You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE CITY
ALEJANDRO DELOS REYES INTEGRATED SCHOOL
Cagay, Masbate City, Masbate

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP-V

Panuto: Basahin ng maayos ang sumusunod na tanong. Piliin ang tamang sagot.

1. Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan na lang sila.
B. Tulungan kung ano man ang kailangan nila.
C. Sabihin sa mga kapitbahay.
D. Isumbong sa pulis.
2. Ang taong may malasakit at may kusang pagtulong sa kapwa ay _______________ ng Diyos.
A. kinalulugdan B. kinatatakutan C. kinaaayawan D. kinakamusta
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
A. Tulungan ang nasalanta ng bagyo. B. Suntukin ang kaaway.
C. Huwag bigyan ng pagkain D. Pabayaan ang mga nangangailangan
4. Laging isaisip at __________ ang pagmamalasakit sa kapwa.
A. iwanan B. ihiwalay C. iligtas D. isapuso
5. Dapat lang ba na tulungan ang tao dahil may hinihintay kang kapalit o inyong sisingilin balang araw?
A. Opo
B. Hindi po
C. Ewan ko po
D. Wala sa nabanggit

Para sa aytem 6-10: = masayang mukha, = tikom ang bibig

= malungkot na mukha, = galit na mukha

6. Alam mong walang naisalba ang pamilya Morales sa nagdaang sunog. Kung kaya ang iyong mga magulang ay tinulungan sila.

A. B. C. D.

7. Bilang batang iskawter lagi kang handang dumamay sa nangangailangan.

A. B. C. D.

8. Nakikilala mo ang iba’t ibang mga pinsala na dulot ng likas na mga sakuna tulad ng sunog, lindol,bagyo baha at iba pang kalamidad at
ikinatutuwa mo ang mga ito.

A. B. C. D.

9. Naigupo ng bagyong Egay ang bahay nina Aling Charing. Dumalaw sina Kapitan Miko at ang mga anak nito. Wika nila, “ Ka Charing, narito
na kami, pagtulung-tulungan nating iaayos iyan.”

A. B. C. D.

10. Ipinag-ikot ng kapitan ng Baranggay na may parating na Bagyo kung kaya kayo ay pinalilikas sa mataas na lugar. Hindi mo inintindi ang
sabi nang mga taga Barangay.

