You are on page 1of 3

NAME: ______________________________________________ DATE:

___________________________
GRADE & SECTION: ____________________________________ TEACHER:
________________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawata katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
______1. Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang
katulad mo ay nag-aaral naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang
paaralan, iisa lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong lahat ay nabigyan ng pagkakataong
makapag-aral. Anong karapatan ang tinutukoy dito?
A. Karapatang maglaro at maglibang B. Karapatang sa maayos na kasuotan at tirahan
C. Karapatan sa sapat na Edukasyon D. Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan
______2. Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga
magulang. Nagsilbi silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa
niya ngayon sa piling ng bagong mga magulang?
A. Karapatan sa Edukasyon B. Karapatang maipagtanngol ng pamahalaan
C. Karapatang mabigyan ng pangalan D. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
______3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang maabot ang
pinakamahusay na kakayahan?
A. Palaging sinusuportahan ni Aling Mila ang kaniyang anak sa tuwing lumalahok ito sa patimpalak ng
pag-awit at pagsayaw sa kanilang lugar at karatig lugar.
B. Ayaw ni Aling Vicky na sumasali sa pag-eensayo ang kaniyang anak lalo na sa paglalaro ng
basketbol dahil ayaw niyang napapagod ito.
C. Paghadlang ni Aling Alona sa mga nais matutuhan ng kaniyang anak tulad ng pagpipinta at
pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika dahil nanghihinayang siya sa perang gagamitin sa
pagbili ng mga gamit para rito.
D. Wala sa mga nabanggit.
______4. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo?
A. Malimit na pangangantiyaw sa batang pilay at tuwang-tuwa ka pang ipagsigawan na tawagin
siyang “Pilay”.
B. Pagtawag sa tunay na pangalan ng iyong kamag-aral kaysa sa alyas nito o anumang nais mong
itawag sa kaniya.
C. Si Jiro na tinatawag mong “Duling” kaysa tawagin siya sa tunay niyang pangalan.
D. Pinagtatawanan mo ang batang may kakaibang pangalan.
______5. Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa
pamahalaang lokal sa inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong
karapatan ang tinamasa mo?
A. Karapatang makapaglibang B. Karapatang mabigyan ng pangalan
C. Karapatang igalang at mahalin D. Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan
______6. Ibinibigay ng mga magulang mo ang lahat ng iyong pangunahing pangangailangan at inaalagaan
ka rin nila palagi maysakit ka man o wala. Anong karapatan ang mayroon ka rito?
A. Karapatang makapaglibang
B. Karapatang mapaunlad ang kakayahan
C. Karapatang isilang at mabigyan ng pangalan
D. Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
______7. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang
katulad mo maliban sa isa, alin ito?
A. Pakikialam sa iyong mga karapatan at paghadlang para matamo ang mga ito.
B. Pangangalaga sa iyong mga pangangailangan.
C. Pagpapahintulot na maabot mo ang pinakamahusay na kakayahan.
______8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatamasa ng karapatang
manirahan sa tahimik at payapang lugar?
A. Mga batang namamalimos sa daan at halos sa tabing kalsada na rin natutulog gamit ang karton na
higaan.
B. Isang batang palaboy na nakikituloy lamang sa mga kakilala kung saan abutin ng gabi.
C. Isang batang nakatira sa isang payak na tahanang nasa gitna ng kabukiran kasama ang kaniyang
pamilya.
D. Wala sa mga nabanggit.

______9. Nakararanas ng pagmamaltrato si Eunice sa kaniyang tiyuhin. Lagi siyang sinasaktan nito kapag hindi
kaagad nakakasunod sa ipinag-uutos nito. Hindi niya na matiis kaya nagtungo siya sa DSWD upang
matulungan siya ng mga ito. Anong karapatan ang natamo niya sa kaniyang pagpunta sa DSWD?
A. Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso
B. Karapatang mabigyan ng sapat na Edukasyon
C. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
D. Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan at tahanan
______10. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa iyong mga karapatan bilang bata maliban sa isa. Alin ito?
A. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
B. Karapatang kumuha at makialam sa pagmamay-ari ng iba
C. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw/opinyon
D. Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso
______11. Ano ang masasabi mo sa sitwasyong ito.”Buong pamilya nina Mang Cedring ay nagtanim ng mga
puno bilang pakikilahok sa proyekto ng kanilang barangay”.
A. Ang kanilang pamilya ay masayahin
B. Ang kanilang pamilya ay magulo
C. Ang kanilang pamilya ay may pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
D. Ang kanilang pamilya ay may trabaho
______12. Ano ang nararapat mong gawin kung ang kaibigan mo ay nakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa
barangay?
A. tutulong sa kanila para madaling matapos B. manonood na lang ako ng TV
C. titigan sila sa kanilang ginagawa D. nakakatamad ang kanilang ginawa
______13. Pagtulong sa gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito ay isang ___
A. malaswang Gawain B. magandang Gawain
C. magulong Gawain D. mahirap na Gawain
______14. Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang
maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro, paligsahan, pagdiriwang atbp.
A. tama po B. mali po C. hindi po ako cigurado D. hindi ko po alam
______15. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay. Ano
ang ipinahihiwatig sa sitwasyon na ito.
A. Pakikipagkaibigan B.Pagmamahal C. Pagpapasalamat D. Pakikipag-away

II. Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang tsek (✓) kung ito ay nagpapakita
ng wastong pakikilahok sa paligsahan at ekis (x) naman kung hindi.

_____16. Naghanda ang aming mga troop leader ng mga palaro sa iskawting. Nararapat lang na ako ay
sumali at makiisa.
_____17. Kinaibigan ko ang mga batang nakatunggali ko sa larong balibol.
_____18. Nilapitan ko ang kaklase kong natalo sa chess at sinabihan ko na tanggapin ang pagkatalo.
_____19. Pinagtawanan ko ang batang umiyak sa isang laro.
_____20. Sumusunod ako sa anumang alituntunin ng isang patimpalak.
_____21. Kinamayan ko at binati ang kalaban ko na nagwagi sa Quiz Bee.
_____22. Sinigawan ko ang ibang kalahok sa paligsahan nang ako ay natalo.
_____23. Ipinapakita ko ang paggalang sa kapuwa manlalaro sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang ideya
o katwiran.
_____24. Tinatanggap ko nang buong puso ang pagkatalo sa anomang paligsahan.
_____25. Nandaraya ako sa laro dahil mga kaibigan ko naman ang aking mga kalaban.

You might also like