You are on page 1of 3

Sangay ng Taguig at Pateros

Distrito ng Taguig/Cluster 3
NAPINDAN INTEGRATED SCHOOL
Lagumang Pagsusulit sa ESP
Ikalawang Markahan (2.1)

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: __________


I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. May sakit ang iyong ina at inutusan kang bumili ng gamot. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko siya papansinin c. susunod ako agad sa utos niya.
b. Hihintayin ko ang tatay ko para bumili ng gamot d. tatawag ako ng kapitbahay

2. Sinabi ng iyong ina dadalaw kayo sa kamag-anak na may sakit. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama ako sa pagdalaw c. Magkukunwari akong maysakit din
b. Tatakas ako ng bahay para hindi makasama d. Makikipaglaro ako sa kapitbahay

3. Nakita mong nahihirapan sa paglalakad ang lola mong maysakit. Ano ang gagawin mo?
a. Itutulak ko siya c. sisigaw ako na “hoy tanda umupo ka nga”
b. Aalalayan ko siya d. tatawagin ko si nanay upang alalayan siya

4. Bumili ang nanay mo ng prutas upang ibigay sa kaibigan na maysakit na nasa ospital. Gusto mong
kumain ng prutas. Ano ang gagawin mo?
a. Itatago ang mga prutas c. ipapamigay ko sa mga kalaro ko
b. Magpapaalam ako na babawasan ko ang prutas d. Sasabihan ko si nanay na huwag na bigyan
ang kapitbahay
5. Sumasakit ang tiyan ng kaklase mo. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihan kong huwag siyang mag-inarte c. Hindi ko siya papansinin
b. Pagtatawanan ko siya d. Tutulungan ko siyang pumunta sa klinika

6. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong
kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan.
b. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo hanggang sa matapos
ang palatuntunan.
7. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong
naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
b. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.
c. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
8. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang
nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa
kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung
ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin?
a. Tatawanan ko si Jano.
b. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.
c. Tatawagin ko na siya para umupo na
9. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay
naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin?
a. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.
b. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.
c. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit.
10. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang
may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na pansinin ang mga batang nangungutya.
b. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan.
c. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan.
II. Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan
at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
__________11. Akayin sa paglakad ang kamag-aral na bulag.
__________12. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot.
__________13. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan
__________14. Bigyan ng upuan ang batang pilay.
__________15. Tuksuhin ang kalaro o mga batang duling.

III. Isulat ang tama o mali.


______16. Pagtawanan ang taong naglalakad gamit ang kanilang tuhod dahil sa kawalan ng mga paa
______17. Gayahin sa pagsasalita ang batang bulol.
______18. Kaibiganin ang batang may kapansanan.
______19. Kutyain ang mga taong kulang sa pisikal na kaanyuan.
______20. Bigyan ng pantay-pantay na pagtrato ang taong may kapansanan.

IV. Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?


21. Pinagtatawanan ng iyong mga kaibigan ang bagong lipat ninyong kapitbahay dahil may saklay ito.

22. Si Mang Nilo na hardinero ng inyong pamilya ay ngongo kung magsalita. Hindi mo maintindihan ang
kanyang sinasabi.
___________________________________________________________________________________
23. Kinalabit ka ng isang matanda.Tinanong mo kung ano ang kailangna niya pero hindi ito nagsalita. Sa
halip itinuro niya ang hawak mong sandwich.
___________________________________________________________________________________
24. May kasabay kang matandang pilay na sasakay sa dyip.
___________________________________________________________________________________
25. Naglalaro ka ng basketbol. Lumapit sa iyo ang isang bata upang makipaglaro. Napansin mo
na kulang pala ang kanyang mga daliri sa kamay.
___________________________________________________________________________________

Lagda ng Guro:_______________ Lagda ng Magulang: _________________


Distrito ng Taguig/Cluster 3
NAPINDAN INTEGRATED SCHOOL
Lagumang Pagsusulit sa ESP
Ikalawang Markahan (2.1)

TABLE OF SPECIFICATION

LAYUNIN BILANG NG AYTEM KINALALAGYANG AYTEM


Natutukoy ang wastong gawain 5 1-5
na nakapagpapadama ng
malasakit sa kapwa na may
karamdaman
Natutukoy ang wastong gawain 10 6-15
na nakapagpapadama ng
malasakit sa taong may
kapansanan.
Natutukoy ang wastong gawain 10 16-25
na nakapagpapadama ng
malasakit sa taong may
kapansanan.

You might also like