You are on page 1of 4

ST.

FRANCIS DE ASSISI
MONTESSORI SCHOOL (PLARIDEL, BULACAN) INC.
262 F. Vergel De Dios St., Cor. J. Garcia St., Banga 2nd, Plaridel, Bulacan
(044) 812-7681 / 795-1710 / 09531722506

Class No._________ Score: ____/25

Name of Student: ___________________________ Date: _________________________


Grade and Section: __________________________ Subject Teacher: Ms. Apple Nyka Sy

FIRST MONTHLY EXAMINATION IN TLE/COMPUTER 4


4th Grade – Gold & Silver
S.Y. 2022 - 2023

I. MULTIPLE CHOICE. Piliin ang titik tamang sagot.

_________ 1. Ito ay pagbabago o pagkakaroon ng inobasyon sa pamamagitan ng epektibong


paggamit ng mga mapagkukunan (resources) upang maging kapaki-pakinabang
na negosyo o pagkakakitaan.
A. Negosyo
B. Entrepreneur
C. Entrepreneurship
D. Pagnenegosyo
_________ 2. Ito ay tumutukoy sa isang bago o sa iba pang paraan ng paggawa ng mga bagay
tulad ng pagmemerkado, teknolohiya, ugnayan ng tao, pamamahala, at iba pa.
A. Inobasyon
B. Pagmemerkado
C. Pagnenegosyo
D. Pamamalakad
_________ 3. Siya ang presidente at may ari ng Jollibee Foods corporation
A. Tony Tan Caktiong
B. Henry Sy Sr.
C. Manny Villar
D. Corazon D. Ong
_________ 4. Siya ay isang entrepreneur na mahusay sa larangan ng pagpoproseso ng karne
tulad ng tocino.
A. Corazon D. Ong
B. Lolita O. Hizon
C. David M. Consunji
D. Cecilio K. Pedro
_________ 5. Itinatag niya ang Laimoyan Corporation.
A. Corazon D. Ong
B. Lolita O. Hizon
C. David M. Consunji
D. Cecilio K. Pedro
_________ 6. Siya ang chairman at nagmamay-ari ng San Miguel Corporation na isa sa
pinakamalalaking pagawaan ng mga pagkain, inumin, at iba pang mga produkto.
A. David M. Consunji
B. Henry Sy Sr.
C. John Gokongwei Jr.
D. Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.
_________ 7. Kilala siya sa pagpapatayo ng mga murang pabahay na abot-kaya ng mga
pamilyang Pilipinong mahihirap at nasa middle class.
A. Manny Villar
B. Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.
C. Lolita O. Hizon
D. Mariano Que
_________ 8. Siya ang nagmamay-ari ng Mercury Drugstore.
A. Manny Villar
B. Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.
C. Lolita O. Hizon
D. Mariano Que
_________ 9. Siya ang nagmamay-ari ngZest-O Corporation.
_ A. Davis M. Consunji
B. Alfredo Yao
C. Soccoro C. Ramos
D. Corazon D. Ong
_________ 10. Siya ang president at nag mamay-ari ng Ayala Corporation
_ A. Jaime Augusto Zobel de Ayala II
B. Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.
C. Tony Tan Caktiong
D. John Gokongwei Jr.
_________ 11. Ito ay pinaikling termino ng “malicious software” na idinisenyo upang sirain o
_ huwag paganahin ang mga computer at ang mga sistema nito.
A. Malicious Software
B. Malicious Hardware
C. Software
D. Adware
_________ 12. Ito ay nakapipinsalang program sa computer na may kakayahang magparami ng
_ kopya ng sarili at ipakalat sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang
network nang mag isa.
A. Adware
B. Spyware
C. Worm
D. Virus
_________ 13. Ito ay kilala rin bilang "Trojan." Upang maakit nito ang gumagamit ng computer
_ (user) na i-download o i-install ang malware na ito, nagpapanggap ito na isang
karaniwang file o program.
A. Virus
B. Trojan Horse
C. Bug
D. Rootkit
_________ 14. Ito ay nakaprograma upang awtomatikong gumanap ng mga tiyak na tungkulin.
_ Ang ilan sa mga ito ay ginawa na hindi nakapipinsala.
A. Rootkit
B. Bug
C. Adware
D. Bot
_________ 15. Pinipigilan nito at ginagawang bihag ang sistema ng computer habang humihingi
_ ng pantubos o ransom.
A. Adware
B. Spyware
C. Ransomware
D. Worm
_________ 16. Ito ay may tungkuling magmanman sa mga aktibidad ng gumagamit ng computer
_ (user) nang hindi ito namamalayan.
A. Adware
B. Spyware
C. Ransomware
D. Worm
_________ 17. Ito ay idinisenyo upang magamit o makontrol nito ang computer kahit nasa
_ malayo kung saan hindi ito malalaman ng gumagamit ng computer (user) at
maging ng mga security program.
A. Rootkit
B. Bug
C. Adware
D. Bot
_________ 18. Ito ay pinaikling tawag sa advertising-supported software. Ito ay kusang
_ nagpapadala ng mga patalastas tulad ng mga pop-up ads sa mga website at mga
aplikasyong nag-aalok ng libreng bersiyon na may kasamang adware.
A. Adware
B. Spyware
C. Ransomware
D. Worm
_________ 19. Ito ay isang flaw na kadalasang nakikita sa mga source code o compiler ng isang
_ program. Lumilikha ito ng hindi kanais nais na resulta na kadalasan ay dahil sa
kamalian ng tao.
A. Rootkit
B. Bug
C. Adware
D. Bot
_________ 20. Ito ay isang malware na may kakayahang gayahin ang sarili at kumalat sa iba
_ pang mga computer.
A. Virus
B. Trojan Horse
C. Bug
D. Rootkit

