You are on page 1of 13

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

IKALAWANG MARKAHAN

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Pamantayan sa Pagkatuto Bilang Bahagdan Bilang ng Kinalalagya


ng Araw Aytem n ng Aytem
1. Nakapagsisimula ng pamumuno para
makapagbigay ng kayang tulong para 8 16 8 1-8
sa nangangailangan. EsP5P-IIa-22

2. Nakapagbibigay alam sa kinauukulan 5 10 5 9-13


tungkol sa kaguluhan at iba pa
(pagmamalasakit sa kapwa na
sinasaktan/kinukutya/binubully)
EsP5P-IIb-23

3. Nakapagpapakita ng paggalang sa 8 16 8 14-21


mga dayuhan . EsP5P-IIc-24

4.Nakakabuo at nakapagpapahayag nang


may paggalang sa anumang 5 10 5 22-26
ideya/opinion EsP5P-IId-e-25

5.Nakapagpapaubaya ng pansariling 5 10 5 27-31


kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa. EsP5P-IIf-26

6. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan 7 14 7 32-38


ng iba. EsP5P-IIg-27

7. Nakikilahok sa maga patimpalak o 6 12 6 39-44


paligsahan na ang layunin ay
pakikipagkaibigan EsP5P-IIh-28

8. Nagagampanan nang buong husay ang


anumang tungkulin sa programa o 6 12 6 45-50
proyekto gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan. EsP5P-IIi-29

KABUUAN 50 100% 50

Prepared by

EMILY N. CENA
Master Teacher I
NOTED:

LORNA N. VALLEJO
Principal II
IKALAWANG MARKAHAN
ESP-V

Pangalan :_____________________________ Petsa: ______________________


Baitang/Seksyon: _______________________Guro : _______________________

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang sa bawat puwang.
____1Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang bahay ng iyong kaibigan. Halos wala silang
natirang gamit.Paano mo siya matutulungan?
A. Pupuntahan mo siya pagkalipas ng ilang araw.
B. Bibisitahin agad at magdadala ka kung ano man ang iyong makayanan.
C. Aantayin mo muna na pumunta ang iba pa niyang kaibigan..
D. Magsasaya kayo kasama ng iypng mga kaibigan.

____2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?


I. Magbigay ng anumang tulong na makayanan.
II. Bigyan ng mabigat na gawain ang taong maysakit.
III. Damayan sila sa panahon ng kagipitan.
IV. Tumulong kapag may nakakakitang ibang tao.
A. I at III
B. I lamang
C. I , II, III, at IV
D. II at III
____3.. Alam mong walang naisalba ang pamilya Mercado sa nagdaang sunog.Matalik na
kaibigan ng iyong mga magulang ang pamilyang ito. May mga damit kang luma
na hindi mo na ginagamit.Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbibili mo ito para may pambili ka ng bago mong sapatos.
B. Ililipat mo ng ibang cabinet ang iyong mga lumang damit.
C. Ilalagay ang mga lumang damit sa basurahan.
D. Ibibigay mo sa kanila ang iyong mga lumang damit.

_____4.Ang Kapitan ng Barangay sa inyong lugar ay nagbibigay ng paalaala na may


parating na bagyo..Isa ka sa mga naatasan na magbigay ng paalaala sa inyong
lugar. .Paano mo ito ipaparating sa kinauukulan?
A. .Sasabihin mo ito agad sa kanila para makapaghanda.
B. Hihintayin mo munang makalipas ang ilang oras bago mo ito sabihin sa kanila.
C. Maglalaro ka muna sa “computer shop” bago mo sabihin sa kanila.
D. Pipiliin mo lamang ang iyong mga kakilala na bibigyan mo ng paalaala.

_____5. May mga luma kang damit na hindi mo na ginagamit. Isa sa iyong mga kaklase ay
naapektuhan ng bagyong Maring. Naanod ng baha ang mga gamit nila. Paano mo
siya matutulungan?

