You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Competencies No. of Days Percentage No. of Item


Taught Item Placement
10 24 12 1-12
 Nakapagpadarama ng malasakit
sa kapwa na may karamdaman
tulad ng:
- pag-aalaga
- pagdalaw
- pag-aliw sa pamamagitan ng
pagkukwento
- pagdadala ng pagkain o
anumang bagay na
kailangan
(EsP3P- IIa-b – 13)

 Nakapagpapakita ng malasakit sa 12 29 14 13-26


may mga kapansanan sa
pamamagitan ng:
- pagbibigay ng upuan
- pagbibigay-halaga
- pagsali sa mga gawaing
kayang gawin tulad ng laro,
programa sa paaralan,
paligsahan at iba pa
(EsP3P- IIc-e – 14)

 Naisasaalang-alang ang 10 24 12 27-38


katayuan/kalalagyan/ pangkat
etnikong kinabibilangan ng kapwa
bata sa pamamagitan ng:
- pagbabahagi ng pagkain,
laruan, damit, gamit at iba
pa
(EsP3P- IIf-g –15)

 Nakapagpapakita nang may 10 23 12 39-50


kasiyahan ang pakikiisa sa mga
gawaing pambata
halimbawa:
- paglalaro
- programa sa paaralan
(paligsahan, pagdiriwang at
iba pa)
(EsP3P- IIh-i – 16)
TOTAL 42 100 50

Inihanda ni:
JULIE C. DELIMA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan:______________________________________________________________________

Baitang at Pangkat: ______________________________________________________________

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot

_____1. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit mo sa kapwang may karamdaman?


a. Pagkwekwento ng malulungkot
b. Dalawin at pasayahin
c. Ipakita sa kanya na naaawa ka sa kanya
d. Bigyan ng mga pasalubong na kendi at junk foods
_____2. Bakit mahalaga ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga maysakit?

a. Ito ang nagpapatibay ng ugnayan natin sa ating kapuwa


b. Nagpapakita ito ng pagkaawa sa ating kapuwa
c. Ito ay pagpapakitang tao
d. Magsisilbi itong daan upang magkaroon ng utang na loob sa atin ang ating
kapuwa

_____3. “Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. Ano ang
ipinababatid ng kaisipang ito?

a. Mahalin natin ang ating sarili bago ang ating kapuwa


b. Mamahalain tayo ng ating kapuwa kung mahal natin ang ating sarili
c. Ang pagmamahal sa kapuwa ay nagsisimula sa ating sarili
d. Mahalin mo ang iyong sarili dahil walang ibang magmamahala nito kundi ikaw
lamang.

4-7. Basahin at unawain ang kwento upang masagot ang mga sumusunod na tanong.

May plano ang mga kaibigan ni Arby na maglaro pagkatapos ng klase. Nang makauwi,
nagpaalam siya sa kanyang ama ngunit hindi siya pinayagan sapagkat may sakit ang kanyang
ina. Nais talagang sumama ni Arby ngunit mas pinili niyang manatili na lamang sa bahay
upang tumulong sa pag-aasikaso sa kanyang inang may sakit

_____4. Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Arby? Sumasang-ayon ka ba sa kanyang naging


desisyon? Bakit?

a. Tama ang desisyon ni Arby dahil inuna niya ang pangangailangan ng kanyang
inang may sakit
b. Tama ang tatay ni Arby na hindi siya pinayagan upang maalagaan ni Arby ang
kanyang ina
c. Mali ang ginawa ni Arby dahil hindi siya sumipot sa usapan nilang
magkakaibigan
d. Mali ang tatay ni Arby dahil hindi nito pinagbigyan ang kahilingan ng anak

_____5. Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng ama at ina ni Arby sa kanyang naging
desisyon

a. Magagalit
b. Malulungkot
c. Matutuwa
d. Maaawa

_____6. Ano ang magiging bunga ng ginawa ni Arby na pagtulong sa inang maysakit at
pagsunod sa kanyang ama?
a. Mag-aaway ang kaniyang mga magulang
b. Mabilis na gagaling ang kanyang ina
c. Lalong lulubha ang kalagayan ng kanyang ina
d. Mapapagalitan siya ng kanyang ama

_____7. Kung ikaw si Arby, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?


a. Opo
b. Hindi po
c. Siguro po
d. Hindi ko po alam

8-12. Isulat ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng


pagdalaw at pag-aliw sa may karamadaman at B naman kung hindi.

_____8.Pagdadala ng mga bawal na pagkain sa kapitbahay na may karamdaman


_____9. Paghahandog ng isang masayang awit sa lolong may sakit
_____10. Pagkukuwento ng mga malungkot na pangyayari sa ppaaralan sa kaklaseng may
karamdaman
_____11.Paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga may karamdaman
_____12-Pagbibigay ng get well soon card sa kaibigang nasa ospital

13-17. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng nararapat mong gawin upang
maipakita ang pagmamalasakit at paggalang sa mga may kapansanan.

