You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE
DISTRICT OF SILANG
LUCSUHIN ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
Taong Panuruan 2022-2023

Pangalan: __________________________________Petsa: ___________________


Baitang /Pangkat: ___________________________Iskor: ___________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Madalas kang mag videoke dahil hilig mong kumanta. Sinigawan ka ng iyong
kapitbahay. Ang pangit raw ng boses mo. Ano ang gagawin mo?
a. Pupuntahan ko ang aking kapitbahay at hahamunin ko siya.
b. Pagpapasensyahan ko na lang ang aming kapitbahay
c. Ireklamo ko sa barangay ang pakikialam ng aming kapitbahay
d. Lalo kong ilalakas ang aking inaawit

_____ 2. Lagi kang pinapagalitan ng iyong nanay dahil lagi kang nagkakamali sa mga
ipinapagawa niya. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko nalang susundin ang nanay ko kasi lagi naman akong pinapagalitan.
b. Magagalit ako sa kanya at magkukulong nalang sa kwarto.
c. Sisikapin kong mas mapaayos ang aking gawa para hindi na ako magkamali.
d. Hindi ko nalang papansinin ang nanay ko kahit nagagalit na siya.

_____ 3. Madalas kang pinupuna ng iyong kaklase sa mali mong sagot sa Matematika.
Magaling siya kaya lagi ka niyang sinasabihan na hindi tama ang iyong sagot. Ano ang
gagawin mo?
a. Magpapatulong ako sa kanya para matuto ako sa Matematika.
b. Kakausapin ko nalang siya.
c. Sisiraan ko siya sa mga kaklase ko at sasabihin ko na masama ugali niya.
d. Tatanggapin ko ang kanyang puna na maluwag sa aking kalooban.

_____ 4. Nabasag mo ang paboritong salamin ng iyong tatay. Ano ang gagawin mo?

a. Sasabihin ko ang totoo sa aking tatay na nasira ko ang salamin.


b. Kakausapin ko nalang ang
aking tatay pero hindi ko aaminin ang nagawa ko.
c. Itatago ko ang nabasag na salamin para hindi niya malaman na ito ay nabasag.
d. Hihingi na lamang ako ng tawad sa aking tatay.

_____ 5. Si Richard ay madalas napupuna at napapagalitan ng kaniyang mga magulang dahil


sa pnagpupuyat sa paglalaro ng mobiles games. Bilang isang mabuting bata, ano ang mainam
niyang gawin? Dapat ba siyang magalit sa kanyang mga magulang?
a. Hindi po, bagkus ay sundin ang mga magulang para sa ikabubuti niya.
b. Opo, magagalit siya kasi naaabala ang laro niya.
c. Hindi nalang papansinin ang nanay at patuloy pa rin ang paglalaro.
d. Hindi po, ngunit sa kapitbahay nalang maglalaro para hindi makita ng nanay.
_____ 6. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki, kung kaya’t sumasali ka sa mga
paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man madalas mong naririnig na may
pumipintas sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Iirapan sila at tawanan na lamang.
b. Lalo pang pagbubutihin.
c. Pagsasalitaan na wala silang pakialam.
d. Hindi na sasali sa anumang paligsahan.

_____ 7. Ang iyong nakatatandang kapatid ay masakit ang ulo, biglang dumating ang iyong
mga kaibigan at sinabi na sa bahay niyo kayo magpapraktis ng sayaw para sa nalalapit na
programa sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
a. Itutuloy ang pagpapraktis sa bahay.
b. Magpapraktis ng sayaw ng mahina ang tugtog.
c. Magpapraktis ng walang tugtog.
d. Sasabihan ang mga kaibigan na sa ibang araw na lamang magpraktis.

_____ 8. Pinakiusapan ka ng nanay mo na ang bunso mong kapatid na lang ang bibigyan ng
baon dahil walang kinita ang tatay mo nang araw na iyon. Ano ang dapat mong gawin?

a. magtatampo sa nanay c. uunawain si nanay


b. maawa sa kapatid d. iintindihin ang bunsong kapatid
_____ 9. Sa kagustuhan mo na makasama sa palatuntunan ng paaralan kahit luma ang iyong
damit ay nakilahok ka pa rin. Pinagtawanan ng iyong kaklase ang iyong suot. Ano ang
gagawin mo?
a. Magsusumbong nalang ako sa kanilang mga magulang para mapagalitan sila.
b. Magdadabog pagdating sa bahay upang malaman ni nanay na ikaw ay napahiya.
c. Huwag pansinin ang kaklase at pagbubutihan nalang ang performance.
d. Mag saya nalang at abangan ang kaklase sa labas ng paaralan upang awayin.

Para sa bilang 10-15. Piliin ang dahilan ng pagbibigay sa mga sumusunod na uri ng
sitwasyon.

_____ 10. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol.
Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng
bilang at pangalan ng mga bibigyan.
a. Napipilitan lamang magbigay
b. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
c. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
d. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.