A. B. C. D.

11. Naririnig mong nagkakagulo ang iyong mga kapit-bahay dahil sa kumakalat na apoy. Masarap matulog dahil malamig ang panahon kung
kaya ayaw mong maistorbo.
A. Mabuting gawi B. Masamang Gawi
C. Mabuting pag-uugali D. Makakatulong ito kung hindi kikibo.
12. Pagtulong sa mga nangangailangan na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito ay isang ___.
A. malaswang gawain B. magandang gawain
C. magulong gawain D. mahirap na gawain
13. Napanood mo sa telebisyon na mayroong bagyong darating ngunit ang tatay mo ay papalaot upang mangisda. Ano ang dapat mong gawin?
A. hayaan ang ama na pumalaot upang may maulam mamayang gabi.
B. magkunwaring hindi alam na may bagyong darating.
C. pigilan ang ama na pumalaot at sabihin na may darating na bagyo.
D. magsaya sapagkat may ulam mamayang tanghali.
14. Nakita mong nakikipag-away ang iyong kapatid na lalaki sa loob ng paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Suntukin ang kapatid
B. Suntukin ang kaaway ng kapatid mo.
C. Awatin ang dalawang nag-aaway at kausapin
D. Hayaan lamang ito
15. Binubully ni Alex ang inyong kaklaseng si Ara dahil ito ay mataba.Tinatawag niya itong “piggy piggy,oink.”Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbigay-alam sa guro
B. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
C. Huwag pansinin
D. Isumbong sa pulis
16. Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan.Ano ang gagawin mo?
A. Sumali sa away
B. Suntukin ang dalawang nag-aaway
C. Sabihin sa guro ang iyong nakita
D. Huwag makialam sa away nila
17. Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay. Dahil nahuli nila itong namitas ng bulaklak.Ano ang
kailangan mong gawin para hindi magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?
A. Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam
B. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin
C. Pagsasabihan ko na Huwag nalang intindihin ang kapitbahay
D. Ayokong makialam,problema nila yun
18. Nakita mo ang holdaper na siyang umagaw ng wallet ni Mimay na nanggaling sa palengke buhat sa kanyang pagtitinda. Sa takot mo sa
holdaper ay hindi mo ituturo kung saan pumunta ang nanghold-up.
A. Sang-ayon B. Hindi sang-ayon
C. Walang pakialam D. Walang gagawin
19. Kung kayo ay nakakita ng kahina-hinalang kilos ng mga tao sa inyong paaralan. Anong gagawin mo?
___________________________________.
A. Magsawalang kibo upang hindi madawit
B. Magkibit balikat at huwag magsasalita kahit kanino
C. Ipagbigay alam kaagad sa guro upang walang mapahamak.
D. Tumahimik upang hindi paghinalaan nang masama
20. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nakakita ng isang katutubo na sumasayaw sa parke?
A. Pagtawanan sila dahil sa kanilang kakaibang kasuotan
B. Batuhin dahil nakakahiya sila
C. Igalang dahil sila ay tao din na may pusong masaktan
D. Kutyahin sila sa kanilang ginagawa
21. May dayuhan na dumating sa inyong baryo at nagtatanong sa iyo ng direksyon.Ano ang dapat mong gawin?
A. Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan
B. Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago
C. Humingi ng saklolo sa taong marunong makipag-usap ng mga dayuhan
D. Hindi sila papansinin
22. Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong dayuhan.Paano mo ito ibibigay sa kanila?
A. Banggahin ang bisita at ilagay na lang sa mesa
B. Hayaang sila ang lumapit
C. Iabot sa kanila na nakangiti
D. Bahala sila sa buhay nila
23. Ang pagpapakita ng paggalang sa katutubo o ___________ ay hindi lámang masusukat sa pagkakataon na sila ay nakita mo nang personal sa
kanilang pisikal na kaanyuan.
A. dayuhan B. mayaman
C. mahihirap D. mangangalakal
24. Ang salitang hospitable ay nangangahulugang ____________________.
A. magiliw na pagtanggap sa mga dayuhan o bisita ng may ngiti sa mga labi.
B. pagbubulyaw o pagsigaw sa mga dayuhan sa inyong lugar.
C. hindi pagtanggap sa mga bisita o dayuhan.
D. pagtanggap sa mga dayuhan ngunit sila ay iyong sinusungitan.
25. Nakita mong nakasuot ng bahag o katutubong kasuotan ang isang lalaki sa parke at ito ay iyong pinagtawanan. Ang iyong ginawa ay
_________.
A. pagpapakita ng paggalang
B. tama lamang dahil sa kakaibang istilo ng kanilang pananamit.
C. hindi tamang asal sapagkat hindi ito nagpapakita ng respeto sa kanila.
D. magandang pag-uugali
26. May isang tao na hindi mo kilala at bago lamang sa inyong lugar, kinausap ka niya at nagtanong kung saang lugar siya naroroon. Sinagot mo
ito ng may salitang “po” at “opo”. Ang iyong ginawa ay __________________.
A. pambabastos sa dayuhan.
B. pagpapakita ng paggalang.
C. pagpapamalas ng kagalingan sa pakikipag-usap.
D. pagpapakita ng pagiging madaldal.
