You are on page 1of 50

Nailalarawan ang klima ng

Pilipinas bilang isang bansang


tropikal ayon sa lokasyon nito
sa mundo
1. Nasasabi kung ano ang
klimang tropikal
2. Napapahalagahan ang
Klimang Tropikal sa buhay ng
mga Pilipino

AP5PLP-Ib-c-2
1. Ipabuo ang picture puzzle at idikit sa
bilog na nasa pisara.
2. Tatawag ang guro ng mga mag-aaral
nakukuha ng bahagi ng puzzle mula
kahon at
ipadikit ito sa bilog.
3. Ang nauunang mag-aaaral na
nagkamali sa pagsagot ay hindi na
pweding bumalik, maaring ang susunod
na sasagot ang aayos nito.
4. Ipagpatuloy ang gawain hanggang
mabuo ang puzzle.
1. Ano ang
inyong nabuo?

2. Anong mga bansa ang nasa


bandang Silangan,Kanluran, Timog
at Hilaga ng
Pilipinas?

3. Saang bahagi ng mundo


matatagpuan ang Pilipinas?
Paano ninyo nabuo ang mapa?
Ano ang
kinalaman ng
lokasyon sa klima
at panahon ng
bansa?

Ano ang klima


at panahong
nararanasan sa
Pilipinas?
Ang klima ay
pangkalahatang
kalagayan ng panahon sa
isang lugar na may
kinalaman sa atmospera
o hanging nakapaligid sa
mundo, temperatura o
ang sukat ng init o
lamig ng paligid, at iba
pang nakaaapekto sa
pamumuhay ng mga
nilalang dito.
Ang panahon
ay tumutukoy
naman sa
kalagayan ng
kapaligiran,
halimbawa,
tag-init at
tag-ulan.
Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa
pag-ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili nitong
aksis. Bunga nito, may mga bahagi ang mundo na
direktang nasisinagan at may mga lugar na hindi.
Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng
latitud sa uri ng klima sa mga lugar sa
daigdig.
Ang latitud ay
mga guhit na
pahalang sa ating
globo na ginagamit
upang tukuyin ang
klima sa isang
bahagi ng mundo.
Ang bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn
ay tinatawag na Mababang Latitud o Rehiyong Tropikal.
Nakakaranas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit
na init at sikat ng araw.
Ang klimang tropikal ay maaari ding mahalumigmig, basa,
at tuyo.
Bansang Tropikal
Ang klima ng
isang bansa ay
nababatay sa
kinalalagyan nito sa
mundo. Ang Pilipinas
ay malapit sa
ekwador at nasa
mababang latitud
kaya’t tropikal ang
klimang nararanasan
dito.
Direktang
nakatatanggap ng
sikat ng araw ang
bansa kaya’t mainit
at maalinsangan ang
klima rito.
Gayunpaman,
nakararanas din ng
malamig na klima ang
bansa dahil sa hanging
nagmumula sa Dagat
Kanlurang Pilipinas at
Karagatang Pasipiko.
Maliban sa mga
nabanggit,
nakararanas din ng
iba’t ibang klima ang
bansa dahil sa iba’t
ibang salik tulad ng
temperatura, taas
ng lugar, galaw ng
hangin, at dami ng
ulan.
Gawin A:
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Gamit ang globo, isulat sa papel ang mga
bansang may klimang tropikal. Tatawagin
ng guro ang bawat pangkat upang
magbigay ng bansang nailista nila. Isang
bansa lamang ang ibibigay ng bawat
pangkat sa tuwing magtatanong ang guro.
Ang pangkat na hindi na makapagbibigay
ng sagot ay hindi na kasali sa laro.
Gawain B:
Kumuha ng kapareha. Sumulat ng limang
maaaring gawin ng mga naninirahan sa
isang bansang tropikal tulad ng Pilipinas.
Ibahagi sa kapareha ang iyong mga
naisulat.
Halimbawa: Maligo sa dagat lalo na kapag
mainit ang panahon.
Gawain C:
Bumuo ng pangkat na may 5
kasapi. Lumikha ng isang
simpleng awit na nagpapakita ng
mga katangian ng pilipinas bilang
isang bansang tropikal.
Tandaan Mo:
Ang klima ay
ang pangkalahatang
kalagayan ng
panahon sa isang
lugar na may
kinalaman sa
atmospera,
temperatura, at iba
pang nakakaapekto
sa pamumuhay ng
mga nilalang dito.
Ang klima ng
isang bansa ay
nababatay sa
kinalalagyan nito sa
mundo.

Tropikal ang
klimang nararanasan sa
Pilipinas dahil ito ay
malapit sa ekwador at
nasa mababang latitud.
Direktang
nakatatanggap
ng sikat ng
araw ang bansa
kaya’t mainit
at maalinsangan
ang klima rito.
I. Basahin ang mga pangungusap. Kung ito ay
naglalarawan ng mga katangian ng isang
bansang tropikal, isulat ang bilang nito sa
loob ng araw. Kung hindi, isulat sa loob ng
ulap. Kopyahin ang mga drowing sa sagutang
papel at dito isulat ang sagot.

