You are on page 1of 4

Arnedo Elementary School

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP V


HOME ECONOMICS
S.Y. 2019-2020
Pangalan:____________________________________ Iskor:________________
Seksyon:__________________ Lagda ng magulang:_______

I. Iguhit ang 😊 kung tama ang isinasaad ng kaisipan at ☹ kung mali.

____1. Lumalapad ang balikat ng mga nagdadalaga.


____2. Ang menstrual cycle ay pare-pareho sa lahat ng mga babae.
____3. Nagkakahugis ang baywang at lumalapad ang balakang ng mga babae.
____4. Pagliligo araw-araw para mapanatiling malinis at mabango.
____5. Paggamit ng malinis, angkop at sariling hair brush at bimpo.
____6. Pagpapahaba ng kuko at pag-apply ng nail polish upang maitago ang dumi kung
mayroon.
____7. Dalasan ang paghihilamos para maiwasan ang pagkakaroon ng taghiyawat.
____8. Lumalaki at pumipiyok ang boses ng mga nagbibinata.
____9. Lumilitaw ang gulunggulungan (Adam’s apple) ng mga nagdadalaga.
____10. Nagaganap ang menopausal stage sa gulang na 60 pataas.

II. A. Isulat ang titik ng tamang sagot.


____11. Ito ay isang yugto ng buhay na may nagaganap na pagbabago sa katawan ng
babae at lalaki.
a. Puberty stage c.pagreregla
b. menopausal stage d. pagtutuli
____12. Ito ang buwanang dalaw sa babae.
a. Regla b. menopausal stage c. pagtutuli d. pituitary
____13. Paraan ng pag-alis ng sobrang balat sa titi.
a. Regla b. menopausal stage c. pagtutuli d. pituitary
____14. Ang glandulang ito ay tumutulong sa paglaki ng katawan at pag-unlad ng
kaisipan.
a. Adam’s apple b. puberty stage c. pituitary gland d. regla
____15. Ito ay gawaing nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain, pagbabawas ng dumi sa
katawan, at maayos na daloy ng dugo.
a. pag-eehersisyo b. pagligo c. pagtulog d. pagsayaw
B. Basahin ang bawat pangungusap. Kung ang isinasaad ng pangungusap ay dapat na
gawin, isulat ang D at HD kung hindi dapat gawin.
____16. Tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang kaniyang pansariling kaayusan at
kalinisan.
____17. Patulan ang nanunukso sa pamamagitan ng masamang pananalita.
____18. Subuking umiwas sa mga taong patuloy na nanunukso bagamat napaliwanagan
na.
____19. Kausapin ang mga nanunukso at sabihing ang bawat isa ay may kani-kaniyang
katangian at hindi tama ang manukso.
____20. Kung labis na ang panunukso ay tuksuin mo na lamang din siya.

III. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____21. Ano ang maaaring pang-alis sa damit na may bubble gum?
a. Alkohol b. yelo c. kalamansi d. gaas
____22. Ang katas ng ______ ay nakatutulong maalis ang kalawang sa damit.
a. Alkohol b. yelo c. kalamansi d. gaas
____23. Gumamit ng _______ sa pag-alis ng mantsang dugo sa damit.
a. Alkohol b. yelo c. kalamansi d. gaas
____24. Sa pag-alis naman ng pintura sa damit, maaaring gumamit ng _______.
a. Alkohol b. yelo c. kalamansi d. gaas
____25. Ito ay ginagamit panlinis at pampakintab ng sahig.
a. Bunot b. walis c. brush d. mop
____26. Panlinis sa sahig at sa patag na mga ibabaw na kasangkapan.
a. Bunot b. walis tambo c. walis tingting d. mop
____27. Ito ay kasangkapang ginagamit sa pamukpok o pambunot ng pako.
a. Plais b. gunting c. lagari d. martilyo
____28. Ginagamit sa panghawak, pambaluktot, o kaya’y pamputol ng alambre.
a. Plais b. gunting c. lagari d. martilyo
____29. Panlinis sa hindi pantay at bako-bakong ibabaw gaya ng bakuran.
a. Bunot b. walis tambo c. walis tingting d. mop
____30. Ito ay kasangkapang ginagamit sa pamputol ng kahoy at bakal.
a. Plais b. gunting c. lagari d. martilyo
____31. Bahagi ng makina na patungan ng mga tinatahi.
a. Spool pin b. Bed o kama c. Ulo d. kahon
____32. Dito tinatago ang ulo o katawan ng makina. Karaniwang mayroon dito ay
sinulid, gunting at iba pa.
a. Spool pin b. Bed o kama c. Ulo d. kahon
____33. Ito ang pinapatungan ng mga paa upang patakbuhin ang makina.
a. Spool pin b. Bed o kama c. tapakan o pidal d. kahon
____34. Ito ang unang pagkain sa loob ng isang araw. Ang batang katulad ninyo ay
hindi dapat laktawan ito.
a. Agahan b. Tanghalian c. Hapunan d. Meryenda
____35. Inihahain ito mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon. Bahagi nito ang sabaw,
kanin, ulam na sagana sa protina, gulay at himagas.
a. Agahan b. Tanghalian c. Hapunan d. Meryenda

IV . A. Tama o Mali. Isulat ang T kung ang kaisipang isinasaad ay tama at M naman kung
hindi tama ang isinasaad ng kaisipan.
_____36. Gumawa ng menu para sa loob ng isang lingo.
_____37. Pumili at iplano ang menu na lulutuin na angkop sa buong kasapi ng pamilya.
_____38. Pumunta sa palengke upang mamili kapag maraming mga taong namimili.
_____39. Piliin ang menu na mahirap lutuin at komplikado sa oras ng iba pang gawain.

B. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay tamang gawain ng nagbibinata at nagdadalaga at ekis (X)
kung hindi.
_____40. Nakatutulong na maiwasan ang sakit kapag tama at wasto ang oras ng pagtulog.
_____41. Maligo lamang at maglinis ng katawan kung kailan mo gusto.
_____42. Magpalit araw-araw ng damit panloob at medyas.

V. A. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod.


Piliin sa kahon ang mga sangkap sa pagluluto ng adobong manok.

Patatas Isda Suka


Toyo Talong manok

43. _________________ 45. _________________


44. _________________ 46. _________________
B. Gumawa ng menu para sa isang araw. (47-50)
Agahan Tanghalian Hapunan

Prepared by: Reviewed and Checked by:

LURAINE FLOR G. CABIAO JOSEPHINE C. DELA CRUZ


Teacher I Master Teacher I

Noted: Validated by:

ROSEMARIE R. TABAREJOS RUTH C. CAALAMAN, Ed.D


Principal I Public Schools District Supervisor

You might also like