_________ 21. Si Maria ay nakatanggap ng isang mensahe sa taong hindi niya kilala. Siya ay
sumagot sa mensahe at inaaya siya nitong makipagkita sa kanya. Ano ang dapat
gawin ni Maria?
A. Makipagkita sa taong nakausap.
B. Makipagkita at magsama ng isang kaibigan
C. Ipagbigay alam sa kanyang mga magulang ang tungkol sa mensahe
D. Ibigay ang address ng kanilang bahay.
_________ 22. Ikaw ay tinutukso at inaasar ng iyong kaibigan sa Messenger, ano ang iyong
gagawin?
A. Asarin din ito at tuksuhin.
B. Magpost sa Facebook ng kanyang muka at maglagay ng di kaaya-ayamg
mensahe
C. Sugurin siya sa kanilang bahay.
D. Iblock o iunfriend ito upang maiwasan ang makatanggap ng masasakit na
salita sa kanya.
_________ 23. Nais mong mag install o magdownload ng laro sa iyong computer, ngunit
napansin mo ang mga paulit ulit na patalastas na lumalabas dito. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magpatulong sa nakakatanda na mag install o magdownload ng laro upang
hindi ka magkamali
B. Magdownload na lamang.
C. Pindutin ang patalastas na iyong nakita.
D. Suntukin ang monitor dahil naiinis kana sa patalatas na lumalabas.
_________ 24. Nagkaroon ka ng kaibigan sa isang social media application. Nakachat mo ito at
hinihingi niya ang ilan sa mga importanteng impormasyon tungkol sa iyo at sa
iyong pamilya. Ano ang iyong gagawin?
A. Ibigay ito dahil magkaibigan naman kayo.
B. Huwag itong ibigay at sabihin ito sa iyong mga magulang.
C. Makipagtawagan ditto para mapadali ang pagkuha niya sa mga
impormasyon.
D. Magpadala ng mga litrato ng iyong pamilya.
_________ 25. Dapat bang pagkatiwaalan moa gad ang taong iyong nakilala lamang sa isang
social media application?
A. Oo
B. Oo, dahil mabait siya
C. Hindi, dahil hindi ko siya gaanong kilala
D. Tuluyang makikipagkaibigan sa kaniya.

You might also like