You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

PANGALAN:_____________________________________________BAITANG 4-________
A. Basahin ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ang Manok at Ang Uwak
Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang uwak kay inahin
at makipaglaro sa mga sisiw nito. Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang
singsing ang ibon. Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda! sabi niya sa uwak. Sige, iiwan
ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli, sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli. Naglalakad ang
inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya nang lumapit ang isang tandang.
Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi manok na tulad natin, kaya hindi ka dapat
makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang singsing! Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin angsingsing.
Kinabukasan, napansin agad ng uwak na di niya suot ito. Nasaan ang singsing ko? tanong ng ibon. Ewan
ko, takot na sagot ng manok. Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga kuko ko. Luwag kasi.
Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. Alam ko, itinapon mo siguro dahil
ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing,
kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililipad ko sa malayo.
Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang itinapong singsing.
Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap din. Kapag may lumilipad na uwak sa itaas,
mahigpit ang tawag ng inahin sa mga sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng
uwak.
1. Sino ang matalik na magkaibigan?
A. Inahin at Tandang B. Inahin at Sisiw C. Sisiw at Uwak D. Manok at Uwak
2. Ano ang hiniram ni Inahing Manok kay Uwak?
A. korona B. kuwintas C. singsing D. hikaw
3. Ano ang ginawa ni Inahing Manok sa singsing?
A. ipinahiram B. itinapon C. ipnagbili D. itinago
4. Bakit itinapon ni Inahing Manok ang singsing ni Uwak?
A. dahil galit siya kay Uwak C. dahil pangit ang singsing
B. dahil sa kapipilit ni Tandang D. dahil maluwag sa kaniya ang singsing
5. Bakit daw hanggang ngayon ay walang tigil sa pagkutkot sa lupa ang mga manok?
A. upang gumawa ng pangingitlugan C. upang gumawa ng taguan
B. upang hanapin ang tinapong singsing D. Upang tabunan ang mga sisiw
6. Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang-aralin. Ang salitang nakasalungguhit
ay isang
A. panghalip B.. pang-uri C. pangngalan D. pang-abay
7. Nakalimutan niyang gawin ang kaniyang takdang-aralin. Ang salitang ito ay pangngalan na nagsasaad ng ngalan ng
_______.
A. tao B. hayop C. bagay D. pangyayari
8. Si Bb. Castro ay tunay na kahanga hanga. Ang uri ng pangngalan na sinalungguhitan
sa pangungusap ay
A. di tiyak B. pantangi C. pambalana D. tiyak
9. Nagsisilbi siyang huwaran sa kanyang mga kapwa guro sa kanilang paaralan. Ang uri
ng pangngalan na sinalungguhitan sa pangungusap ay
A. di tiyak B. pantangi C. pambalana D. tiyak
10. Napakabait niya at palagi niyang pinangangaralan ang kanyang mga estudyante tungkol
sa kabutihang asal. Ang pangngalang kongkreto sa pangungusap ay
A. asal B. kabutihan C. estudyante D. pinangangaralan
11. Malaki ang respeto sa kanya ng kanyang mga estudyante at kapwa mga guro. Ang
pangngalang di - kongkreto sa pangungusap ay
A. estudyante B. guro C. kapwa D. respeto
12. Ang unang una naming balak puntahan pagdating doon ay ang ilog na lagi naming
pinaglalanguyan. Ang kasarian ng pangngalan na sinalungguhitan sa pangungusap ay
A. di - tiyak B. panlalaki C. pambabae D. walang kasarian
13. Pagkatapos ay sa bukid ni Lolo dahil tiyak na hitik na sa bunga ang mga puno doon.
Ang kasarian ng pangngalan na sinalungguhitan sa pangungusap ay
A. di - tiyak B. panlalakI C. pambabae D. walang kasarian
14. Sana ay bumilis na ang araw para magkita kita na kaming magkakaibigan. Ang kasarain ng pangngalan na
sinalungguhitan sa pangungusap ay
A. di - tiyak B. panlalaki C. pambabae D. walang kasarian
15. Tuwang- tuwa ang magkapatid sa magandang kapaligiran doon. Ang kailanan ng
sinalungguhitang pangngalan sa pangungusap ay
A. dalawahan B. maramihan C. isahan D. tatluhan
16. May isang ilog din malapit sa bukid nila. Ang kailanan ng sinalungguhitang pangngalan
sa pangungusap ay
A. dalawahan B. maramihan C. isahan D. tatluhan

B. Tukuyin ang kasarian ng pangngalang sinalungguhitan sa pangungusap. Isulat ang PB kung pambabae, PK kung
panlalaki , DT kung di-tiyak at WK kung walang kasarian.

_____17. Isang magarang bestida ang regalo ng aking ninong sa aking kaarawan.
_____18. Taon-taon siyang may iniaabot na regalo para sa akin.
_____19. Ganoon din ang aking mga kaibigan, palagi silang may nakahandang sorpresa para sa
aking kaarawan.
_____20. Pinakamahalaga pa rin sa lahat ay ang presensya ng aking tatay at nanay.

C. Palitan ng angkop na panghalip panao ang may nakasalungguhit na pangngalan. Isulat sa patlang ang sagot.
21. (Si Lani) ________________ay mamamasyal sa Maynila sa Linggo.
22. Tinanggap (ni Roy) ________________ ang bagong trabaho sa Singapore.
23.( Ako at si Mark ) _____________________ay tulung-tulong na gumawa ng proyekto.
24. (Sina Rey at Jay) _____________________ ang naglinis ng banyo.

D. Salungguhitan ang angkop na panghalip-pananong sa pangungusap.


25. ( ILan, Magkano, Paano) ang isang kilo ng mangga?
26. ( Ano, Kailan, Sino) ang pinag-aralan ninyo kahapon?
27. ( Gaano, Anu-ano, Sinu-sino)ang mga kaibigan mo?

E. Bilugan ang panghalip na pamatlig na angkop sa diwa ng pangungusap.


28. (Ito, Dito, Ganito) titira si Tito Louie mo.
29. (Dito, Diyan, Doon) sa tabi mo ako uupo, ha?
30, Ang bahay ni G. Luna ay (heto, hayan, hayun) sa dulo ng Kalye Amapola.

F. Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang may salungguhit na salita. Isulat ang Panao ,
Pananong, Pamatlig, o Panaklaw.
__________________31. Saan tayo mamamasyal?
__________________32. Dito mo itago ang iyong mga gamit.
__________________33. Sila ay pupunta sa paaralan.
__________________34. Anuman ang mangyari ay sama-sama tayong makibaka sa buhay.
__________________35. Pupunta kami sa Davao bukas ng gabi.
__________________36. Alin sa dalawang bag ang nagustuhan mo?
G. Basahin at sundin ang mga panuto. (37-40)
Gumuhit ng parisukat.
Gumuhit ng tatsulok sa itaas ng parisukat.
Gumuhit ng puno sa kanang bahagi ng labas parisukat
Isulat ang buong pangalan sa loob ng parisukat.

You might also like