_____ 11. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit at higaan para
sa mga biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila
ng susunod na pagdalaw sa mga ito.
a. Nagbigay ng bukal sa kalooban
b. Napipilitan lamang magbigay
c. Nagbigay dahil may katungkulan sa kanilang lungsod.
d. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang Samahan

_____ 12. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa
covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang naligtas na gamit ang
mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na
isinusuot at ang mga de latang malapit nang masira.
a. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
b. Napipilitan lamang magbigay
c. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
d. Nagbigay dahil may katungkulan sa kanilang lungsod.
_____ 13. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng
bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong
bigas at mga damit.
a. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
b. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
c. Napipilitan lamang magbigay
d. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.

_____ 14. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang
pangkawanggawa sa mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala
sa inyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.

a. Nagbigay ng bukal sa kalooban


b. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
c. Nagbigay dahil may katungkulan sa kanilang lungsod.
d. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay

_____ 15. Si Roselyn ay Kapitana sa kanilang Barangay kaya siya ay kilala ng mga tao. Sa di
inaasahang pangyayari ay may nasunugang mga bahay sa kanilang lungsod. Agad-agad siyang
nagpadala ng mga pagkain at damit para sa mga nasalanta ng sunog.
a. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
b. Napipilitan lamang magbigay
c. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
d. Nagbigay dahil may katungkulan sa kanilang Barangay

_____ 16. Sinabihan ka ng ate mo na dapat kang gumamit ng salitang “po” at “opo”
habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda. Anong katangian ang nais makita ng ate mo
para sa iyo?

a. pagiging magalang
b. pagiging matulungin
c. pagiging masiyahin
d. pagiging maramdamin

_____ 17. Nagpapaliwanag ang guro mo tungkol sa bagong aralin. Ano ang dapat mong
gawin?

a. Hindi pansinin ang guro.


b. Kausapin ang katabi.
c. Lumabas sa silid-aralan.
d. Tumahimik at makinig na mabuti sa guro.

_____ 18. Habang nagsesermon ang pari ay panay ang kuwentuhan ng iyong mga pinsan na
katabi mo. Ano ang gagawin mo?
a. Sigawan sila at palabasin sa simbahan.
b. Makipagkuwentuhan din sa kanila.
c. Pagsabihan sila na tumahimik muna at makinig sa sermon ng pari.
d. Hindi nalang papansinin kahit ikaw ay nagagalit na.

_____ 19. Habang ikaw ay nanonood ng telebisyon ay nagpapahinga ang iyong ina sa
kanyang silid dahil katatapos lamang niyang maglaba. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon
ang iyong gagawin na nagpapakita ng paggalang sa iyong ina?
a. Maglilinis ako ng aming buong bahay.
b. Hindi nalang ako manonood at mag lalaro nalang ako.
c. Lalakasan ko ang tunog ng telebebisyon habang ako ay nanonood.
d. Hihinaan ko ang tunog ng telebisyon habang ako ay nanonood
_____ 20. Alam mong nagre-review ang ate mo para sa kanilang final exam, habang maingay
na naglalaro ang iyong dalawang kapatid sa sala. Ano ang gagawin mo?
a. Patutulugin ko nalang sila.
b. Makikipaglaro nalang din ako sa kanila.
c. Hindi ko nalang sila paglalaruin.
d. Sasabihan sila na sa labas nalang maglaro.

_____ 21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa kapaligiran?
a. Mauusok na sasakyan
b. Mabahong kanal
c. Pangongolekta ng basura
d. Pagkakalat ng basura

_____ 22. Nakita mo ang iyong lolo na bumababa mula sa tricycle, ano ang una mong
gagawin?

a. bibigyan ng tubig
b. magmamano
c. hihingi ng pera
d. aabutan ng tsinelas

_____ 23. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng “paggalang sa kanilang mga
kagamitan”.

a. Naipapakita mo ang paggalang kung naiingatan mo ang mga bagay na iyong ginamit at
hiniram.
b. Hindi na kailangan magpaalam kung hiramin ang gamit ng kapatid
c. Maipapakita sa pamamagitan ng pakikialam sa gamit ng may gamit.
d. May pagkakataon na hindi na kailangan magpaalam sa may-ari.

_____ 24. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang MALIBAN sa _____________.


a. Sa aking pakikipag-usap sa kanila, iniiwasan ko ang madaliang panghuhusga at
pagbibitiw ng masasakit na salita.
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
c. Pagsasabi o pagbibigay ng simpleng pasasalamat na bukal sa kalooban.
d. Pagbibitiw ng masasamang salita sa aking kausap.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Quarter 2

SOLO
Item Numbers A B C D

3. 2 1 0 3

4. 3 1 0 2

7. 0 2 1 3

8. 0 1 3 2

10. 2 0 3 1

11. 1 0 2 3

19. 1 2 0 3

20. 1 0 2 3

NON-SOLO

1.B
2.C
5. A
6. B
9. C
12. C
13. B
14. A
15. D
16. A
17. D
18. C
21. C
22. B
23. A
24. D

You might also like