You are on page 1of 3

Paaralang Elementarya ng San Gabriel

LAGUMANG PAGSUSULIT
EPP – ICT 4

Pangalan: ______________________________ Iskor: _______________________


A. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag sa pangungusap at MALI naman kung di-
wasto.
__________ 1. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong liliban
klase.
__________2. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naintindihan.
__________ 3. Maaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang
internet.
__________4. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.
__________ 5. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit
ng mga ICT equipment at gadgets.
__________6. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o files sa loob
ng computer.
__________ 7. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan na may virus ito.
__________8. Ang worm ay isang malware na mangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao
nang hindi nila nalalaman.
__________ 9. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang kapaki-
pakinabang na aplikasyon.
__________10.Ang malware ay anumang uri ng software na idinisenyo upang manira ng sistema ng
computer.

B. Piliin ang pinakatamang sagot ayon sa dapat isaalang-alang sa paggamit ng


computer.

11. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:


a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom

12. May nagpadala sa iyo ng hindi naangkop na “online message”, ano ang dapat mong
gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.

13. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras.
b. Maaari akong pumunta sa chatrooms o gamitin ang instant messaging para
makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maarari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga
pinapayagang websites kung may pahintulot ang guro.

14. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o
address, dapat mong:
a. Ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito
b. I-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng facebook,
upang Makita ninuman.
c. Iwasang ibigay ang personal na impormasyon online dahil batid kung kanino ka
nakikipag-ugnayan.
15. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi
naangkop, ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag mong pansinin. Balewalain
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.

16. Tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya, gaya ng radio, telebisyon, telepono,
smartphones, computer, at internet.
a. smartphone b. ICT c. Search engines d. network

17.Ito ang nagsasaayos ng files at datos sa computer sa paraan na madali itong mahanap
at ma-access.
a. Computer File System b. soft copy c. file name d. File Extension

18. Isang kagamitang tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos o impormasyon.


a. telebisyon b. radyo c. electric fan d. computer

19. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan ng ICT maliban sa isa.


a. Pangangalap, pag-iimbak at pagbabahagi ng impormasyon
b. Makakatulong sa mga mamamaya dahil nakalilikha ng maraming trabaho.
c. Mas mabilis na komunikasyon.
d. Nakakapagpapahina ng komersiyo

20. Kusang dumarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o files sa lob ng computer.


a. virus b.flash drive c. soft copy d. internet

III – Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong.


21 – 23 Kilalang web browser.
24 – 25 Uri ng files
Paaralang Elementarya ng San Gabriel
LAGUMANG PAGSUSULIT
EPP – ICT 4

Talaan ng Ispisipikasyon

Layunin Bilang ng Kinalalagyan


aytem ng Bilang

Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng 1-5 5


computer, internet, at e-mail
Natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga di-kanais- 6-10 5
nais na mga software (virus at malware), mga nilalaman,
at mga pag-asal sa internet
Nagagamit ang computer, internet, at email sa ligtas at 11-15 5
responsableng pamamaraan
Naipaliliwanag ang kaalaman sa paggamit ng computer, 16-18 3
internet, bilang mapagkukunan ng iba’t ibang
impormasyon
Nagagamit ang computer file system 19-20, 24 - 4
25
Nagagamit ang web browser at ang basic features ng 21-23 3
isang search engine sa pangangalap ng impormasyon
KABUUAN 25 25

Inihanda ni:

ANNA LIZA L. MOTOL


Teacher III

You might also like