A. Ibibigay mo sa kanya kapag nagsabi siya sa iyo.


B. Ilalagay ang mga damit sa kanilang basurahan..
C. Ibibigay mo sa kaklase ang mga damit.
D. Ibibigay mo at manghihingi ka ng bayad sa kanya.
_____6. Narinig mo ang iyong kapitbahay na nag-aaway dahil sa pag-inom ng alak. Batid
mong hindi maganda ang susunod na pangyayari kapag nagpatuloy pa ito,
Bilang isang mag-aaral , kanino mo ipapaalam ang ganitong pangyayari?
A. Sa bunso mong kapatid
B. Sa kapitan ng inyong barangay
C. Sa puils
D. Sa alkalde ng inyong lugar.

_____7.May napansin kang kakaibang kilos ng isang lalaki sa loob ng “grocery store”.
Nilalagay niya sa loob ng kanyang bag ang mga de lata at iba pang pagkain. Ano
ang iyong gagawin?
A. Sasabihin mo agad ito sa guwardya .
B. Tutulungan ,mo pa siyang maglagay ng iba pang mga de lata.
C. Ipamamalita mo ito sa inyong lugar.
D. Lalapitan mo ang lalaki at sasabihan mo na hati kayo sa kanyang nakuha.

_____8. Nahuli mo si Berto na kinukuha niya ang mga bote ng softdrinks na nasa tindahan
ni Aling Lita, Binebenta niya ito sa “Junk Shop” nina Jaime. Kanino mo ito dapat
sabihin?
A. Kay Aling Lita
B. Kay Jaime
C. Sa kapitbahay ni Aling Lita
D. Sa kaibigan ni Aling Lita

_____9. Binubully ni Alex ang inyong kaklaseng si Ara dahil ito ay mataba.Tinatawag niya
itong “piggy piggy,oink.” Paano mo ito ipagbibigay alam sa iyong guro?
A. Sasabihin mo agad ito sa guro.
B. Maghihintay ka ng ilang araw bago mo sabihin ito.
C. Ikukuwento muna sa iyong katabi bago sabihin sa guro.
D. Papalipasin mo muna ang isang lingo bago mo ito sabihin.

_____10. Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan. Ano ang nararapat
mong gawin?

A. . Tumawag ng pulis.
B. Kampihan ang kaibigan
C. Sabihin sa guro ang iyong nakita.
D. Puntahan ang nanay ng kaibigan. mo

_____11. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay ninyo. Kapatid siya ng isa
mong kamag-aral..Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa iyong
kapwa?

A, Panoorin ang batang umiiyak.


B. Ihatid ang bata sa bahay ng iyong kaibigan.
C. Bigyan ng maraming kendi ang bata para tumahan.
D. Palipasin ang ilang oras at titigil din siya sa pag-iyak.

_____12. May nakasalubong kang matandang babae na maraming pasa sa mukha at hindi
makalakad nang maayos.Wala kang kasama.Ano ang gagawin mo para
makatulong?
A..Humingi ng pera kung kani-kanino at ibiigay ang pera sa matandang babae.
B Sasabayan mo lang siya sa paglakad
C. Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad.
D. Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong
_____13. PInagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong
kapitbahay.Dahil nahuli nila itong namitas ng bulaklak.. Sino sa mga sumusunod
ang dapat mong puntahan para malaman ang ginawa ng iyong kapatid.?
A.. mga magulang
B. mga guro
C. mga kaiskwela
D. mga kaibigan

_____14 May nakita kang isang grupo ng katutubo na sumasayaw sa parke.Alin sa mga
sumusunod ang dapat mong gawin upang maipakita ang iyong paggalang ?

I. Pagtawanan sila dahil sa kanilang kakaibang kasuotan


II. Papanoorin mo sila
III .Yakagin ang iba pang kaibigan para manood ng kanilang sayaw.
IV. Sumigaw nang malakas habang sila ay nagsasayaw.

A. I II at III
B. III at IV
C. II at III
D. I, II, III at IV

_____15. May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng direksyon


Ano ang dapat mong gawin upang maipakita mo ang pagggalang sa kanya?
A. Sasagutin mo siya nang malakas
B. Magpapahabol ka sa kanya bago mo ibigay ang iyong sagot.
C. Sasagutin mo siya nang maayos at mahinahon.
D. Manghihingi ka muna ng pasalubong bago mo sagutin ang kanyang tanong.

