You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON

CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑ AS | CLUSTER IX


STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Sta. Cruz I, Dasmariñas City, Cavite 4115/ (046) 4043105/stacruz.es@depeddasma.edu.ph/stacruzelementary86@gmail.com

Unang Markahang Pagsusulit


EPP IV (ICT & ENTREPRENEURSHIP)

______1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugnay sa pangangasiwa ng tindahan?


a. Ayusin ang paninda ayon sa uri na madaling makita at makuha
b. Linisin ang loob at labas ng tindahan
c. Magbigay ng tamang sukli at pagkukuwenta ng binilhan
d. Tiyaking malabo ang sulat ng presyo ng mga paninda
______2. Siya ang tagapagtatag at Chief Executive Officer (CEO) ng Facebook.
a. Chad Hurley c. Mark Zuckerberg
b. Larry Page d. Steve Chen
______3. Siya ang nakaisip ng paglalagay ng juice sa pakete noong 1980.
a. Alfredo Yao c. David Consunji
b.Cecilio Pedro d. Lolita Hizon
______4. Siya ang namahala sa Pampanga’s Best ang nangunguna sa pagbebenta ng tocino at iba pang produktong
gawa sa karne.
a. Alfredo Yao c.David Consunji
b. Cecilio Pedro d. Lolita Hizon
_____5. Siya ang may ari ng mga bangko at SM Supermalls.
a. Alfredo Yao c. Manny Villar
b. Henry Sy d. Socorro Ramos
______6.Ito ay isang negosyong nagkukumpuni ng mga relo at alahas.
a. Electrical shop c. vulcanizing shop
b. Shoe repair shop d. Watch repair shop
______7. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. kumain at uminom
c. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
d. Wala sa nabanggit
______8. Ito ay idinesenyo upang makasira ng computer
a. Internet c. Yahoo mail
b.Malware o malicious software d. You tube
______9. Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa. Mas matindi ito kaysa
worm.
a. adware c. spyware
b. keyloggers d. virus
______10. Software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung dial-up modem ang
gamit na internet connection.
a. Dialers c. Spyware
b. keyloggers d. trojan
______11. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o address,dapat
mong:
a. Huwag ibibigay
b. ibigay ang hinihinging impormasyon
b. ipost ang impormasyon sa anumang pampulikong websites tulad ng Facebook
c. Iwasang ibigay ang personal na impormasyon online
______12. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi naaangkop, ano ang
dapat mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan
c. Ipaalam agad sa nakatatanda
d. Lahat ng nabanggit
______13. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso.
a. computer c. internet
b. ICT d. smartphone
______14. Isang malawak na ugnayan ng mga computer network na maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo.
a. computer c. internet
b. ICT d. smartphone
______15. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer file files at datos para madali itong
mahanap at ma-access.
a. Computer File System c . Filename
b. File format d. Soft copy
______16. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at application software.
a. Device c. Hard copy
b. Folder d. Soft copy
_______17. Ito ay isang natatanging pangalan ng isang computer.
a. device c. hard copy
b. directory d. filename
______18. Isang computer software na ginagamit upang maghanap at makapunta sa iba’t ibang websites.
a. google chrome c. mozilla firefox
b.internet explorer d.web browser
_____19. I- click ito kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaring magbukas ng bagong website.
a. bookmark c. New tab
b. Navigation button d. tab name
______20. Bahagi ng search engine window kung saan dapat i-type ang keywords sa paghahanap.
a. Google Search button c. Search field o search box
b. I’m feeling Lucky d. Top links
______21. Ginagamit ito ng isang user upang makalipat mula sa isang website patungo sa iba pang website sa tulong
ng hypertext links o hyperlinks.
a. hyperlink c. Web page
b. Hypertext d. World Wide Web
______22. Ito ay koleksiyon ng web pages na pinag-uugnay ng mga hypertexts o image links. Ito ay kadalasang may
iisang tema o layunin.
a. Hypertexts c. Website
b. Web pages d. World Wide Web
______23. Tekso o impormasyon na maaaring i-download tulad ng word processing file, electronic spreadsheet file at
portable document format (o pdf) na files.
a. Document files c. Song file
b. Program file d. Video file
______24. Ito ang proseso ng pagkuha ng isang electronic file gaya ng text, image, music, o video file mula sa web
server.
a. Click c. Download
b. Double-click d. Upload
______25. Mahalagang software ito kung nais mag-download ng video na nasa YouTube.
a. Video DownLoader c. Youtube Downloader
b. Youtube Channel d. Your Music Channel
______26. Ito ang tawag sa paggamit at pag – angkin sa akda ng iba nang hnidi nagpapaalam sa orihinal na awtor o
hindi kinikilala ang tunay na may akda.
a. deception c. Theft
b. Plagiarism d. trespassing
______27. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na nakaayos sa pamamagitan ng rows
at columns.
a. Dokumento c. Table
b. Spreadsheet d. Tsart
______28. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, page edit, at pag imbak
ng mga electronic files sa computer files system.
a. Desktop publishing application c. graphic designing application
b. electronic spreadsheet application d. word processing application
100
90
80
70
60
Asia
50 Europe
40 America
30
20

