You are on page 1of 4

Pangalawang Sumatibong Pagsusulit

sa ESP V
(IKALAWANG MARKAHAN)

I.Iguhit ang simbolo ng bituin kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan at bilog naman kung hindi.

___1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan siya ng matutunan.
Ayaw sumang – ayon ni Noel dahil mahilg siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais.
___2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace na itago na lamang ang pitaka
ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay magkasamang ipinagbigay alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found
ang napulot na pitaka.
___3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi pumayag si Pedro at sinabing sinungaling
siya.
___4. Ang mag – asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na halalan at dito
napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng mag – asawa ang kanilang mga
napagdesisyunan.
___5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pag – kritiko, sinabi ni Jane na mas
magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayg si Bea, ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil dito
ay nagtalo ang magkapatid.
A. Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at
malungkot na mukha kung hindi.
___6. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar.
___7. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga programang pangmisyon sa ibang lugar.
___8. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan.
___9. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga batang nabiktima ng kalamidad.
___10. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap dahil mapapagod lang ako.
B. Iguhit ang puso sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong sa iba.
___11. Ako ay maglilingkod ng hindi na nag-iisip ng kapalit.
___12. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o attendance ay itsetsek ng guro.
___13. Magbibigay ako ng damit at sapatos para sa mahihirap.
___14. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.
___15. Sasali ako sa mga programa para sa mahihirap dahil gusto kong bigyan din ako ng mataas na marka.
C. Isulat sa patlang kung Opo o Hindi po, Wala po o Meron po ang mga sumusunod na pangungusap.
___16. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?
___17. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap?
___18. Maaari bang bilhin ang karapatan?
___19. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
___20. Ang mga matatanda lamang ba ang may karapatan?
D. Isulat ang TAMA o MALI.TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat sitwasyon at MALI naman kung hindi
wasto ang ipinapakita sa bawat sitwasyon
___21. Ang paggamit ng”po at opo” sa pagsasalita ay nagpapakita ng paggalang sa matatanda.
___22. Ang pakikinig ay nag[papakita ng paggalang sa karapatan ng taong nagsasalita.
___23. Pagtawanan nalang ang mga taong hindi marunong sumayaw.
___24. Pag-iingay habang may taong natutulog.
___25. Ang paggalang sa mga karapatan ay dapat ugaliin.
E. Lagyan ng / kung tama at x kung mali.
___26. Karapatan ng bawat bata ang magtrabaho para sa pamilya.
___27. Lahat ng tao ay may karapatan at dapat igalang.
___28. Mas maraming karapatan ang tinatamasa ng mga mayayaman.
___29. Ang mga matatanda lamang ang may karapatang magpasya sa isang tao.
___30. Inaalisan ng mga karapatan ang mga mahihirap.
G. Isulat ang titik ng tamang sagot
31.Bumili ka isang araw sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita ka ng isang lalaking kumukuha nang
paninda. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lang ang lalaki na magnakaw c.Tutulungan ko ang lalaki na magnakaw
b. Sasabihin ko sa tinder ang ginawa ng lalaki d. Gagayahin ko rin ang lalaki na nagnanakaw
32. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano
ang iyong gagawin?
a. Tatakbo kami sa may bintana c. Magtatago kami sa may ilalim ng mesa
b. Pupunta kami sa ilalim ng mga puno d. Ipagpapatuloy ang pamamasyal
33. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at nangangailangan ng tulong upang ipambili ng gamot.
Ano ang iyong gagawin?
a. Wala kang gagawin c. Kukutyain sila
b. Pagtatawanan mo sila d. Tutulungan sa pamamagitan ng paglapit sa munisipyo ng inyong lugar
34. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Ano ang gagagawin mo?
a. Tutulungan mo siyang tumawid c. Pagtatawanan at pagagalitan ang matanda
b.Itutulak mo siya papuntang kalsada d. Pababayaan lang siya sa pagtawid
35. Nakita mo ang isang taong grasa na tinuukso ng mga batang damuho. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan sila sa pagtukso c. Hahayaan lang sila
b Sasawayin at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginagawad. Papanoorin lang ang mga bata
II. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay napapahayag ng kawilihan at positibong kaisipan
sa pag-aaral at MALI naman kung hindi.

__________36. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala.


__________37. Hindi ko ginagawa at sinasagutan ang mga mahihirap na aralin sa aking modyul.
__________38. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang-araw.
__________39. Kumokopya na lamang ako sa internet para ipasa bilan aking proyekto.
__________40. Humuhingi ako ng dagdag na paliwanag sa aking guro kapag hindi ko maintindihan ang aralin.
__________41. Malakas akong magpatugtog ng musika habang gumagawa ng takdang-aralin.
__________42. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa kanyang pag-aaral.
__________43. Humahanap ako ng iba pang pagkukunan ng impormasyon sa tuwing ako ay nalilito sa aking aralin.
__________44. Hinahayaan ko na lang na mababa ang makuhang kong marka kaysa paghirapan ko ang aking pag-aaral.
__________45. Nagbabasa aat nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit.

I. Basahin at unawain ang bawata katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
______1. Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang katulad mo ay nag-aaral
naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang paaralan, iisa lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong
lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Anong karapatan ang tinutukoy dito?
A. Karapatang maglaro at maglibang
B. Karapatan sa sapat na Edukasyon
C. Karapatang sa maayos na kasuotan at tirahan
D. Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan
______2. Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga magulang. Nagsilbi silang
pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa niya ngayon sa piling ng bagong mga magulang?
A. Karapatan sa Edukasyon
B. Karapatang mabigyan ng pangalan
C. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
D. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
______3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang maabot ang pinakamahusay na kakayahan?
A. Palaging sinusuportahan ni Aling Mila ang kaniyang anak sa tuwing lumalahok ito sa patimpalak ng pag-awit at pagsayaw
sa kanilang lugar at karatig lugar.
B. Ayaw ni Aling Vicky na sumasali sa pag-eensayo ang kaniyang anak lalo na sa paglalaro ng basketbol dahil ayaw niyang
napapagod ito.
C. Paghadlang ni Aling Alona sa mga nais matutuhan ng kaniyang anak tulad ng pagpipinta at pagtugtog ng mga
instrumentong pangmusika dahil nanghihinayang siya sa perang gagamitin sa pagbili ng mga gamit para rito.
D. Wala sa mga nabanggit.
______4. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo?
A. Malimit na pangangantiyaw sa batang pilay at tuwang-tuwa ka pang ipagsigawan na tawagin siyang “Pilay”.
B. Pagtawag sa tunay na pangalan ng iyong kamag-aral kaysa sa alyas nito o anumang nais mong itawag sa kaniya.
C. Si Jiro na tinatawag mong “Duling” kaysa tawagin siya sa tunay niyang pangalan.
D. Pinagtatawanan mo ang batang may kakaibang pangalan.
______5. Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa pamahalaang lokal sa
inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan ang tinamasa mo?
A. Karapatang makapaglibang
B. Karapatang igalang at mahalin
C. Karapatang mabigyan ng pangalan
D. Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of City of Sta Rosa
PULONG SANTA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Pulong Sta. Cruz,Sta. Rosa City Laguna

Talaan ng Ispesipikasyon sa ESP V


Pangalawang Sumatibong Pagsusulit
(Ikalawang Markahan)

LAYUNIN BILANG BAHAGDAN KINALALAGYA


NG AYTEM N NG AYTEM
1. Nakakabuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang 20 16.67% 1-15,31-35
ideya/ opinion
2. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba. 15 33.33% 16-30
KABUUAN 35 100% 1-35

Inihanda:

MARIFE S. BALANAY
Guro I

You might also like