You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Davao Region
Schools Division of Davao Occidental
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Para sa mga aytem bilang 1-2, kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan


ng paggamit nang wastong pangngalan.

1. Si ________ ang ilaw ng aming tahanan.


a. inay b. itay c. ate d. kuya

2. Ang ______________ ng bawat miyembro ng aking pamilya ang dahilan kaya kami
nakaahon sa kahirapan.
a. pakikipag-away c. karamutan
b. pagtutulungan d. katamaran

3. Nasira ang kanyang sinturon kaya nahulog ang kanyang pantalon. Ang depinisyon
ng salitang may salungguhit ay ______________.

a. gamit na panali sa buhok

b. gamit na dekorasyon sa pantalon

c. gamit na panali sa maluwang na pantalon

d. gamit na pang-ipit sa pantalon para di matanggal

4. Sila ay mga batang palaboy. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay_______.

a. taga iskwater c. taong walang tirahan

b. walang makain d. palaging nagrarambulan

5. Ang pagiging matalino ay kabaliktaran ng kamangmangan.

a. walang malay c. kawalan ng masasabi

b. kawalan ng pag-asa d. kawalan ng kaalaman

DAVOCC LEADS: AS WE TURN OUR VISIONS INTO REALITIES


Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental
T (+639171141438) (+639632878013)
division.davaooccidental@deped.gov.ph
deped.davaooccidental.gov.ph
6. Ang halimuyak ng mga bulaklak ay nagpapagaan sa damdamin.

a. baho b. dami c. bango d. kulay

7. Ang luntiang kapaligiran ang nagpapaginhawa sa buong kalamnan.

a. malinis b. marumi c. mapula d. berde

8. Mapuksa na sana ang Nipah Virus.

a. Babalik b. Matigil c. Tatagal d. Mahawa

Para sa aytem bilang 9, pag-aralan ang larawan.

I II III IV

9. Isalaysay muli ang mga larawan ayon sa Life Cycle ng manok.

a. III -Lalaki na ito at maging manok.

II -Mababasag ang itlog at lalabas ang sisiw.

IV -Itlog muna.

I -Ganap na itong sisiw.

b. III -Lalaki na ito at maging manok.


I -Ganap na itong sisiw.

II -Mababasag ang itlog at lalabas ang sisiw.

IV -Itlog muna

c. IV -Itlog muna.
I -Ganap na itong sisiw.

III -Lalaki na ito at maging manok.

II -Mababasag ang itlog at lalabas ang sisiw.

d. IV -Itlog muna.

II -Mababasag ang itlog at lalabas ang sisiw.

I -Ganap na itong sisiw.

III -Lalaki na ito at maging manok.


10. Isasaayos ang bilang 1-5 o ang sumusunod na pamamaraan ng pagluto ng banana
cue.

1. Tuhugin ang nalutong banana cue sa istik.

2. Talupan ang mga saging.

3. Ilagay ang saging sa kumukulong mantika.

4. Initin ang mantika sa kawali.

5. Ilagay ang asukal para kumapit sa saging.

a. 2, 4, 3, 5, 1 b. 4, 2, 5, 3,1 c. 4, 3, 2, 5, 1 d. 2, 3, 4, 5, 1

Para sa aytem bilang 11-12, ibigay ang kahalagahan ng media.

11. Mahilig manood ng palabas sa telebisyon si Adrian. May inaabangan siyang palabas
pagkatapos ng hapunan. Tuwang-tuwa siya sa panonood dahil ito ay komedya.

a. pang-aliw c. pangkasalukuyan

b. panghikayat d. pang-impormasyon

12. Nabasa ni Jacob sa diyaryo ang inilathalang bagong edisyon ng koleksiyon niya na
laruang trak na de motor. Gustong-gusto niyang makakuha nito kaya nagpa online
delivery siya.

a. pang-aliw c. pangkasalukuyan

b. panghikayat d. pang-impormasyon

Para sa mga aytem bilang 13-22, tukuyin ang tamang gamit ng panghalip.

13. _________ ang mas mahirap gawin, ang paglalaba o ang pamamalantsa?

a. Kanino b. Sino c. Ilan d. Ano

14. Mas gusto ____ ang magluto kaysa maghugas ng mga pinggan.

a. ko b. ako c. siya d. sila

15. Marami sa _____ ang humahanga kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

a. ako b. sila c. siya d. atin

16. Mahalin ______ ang ating bansang Pilipinas.

a. natin b. atin c. niya d. ko

17. _______ lugar sa Pilipinas ka na ba nakapunta?

a. Saang b. Sinong c. Kailang d. Kaninong


18. _______ mga paborito mong pagkain?

a. Anong b. Kailan c. Ano-anong d. Saan-saang

19. “________ ang gusto mo nak paglaki mo, susuportaan kita.”, sabi ng nanay sa kanya.

a. Anoman b. Sinoman c. Saanman d. Kailanman

20. _________ ako makarating ay tatawagan kita.

a. Anoman b. Sinoman c. Saanman d. Kailanman

21. Alin ang wastong pagkakagamit ng panghalip na pananong?

a. Kai-kailan ka isinilang?

b. Sino sa kanila ang mga kaibigan mo?

c. Sino-sino sa kanila ang mga kaibigan mo?

d. Ano ang gusto mong mga pagkain sa mesa?

