dito ang taguan ng mga sapatos.

4. Ito na nga ang aklat na kailangan ko.

5. Titira tayo roon habang wala ang tatay ninyo.

6. Iyan ang gupit sa buhok na bagay sa iyo.

7. Dito titira ang mga pinsan mong balikbayan.

8. Tama ka. Ganyan nga ang tamang paghiwa ng isda. Marunong ka na.

9. Tutulungan mo akong maglinis ditto? O, heto ang isang walis. Kunin mo sa akin.

10. Tingnan mo ang hawak kong larawan. Kuha ito noong nag-tour ako sa ibang bansa.

FILIPINO Grade 4– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE- Pahina 3 ng 4


FILIPINO Grade 4
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

IV. Lagyan ng ang pandiwang nasa aspektong nagaganap. (10 puntos)

1. (Natuwa, Natutuwa) ang mga guro sa mga mag-aaral na mahusay umawit at sumayaw.

2. (Nag-eehersisyo, Nag-ehersisyo) si Mark tuwing umaga bago pumasok sa trabaho.

3. Ang magkakaibigan ay (nanood, nanonood) ng konsyerto ng tanyag na mang-aawit.

4. Linggo-linggo, (dumalaw, dumadalaw) kami sa aming lolo at lola.

5. (Pumupunta, Pumunta) sina Nancy, Macky at Sam sa tabing dagat tuwing Sabado.

6. Si Mariz ay (naglakad, naglalakad) sa pagpasok araw-araw.

7. Tuwing walang pasok, ang mag-anak ay (namamasyal, namasyal) sa lunsod.

8. (Naglibot, Naglilibot ) sa iba’t ibang bansa ang babae para sa kanyang trabaho.

9. Si tatay ay (umarkila, umaarkila) ng jeep tuwing sira ang kanyang sasakyan.

10. Ang mga manlalaro ay (nagpapraktis, nagpraktis) araw-araw sa gym.

FILIPINO Grade 4– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE- Pahina 4 ng 4


FILIPINO Grade 4
PAGSUSULIT SA BUWAN NG HULYO

FIIPINO Grade 4 – PAGSUSULIT SA BUWAN NG HULYO pahina 5 ng 5

You might also like