1. Ang mga naninirahan dito ay nakararanas


ng matinding sikat ng araw.
2. Umuulan ng yelo sa lugar na ito.

3. Nakararans ng apat na uri ng panahon


ang mga bansang may ganitong klima.

4. Nasa mababang latitud ang mga lugar


na nakararanas ng klimang ito.

5. Direktang nakatatanggap ng sikat ng


araw ang mga bansa.
6. Mararanasan ang sobrang lamig sa
lugar na ito sa buong taon.

7. Nakararanas ng tagsibol at taglagas


ang mga naninirahan sa lugar.

8. Mainit at maalinsangan ang


pakiramdam ng mga naninirahan sa lugar.

9. Direktang tinatamaan ng sikat ng araw


ang mga lugar na ito.

10. Kaunting sikat ng araw lamang ang


nararanasan sa mga lugar na ito.
II. Kopyahin ang tsart sa sagutang papel.
Isulat sa ikalawang hanay ang kahalagahan
ng klimang topikal sa buhay ng mga
Pilipino.

Klima Kahalagahan
Tag-init
Tag-ulan
Takdang-Aralin

Gumawa ng isang poster a nagpapakita ng


kahalagahan ng pagiging isang bansang
tropical sa buhay ng mga Pilipino.
Natutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng
bansa tulad ng temperatura, dami
ng ulan at humidity.

1. Nasasabi ang temperatura, dami ng ulan at


humidity ng bansa.
2. Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng
bansa gamit ang mapang Pangklima.
3. Nakapagtatala ng mga lalawigan na nakararanas
ng iba’t ibang uri ng klima sa dami ng ulan na natatanggap.
AP5PLP –Ib-c-2.1
Ang Pilipinas ay nasa Kung makikita ito sa globo,
rehiyong tropikal sapagkat makikita ito sa pagitan ng
ang kinalalagyan nito sa 23 ½ digri hilagang latitud
mundo ay nasa pagitan ng mula sa ekwador na
116 at 126 digri silangang tinatawag na Tropiko ng
longhitud at sa pagitan Kanser.
ng 4 at 21 digri hilagang
longhitud.

Dahil sa kalapitan ng bansa


sa ekwador kaya ito
nakakaranas ng maulang
klimang tropikal.
Anu-ano ang
mga salik na
may kinalaman
sa klima ng
bansa?
Buuin ang
graphic
organizer.
Salik na may
kinalaman sa
Klima ng
bansa
• Ang temperatura ay tumutukoy sa nararanasang init
o lamig sa isang lugar.
• May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat
nararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at lamig.
• Karaniwang umaabot sa 31°C ang pinakamataas na
temeperatura at hindi bumababa sa 23° C ang
pinakamababang temperatura.
• Ngunit, dahil sa tinatawag na climate change,
nalalagpasan ang pinakamataas na temperatura mula
37°C hanggang 40°C kung panahon ng tag-araw sa
bansa.
• Naitala ito sa Lungsod ng Tuguegarao. Gayon din ang
pagkakaroon ng pinakamababang temperatura na
umaabot mula sa 6.8°C hanggang 7.5°C na
nararanasan ng mga Taga-Atok, Benguet sa buwan ng
taglamig sa bansa.
Ang climate change ay
ang hindi pangkaraniwang
pangyayari sa kalikasan.
Ang pagbabago sa klima
ay pinaniniwalaang sanhi
ng mga gawain ng tao na
maaaring makapagpabago
sa komposisyon ng
atmospera. Maaari itong
magtagal o maranasan sa
loob ng ilang panahon.
• Maraming mga lugar sa Pilipinas ang pinakamainit sa
buwan ng Mayo.Sa ibang lugar naman ay
pinakamainit sa buwan ng Abril, Hunyo, o Hulyo,. Sa
buwan ng Enero nakakaranas ng malamig na
panahon. Ito ay dulot ng hanging nanggagaling sa
hilagang Silangan ng Siberia . Sa nasabing buwan,
tagtunaw nang niyebe sa Siberia. Sa kabuuan,
maituturing na kainaman ang temperatura sa
bansang Pilipinas. Dahil sa hanging nagmumula sa
dagat at lupa ay maginhawa pa rin sa pakiramdam
kahit mainit ang panahon. Napakaganda sa klima ng
bansa ang hanging nagmumula sa Karagatang
Pasipiko Patungong Dagat Kanlurang Pilipinas.
Kung minsan ay mas mainit sa lupa kaysa sa
tubig . May mga pagkakataon naman na mas
mainit sa tubig kaysa sa lupa. Paiba-iba ito
dahil ang direksyon ng ihip ng hangin ay
nakababatay kung saan ang mas mainit o
malamig na lugar. Ito ay tinatawag na hanging
Monsoon. Ang mga hanging Monsoon na
dumarating sa Pilipinas ay ang hanging Amihan
at hanging Habagat. Ang hanging Amihan ay
malamig na hangin buhat sa Hilagang Silangan.
Ang Hanging Habagat naman ay mainit na
hangin buhat sa Timog Kanluran.
• Ang mga lugar na malapit sa
ekwador at nakatatanggap ng
direktang sikat ng araw ay
mainit ang panahon. Dalawa
ang uri ng klima sa mga lugar
na ito. Pahilis ang natatanggap
na sikat ng araw sa mga lugar
na nasa itaas ng Tropiko ng
Kanser at sa ibaba ng Tropiko
ng Kaprikornyo ay may apat na
uri ng Klima – tagsibol , tag-
init, taglagas, at taglamig.
Kapag nasa mataas na latitud
ang lugar malamig ang
panahon at may yelo dito.
• Nag-iiba rin ang klima ayon
sa taas ng lugar. Palamig ng
palamig ang klima sa
pagtaas ng lugar

