You are on page 1of 3

REGIS BENEDICTINE ACADEMY

Name:____________________________________ Date:_____________________
Grade/Section:_____________________________ Score:____________________

SECOND PERIODICAL TEST IN FILIPINO 5

General Directions: This written assessment examination will measure Grade School Students’
monthly learning progress (knowledge and skills) through cognitive, psychomotor and effective
domains on the Learning Competencies given by the Department of Education.

I. Pagtatapat-tapat
A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita sa hanay A. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____ 1. pananagutan a. nangyayari
_____ 2. katiwalian b. itinatangi
_____ 3. prinsipyo c. paniniwala
_____ 4. nagaganap d. responsibilidad
_____ 5. paborito e. hindi kanais-nais na gawain

B. Tukuyin sa loob ng kahon ang kasalungat na kahulugan ng mga salita sa ibaba. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

a. ginhawa d. malinis
b. mayaman e. ikinalulungkot
c. nabuhay

_____ 6. maralita
_____ 7. hirap
_____ 8. pumanaw
_____ 9. masukal
_____ 10. ikinagagalak

II.A. Panuto: Isulat sa patlang ang bahagi ng liham na ipinakikita sa mga sumusunod.
Pumili ng sagot sa loob ng panaklong.
(Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan ng Liham, Bating Pangwakas at Lagda)

_________ 11. Ang iyong kaibigan,


_________ 12. 107 D. Silang Street
Batangas City
Disyembre 1, 2021
_________ 13. Melody
_________ 14. Minamahal kong kaibigan,
_________ 15. Inaanyayahan kitang dumalo sa aking kaarawan sa Lunes, ika-27 ng
Disyembre, 2021. Ang aking ina ay maghahanda ng masasarap na pagkain para
sa ating lahat.
Hihintayin ko ang iyong pagdating.

III. Panuto:Tukuyin ang uri ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto. Isulat ang A kung pandiwa ay
nagaganap, B kung magaganap, at C kung ito ay naganap na.
_____ 16. nagpakita
_____ 17. magpuputol
_____ 18. lumalangoy
_____ 19. tumawa
_____ 20. nagsusulat

B. Isulat sa bawat bilang ang salitang kilos na naganap upang mabuo ang pangungusap.
(unlad) 21. _____ ang aming baryo dahil sa pagtutulungan ng bawat isa.
(kain) 22. Ang magkakaibigan ay _____ sa restawran kahapon.
(laro) 23. Ang mga bata ay _____ ng habulan sa ilalim ng puno.
(sayaw) 24. Ang mga _____ na kabataan ay mula sa kabilang barangay.
(tapon) 25. Ang baon niyang tubig ay _____ sa loob ng kanyang bag.

C. Piliin sa pangungusap ang salitang kilos na nagaganap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
26. Namimitas kami ng gulay ng biglang umulan.
27. Sina Lolo at Lola ay namamasyal sa kanilang bukirin.
28. Si Susan ay gumagawa ng kanyang takdang aralin.
29. Nagkakasayahan ang mga mag-aaral sa ilalim ng puno.
30. Natutulog ang tatay ng dumating ang aking kaibigan.

D. Piliin sa loob ng kahon ang salitang kilos na magaganap upang mabuo ang pangungusap.

iinom magtatanim
isasama mamimitas
puputulin

31. _____ ng mga Barangay Tanod ang sangang bumagsak sa may daan.
32. Si Maria ay _____ ng kanyang ina sa probinsya.
33. Kami ay _____ ng mga bulaklak sa harapan ng bahay.
34. Ang magsasaka ay _____ ng palay sa sunod na buwan.
35. Siya ay _____ ng bitamina upang lumakas ang katawan.
IV.A. Panuto: Piliin ang tamang salita upang mabuo ang pangungusap. isulat ang titik ng
tamang sagot.
_____ 36. Maraming _____ sa halamanan ni Aling Sonia.
a. paso c. pasô
b. pasò d. pasó
_____ 37. Ang batang babae ay may _____ sa kanang paa.
a. pasà c. pasá
b. pasâ d. pasa
_____ 38. Ang _____ na ginamit sa pagkukumpuni ng silya ay luma.
a. pakò c. pako
b. pakó d. pakô
_____ 39. Ang _____ sa may kubo ay namamahinga.
a. lalaki c. lalakí
b. lalakì d. lalakî
_____ 40. Pinutol ng hardinero ang mga _____ sa tabi ng bahay.
a. damô c. damò
b. damó d. damo

INIHANDA NI:

________________________
MS. AMOR B. SUMANGA
GURO SA FILIPINO 5

You might also like