22. Ano ang dapat mong sabihin sa iyong kaklase na mas tinatangkilik ang wikang
banyaga?

a. Tayo ay Pilipino. Mahalin natin ang sariling wika.

b. Hindi tama na mas mahalin mo ang wikang banyaga.

c. Ang hindi magmahal sa wika ay higit pa sa malansang isda.

d. Karapatan mo ay ipaglaban ngunit tungkulin mong mahalin ang iyong bayan.

Para sa mga aytem bilang 23-30, basahin ang kuwento at sagutin ang mga
tanong na nasa ibaba.

Kaibigang Tunay
Ni: Arlene C. Mariano

Noong unang panahon, sa lupain ng Silef. Masayang naglaro sa bundok ang


dalawang magkakaibigang Audrey at Yrika. Umakyat sila at naglambitin sa mga maliliit
na puno ng niyog. Takbo dito, takbo doon din ang kanilang ginawa. Hangga’t hindi
napansin ni Audrey na meron palang isang malalim na tigang na balon malapit sa
kanilang pinaglalaruan. Kung kaya’t siya ay nahulog dito. “Hu! hu! hu! Tulungan mo
ako Yrika ”, palahaw ni Audrey. Dali-dali namang naghanap at nakakita ng lubid si
Yrika para mahila siya. “Audrey, hawakan mo nang maigi ang lubid dahil hihilahin ko
ito!”, pasigaw na sambit ni Yrika. Kahit na nag-aagaw dilim at napapagod na, hindi pa
rin sumuko sa paghila si Yrika. Hanggang, naiahon niya ang kanyang kaibigan mula
sa pagkahulog sa balon. “Salamat Yrika at tinulungan mo ako. Isa ka talagang tunay
na kaibigan.”, pahikbing sambit ni Audrey. Madamdaming nagyakapan ang dalawang
matalik na magkakaibigan. Mula noon, lagi na silang masayang magkasama sa
anomang lakad. Kung may hindi man sila napagkakaintindihan, madali na nilang
malutas ito. Dahil ang kanilang pagkakaibigan ay subok na ng panahon.
23. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

a. Yrika b. Audrey c. Rika at Audrey d. Yrika at Audrey

24. Saan nangyari ang kuwento?

a. bulubundukin b. lupain ng Silef c. kabundukan d. kagubatan

25. Paano nagsimula ang kuwento?

a. Masayang naglaro sina Audrey at Yrika.


b. Noong unang panahon sa bayan ng Silef.
c. Ang mga magkakaibigang Audrey at Yrika ay naglalaro.
d. Masayang naglaro sa bayan ng Silef ang magkakaibigang Audrey at Yrika.

26. Aling bahagi ng kuwento ang kasukdulan o kapana-panabik na pangyayari?

a. Tinulungan siya ni Yrika.


b. Nahulog sa balon si Audrey.
c. Kumuha si Yrika ng lubid at hinila si Audrey.
d. Nahulog sa balon at tinulungan si Audrey ni Yrika para makaligtas.

27. Paano natapos ang kuwento?

a. Nailigtas ni Yrika si Audrey.


b. Mas lalong naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
c. Ang pagtutulungan ng dalawa ang nagpapalakas ng kanilang samahan.
d. Ang pagligtas ni Yrika kay Audrey ang mas nagpapatibay ng kanilang
pagkakaibigan.

28. Kung ikaw si Yrika, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

a. Opo. Dahil kaibigan ko siya.


b. Opo. Sapagkat ito ay aking tungkulin.
c. Opo. Dahil dito masusubok ang tunay na kaibigan.
d. Opo. Sapagkat tungkulin ng lahat ang tumulong sa mga nangangailangan.

29. Sa palagay mo, bakit pinamagatang “Kaibigang Tunay” ang kuwento?

a. Ito ay nagpapakita nang pagmamahal sa kaibigan.


b. Ito ay tungkol sa dalawang magkakaibigan.
c. Ito ay tungkol sa magkakaibigang nang-iiwan sa panahon ng kagipitan.
d. Ito ay nagpapakita na ang isang mabuting kaibigan ay hindi nang-iiwan lalo na
sa panahon ng kagipitan.

30. Paano mo maaaring maisulat ang salungat na wakas sa kuwento?

a. Pinabayaan na lamang ni Yrika sa balon ang kaibigang si Audrey.


b. Umiyak nang umiyak si Yrika hanggang sa siya’y mapaos.
c. Tumalon na rin sa balon si Yrika para samahan siya.
d. Binabantayan na lamang ni Yrika si Audrey sa balon.
Republic of the Philippines
Department of Education
Davao Region
Schools Division of Davao Occidental
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

SAGUTANG PAPEL

Pangalan ng Mag-aaral

Baitang at Seksyon

Dito isulat ang titik na iyong sagot sa bawat bilang.

1. 16.
2. 17.

3. 18.

4. 19.

5. 20.

6. 21.

7. 22.

8. 23.

9. 24.

10. 25.

11. 26.

12. 27.

13. 28.

14. 29.

15. 30

You might also like