You are on page 1of 2

Second Summative Test

A. Iguhit ang simbolo ng thumbs up kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong


kaisipan at thumbs down naman kung hindi.
___1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan siya
ng matutunan. Ayaw sumang ayon ni Noel dahil mahilg siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni
Tony si Noel sa kanyang nais.
___2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace na itago na
lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay magkasamang ipinagbigay alam ng
magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka.
___3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi pumayag si Pedro at
sinabing sinungaling siya.
___4. Ang mag asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na
halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap
ng mag asawa ang kanilang mga napagdesisyunan.
___5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pag kritiko, sinabi ni
Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayg si Bea, ayon sa kanya ay mas magaling
ang ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.
B. Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa at malungkot na mukha kung hindi.
___6. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar.
___7. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga programang pangmisyon sa
ibang lugar.
___8. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan.
___9. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga batang nabiktima
ng kalamidad.
___10. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap dahil mapapagod lang
ako.
C. Iguhit ang puso sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong sa iba.
___11. Ako ay maglilingkod ng hindi na nag-iisip ng kapalit.
___12. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o attendance ay itsetsek
ng guro.
___13. Magbibigay ako ng damit at sapatos para sa mahihirap.
___14. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.
___15. Sasali ako sa mga programa para sa mahihirap dahil gusto kong bigyan din ako ng mataas na
marka.
D. Isulat sa patlang kung Opo o Hindi po, Wala po o Meron po ang mga sumusunod na
pangungusap.
___16. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?
___17. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap?
___18. Maaari bang bilhin ang karapatan?
___19. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
___20. Ang mga matatanda lamang ba ang may karapatan?
E. Isulat ang TAMA o MALI.TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat sitwasyon at MALI
naman kung hindi wasto ang ipinapakita sa bawat sitwasyon
___21. Ang paggamit ngpo at opo sa pagsasalita ay nagpapakita ng paggalang sa matatanda.
___22. Ang pakikinig ay nag[papakita ng paggalang sa karapatan ng taong nagsasalita.
___23. Pagtawanan nalang ang mga taong hindi marunong sumayaw.
___24. Pag-iingay habang may taong natutulog.
___25. Ang paggalang sa mga karapatan ay dapat ugaliin.
F. Lagyan ng / kung tama at x kung mali.
___26. Karapatan ng bawat bata ang magtrabaho para sa pamilya.
___27. Lahat ng tao ay may karapatan at dapat igalang.
___28. Mas maraming karapatan ang tinatamasa ng mga mayayaman.
___29. Ang mga matatanda lamang ang may karapatang magpasya sa isang tao.
___30. Inaalisan ng mga karapatan ang mga mahihirap.
G. Isulat ang titik ng tamang sagot
31.Bumili ka isang araw sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita ka ng isang lalaking
kumukuha nang paninda. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lang ang lalaki na magnakaw
c.Tutulungan ko ang lalaki na magnakaw
b. Sasabihin ko sa tinder ang ginawa ng lalaki
d. Gagayahin ko rin ang lalaki na nagnanakaw
32. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumayanig
ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatakbo kami sa may bintana
c. Magtatago kami sa may ilalim ng mesa
b. Pupunta kami sa ilalim ng mga puno
d. Ipagpapatuloy ang pamamasyal
33. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at nangangailangan ng tulong upang
ipambili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?
a. Wala kang gagawin
c. Kukutyain sila
b. Pagtatawanan mo sila
d. Tutulungan sa pamamagitan ng paglapit sa munisipyo ng
inyong lugar

34. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Ano ang gagagawin mo?
a. Tutulungan mo siyang tumawid
c. Pagtatawanan at pagagalitan ang matanda
b.Itutulak mo siya papuntang kalsada
d. Pababayaan lang siya sa pagtawid
35. Nakita mo ang isang taong grasa na tinuukso ng mga batang damuho. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan sila sa pagtukso
c. Hahayaan lang sila
b Sasawayin at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginagawa
d. Papanoorin lang ang mga
bata

Talaan ng Ispesipikasyon sa ESP V


Pangalawang Sumatibong Pagsusulit
(Ikalawang Markahan)
S.Y. 2016-2017

LAYUNIN
1. Nakakabuo at nakapagpapahayag nang may
paggalang sa anumang ideya/ opinion
2. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba.
KABUUAN

BILANG
NG AYTEM
20

BAHAGDAN
16.67%

KINALALAGYA
N NG AYTEM
1-15,31-35

15
35

33.33%
100%

16-30
1-35

You might also like