_____16. Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong
galing sa ibang bansa..Paano mo ito ibibigay sa kanila?
A. Ilagay na lang sa mesa at iwanan
B . Ibigay sa kanila bago sila umuwi.
C.. Iabot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin.
D. Magkukuwento ka muna bago mo ibigay sa kanila ang meryenda.

_____17. May bago kang kaklase. Iba ang nakagisnan niyang kultura. Bilang isang mag-
aaaral , paano mo maipapakita ang paggalang sa kanya?

I. Kakausapin mo siya.
II. Pansiinin ang lahat ng makikita sa kanya
III. Pagtatawanan mo ang kanyang ginagawa.
IV. Pakitunguhan o tratuhin siya ng maayos

A. I , II at III
B. I at IV
C. II , III at IV
D. II at IV
_____18. May dayuhan na nagtanong sa iyo. Ang paaralan nyo ay nais niyang bisitahin
kasi mamimigay siya ng mga “school supplies’sa mga bata. Paano mo siya
matutulungan?
A. Sasamahan mo siya sa paaralan at ipaalam sa punongguro.
B. Kukunin mo na ang mga “school supplies’ para ikaw na lamang ang magbigay
sa inyong paaralan.
C. Pag-aantayin mo muna siya ng matagal bago mo sagutin ang kanyang tanong.
D. Hihingi muna ng pabuya bago samahan siya sa paaralan

_____19. Ang tatay mo ay Kapitan ng inyong barangay. Naranasan ng inyong lugar ang
matinding hagupit ng bagyo kaya maraming kabahayan ang napinsala.Ang mga
tulong at donasyon ay sa bahay nyo pumapatak. Biglang may dumating na mga
dayuhan na naninirahan din sa inyong barangay. Sila ay humihingi ng tulong sa
kanilang sinapit. Ano ang gagawin mo kahit alam mong hindi mo sila kilala?
A. Sasaraduhan mo ang pinto kasi hindi mo sila kilala.
B. Sasabihin mo na ubos na ang mga donasyon.
C. Pag-aantayin mo sila hanggang sa dumating ang iyong tatay.
D. Bibigyan mo sila ng tulong kahit hindi mo sila kilala.

_____20. Lagi na lang tinutukso ng iba mong kaklase ang hitsura ni Roldan dahil siya ay
anak ng Negro. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang maipakita ang
paggalang sa kanya?
I. Makisama sa mga kaklase mo sa panunukso.
II. Respetuhin si Roldan sa kabila ng kanyang hitsura.
III. Ikuwento pa sa iba ang hitsura ni Roldan.
IV. Kaibiganin si Roldan.

A.I at II
B. II at IV
C. IV lamang
D.II, III at IV

_____21.May dayuhan na nagtatanong ng dire ksyon sa mga kabataang nakatambay sa

harapan ng tindahan ni Aling Nena. Pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang
tamang direksyon. Kung ikaw ang isa sa mga kabataang iyon , ano ang iyong
gagawin?
A. Makikigaya ka din sa kanilang ginagawa.
B. Tatawag ka pa ng iba pang kabataan para pagtawanan ang mga dayuhan.
C. Ituturo mo sa dayuhan ang tamang direksyon.
D. Hihingi ka muna ng pera sa kanya bago mo siya sagutin sa kanyang tanong.

