You are on page 1of 8

Panahon

Ang panahon ang panandaliang kondisyon ng atmospera sa isang lugar. Maaari itong
magbago bawat oras o araw. Posibleng maaraw sa umaga ngunit naging maulap sa tanghali at
maulan sa hapon.
Maaraw na panahon
Masasabing maaraw ang pana matindi ang sikat ng araw at wala ulap sa kalangitan. Angkop
ang po paglalaba at pagpapatuyo ng dam mainit ang paligid kaya nagsusuo preskong damit.

Maulap na Panahon
Maulap ang panahon kung makakikita tayo ng maraming ulap sa kalangitan. May kadiliman
din ang paligid subalit walang ulan.

Mahangin na Panahon
Mahangin ang panahon kung mararamdaman ang madalas na pag-ihip ng hangin. May mgaano
ang panahong ito sa paglalaro sa labas atom opm ulap sa kalangitan subalit walang ulan. Angkop
pagpapalipad ng saranggola.

Maulan na Panahon
Maulan ang panahon kung may pag-ulan sa halos buong araw. Karaniwang hindi makikita ang
araw sapagkat natatakpan ito ng mga ulap sa kalangitan.

Mabagyong Panahon
Mabagyo ang panahon kung nararanasan ang malakas na pag-ulan at hangin. Karaniwang
ipinapayo ng mga kinauukulan na manatili ang mga mamamayan sa loob ng bahay sa ganitong
panahon.

Klima
Ang klima ay tumutukoy sa pangkalahatan at pangmatagalang kalagayan ng atmospera. Hindi
kaagad nagbabago ang klima.

