You are on page 1of 2

Pangdibisyong Ikalawang Markahang Pagsusulit

ESP 3
TAONG PANURUAN 2023-2024 2023 - 2024

Pangalan:________________________________________________Seksyon:______________
Guro:___________________________________Paaralan:_____________________Iskor:_____

I.PANUTO: Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagmamalasakit sa kapwa bata at Mali
naman kung hindi nagsasaad ng pagmamalasakit.

_____1. Naminsala ang isang malakas na bagyo. Ang mga kapitbahay ni Anton ay nasalanta ang mga
tirahan. Upang makatulong sa kanyang mga kapitbahay ay ipinamigay niya ang kanyang mga damit na
hindi na niya kailangan.

_____2. Nawalan ng trabaho ang tatay ng kalaro mo dahil sa pandemya. Napasyal siya sa inyong bahay
isang gabi. Alam mo na posibleng hindi pa siya kumain ng hapunan pero hindi mo siya inalok na kumain.

_____3. Oras ng reses, hindi lumabas ang iyong kamag-aral dahil wala siyang pambili ng pagkain.
Marami kang baon na tinapay kaya binigyan mo siya.

_____4. May gawain kayo sa aralin ng Sining. Ngunit walang dalang gamit ang iyong katabi. Nais niyang
gumawa kaya’t tinago mo ang iyong “art materials” para hindi siya makahiram.

_____5. Umiiyak ang bata dahil inagaw ng kalaro ang lollipop niya. Kinausap mo ito na huwag nang
umiyak at bibigyan mo na lamang siya ng kendi.

II PANUTO: Bilugan at basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

6. Nais sumayaw ng iyong kamag-aral sa palatuntunan sa inyong paaralan. Ngunit sira ang suot niyang
sapatos. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko siyang magsayaw na sira ang kaniyang sapatos.
b. Ihuhubad ko ang aking sapatos at ipahihiram sa kaniya.
c. Sasabihin kong huwag na siyang sumali.
d. Itatago ko ang bago kong sapatos.

7. Ibinili ka ng manika ng iyong nanay. Nakita mo ang iyong kalaro na nakatingin at nais
hawakan ito. Ano ang iyong gagawin?
a. Itatago ko sa aparador.
b. Iinggitin ko siya sa aking bagong manika.
c. Ipapahiram ko ang aking manika.
d. Pauuwiin ko siya sa kanila.

8. Naputol ang lapis ng kaklase mo kaya hindi siya makasulat. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko siya papansinin.
b. Pagtatawanan ko siya dahil wala pa siyang naisulat.
c. Isusumbong ko siya sa guro.
d. Pahihiramin ko siya ng lapis.

9. Nakita mong pinagtatawanan ang batang ayta dahil sa kanyang pisikal na anyo. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawanan ko rin siya.
b. Sasawayin ko sila at sasabihing mali ang kanilang ginagawa.
c. Pababayaan ko sila baka awayin din nila ako.
d. Panonoorin ko lang sila.

10. May nakasabay kang batang Ilokano na bumibili sa tindahan. Hindi niya mabigkas sa tagalog ang
kaniyang binibili. Ano ang iyong gagawin?
a. Mauuna na akong bumili.
b. Paalisin ko siya sa tindahan.
c. Tutulungan at ipatuturo ko ang kaniyang binibili.
d. Lilipat ako sa ibang tindahan.

11. Magsisimula na ang klase nang biglang umiyak ang iyong kamag-aral na Ilonggo dahil ayaw
siyang katabi ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Yayayain ko siya sa aking tabi.
b. Hindi ko siya papansinin.
c. Tatakpan ko ang aking tainga upang hindi ko marinig ang iyak niya.
d. Isusumbong ko sa guro na ayaw naming siyang katabi.

12. Magulo ang buhok ng batang ayta dahil ginulo ito ng isa sa inyong mga kalaro. Ano ang gagawin
mo?
a. Aayusin ko ang buhok niya.
b. Aawayin ko ang nanggulo sa buhok niya.
c. Hahayaan kong magulo ang buhok niya.
d. Hindi ko na siya isasali sa aming laro.

III PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Lagyan ng (/) kung ito ay nagpapakita ng
pagmamalasakit at pag aalaga sa may sakit, Ekis (X) naman kung hindi.

_____13. Ang isang taong may karamdaman ay kailangan


bigyan ng pansin at panahon upang maalagaan ng mabuti.

_____ 14. Painumin ng gamot sa tamang oras ang isang taong may sakit.

_____ 15. Hayaang pumunta sa doctor ng mag-isa ang isang


taong may karamdaman.

_____ 16. Huwag alalayan ang isang taong may karamdaman sa


pagpasok sa banyo o palikuran.

_____17. Lagi kong inaalalayan sa paglalakad ang aking Lola.

_____18. Dinadalaw ko ang aking kaibigan na may


malubhang karamdaman.

_____19. Pagbabantay sa aking kaibigan na may sakit.

PANUTO: : Basahin ang mga sitwasyon . Isulat ang simpleng paraan kung paano mo matutulungan ang
mga may kapansanan .

20. Papunta ka sa kantina, may batang pilay kang nakasabay sa pagpila upang bumili ng pagkain.
Paano mo siya matutulungan?
___________________________________________________________________

You might also like