_____22. Nakakita ang magkaibigang Allysa at Julia ng pitaka sa may kantina.Binalak ni


Julia na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Allysa. Dahil dito ay
magkasamang pinagbigay alam ng magkaibigan sa opisina ng “Lost and Found”
ang napulot na pitaka. Ano ang ipinakitang ugali dito ni Julia?
A. Pagiging masinop sa loob at labas ng paaralan.
B. Pagiging masipag sa lahat ng oras
C. Pagiging magalang sa ideya /opinyon ng iba.
D. Pagiging mapagbigay kahit kanino
_____23. Sa pagtatapos ng” Flag Ceremony” ay nag-anunsiyo ang inyong punongguro na
tatanggalin na sa kantina ang lahat ng mga pagkaing hindi masustansya gaya ng
junkfood,tetra pack na juice,hotdog at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito
ay ilan lamang sa paborito mong kinakain tuwing recess.Bilang isang mag-aaral,
paano mo maipapahayag nang may paggalang ang ideya o opinyon ng inyong
punongguro?
A. Sa pagsunod sa punungguro dahil ito ay makakabuti sa bawat mag-aaral.
B. Magdadala ng sarili mong baon na “ junkfood “ kasi paborito mo ito.
C. Pupunta ka sa kantina pero hindi ka bibili kasi wala dun ang gusto mo.
D. Hihikayatin ang ibang mag-aaral na magdala ng mga pagkaing hindi
masustansya.

_____24. Ikaw ang naging lider sa inyong “Activity” sa Science. May mga mungkahi ang
iyong mga miyembro. Ano ang gagawin mo sa kanilang mga mungkahi?

A. Papakinggan mo sila pero ikaw pa din ang masusunod dahil lider ka .


B. Mamimili ka sa kanila ng mungkahi ng kagaya ng sa iyo
C. Sasabihan mo na huwag na silang magmungkahi kasi hindi naman sila lider.
D. Igagalang mo ang opinyon ng iyong miyembro.

_____25. May paligsahan sa inyong paaralan.Gustong sumali ni Victoria kaya lang may
napili na ang iyong guro sa inyong kaklase. Kung ikaw si Victoria, ano ang
gagawin mo?

A. Igagalang ang desisyon ng guro.


B. Magagalit sa guro.
C. Ipagpipilitan sa guro na ikaw ang isali.
D. Liliban ka sa klase.

_____26. Ang mag-asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto
sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga
napipisil na kandidato. Alin sa mga sumusunod ang dapat nilang gawin?

I. Pareho sila ng iboboto dahil sila ay mag-asawa.


II.Malugod nilang tanggapin ang kanilang mga napagdesisyunan.
III.Ipipilit ni Lito kay Lita ang gusto niyang kandidato.
IV.Igalang ang opinyon ng bawat isa.

A. II at III
B. II at IV
C. I, II at III
D. II, III at IV

_____27. Oras ng rises, nakita mo ang iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain.
Ikaw ay pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong ina. Paano mo maipakikita ang
kabutihan sa iyong kapwa?
A. Ibibigay ang isang tinapay sa kamag-aral.
B. Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka.
C. Sasabihin sa guro na walang baon ang isa mong kamag-aral.
D. Aantayin mo na humingi sa iyo ang iyong kamag-aral.
_____28. Umiiyak ang bunso mong kapatid dahil gusto niyang gamitin ang iyong bisikleta.
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Hahayaang mong umiyak ang iyong kapatid.
B. Aalis na lang ng bahay upang di-madinig ang iyak ng kapatid.
C. Ipapagamit mo ang iyong bisikleta.
D. Ibibili mo siya ng bagong bisikleta.

_____29.May programa sa paaralan. Nakita mo ang isang matanda na nakatayo sa tabi.


May mga upuan ngunit ito ay mga reserba para sa mga bisita.Paano mo
matutulungan ang matanda para komportable siyang makapanood ng programa?
A. Ibigay ang upuan sa matanda na nakareserba sa bisita.
B. Humingi ng paumanhin sa matanda
C. Kumuha ng upuan sa silid-aralan at ibigay sa matanda.
D. Magsawalang bahala, hindi mo naman siya kakilala

_____30. Ang iyong kamag-aral na may kapansanan ay nakita mong nahihirapan sa


paggdadala ng kanyang mga gamit sa inyong proyekto sa EPP. Ano ang
iyong gagawin?
A. Ibaling ang tingin sa iba.
B. Tumawag ng iba para tulungan siya.
C. Tumakbo papalayo sa kanya.
D. Tulungan siya sa pagdala ng gamit.