______29. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito 10


0
Jan
sa insert tab?
a. Columns c. Table
b. Rows d. Tsart
______30. Ang unang hakbang sa paggawa ng table sa spreadsheet.
a. Ayusin ang lapad ng bawat column
b. Buksan ang iyong electronic spreadsheet tool
c. I-click ang file tab at piliin ang save as
d. I-type ang mga datos sa bawat cell
______31. Isang software na maaaring gamitin upang makagawa ng mga table at tsart.
Kadalasan itong may workbook na naglalaman ng worksheets.
a. Cell reference c. Powerpoint application
b. Document application d. Spreadsheet application
______32. Ito ang pangalan ng bawat cells sa spreadsheet.
a. Cell reference c. file name
b. column d. Row

______33. Proseso ng pagsasaayos ng listahan ng mga impormasyon. Ang mga tekstuwal na impormasyon ay
maaaring pagsunurin nang paalpabetikal (A-Z o Z-A).
a. Ascending c. Filtering
b. Descending d. Sorting
_____34. Pagsasala ng impormasyon upang mapili lamang ang kinakailangang datos. Itakda ang pamantayan ng
pagsusuri batay sa impormasyong nais makuha.
a. Ascending c. Filtering
b. Descending d. Sorting
_____35. Isa sa pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa ibang tao gamit ang internet.
a. Electronic mail c. Subject
b. Google mail d. Username
______36. Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit ng email.
a. Account c. password
b. domain d. Username
_____37. Ito ang lugar kung saan inilalagay ang paksa ng iyong mensahe sa isang email.
a. compose c. Message
b. Inbox d subject
_____38. Anung button ang dapat I click upang makagawa ng mensahe?
a. attach c. compose
b. reply d. send
_____39. Anong button ang iki-click kung nais mong sagutin ang isang email?
a. Attach c. Reply
b. Compose d. Send
_____40. Ano ang iki-click kung nais mong maglakip ng isang dokumento o iba pang media files sa iyong email?
a. Attach c. Reply
b. Compose d. Send
_____41. Aling button ang iki- click kung nais mong makita at mabasa ang bagong email na ipinadalasa iyo?
a. Inbox c. Reply
b. compose d. send
_____42.Maaari kang gumuhit ng larawan gamit ang computer sa pamamagitan ng ___________.
a. Drawing Tools o Graphic Software c. Photo editing tool
b.Document Tools d. Spreadsheet Tools
____43. Ito ang canvass kung saan maaring gumuhit o mag edit ng larawan.
a. Drawing c. Ribbon
b.paint tool d. toolbar
_____44. Gamitin ito kung nais burahin ang isang bahagi ng ng iyong drawing.
a. Colors c. Pencil
b. Eraser d. Text
_____45. Gamitin ito kung nais mong lagyan ng kulay ang iyong drawing.
a. Colors c. Pencil
b. Eraser d. Text
_____46.Maaaring mapaganda ang isang larawan kung gagamitan ito ng ______________.
a. Document Tools c. Photo editing tool
b. Drawing Tools o Graphic Software d. Spreadsheet Tools
_____47. Magbukas ng bagong larawan sa pamamagitan ng ______________.
a. Drawing Button c. Paint Button
b. Erase Button d. Picture Button
_____48. Maglagay ng larawan sa word processing tool sa pamamagitan ng pag-click sa button na ito sa _________.
a. Edit Menu b. Insert Menu
b. Format Menu c. View
_____49. Ang unang hakbang sa paggawa ng dokumento na may larawan gamit ng word processor.
a. Buksan ang MS Word. Magbukas ng bagong dokumento.
b. Kumuha ng larawan na nakasave sa file.
c. Mag-insert ng larawan sa pamamagitan ng pagclick sa button ng insert menu.
d. Mag-type ng salita o mga kataga sa blangkong dokumento.
_____50. Isang dokumentong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo na iminumungkahi ng
isang kompanya.
a.Business proposal b. Dokument proposal
b. Plan proposal c. Report proposal
DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑ AS | CLUSTER IX
STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Sta. Cruz I, Dasmariñas City, Cavite 4115/ (046) 4043105/stacruz.es@depeddasma.edu.ph/stacruzelementary86@gmail.com

SUSI SA PAGWAWASTO
1. a 26. b
2. c 27. b
3. a 28. a
4. d 29. d
5. b 30. b
6. d 31. d
7. c 32. d
8. b 33. a
9. d 34. a
10. a 35. a
11. a 36. a
12. c 37. d
13. b 38. c
14. c 39. c
15. a 40. a
16. d 41. a
17. a 42. a
18. d 43. b
19. c 44. b
20. c 45. a
21. d 46. c
22. c 47. d
23. a 48. b
24. c 49. c
25. c 50. a

Inihanda ni:

TYRHONE G. CO
Guro II

Binigyang Pansin

ANNA LISSA R. VILLANUEVA


Principal II / OIC

You might also like