_____13. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa inyong paaralan. Nakita mo na ang


iyong kaklaseng pilay ay nakatayo lang dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Titingnan ko lang siya
b. Pagtatawanan ko siya dahil wala siyang upuan
c. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan
d. Hahayaan ko lang siyang nakatayo hanggang matapos ang paltuntunan
_____14. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong bingot. Hindi nyo
masyadong maintindihan ang kanyang sinasabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa kaklase ko
b. Tatayo din ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba
ko pang kaklse
c. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot
d. Pagtatawanan namin siya
_____15. Isang hearing impaired child ang sumali sa paligsahan sa pagtula. Nasa kalagitnaan
na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung
ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang nararapat mong gawin?
a. Pagtatawanan ko ang hearing impaired child
b. Tatawagin ko sya at pauupuin na
c. Aasarin ko siya pag baba niya ng entablado
d. Tahimik akong mananalangin na sanay maalala niya ang nalimutang linya
_____16. Naputulan ng kanang paa ang kaklase mo kung kaya siya ay mabagal maglakad.
Ano ang gagawin mo sakaling makasabay mo siya sa pag-uwi?
a. Makikipag unahan ako sa kanya
b. Hindi ko siya papansinin sa aking paglalakad
c. Tutulungan ko siyang magdala ng kanyang gamit
d. Pagtatawanan ko siya kaama ng iba ko pang kaklase
_____17. Sa tindahan, nakita mong kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na wag na lang pansinin ang
mgaangunguya sa kanya
b. Sasabihan ko ang mga batang nangungutya na mali ang kaniang ginagawa
c. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan
d. Makikisali ako sa mga batang nangungutya

18-26 Pagpasyahan kung dapat o hindi dapat gawin ang mga sumusunod na Gawain. Isulat
ang C kung Dapat at D kung hindi dapat

_____ 18. Itayo ang batang pilay na nadapa.


_____ 19. Alalayan sa pagtawid ang kaklaseng bulag.
_____ 20Tuksuhin ang batang may kapnsanan.
_____ 21. Huwag isali sa laro ang batang pipi.
_____ 22. Pagtawanan ang kaklaseng ngongo
_____23. Tawaging pilantod ang batang pilay
_____24. Iwasan ang kaklaseng kirat ang mata
_____25. Tuksuhin ang matandang pipi
_____26. Batuhin ang babaeng kuba
27-38. Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagsasaalang alang sa
katayuan o kalagayan ng kapuwa at naman kung hindi.

_____27. Binibigyan ng pagkain ang batang nagugutom


_____28. Pinasasaya ang mga batang lansangan tuwing may okasyon
_____29. Sinasarili ang panonood ng telebisyon sa bahay upang inggitin ang mga kalaro.
_____30. Hinahatian ng baon ang isang kalarong nagugutom
_____31. Sumasali sa mga outreach program ng barangay nan a nagpapadala ng mga
pagkain at damit sa mga batang nasa malalayong lugar
_____32. Kinakaibigan ang batang Aeta
_____33. Hindi isinasali sa laro ang isang batang mahirap

34-38. Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ag titik
ng wastong sagot

Ang Matulunging Bata


Sa loob ng silid aralan, tahimik na gumagawa ang mga bata sa ESP. Napansin ni Lita si
Lawaan, ang bago nilang kaklaseng Aeta na hindi mapakali sa upuan. Wala kasi siyang lapis
at papel na gagamitin. Dali daling kinuha ni Lita an gang iba pa niyang lapis at papel sa bag at
ibinigay kay Lawaan. Laking gulat at pasasalamat ng bata kay Lita. Masaya niyang tinaggap
ang tulong ni Lita at sila ay naging mabuting magkaibigan.

_____34. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita?

a. Si Lita ay mayaman at si Lawaan ay mahirap


b. Kulot ang buhok ni Lawaan tuwid naman ang kay Lita
c. Kabilang sa pangkat etniko si Lawaan
d. Mas bata si Lawaan kaysa kay Lita

_____35. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang upuan?

a. May sakit si Lawaan


b. Nahihiya siya sa mga bago niyang kamag-aral
c. Walang nakikipagkaibigan sa kanya
d. Wala siyang lapis at papel na gagamitin

_____36. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sab ago niyang kaklaseng kabilang sa
pangkat etniko?

a. Ibinigay niya ang iba niyang gamit kay Lawaan gaya ng lapis at papel para may
magamit ito.
b. Ipinakilala ni Lita si Lawaan sa iba pa niyang kamag-aral
c. Inilibre niya ng pagkain si Lawaan noong recess
d. Ipinagtanggol niya si Lawaan sa mga nanunukso sa kanya.
_____37. Tama ba ang ginawa ni Lita?

a. OO
b. Hindi
c. Siguro
d. Hindi ko alam

_____38. Anong ugali ang ipinakita ni Lita?

a. Pagsasa-alang alang sa katayuan o kalagayan sa buhay ng kapwa


b. Pagpapakitang tao
c. Pagiging maramot
d. Pagbibigay nang may hinihintay na kapalit

39-50. Gumuhit ng masayang mukha sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng


pakikiisa sa kapuwa bata at malungkot na mukha naman kung hindi.

_____39. Palakaibigan sa bagong lipat na kapitbahay


_____40. Pagkukulong sa loob ng bahay dahil sa mga kalarong batang madungis
_____41. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito
_____42. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa barangay
_____43. Pagtulong sa mga kaklase sa paggawa ng takdang aralin
_____44. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa pamayanan
_____45. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa kaibigan
_____46. Pagbabahagi ng mga natutuhang aralin o leksyon sa lumiban na kamag aral
_____47. Pakikipag away sa mga kalaro kapag siya ay natalo
_____48. Kusang loob na nakikiisa sa pagtatanim ng mga halaman sa paaralan o barangay
_____49. Nagagalit sa miyembro ng pangkat na walang lapis at papel dahil sila ay mahirap
lamang
_____50. Dumadalo sa pag-eensayo ng grupo bilang paghahanda sa paliga ng barangay

Inihanda ni:
JULIE C. DELIMA

You might also like