_____31.Nakita mo ang isang pulubi na nanghihingi ng pagkain sa kaibigan mong si


Rowena .Alam mo na marami siyang pagkain sa kanyang bag. Kung ikaw si
Rowena,, paano mo maipakikita ang kabutihan sa isang pulubi?

A. Bibigyan ng pagkain ang pulubi.


B. Pag-aantayin mo siya ng matagal bago mo bigyan ng pahkain
C. Bibili ka pa ng ibang pagkain para sa kanya.
D. Ipapakita mo ang mga pagkain pero hindi mo ibibigay,

_____32. Nangangailangan ng pera si Mang Ben sa anak niyang may sakit. Nagkataong
nakapulot siya ng pitaka na may maraming pera.
. Ano ang dapat gawin ni Mang Ben sa pitaka?
A. Itatago na lamang ang laman ng pitaka.
B. Hindi gagalawin ang laman ng pitaka at hahanapin ang may-ari nito.
C. Kukunin ang laman at iiwan na lamang ang pitaka.
D. Magmamaang maangan na lamang na walang napu;lot na pitaka.

_____33. Nakita mo na bukas ang bag ng iyong kaklase. Gusto mo sanang manghiram ng
gunting sa kanya pero nasa kantina pa siya.Napansin mo na kinuha na ng katabi
niya sa upuan ang gunting kahit hindi pa siya nagsasabi .. Kung ikaw ang katabi
niya , paano mo maisasaalang-alang ang karapatan ng iba?

I. Kukunin mo ang gunting sa kanyang bag. Nakabukas din naman ito.


II. Magpapaalam ka muna sa iyong kaklase.
III. Isasarado mo ang kanyang bag at kung may nais hiramin ay magsasabi muna sa
kaklase.
IV. Ipapakuha mo ang gunting sa iba mong kaklase.

A. , I at IV
B. II at III
C. I, II at III
D. III lamang
_____34. Ayaw ng kaibigan mo na sumali sa inyong organisasyon.Paano mo maipakikita sa
kanya ang pagsaalang-alang sa kanyang karapatan?
I. Igagalang mo ang kanyang desisyon.
II. Hahanap ka na ng bagong kaibigan.
III. Pipilitin mo siya na sumapi.
IV. Tanggapin nang maluwag ang kanyang desisyon.

A. I at IV
B. IV lamang
C. II, III at IV
D. I, II III at IV

_____35.Naiwan ng iyong kapitbahay ang anak na maliit na natutulog. Nagising ito at umiyak
ng malakas. Wala pa ang kanyang ina. Bukas ang pinto ng bahay ngunit hindi
naman ipinagbilin ito sa iyo na bantayan. Ano ang gagawin mo?
A. Humingi ng tulong sa ibang kapitbahay.
B. Silipin lamang ang bata ng malaman ang nangyayari.
C. Babantayan ang bata at hintayin ang nanay.
D. Bibigyan ng pagkain at patutulugin muli.

_____36. Ayaw kumain ng dinuguan ng” bestfriend” ni Alice na si Jane. Bawal daw sa
kanilang relihiyon ito. Kung ikaw si Alice, ano ang gagawin mo?
A. Igalang ang kanyang paniniwala;.
B. Sabihin sa kaniyang masarap naman ito.
C. Itanong pa sa kanya ang dahilan ng di pagkain nito.
D. Sabihin kay Jane na wala naming ibang nakakakita kaya tumikim siya.

_____37. Nagpapahinga ang iyong nanay sa kuwarto. Gusto mong humingi ng pera sa
kanya .kasi may bibilhin ka.Paano mo maipapakita sa iyong nanay ang
paggalang?
A. Hahayaan mo siyang magpahinga dahil napagod siya sa gawaing bahay.
B. Papasok ka sa kanyang kuwarto at kukuha na lang ng pera sa kanyang pitaka..
C. Lalakasan mo ang iyong boses para madinig agad ni nanay.
D. Magsasama ka ng mga kaibigan sa kuwarto ng nanay mo upang humingi ng
pera.

