You are on page 1of 6

ALASKA ELEMETARY SCHOOL

FIRST PERIODICAL TEST


SY 2022-2023
EPP IV
Pangalan: ____________________ Baitang at Seksyon:___________
Panuto: Basahin mabuti at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang negosyo kung saan nagsusundo at naghahatid ng mga bata
sa eskuwelahan.
A. School Bus Services
B. Vulcanizing shop
C. Patahian
D. Watch repair shop
2. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
A. Kumain at uminom.
B. Makikipag-chat sa mga kaibigan na online.
C. Buksan ang computer at maglaro ng online games.
D. Tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin.
3. Isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa, at
nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
A. Entrepreneur C.Nagtitinda
B. Kalakalan D.Namumumuhunan
4. Ang mamimili ay kailangang masiyahan sa produkto o serbisyo,
upang ________ ?
A. lahat ng nabanggit
B. maging sikat ka sa inyong lugar
C. makakuha ng mas maraming mamimili
D. makuha ang kanilang patuloy na pagtangkilik ng iyong negosyo
5. Ang mga paninda ay dapat ayusin upang?
A. mas magandang tingnan
B. hindi masira ang mga paninda
C. maging masaya ang mga mamimili
D. madaling makita at makuha kapag may bumili
6. Ano ang kahulugan ng ICT?
A. Information Center Training
B. Information Convention Technology
C. International Convention Technology
D. Information Communication Technology
7. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang
dapat mong gawin?
A. Panatilihin itong isang lihim.
B. Makipagkaibigan sa nagpadala sayo.
C. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service
Provider.
D. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na padalhan ka pa ng maraming
mensahe.
8. Gusto ni Jose na mapapabilis ang pagpapadala at pagtanggap ng sulat sa ibang
tao. Ano ang kanyang gagamitin?
A.Electronic mail C. Telegram
B. Snail mail D. Twitter
9. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay
hindi naangkop, ano ang dapat mong gawin?
A. Balewalain
B. Huwag pansinin.
C. Ipaalam kaagad sa nakatatanda.
D. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
10. Isang programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong application o
iba pang programa sa computer.
A. Computer Virus C. Mobile Games
B. Internet Connection D. Roblox
11. Nais magpalagay ni Jonjon ng anti-virus sa kanyang computer. Ano ang
kanyang e-install?
A. Avira C. Twitter
B. Tiktok D. Youtube
12. Ito ay isang libreng browser na binubuo ng Google. Inilabas ito noong 2008 at
patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon.
A. Google Chrome C. Mozilla Firefox
B. Microsoft Edge D. Internet Exlorer
13. Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website.
A. Display window C. Search buttons
B. Navigation buttons D. Window buttons
14. Kung ang hard copy ay dokumento o imaheng nakasulat sa papel, ano naman
ang tawag sa elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application
software?
A. Device C. Folder
B. File Format D. Soft Copy
15. Malware na nagtatala ng lahat ng mag pinindot sa keyboard, keystrokes at
ipinadadala ang mga ito sa umaaatake upang magnakaw ng password at personal
data ng biktima.
A. Adware C. Keyloggers
B. Dialers D. Spyware
16. Paano natin malalaman o matutukoy na ang ating computer ay may virus o
malware?
A. Bumilis ang ating computer.
B. Palagi nag u-update ang kanyang software.
C. May mga error na lumalabas sa tuwing bubukas tayo ng mga application.
D. Kung luma na ang ating computer ay tiyak na may virus o malware na ito.
17. Ano ang tawag sa uri ng tsart na kamukha nito ang pizza pie at nagpapakita ng
pagkakahati ng isang buo sa ibat-ibang kategorya.
A. Bar chart C. Line Chart
B. Column chart D. Pie Chart
18. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na
nakaayos sa pamamagitan ng rows at columns.
A. Table C. Dokumento
B. Tsart D. Spreadsheet
19. Habang ng vivideo call kayo ng iyong kaibigan gamit ang computer at biglaang
nagbrown-out at na off ang computer. Ano ang una mong gagawin kung babalik na
kuryente?
A. Umiyak sa harapan ng computer.
