You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


(Ikalawang Markahan)

Pangalan: ________________________________ Score: _____

I. Basahin at unawain ang bawata katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang katulad mo ay nag-aaral
naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang paaralan, iisa lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong
lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Anong karapatan ang tinutukoy dito?
A. Karapatang maglaro at maglibang
B. Karapatan sa sapat na Edukasyon
C. Karapatang sa maayos na kasuotan at tirahan
D. Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan
______2. Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga magulang. Nagsilbi
silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa niya ngayon sa piling ng bagong mga magulang?
A. Karapatan sa Edukasyon
B. Karapatang mabigyan ng pangalan
C. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
D. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
______3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang maabot ang pinakamahusay na kakayahan?
A. Palaging sinusuportahan ni Aling Mila ang kaniyang anak sa tuwing lumalahok ito sa patimpalak ng pag-awit at
pagsayaw sa kanilang lugar at karatig lugar.
B. Ayaw ni Aling Vicky na sumasali sa pag-eensayo ang kaniyang anak lalo na sa paglalaro ng basketbol dahil ayaw
niyang napapagod ito.
C. Paghadlang ni Aling Alona sa mga nais matutuhan ng kaniyang anak tulad ng pagpipinta at pagtugtog ng mga
instrumentong pangmusika dahil nanghihinayang siya sa perang gagamitin sa pagbili ng mga gamit para rito.
D. Wala sa mga nabanggit.
______4. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo?
A. Malimit na pangangantiyaw sa batang pilay at tuwang-tuwa ka pang ipagsigawan na tawagin siyang “Pilay”.
B. Pagtawag sa tunay na pangalan ng iyong kamag-aral kaysa sa alyas nito o anumang nais mong itawag sa kaniya.
C. Si Jiro na tinatawag mong “Duling” kaysa tawagin siya sa tunay niyang pangalan.
D. Pinagtatawanan mo ang batang may kakaibang pangalan.
______5. Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa pamahalaang lokal sa
inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan ang tinamasa mo?
A. Karapatang makapaglibang
B. Karapatang igalang at mahalin
C. Karapatang mabigyan ng pangalan
D. Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan
______6. Ibinibigay ng mga magulang mo ang lahat ng iyong pangunahing pangangailangan at inaalagaan ka rin nila palagi
maysakit ka man o wala. Anong karapatan ang mayroon ka rito?
A. Karapatang makapaglibang
B. Karapatang mapaunlad ang kakayahan
C. Karapatang isilang at mabigyan ng pangalan
D. Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
______7. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo maliban sa
isa, alin ito?
A. Pakikialam sa iyong mga karapatan at paghadlang para matamo ang mga ito.
B. Pangangalaga sa iyong mga pangangailangan.
C. Pagpapahintulot na maabot mo ang pinakamahusay na kakayahan.
______8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatamasa ng karapatang manirahan sa tahimik at
payapang lugar?
A. Mga batang namamalimos sa daan at halos sa tabing kalsada na rin natutulog gamit ang karton na higaan.
B. Isang batang palaboy na nakikituloy lamang sa mga kakilala kung saan abutin ng gabi.
C. Isang batang nakatira sa isang payak na tahanang nasa gitna ng kabukiran kasama ang kaniyang pamilya.
D. Wala sa mga nabanggit.
______9. Nakararanas ng pagmamaltrato si Eunice sa kaniyang tiyuhin. Lagi siyang sinasaktan nito kapag hindi kaagad
nakakasunod sa ipinag-uutos nito. Hindi niya na matiis kaya nagtungo siya sa DSWD upang matulungan siya ng mga ito. Anong
karapatan ang natamo niya sa kaniyang pagpunta sa DSWD?
A. Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso
B. Karapatang mabigyan ng sapat na Edukasyon
C. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
D. Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan at tahanan
10.Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa iyong mga karapatan bilang bata maliban sa isa. Alin ito?
A. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
B. Karapatang kumuha at makialam sa pagmamay-ari ng iba
C. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw/opinyon
D. Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso

II. Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang tsek ( ✓ ) kung ito ay nagpapakita ng wastong
pakikilahok sa paligsahan at ekis ( x ) naman kung hindi.

_____11. Naghanda ang aming mga troop leaders ng mga palaro sa iskawting. Nararapat lang na ako ay sumali at makiisa.

_____12. Kinaibigan ko ang mga batang nakatunggali ko sa larong balibol.

_____13. Nilapitan ko ang kaklase kong natalo sa chess at sinabihan ko na tanggapin ang pagkatalo.

_____14. Pinagtawanan ko ang batang umiyak sa isang laro.

_____15. Sumusunod ako sa anumang alituntunin ng isang patimpalak.

_____16. Kinamayan ko at binati ang kalaban ko na nagwagi sa Quiz Bee.

_____17. Sinigawan ko ang ibang kalahok sa paligsahan nang ako ay natalo.

_____18. Ipinapakita ko ang paggalang sa kapuwa manlalaro sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang ideya o katwiran.

_____19. Tinatanggap ko nang buong puso ang pagkatalo sa anomang paligsahan.

_____20. Nandaraya ako sa laro dahil mga kaibigan ko naman ang aking mga kalaban.

_________________________________ __________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Petsa

You might also like