_____38. Nais ng mga magulang ni Irene na maging nars siya, Ayaw niya ng nars . Gusto
niyang maging guro.. Paano maipapakita ng mga magulang ni Irene ang
karapatan niya sa pagpili ng kurso?
A. Ipipilit ang gusto ng mga magulang .
B. Susuportahan ang anak na gustong maging guro.
C. Palaging ipapaliwanag ng mga magulang na maganda ang maging nars.
D. Lahat ng pinsan niya ay nars kaya dapat maging nars din si Irene.

_____39. Dadalo ka sa pag-eensayo ng inyong grupo sa darating na “Summer Basketball


League”.Nakita mo na sasali ang iyong kaalitan noong isang araw.Ano ang
gagawin mo?
A. Hahamunin mo uli siya para maipagpatuloy ang inyong alitan.
B. Pagkakataon mo na para makaganti ka sa kanya.
C. Humingi ng tawad at kalimutan ang nangyari

D. Ikukuwento mo sa mga kasamahan mo ang nangyari sa inyo.

_____40. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang


barangay.Bawat miyembro ay talagang may pagkakaisa habang nag e-ensayo ng
sayaw.Nais nilang lahat na manalo. Ano ang ipinahihiwatig sa sitwasyon na ito?
A. Pakikipagkaibigan
B. Pagmamahal
C. Pagpapasalamat
D. Pagbibigay ng mga maling puna sa bawat miyembro.

_____41. Habang nanonood kayo ng paligsahan sa barangay, narinig mo ang iyong kaibigan
na wala nang ginawa kundi pintasan ang mga kalahok.Paano mo maipapakita sa
iyong kaibigan ang tunay na layunin ng patimplak?
I. Ikukuwento mo sa kanya na malaki ang mapapanalunan
II. Sasabihin sa kanya na mas mahalaga ang premyo kaysa sa pakikipagkaibigan.
III. Kakausapin at pagsabihan na ang layunin ng patimpalak ay pakikipagkaibigan.
IV Ipapaliwanag sa kaibigan na masama ang naminintas ng kapwa.

A, I, II at III
B. II at III
C. III at IV
D. IV lamang

_____42. Baguhan ka sa paaralan. Nais mong makakilala ng bagong mga kaibigan. May
“audition” para sa Sabayang Pagbigkas. Alam mo na kaya mo itong gawiin dahil
nakasapi ka na dati noong isang taon sa dati mong paaralan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magdadalawang isip na baka marami ng kasapi
B. Basta dumating sa “audition” ng hindi nagpapatala.
C. Magpatala ngunit huwag dumating sa sinabing araw.
D. Magpatala at ihanda ang sarili sa “audition”

_____43. Natalo ang iyong koponan sa laro.Natutunan mo sa iyong guro ang mga dapat
gawin kapag nananalo at natatalo sa laro.Alin sa mga sumusunod ang
nagpapahiwatig ng mabuting pakikipagkaibigan?

I. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang pagkatalo.


II. Kakamayan ang mga nanalo.
III. Babatiin sila ng “Congratulations”
IV. Pupuntahan ang mga hurado at tatanungin kung bakit hndi nanalo ang
iyong koponan.
A. I lamang
B. I, II at III
C. III at IV
D. I, II.III at IV.

_____44.Nagpapraktis kayo ng larong basketball. Hindi sinasadya nasanggi ka ng kaklase


mo.. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ka magagalit sa kanya.
B. Sasanggiin mo din siya.
C. .Sasabihin mo sa iba na mayabang ang iyong kaklase.
D. Isusumbong mo sa guro.

_____45. Buong pamilya nina Mang Cedring ay nagtanim ng mga puno bilang pakikilahok sa
proyekto ng kanilang barangay. Ang panganay nilang anak na si Jose ang
nagpaliwanag sa kanila tungkol sa kahalagahan ng pagtatanim. Ito ay natutunan
niya sa paaralan sa pamamagitan ng panoonod ng” Video Clip Presentation” ng
guro.Kung ikaw si Jose, paano mo magagampanan nang buong husay
ang tungkulin sa proyekto ng barangay?
I. Makikiisa sa proyekto pero hindi ka dadating .
II. Magyayakag ka ng iba para sila ang gumawa ng proyekto.
III. Gagamitin mo ang natutunan mo sa paaralan.
IV. Ibabahagi mo sa iba ang iyong kaalaman.

