You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 5 (UNANG KAPATAN)

WORKSHEET 4

Pangalan: ___________________________________________
Pangkat: ____________________________________________

ANG PILIPINAS AY BANSANG TROPIKAL

Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa pagikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili
nitong aksis. Bunga nito, may mga bahagi ang mundo na direktang nasisinagan ng araw. May mga bahagi
ring bahagya lamang nasisinagan at may mga lugar na hindi. Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng
latitud sa uri ng klima sa mga lugar sa daigdig. Ang bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn ay
tinatawag na Mababang Latitud o Rehiyong Tropikal. Nakararanas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng
higit na init at sikat ng araw. Ang klimang tropikal ay maaari ding mahalumigmig, basa, at tuyo.

Alamin mo
Ano ang klima at panahong nararanasan sa Pilipinas?
Ano ang kinalaman ng lokasyon sa klima at panahon ng bansa?
Balik tanaw
Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
1. Anong OS and hugis ng mundo?
2. Anong G ang modelo ng mundo?
3. Anong PM ang humahati sa mundo sa silangan at kanluran?
4. Anong NP ang matatagpuan sa dulong itaas ng mundo?
5. Anong K ang pinakamalaking bahagi ng lupa sa mundo?

I. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI naman kung ito ay hindi
wasto.
______ 1. Tropikal ang klima ng Pilipinas
______ 2. Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador.
______ 3. Ang lagay ng panahon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay magkakatulad.
______ 4. Nakararanas ng taglamig ang Pilipinas mula buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero.
______ 5. Hindi nakaaapekto sa klima ng Pilipinas ang pagiging kapuluan nito.
______ 6. Mas malamig ang mababang lugar kaysa mga matataas na lugar.
______ 7. Ang hanging habagat ay nagdadala sa bansa ng maraming pag-ulan.
______ 8. Ang hanging amihan ay nararanasan saPilipinas kapag tag-init sa hilagang Hemispero.
______ 9. Ang klima ng Pilipinas ay nahahati sa apat na uri.
______ 10. Malaki ang epekto ng temperature at dami ng ulan sa klima ng Pilipinas.

II. Tukuyin kung anong uri ng klima ang nararanasan sa mga sumusunod na lalawigan sa Pilipnas. Maaring
tumugon sa mapa ng Pilipinas.
______ 1. Eastern Samar ______ 6. Cagayan Valley
______ 2. Hilaga ng Palawan ______ 7. Bukidnon
______ 3. Aurora ______ 8. Saranggani
______ 4. Zambales ______ 9. Zamboanga Sibugay
______ 5. Davao Oriental ______ 10. Camarines Norte
ARALING PANLIPUNAN 5 (UNANG KAPATAN)
WORKSHEET 5

Pangalan: ___________________________________________
Pangkat: ____________________________________________
ANG PILIPINAS AY BANSANG TROPIKAL

Sa kabuuan, maituturing na kainaman ang temperatura sa bansang Pilipinas. Dahil sa hanging


nagmumula sa dagat at lupa ay maginhawa pa rin sa pakiramdam kahit mainit ang panahon.
Nakapagpapaganda sa klima ng bansa ang hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko patungong Dagat
Kanlurang Pilipinas.

Alamin mo
Ano ang klima at panahong nararanasan sa Pilipinas?
Ano ang kinalaman ng lokasyon sa klima at panahon ng bansa?
Balik tanaw
Bilugan ang Tamang sagot.
1. (Tag-init, Taglamig) sa timog hemispero kapag tag-init sa hilagang hemispero.
2. ang isang rebolusyon ng mundo ay nabubuo sa loob ng (isang buwan, isang taon)
3. Ang (Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn) ang hangganan sa sonang katamtaman sa timog
hemispero.
4. Ang sobrang mainit ay nasa pagitan ng (Tropic of Cancer, Arctic Circle) at Tropic of Capricorn)
5. Ang mga lugar na nakararanas ng klimang katamtaman ay may (tatlo, apat) na uri ng panahon.

I. Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.
hanay A hanay B
_____ 1. Pagbabago sa klima na sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring A. Babala bilang 3
makapagpabago sa komposisyon ng atmospera
_____ 2. Hanging mainit buhat sa timog-kanluran B. Climate Change
_____ 3. Malamig na hangin buhat sa hilagang-silangan C. Hanging amihan
_____ 4. Paiba-ibang dereksyon ng ihip ng hangin na nakabatay kung sann ang D. Hanging habagat
ms mainit o malamig.
_____ 5. May pantay-pantay na dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon E. Hanging monsoon
_____ 6. Maulan at may maikling panahon ng tag-araw F. Ikaapat na uri
_____ 7. Maulan sa buong taon G. Ikalawang uri
_____ 8. May kalahating taon ng tag-ulan at tag-araw H. Ikatlong uri
_____ 9. Nararanasang init o lamig sa isang lugar I. Temperatura
_____ 10. Ang bilis ng hangin ay umaabot ng 185 kilometro bawat oras sa loob J. Unang uri
ng 18 oras

II. Isulat kung anong uri ng klima ang inilalarawan sa bawat bilang.
_____ 1. Nakararanas ng halos pag-ula sa buong taon
_____ 2. Walang tiyak na panahon ng tagtuyo
_____ 3. Walang katiyakan ang panahon
_____ 4. May dalawang tiyak na lagay ng panahon
_____ 5. Tagtuyo mula Nobyembre hanggang Abril

ARALING PANLIPUNAN 5 (UNANG KAPATAN)


WORKSHEET 6

Pangalan: ___________________________________________
Pangkat: ____________________________________________
ANG LOKASYON NG PILIPINAS

Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo. Ang Pilipinas ay malapit sa
ekwador at nasa mababang latitud kaya’t tropikal ang klimang nararanasan dito. Direktang nakatatanggap ng
sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito. Gayunpaman, nakararanas din ng
malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat Kanlurang Pilipinas at Karagatang
Pasipiko. Maliban sa mga nabanggit, nakararanas din ng iba’t ibang klima ang bansa dahil sa iba’t ibang salik
tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw ng hangin, at dami ng ulan

Alamin mo
Ano ang mga hangganan ng bansa?
Masasabi bang mainam ang lokasyon ng bansa?

Balik tanaw
Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI naman kung ito ay hindi wasto.
______ 1. Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa
atmospera, temperatura, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.
______ 2. Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo.
______ 3. Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay malapit sa ekwador at nasa mababang
latitud.
______ 4. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito.
______ 5. Ang bagyo ay ang patuloy na paglakas ng hangin na namumuo sa isang lugar. Kumikilos ito
pakanan papuntang gitna.

I. Isulat ang TRO kung ang pahayag ay naglalarawan sa isang bansang tropical gaya ng Pilipinas at
DTR kung ito naman ay hindi naglalarawan.
______ 1. Ang mga naninirahan dito ay nakararanas ng matinding sikat ng araw.
______ 2. Umuulan ng yelo sa lugar na ito.
______ 3. Nakararanas ng apat na uri ng panahon ang mga bansang may ganitong klima.
______ 4. Nasa mababang latitud ang mga lugar na nakararanas ng klimang ito.
______ 5. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang mga bansa.
______ 6. Mararanasan ang sobrang lamig sa lugar na ito sa buong taon.
______ 7. Nakararanas ng tagsibol at taglagas ang mga naninirahan sa lugar.
______ 8. Mainit at maalinsangan ang pakiramdam ng mga naninirahan sa lugar.
______ 9. Direktang tinatamaan ng sikat ng araw ang mga lugar na ito.
______ 10. Kaunting sikat ng araw lamang ang nararanasan sa mga lugar na ito.

II. Piliin ang pinakatama at itiman ang bilog ng titik ng iyong sagot.
1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?
A. Napakainit sa Pilipinas. C. Malamig at mainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas. D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas.

2. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng klima sa Pilipinas?


A. Tropikal ang klima na may apat na uri ang nararanasan sa Pilipinas.
B. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng klima, ang tag-ulan at tag-araw.
C. Nakararanas ang ating bansa ng sobrang init kapag Marso hanggang Agosto.
D. May tag-araw, taglagas, tagsibol at taglamig dito dahil malapit tayo sa ekwador.

3. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?


A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Baguio
B. Lungsod ng Tagaytay D. Metro Manila

4. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperatura ng isang lugar?


A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura.

5. Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?


A. Dagat Kanlurang C. Dagat Celebes Pilipinas
B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Luzon

6. Aling lalawigan sa bansa ang nakararanas ng ikaapat na uri ng klima?


A. Bohol B. Marinduque C. Catanduanes D. Camarines Norte

7. Aling lalawigan ang hindi kabilang sa mga nakararanas ng ikalawang uri ng klima?
A. Batanes B. Quezon C. Catanduanes D. Camarines Sur

8. Kailan inilalagay sa babala bilang 3 ang isang bagyo?


A. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras
B. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras
C. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 na oras
D. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras

9. Anong uri ang may kalahating taon ng tag-init at kalahating taon ng tag-araw?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri

10. Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa lalawigan sa kanlurang bahagi ng Cagayan at
silangang Palawan?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri

You might also like