B. Hayaan na lang ang computer.
C. Kunin ang cellphone at magtiktok.
D. Buksan ang computer at I-shut ng maayos.
20. Ano ang tamang pamantayan sa paggamit ng computer.
A. Walang sandalan ang upuan.
B. May liwanag na nakatapat sa screen ng monitor.
C. Nakabaluktot ang likod at hindi nakalapat ang paa sa sahig.
D. Tama ang liwanag ng monitor para maging komportable sa paningin.
21. Isang uri ng files kung saan ginagamit ito sa pag-iimbak ng mga digital audio sa
isang computer system.
A. Audio files C. Image Files
B. Document files D. Video Files
22. Ano ang tawag sa sakit ng computer?
A. Corona Virus C. Malware
B. Delta Virus D. SinoVac
23. Bakit mahalaga magpalagay ng anti-virus sa ating computer.
A. Para mapabilis ang ating Internet.
B. Para hindi na mag u-update ang windows ng iyong computer.
C. Dahil naiinggit ka na may anti-virus ang laptop ng iyong kaibigan.
D. Para makaiwas sa anumang application na makapanira sa ating computer.
24. Isang uri ng files kung saan ginagamit ito sa pag-iimbak ng mga digital audio sa
isang computer system.
A. Audio files C. Image Files
B. Document files D. Video Files
25. Ano ang gagawin mo kung tapos na ang ginagawa mong proyekto gamit ang
graphic software application?
A. I save ang file.
B. I send sa iyong kaibigan at ipagyabang.
C. Patayin ang computer dahil hindi mo nagustuhan ang iyong gawa.
D. Utusan ang iyong nakakatandang kapatid na magandahin ang iyong
proyekto upang makakuha ng magandang marka.
26. Ano ang unang hakbang sa pagsagot ng email sa iyo.
A. I-click ang inbox C. I-click ang reply
B. I-click ang browse D. I-click ang send
27. Ano ang ginagamit sa pagbura ng larawan sa MS Paint?
A. Brush C. Eraser Tool
B. Color D. Paint Tool
28. Ito ay ginagamit upang mapaganda ang isang larawan.
A. Drawing Tool C. Painting Tool
B. Graphic Tool D. Photo Editing Tool
29. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na
dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file system.
A. Editing Tool C. Tsart
B. Table D. Word Processor
30. Ito ay proseso ng pagtuklas ng mga bagong paraan o paglikha
upang mapalawak ang isang negosyo.
A.entrepreneur C. pangangasiwa
B.entrepreneurship D. produkto
31. Ito ay isang negosyong nagkukumpuni ng mga relo at alahas.
A. Electrical shop C. Vulcanizing shop
B. Shoe repair Shop D. Watch repair shop
32.Ito ang negosyo kung saan gumagawa ng mga bahay o mga
sirang bahagi ng bahay.
A. School Bus Services C. Vulcanizing shop
B. Home Carpentry Shop D. Watch repair shop
33. Ito ay mga halimbawa upang maiwasan ang pagkakaroon ng malware
MALIBAN sa isa.
A. Paggamit ng anti-virus software.
B. Pag-update ng computer at software.
C. Pagiging maingat sa pagbabahagi ng files.
D. Pagki-klick ng mga kahina-hinalang link o pagdownload ng anumang
bagay.
34. Tukuyin ang dahilan sa pagkakaroon ng virus at malware sa computer.
A.Pag-scan nang regular sa iyong computer.
B.Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.
C.Paglalagay ng anti-virus na mapagkakatiwalaan.
D.Pag-iwas sa pagbukas ng mga email o mensahe na kahina-hinala.
35. Kung tapos kanang gumamit ng computer, ano ang iyong gagawin?
A.I-shutdown ang computer.
B.Tanggalin ang plug sa saksakan.
C.Tawagin ang nakababatang kapatid upang maglaro ng online games.
D. Hayaan nalang ito nakabukas para di na mahihirapan ang susunod na
gagamit.
36. Isang uri ng programa na ginagawa upang makapanira ng mga lehitimong
aplikasyon o iba pang programa sa computer.
A. Application C. Online Games
B. Computer Virus D. Mobile Legends
37. Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer file na naka-save
sa file system.
A.Device C. Filename
B.Directory D. File location
38. Ito ang hardware device o drive kung saan naka-save ang file.
A.Device C. Hard Copy
B.Folder D. Soft Copy
39. Lahat ba ng mababasang impormasyon sa internet ay totoo o tama?
A. Oo C. Siguro
B. Hindi D. Wala akong alam.
40. Ano ang dapat i-click kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan
maaaring magbukas ng bagong website.
A. Address C. Scroll bar
B. New tab D. Tab name

You might also like