A. I, II at III
B. III lamang
C. III at IV
D. I, at II

_____46. Abala ang mga kaklase mo sa pag eensayo para sa “Group Presentation” ninyo
sa English..Gagamit sila ng tugtog para mas maging maganda ang inyong
presentasyon. Ano ang nararapat mong gawin?
A. . Gagampanan mo ng buong husay ang iyong part.
B. Manonood ka na lang sa kanila .
C. Makikiisa ka pero pupunta ka sa may likuran para hindi ka mapansin.
D. Mag papraktis ka pero hindi ka sasama sa kanila.

_____47May proyekto kayo sa EPP.Marami kang natutunan sa aralin. Napanood mo ito sa


TV sa loob inyong ng silid-aralan kaya madali mo itong naunawaan. Paano mo
magagampanan nang buong husay ang inyong proyekto sa EPP?
I. Gagamitin ang natutunan sa aralin
II. Sasabihin lang ang natutunan pero hndi sasama sa paggawa.
III. Hahayaan mo na lang ang lider ang maggawa.
IV. Makikiisa para madaling matapos ang proyekto

A. I at IV
B. II at III
C. IV lamang
D. I, II at III

_____48. . Namimili ang guro ng grupo ng sasayaw. Alam ng marami magaling ka sa


larangang ito..Isa ka sa mga napiling lider ng iyong guro.Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng buong husay mong gagampanan ang iyong tungkulin
bilang lider?

I. Ibahagi sa iba ang mga kaalaman mo sa pagsasayaw.


II. Tuturuan mo sila ng mga “steps” na natutunan mo sa panonood sa TV.
III. Pipiliin mo lamang ang marunong sumayaw.
IV. Pagsasabihan mo ang hindi marunong sumayaw na huwag ng sumapi.

A. I at II
B. I. III at IV
C. II, III at IV
D. II at III

_____49. May programa sa inyong barangay tungkol sa paghihiwalay ng basura. Napag-


aralan na ninyo ito Napanood nyo pa ito sa “ Video Clip Presentation “ ng inyong
guro..Bilang isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin?

I. Ikukuwento mo lamang ang iyong napanood.


II. Makikiisa sa programa dahil mahalaga ito.
III. Gagamitin ang mga natutunan sa paaralan.
IV. Buong husay mong gagampanan ang iyong tungkulin .
A. II at III
B. I , II at III
C. IV
D. II. III at IV

_____50. May programa kayo sa inyong paralan sa susunod na linggo.. Naatasan ng guro
ang iyong grupo na maghanda ng isang natatanging bilang. Paano ninyo
maipapakita ito nang buong husay?
I. Minsan lang kayo magpapraktis.
II. Palaging mag- ensayo para maging maganda ang inyong presentasyon,
III. Aantayin pa ang guro kung kalian kayo magpapraktis ng sayaw.
IV. Ibahagi sa bawat miyembro ang mga kaalaman na natutunan sa pagsayaw.

A. I at II
B. II at IV
C. I, II at III
D. II ,III at IV

Prepared by:

EMILY N. CENA
Master Teacher I

Reviewed by: Noted by:

LORNA N. VALLEJO LOLITA C. ROMEN


Principal II ESP Key Administrator

Approved by:

CAROLINA R. MAGALLANES
District Supervisor
IKALAWANG MARKAHAN

ESP-V

KEY TO CORRECTIONS

1. B 26. B
2. A 27. A
3. D 28. C
4. A 29. C
5. C 30. D
6. B 31. A
7. A 32. B
8. A 33. B
9. A 34. A
10. C 35. C
11. B 36. A
12. D 37. A
13. A 38. B
14. C 39. C
15. C 40. A
16. C 41. C
17. B 42. D
18. A 43. B
19. D 44. A
20. B 45. C
21. C 46. A
22. C 47. A
23. A 48. A
24. D 49. D
25. A 50. B

You might also like