• Ang malalaking katubigan ay


may epekto rin sa klima ng
isang lugar. Mas mainit dito
kung araw kaysa gabi.
• Unang Uri – Mula Hunyo
hanggang Nobyembre ay
tag-ulan at mula
Disyembre hanggang Mayo
ay tag-araw.
• Nakakaranas ng kalahating
taon ng tag-ulan at tag-
araw ang mga lugar sa
bansa.

Gaya ng mga Lugar:


Kanlurang Visayas, Mindoro,
Palawan, Panay, Negros
•Ikalawang Uri
Mula Disyembre hanggang Pebrero
nakararanas ng pinakamalakas na
pag-ulan ang mga lugar na kabilang
dito dahil sa kalapitan ng lugar na
ito sa baybayin. Idagdag pa rito
ang kawalan ng mga bundok na
hahadlang sa dalang ulan ng
hangidng amihan at habagat.
Gaya ng mga Lugar:
Catanduanes,Sorsogon, Silangang
Albay,Silangang
Quezon,Leyte,Silangang Mindoro
•Ikatlong Uri
Nakararanas ang mga
lalawigang nabibilang rito ng
pantay-pantay na dami at
pagkakabahagi ng ulan sa
buong taon.

Gaya ng mga Lugar:Lambak


ng Cagayan,silangan ng
Mountain
Province,Masbate,Timog
Quezon
•Ikaapat na Uri
halos pantay na
nararanasan ang pag-ulan
sa buong taon.

Gaya ng mga Lugar:


Batanes, Hilagang-
Silangang Luzon,Timog-
Kanlurang Camarines
Sur,Albay,Marinduque,
Kanlurang Leyte,Bohol
• Ang Pilipinas ay mahalumigmig sapagkat tao ay
napaliligiran ng mga anyong tubig tulad dagat at
karagatan. Ang tubig mula sa nakapalibot na dagat
at karagatan ang nagdudulot ng halumigmig sa
hangin sa proseso ng evaporation.
Pangkat 1.Fishbone Diagram
Tanong: Ano ang temperatura ng bansang Pilipinas?
Ibigay ang mga salik na nagdudulot ng ganitong
temperatura sa bansa.
(Isulat ang sagot gamit ang diagram)
Ano- ano ang mga salik na may kinalaman sa klima
ng Pilipinas?Ibigay ang
katuturan ng bawat isa.(Isulat sa mga
bahagi ng pamaypay ang sagot)
Maglista ng tig-iisang lalawigan mula sa Luzon,
Visayas at Mindanao .
Ilarawan ang klima nito gamit ang mapang
pangklima ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa
cartolina.
Iulat ang sagot sa harap.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang mga salik na may


kinalaman sa klima ng Pilipinas?
a. Pulo , klima, temperature,galaw ng hangin
b. Humidity, temperature, klima, dami ng ulan
c. Galaw ng hangin , Humidity, dami ng ulan, temperatura
d. Klima, Panahon, Temperatura, humidity
2.Ang galaw ng hangin ay salik sa klima, alin sa mga sumusunod
ang mainit na hangin buhat sa Timog Kanluran na nakaapekto sa
klima ng bansa?
a.Hanging Habagat
b.Hanging Amihan
c.Halumigmig
d.Bagyo
3.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ay tama?
a.May dalawang uri ng klima sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan
b.May apat na uri ng klima sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan
c.Iisa lang ang klima ng mga lugar sa Pilipinas.
d.Pare-pareho ang klima sa lahat ng lugar sa Pilipinas.
4.Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng isang batang katulad
mo para maiwasan ang climate change?
a.Sunugin ang basura para maiwasan ang lamok.
b.Iwasan ang walang pakundangang pagputol ng mga kahoy.
c.Magkaingin para may matamnan ng mga halamang
ikinabubuhay.
d.Magtapon ng basura sa ilog.
5.Bakit mas malamig ang klima sa Lungsod ng Baguio kaysa ibang
bahagi ng Pilipinas?
a.Dahil ang Baguio ay nasa mataas na lugar.
b.Dahil ang Baguio ay magandang lugar
c.Dahil ang Baguio ay may maraming magagandang bulaklak .
d.Dahil maraming puno sa Baguio
Iguhit ang Mapang Pangklima ng Pilipinas sa
isang bondpaper . Gamitin ang legend
sa pagkulay nito.

Unang uri—asul
Ikalawang Uri- Pula
Ikatlong Uri- Dilaw
Ikaapat na Uri- berde o luntian

You might also like