You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
PAMPAARALANG SANGAY NG MAKATI
Lungsod ng Makati, Kalakhang Maynila

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EPP - 4- ICT ENTREPRENEUR

LRN:________________________ Iskor:_______________________
Buong Pangalan:______________________Pangkat/Seksyon:______________
Petsa:___________________________________________________________
Guro:____________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag/katanungan.


Ishade ang bilog sa akmang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na


entrepreneur maliban sa ______________.
A. magaling gumawa ng desisyon
B. may tiwala sa sarili
C. mahina ang loob
D. marunong lumutas ng suliranin
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng
tindahan sa pagnenegosyo?
A. wala sa tamang ayos ang mga paninda
B marumi ang loob at labas ng tindahan
B. nagbibigay ng tamang sukli sa mga mamimili
E. hindi sumusunod sa takdang presyong itinakda ng Deparment of Trade and
Industry ( DTI )
3. Naglalaba ang iyong nanay gamit ang inyong washing machine makalipas
ang isang oras ng paglalaba nasira ang washing machine. Saan mo ito
maaring ipagawa?
A. Auto Shop
B Elektrikal Shop
C. Furniture Shop
D. Barber Shop
4. Papasok ka sa paaralan at walang maghahatid sa iyo dahil may
trabaho ang iyong mga magulang. Anong uri ng serbisyo ang maari nilang
kunin upang maihatid ka sa paaralan?
A. Home Carpentry
B. Food Delivery Service
C. School Bus Service
D. Vulcanizing Shop

5. Maraming tao sa buong mundo ang nakikipag-ugnayan gamit ang social


media tulad ng facebook. Sino ang nagtatag at Chief Executive Officer
( CEO ) ng facebook?

A. Mark Zuckerberg

B. Chad Hurley

C. Sergey Brin

D. Larry Page

6. Noong 2006, sa magkanong halaga na nais ibenta ang kumpanyang Google


ng mga may-ari nito na sina Chad Hurley, Steve Chen at Jawed Kim?
A. 7 bilyong dolyar
B. 1.65 bilyong dolyar
C. 9 bilyong dolyar
D. 10 bilyong dolyar
7. Ito ay kilalang website na nilikha ng dalawang graduate students ng Stanford
University na sina Larry Page at Sergey Brinn. Ayon sa kanila ang
pagkakaroon ng maraming link sa ibang importanteng sites sa internet ay
magiging mahalaga kaugnay ng isang taong nagsasaliksik.

A.

B.

C.

D.
8. Ang website na ito ay nagpapahintulot sa mga gumagamit ng internet na
manood ng video clips ng isang pelikula, telebisyon, o industriya ng
musika
o orihinal na videos.

A.

B.

C.

D.
9. Sino ang namamahala sa pinakamalaking kompanya sa konstruksyon sa
bansa na gumagawa ng mga produktong konkreto at mga gawaing
elektrikal ?
A. John Gokongwei Jr.
B. Tony Tan Caktiong
C. Eduardo “Danding” Cojuango
D. David Consunji

10. Isang produktong panlinis ng ngipin na ibinebenta ni Cecilio Pedro at dahil


dito siya ay yumaman at naging matagumpay na negosyante.
A. Colgate Toothpaste
B. Beam Toothpaste
C. Close-Up Toothpaste
D. Hapee Toothpaste
11. Nagsimula siyang magnegosyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng
sapatos at dahil sa kanyang sipag at tiyaga naitayo niya ang SM Supermall na
tinatangkilik ng maraming mamimiling Pilipino.
A. David Consunji
B. Henry Sy
C. Eduardo “Danding” Cojuangco
D. Manny Villar
12. Pinakamalaking korporasyon ng pagkain, inumin at iba pang produkto na
may tanggapan sa China, Indonesia, Malaysia, Thailand, at Vietnam na
pinamumunuan ni Eduardo “Danding” Cojuangco isang mayamang negosyante
sa ating bansa.
A. San Miguel Corporation
B. Puregold
C. SM Supermall
D. DMCI Holdings
13. Ang isang entrepreneur ay kailangang may determinasyon, kaalaman sa
negosyo, at marketing skills upang maging matagumpay na negosyante. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kahalagahan ng isang entrepreneur?
A. Ang mga entrepreneur ay nakakapagbigay ng mga bagong hanapbuhay.
B. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng
produksyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang makalikha ng produkto at
serbisyo para sa ekonomiya ng ating bansa.
C. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya,
industriya, at produkto sa pamilihan.
D. Ang mga entrepreneur ay nagbebenta ng mga produktong walang kalidad at
may kamahalan ang presyo.
14. Ano ang button na dapat i-click upang makagawa ng sariling email
address?
A. I-click ang “Compose Mail” button
B. I-click ang “Send” button
C. I-click ang “Create an Account” button
D. I-click ang edit data button
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin sa paggamit ng internet?
A. Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibigang tuwing online.
B. Ibigay ang mga personal na impormasyon sa mga taong kaunayan mo
online.
C. Pumili ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung kinakailangan.
D. Buksan lamang ang mga lehitimong website.
16. Isang mapanirang programa sa kompyuter na nagkukunwaring isang kapaki-
pakinabang na application. Nakukuha nito ang iyong mahalagang impormasyon
pagkatapos ma-install.
A. Worm
B. Trojan Horse
C. Dialers
D. Spyware
17. Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga files ng mga taong
gumagamit ng internet nang hindi nila alam.
A. Virus
B. Worm
C. Spyware
D. Trojan Horse
18. Ito ay mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at
application software.
A. Hard Copy
B. Folder
C. Soft Copy
D. File Location
19. Ito ay isang pamamaraan ng pagsasaayos at pagsave ng mga computer
files at datos para madali itong mahanap at ma-access.
A. File format
C. Filename
B. Soft copy
C. Computer File System
20. Social networking site na pinasikat ni Mark Zuckerberg noong 2004 na
naging tanyag sa buong mundo.
A. Facebook
C. Youtube
B. Twitter
D. Google
21. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin pagpasok sa computer
laboratory ng inyong paaralan?
A. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa iyo at makinig sa guro
B. buksan ang computer, at maglaro ng online games
C. kumain at uminom habang gumagamit ng computer
D. iwanang nakabukas ang computer matapos gamitin
22. Ano ang dapat mong gawin kapag may humihingi ng personal na
impormasyon sa iyo tulad ng ng mga numero ng telepono o address online?
A. i-post ang hinihinging impormasyon sa facebook dahil kailangan niya ito
B. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito
C. i-send ito sa messenger upang madali niyang matanggap ito
D. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo
lubusang kilala kung kanino ka nakikipag-ugnayan
23. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. gamitin ang instant messaging para makipag-ugnayan sa aking mga
kaibigan
B. i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko
C. manood ng mga video clips at mag-download ng mga games
D. maaari ko lamang gamitinang internet at magpunta sa aprobado o mga
pinapayagang websites kung may pahintulot ng guro
24. Isang libreng web browser na inilabas noong 2008 at patuloy itong
tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon.

