You are on page 1of 26

BALIK ARAL!

Klima at Panahon
KLIMA
• Ang klima ay ang pangkaraniwang kalagayan o pattern
ng panahon o kondisyon ng atmospera na tumatagal sa
loob ng mahabang panahon. 
• Halimbawa, nakararanas ang Pilipinas ng mainit na
klima tuwing buwan ng Marso hanggang Mayo kumpara
sa iba pang bahagi ng taon. Sa mga panahong ito ay
karaniwang namamasyal at naliligo ang mga Pilipino sa
mga beach resort.
PANAHON
• Ang panahon naman ay ang kalagayan ng atmospera sa
maikling panahon na maaaring ilang oras o kaya naman
ay isang araw. Maaaring magbago-bago ang panahon
na ito sa partikular na oras o araw. Halimbawa,
maaaring ang panahon sa umaga ay maaraw ngunit
magiging maulan naman sa hapon.
SALIK NA NAKAAPEKTO SA KLIMA
SALIK NA NAKAAPEKTO SA KLIMA
• Sonang Latitude
• Galaw ng Hangin
• Elebasyon
• Climate Change
• Katubigan
Mga Sonang Latitude
• Tropikal - sonang tropikal ay mula Equator hanggang
Tropic of Cancer at Capricorn. Ito ay may mainit na
klima sa buong taon.
• Temperate - Ang sonang temperate ay nasa pagitan ng
tropics at rehiyong polar. Nag-iiba-iba ang klima rito.
Mayroong sobrang init at sobrang lamig.
• Polar - Ang sonang polar ay malamig sa buong taon.
Umaabot sa 10° celsius ang tag-init sa nasabing
rehiyon.
• Dahil sa lokasyong ito, ang Pilipinas ay itinuturing
na may Klimang Tropikal. Dalawa ang uri ng
klima sa ating bansa: tag-araw at tag-ulan. Ang
tag-araw ay nagsisimula ng Nobyembre hanggang
Mayo. Ang tag-ulan naman ay nagsisimula sa
Hunyo hanggang Oktubre. Gayunpaman
nakakaranas din ng iba’t ibang klima ang bansa
dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperature,
taas ng lugar, galaw ng hangin at dami ng ulan.
Gumagalaw ang hangin
• Ang pag-ikot ng daigdig sa axis nito ay may epekto sa
hangin. Gumagalaw ang hangin mula direksiyon ng
silangan patungong kanluran. Bukod dito, ang mainit na
hangin mula sa Equator ay patungo sa North Pole o
South Pole. Samantalang ang malamig na hangin mula
sa North Pole at South Pole ay patungo sa rehiyon ng
Equator. Ito ang isang dahilan ng pagbabago ng klima
sa daigdig.
Hanging Habagat Hanging Amihan
(Southwest Monsoon) (Northeast Monsoon)
• Ang hanging ito ay • Ang hanging ito ay
nagmumula sa timog- nagmumula sa
kanlurang bahagi ng hilagang-silangang
Pilipinas. bahagi ng Pilipinas.
Higit lalo sa bansang
• Nararamdaman ito Siberia.
mula buwan ng Mayo
hanggang Setyembre. • Nararanasan ito
Nagdadala ito ng ulan mula buwan ng
at bagyo sa bansa. Nobyembre hanggang
Marso.
Elebasyon
• Ang elebasyon o distansiya ng lupain mula sa sea level
o antas ng tubig sa dagat ay nakaaapekto sa klima ng
isang lugar. Habang tumataas ang elebasyon ay mas
lumalamig ang klima. Ito ay dahil bumababa ang
temperatura ng hangin habang tumataas ang lokasyon.
Halimbawa nito ang Lungsod ng Baguio na may
malamig na klima dahil ang karaniwang elebasyon nito
ay 5,000 talampakan mula sa antas ng tubig sa dagat.
Iba Pang Salik na
Nakapagpapabago sa Klima 
EL NINO AT LA NINA
• El Niño, nakararanas ang Pilipinas at iba pang karatig-
bansa ng hindi karaniwang tagtuyot na may mas
mahabang panahon.
• La Niña naman nagaganap ang hindi pangkaraniwang
pag-ulan sa Pilipinas at kalapit-bansa na nagdudulot ng
malawakang pagbaha.
GLOBAL WARMING
• Ipinapalagay naman ng mga eksperto na ang global
warming ay bunga ng mga maling gawain ng tao na
nagdulot ng pagbabago sa temperatura ng daigdig.
• global warming sa pagtaas ng temperatura ng mga
lupain at katubigan ng daigdig. Iniuugnay ito sa
pagdami ng greenhouse gases na nagmumula sa mga
sasakyan, pabrika, at produksiyon ng koryente.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND


Katubigan
• May epekto rin ang malalaking katubigan sa klima ng isang lugar.
Mas mainit sa mga lugar na ito tuwing umaga kaysa gabi.
Tumataas ang temperatura tuwing sumisikat ang araw.

Tuwing umaga ang lupa ay mainit ngunit malamig


naman ang tubig, Dahil dito, ang hangin ay
papunta sa lupa.

Tuwing gabi naman, ang tubig ay mainit ngunit malamig


naman ang lupa. Dahil dito, ang hangin ay pumupunta sa
karagatan.

You might also like