You are on page 1of 15

PANAHON AT

KLIMA SA
PILIPINAS
Ano ang klima?
Ito ay tumutukoy sa kainaman o average na
kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang
panahon.

Ito ang inaasahang pangkalahatang kalagayan ng


himpapawid na naglalarawan ng karaniwang
nararanasan sa bawat taon o kaya ay naranasan na
sa nakaraan.
Ano ang panahon?
Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa
loob ng isang araw.

Inilalarawan nito ang kondisyon ng himpapawid sa


maikling oras gaya ng isang araw na nakakaapekto
sa mga gawain ng tao. Ito ay pabago bago sa loob
ng oras o kahit minuto.
Sa paglalarawan ng panahon, nababanggit
din ang mga salik gaya ng temperature,
kahalumigmigan o humidity,
presipitasyon, kaulapan, hangin at
atmospheric pressure.
Pagkakaiba ng
Klima at Panahon sa
Iba’t Ibang Bahagi
ng Daigdig
May mga natural na salik na nakaaapekto
sa klima katulad ng kinalalagyang latitude
at taas ng isang lugar.

May mga salik din naman na may


kinalaman sa panahon at ang mga ito ay
kinabibilangan ng temperature, humidity
at presipitasyon.
Mga Natural na
Salik na
nakakaapekto sa
Klima
1. Latitude
A. Sonang Tropikal – sonang nasa mababang
latitude
B. Sonang Katamtaman
C. Sonang Polar – pinakamalamig na bahagi ng
daigdig
2. Altitude o Taas ng Lugar
Kapag mataas ang isang lugar ay bumababa
ang temperature dito.

Mas maipis din ang hangin sa matatas na


lugar. Kaunting init lamang ang dala ng
manipis na hangin kaya’t nakakaapekto rin
ito sa temperature ng mataas na lugar.
3. Distansya mula sa mga Karagatan
Ang karagatan ang nagiging imbakan ng init
ng araw na nakakaapekto sa temperature ng
himpapawid.

Ito ang dahilan kung bakit mas malamig ang


temperature sa mga baybaying pook kapag
tag-init, at mas mainit kapag tag-lamig.
4. Topograpiya
Ang mga kabundukan at bulubundukin
ang nagsisilbing pananggalang sa
paggalaw ng mga hangin at sa
kahalumigmigan.
5. Galaw at Uri ng Hangin
1. Hanging Silangan o trade winds –
umiihip ito mula sa hilagang-silangan o
silangan pagkatapos na bagtasin ang
Pacific Ocean. Nararanasan ito sa
Pilipinas mula Pebrero hanggang Marso.
5. Galaw at Uri ng Hangin
2. Hanging amihan o northeast monsoon –
umiihip mula sa hilagang-silangan. Ito ay
malamig at tuyo. Nararanasan ito sa
Pilipinas mula Nobyembre hanggang
Pebrero.
5. Galaw at Uri ng Hangin
3. Hanging habagat o southwest monsoon
– umiihip mula timog-kanlurang bahagai
ng Pilipinas at umiihip sa buong Asya.
Nararanasa ito sa bansa mula Mayo
hanggang Oktubre. Ito ay nagdadala ng
malakas na pag-ulan sa bansa.

You might also like