 Ang Pilipinas ay may klimang tropikal na may dalawang pangkalahatang panahon-ang tag-
araw at tag-ulan. Nararanasan ang malamig na tag-araw sa ating bansa mula Disyembre
hangang Pebrero. Dahil sa malamig na panahon, nagsusuot tayo ng mga jacket at sweater.
 Mainit na tag-araw naman ang nararanasan mula Marso hanggang Mayo. Akma ang panahong
ito sa pagpunta sa mga baybaying dagat.
 Nararanasan naman ang tag-ulan sa Pilipinas mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Nakararanas ang bansa ng pag-ulan at mga bagyo sa panahong ito. Tinatayang 20 hanggang
30 bagyo ang dumaraan sa Pilipinas taon-taon.
 Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration d
(PAGASA)
 Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o
PAGASA ang ahensiya ng pamahalaan na nagbabantay sa lagay ng panahon sa bansa. Sila
ang nagbibigay sa atin ng babala sa mga paparating na bagyo. Napaghahandaan natin ang
mga sakuna dahil sa mga babala na ibinibigay ng PAGASA.
 Nagbibigay ang PAGASA ng mga babala, o Public Storm Warning, batay sa lakas ng hangin
a ulang dala ng paparating na bagyo. Ito ay upang ang
 makapagsagawa ng kaukulang paghahanda mga mamamayan at pamahalaang lokal. Narito
ang mga babala at ang kahulugan ng mga ito.
Babala ng Bagyo Bilang 1
Inaabisuhan ang mga mamamayan na maghanda sa paparating na bagyo. Pinapayuhan ang mga tao
na makinig o manood sa balita upang maging handa. Suspendido na ang klase sa preschool sa ilalim
ng babalang ito. Maaring magkaroon ng bahagyang pinsala ang mga kabahayan at gusaling gawa sa
magagaang materyales.
Babala ng Bagyo Bilang 2
Pinapayuhan ang mga tao na manatili sa loob ng bahay. Suspendido na ang klase mula preschool
hanggang senior high school. Maaaring magkaroon ng pinsala ang mga kabahayan at gusali.
Pinaaalalahanan din ang mga naninirahang malapit sa dalampasigan sa posibilidad ng storm surge o
daluyong. Ito ang hindi pangkaraniwang an pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat sanhi ng bagyo na
maaaring magdulot ng malalaking alon at pagbaha.
Babala ng Bagyo Bilang 3
Makararanas ang mga lugar na malakas na hangin at ulan. Walang pasok paaralan at mga opisina sa
ilalim ng babalang ito. Maaari itong magdulot ng matinding pinsala sa mga kabahayan, gusali,
pananim, at impraestruktura. Pinapayuhan ang mga naninirahan malapit sa dalampasigan na
lumikas dahil sa daluyong. Gayundin ang mga nasa mababang lugar na maaaring bahain. Maaari na
ring mawala ang suplay ng kuryente at hindi na gumana ang mga telepono
Babala ng Bagyo Bilang 4
Ang mga lugar na apektado ay makararanas ng napakalakas na hangin at ulan. Maaari itong
magdulot ng napakatinding pinsala at pagkasira sa mga kabahayan, gusali, pananim, at mga
impraestruktura. Pinapayuhan ang mga tao na lumikas at manatili sa isang ligtas na lugar sa
madaling panahon. Inaasahan ang pagkakaroon ng daluyong na may taas na mahigit sa tatlong
metro. Maaari ring umabot ng ilang metro ang bahang dulot ng malakas na pag-ulan.
Pag-aangkop sa Panahon at Klima
Nakaaapekto ang panahon at klima sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Isinasaalangalang
natin ito sa pagpili ng kasuotan, pagkain, at gawain.
Kasuotan
Tuwing mainit na tag-araw, karaniwan tayong nagsusuot ng short at sando. Madalas naman tayong
magsuot ng pantalon, jacket, at sweater tuwing malamig na tag-araw. Kapag tag-ulan o kapote.
naman, karaniwan tayong may bitbit na payong.
Pagkain
Kapag mainit ang panahon, karaniwan tayong kumakain ng halo-halo, ice cream, at iba pang
malalamig na inumin at pagkain. Kapag malamig ang panahon, kumakain tayo ng maiinit na pagkain
tulad ng sopas, champorado, at lugaw, o kaya naman ay umiinom tayo ng mainit na kape o tsaa.
Paglalakbay
Naaapektuhan din ng panahon at klima ang mga plano nating paglalakbay. Kadalasang
nagsususpinde ng paglipad ng mga eroplano at paglalayag ng mga barko tuwing may bagyo.
Ginagawa ito upang maiwasan ang mga aksidente at sakuna.
Kabuhayan
Mahalagang malaman ang lagay ng panahon para sa mga naghahanapbuhay. Halimbawa,
isinasaalang-alang ng mga magsasaka ang panahon sa pagpili ng produktong itatanim. Mahalagang
angkop ang mga pananim sa uri ng panahon at klima sa isang lugar. Mahalaga rin ito sa pagtukoy ng
panahon ng pagtatanim at pag-aani.
Ang alituntunin ay mga panuntunang pinatutupad upang mapanatili ang katahimikan af kaayusan
ng isang lugar. May mga alituntunin Tayong sinusunod sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.
Ang mga alituntuning ipinatutupad sa ating pamayanan ay tinatawag na ordinansa. Ang mg
ordinansa ay mga batas na ginagawa ng mga pamahalaan sa mga lalawigan, lungsod, bayan..
barangay. May bisa lamang ang mga ordinansas lugar na nasasakop ng pamahalaang gumawa nit
Maaaring magkakatulad o magkakaiba ang ma ordinansa ng mga pamayanan. Ginagawa ang man ito
batay sa pangangailangan ng pamayanan.
Dapat nating sundin ang mga ordinansa. Ipinatutupad ang mga ito upang mapanatili ang kaayusan
at katahimikan sa pamayanan. May kaukulang parusa ang paglabag sa mga ordinansa.
Mga Ordinansang Pantrapiko
Bawat bayan o lungsod ay may kani-kaniyang ordinansang ipinatutupad para sa maayos na daloy ng
trapiko sa kanilang nasasakupan. Kapag maayos ang daloy ng trapiko, madali tayong makararating
sa ating pupuntahan.
Mga Ordinansang Pangkalinisan o Pangkapaligiran
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga ordinansang pangkalinisan at pangkapaligiran a bawat
pamayanan. Ang dumi at kalat sa paligid ay maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagkakasakit ng
mga mamamayan. Upang makaiwas sa mga problemang ito, nagpapatupad ng mga pamayanan ng
iba't ibang ordinansa
Mga Ordinansang Pangkalusugan
Tungkulin ng pamahalaan na siguruhing malusog ang mga mamamayan. Upang matupad ito,
nagpapatupad ang bawat pamayanan ng mga ordinansang makatutulong sa pagkaroon ng malusog
na pangangatawan ng mga nasasakupan nito. un noqotgum gri Isang halimbawa nito ang
pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Ang usok na nagmumula sa sigarilyo ay
masama sa katawan at nakapipinsala ng ating baga.

You might also like