A. Internet Explorer

B. Google Chrome
C.
Mozilla Firefox

D. Opera web browser


25. Anong button ang iki-click kung nais mong sagutin ang isang e-mail?
A. Reply
B. Attach
C. Send
D. Browse
26. Ito’y tumutukoy sa sa iba’t-ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa
komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha, at magbahagi ng mga
impormasyon.
A. Information and Communication Technology o ICT
C. Philippine Long Distance Telephone ( PLDT)
B. Survey Tool
D. Global Network
27. Isang dokumentong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang
produkto o serbisyo na iminumungkahi ng isang kompanya.
A. business proposal
B. budget proposal
C. commercial enterprises
D. media files
28. Ito ay pagsasala ng impormasyon upang mapili lamang ang kinakailangang
datos?
A. sorting
B. filtering
C. processing
D. editing
29. Documento o imaheng nakasulat o nakaimprenta sa papel.
A. Hard Copy
C. Folder
B. Soft Copy
D. Software
30. Bahagi ng isang Web Browser na kung saan makikita ang iba’t-ibang
options at commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.
A. Tab Name
B. Customize and Control Google Chrome
C. Browser Window Buttons
D. Navigations Buttons
31. Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling
website.
A. New Tab
B. Scroll bar
C. Display Window
D. Address bar
32. Isang information system na ginagamit ng isang computer user upang
makalipat mula sa isang website patungo sa iba pang website sa tulong ng
hyperlinks.
A. Web Page
B. World Wide Web
C. Home Page
D. Top Links
33. Ito ang proseso ng pagkuha ng isang electronic file gaya ng text, image,
music, o video file mula sa web server.
A. Double-click
B. Click
C. Download
D. Upload
34. Ito ang tawag sa paggamit at pag-angkin sa akda ng iba nang hindi
nagpapaalam sa orihinal na awtor o hindi kinikilala ang tunay na may-akda.
A. Trespassing
B. Deception
C. Theft
D. Plagiarism
35. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na
nakaayos sa pamamagitan ng rows at columns.
A. Dokumento
B. Spreadsheet
C. Tsart
D. Table
36. Binubuo ito ng mga linya na nagpapakita ng mga trend o kilos ng pagtaas
at pagbaba ng mga mumerikal na datos.
A. Pie Chart
B. Column Chart
C. Bar Graph
D. Line Chart
37. Sa pagpapalit ng laki ng Tsart . Alin sa mga sumusunod
ang dapat gawin?
A. mag-right click sa loob ng tsart at i-click ang edit data command.
B. I-click at hilahin ang pointer papasok upang mapalit ang tsart at hilahin
naman palabas kung nais lakihan ang tsart.
C. Buksan ang insert dialog box at piliin ang deafault chart.
D. I-click ang insert chart button.

38. Ano ang magagawa kung I-click ang icon na ito sa insert tab?
A. Colums
B. Rows
C. Table
D. Tsart
39. Sa pag-sort ng mga texkstuwal na impormasyon,alin sa mga sumusunod
ang una mong gagawin?
A. Buksan ang data sheet window
B. Buksan ang word processing applicant
C. Buksan ang inyong browser( Google Chrome, Mozilla Firefox o Internet
Explorer)
D. Buksan ang Bakery.xlsx file gamit ang inyong elektronic spreadsheet tool.
40. Ito ay naglalaman ng iba’t-ibang tools na maaring gamitin sa pagguhit,
pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.
A. Paint tool
B. Quick access toolbar
C. Ribbon
D. Drawing area

You might also like