27. Binubully ni Dona ang kamag-aral ninyong bagong lipat sa inyong paaralan dahil ito ay Aeta. Tinatawag niya itong “maitim-maitim.”Ano
ang gagawin mo?
A. Ipagbigay-alam sa guro
B. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
C. Huwag pansinin
D. Sabihan ang ibang kaklase na gayahin si Dona
28. May nakasalubong kang katutubong matandang babae na maraming dalang gamit at hindi makalakad ng maayos. Wala kang kasama. Ano
ang gagawin mo para makatulong?
A. Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong ko
B. Wala akong balak na tulungan siya
C. Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad
D. Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak
29. Nakita mong nahulog ng isang turista ang kanyang pitaka, ano ang dapat mong gawin?
A. Tignan muna ang laman ng pitaka, kung ito ay may laman kumuha ng kaunti at ibaliK ito sa may ari.
B. Magkunwaring hindi mo ito nakita
C. Ibalik ito kaagad sa may ari.
D. Kung ito ay may laman na pera kunin ito at pambili ng kahit ano,at itapon na ang pitaka sa basurahan
30. Paano mo maipapakita ang paggalang sa isang katutubong may kakaibang istilo ng pananamit?
A. pagtawanan ito sa harap ng maraming tao.
B. ipahiya ito na hindi kaaya-aya ang kanyang itsura.
C. huwag kutyain ang istilo ng kanilang pananamit.
D. ipagkalat sa mga kaibigan na hindi maganda ang istilo ng kanilang pananamit.
31. Bakit kailangang igalang ang ibang taong may ibang kaanyuan at kultura?
A. Dahil ito ang kinagisnan at kaugalian na nila at nakasaad din sa Saligang batas na kailangan sila ay igalang.
B. Dahil kakaiba sila.
C. Dahil hindi ay Pilipino.
D. Dahil natatakot ka sa kanilang itsura.
32. Tuwing kapistahan sa Lungsod ng Vigan, magiliw ang pagtanggap ni Ana sa kanyang mga bisita na nagmula pa sa ibang bayan,
ipinaghahanda niya ang mga ito ng minatamis na pagkain at maiinom kahit unang araw palang niya itong makita. Kung kaya’t marami siyang
naging kaibigan na dayuhan. Ang ginagawa ni Ana ay _____
A. naaabala lamang si Ana kapag siya ay may bisita.
B. paglulustay lamang ng pera ang ginagawa ni Ana tuwing siya ay may bisita.
C. kaaya-aya ang pagtanggap niya sa mga dayuhan dahil iginagalang niya ang mga ito.
D. pagmamayabang lamang.
33. Sa bansang Pilipinas, mayroong tinatawag na freedom of speech (Article III, Bill of Rights Section 4). Ano ang kahulugan nito? Ang
kahulugan nito ay ______________________
A. malayang pagsasabi ng opinyon na sa hulí dapat ikaw ang tama.
B. malayang pagpapahayag ng opinyon na hindi hinahadlangan ng sinuman.
C. malayang pagpapahayag ng saloobin patungkol sa mga malalaswang bagay.
D. malayang pagmumura sa iyong kapwa.
34. Ang mga sumusunod ay ang gawaing naayon sa freedom of speech sa Pilipinas maliban sa:
A. pagsuway sa batas
B. pagsabi ng iyong nararamdaman o saloobin
C. hindi pagsang-ayon sa opinyon ng kapuwa
D. pagsisiwalat ng iyong opinion o ideya
35. Dapat ba palagi kang sumang-ayon sa opinyon ng iyong kapwa?
A. Opo, upang hindi masaktan ang damdamin ng iyong kapwa.
B. Opo, dahil mas mahalaga ang opinyon ng kapuwa kaysa sa sariling opinyon.
C. Hindi po, dahil hindi naman sila ang tama sa lahat ng oras.
D. Hindi po, dahil maaaring maging mas makabuluhan ang usapan kung magbabahagi ng sariling opinyon sa kapwa.
36. Hinihintay ni Dave na matapos ang pagbibigay ng opinyon ng kaniyang kausap bago ito sumagot.
A. Hindi ako sumasang-ayon sa ginawa ni Dave dahil ang bagal nito magsalita.
B. Sumasang-ayon ako sa ginawa ni Dave na tapusin muna sa pagsasalita ang kanyang kausap dahil ito ay paggalang sa nagsasalita.
C. Dapat sinagot agad ni Dave ang kanyang kausap kahit hindi pa ito tapos.
D. Sinigawan dapat ni Dave ang kanyang kausap.
37. Laging iminumungkahi ng lider na si Mona na magbigay ng opinyon ang kaniyang mga miyembro upang mas mapaunlad ang kanilang mga
proyekto. Ang ginawa ng lider ay _________.
A. pagkukunwaring kinukuha ang lamang ang opinyon ng iba.
B. pagpapakita ng pagkakaisa sa pangkatang gawain.
C. pagbibigay halaga sa bawat opinion ng miyembro.
D. b at c
38. Ang bawat taong nilalang ay may ______________na tanging sarili lamang niya ang masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili
niyang pananaw at kadahilanan.
A. ideya/opinion B. galit/poot C. isip/gawa D. hirap/tiis
39. Dumadalo ka sa pag-eensayo ng inyong grupo sa darating na Summer Basketball League. Nakita mo na sasali ang iyong kaalitan noong
isang araw. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko papansinin
B. Hayaan na lamang
C. Humingi ng tawad at kalimutan ang nangyari
D. Suntukin at tadyakan
40. Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga
paglalaro, paligsahan, pagdiriwang at iba pa ngunit ayaw mong sumali dito dahil mapapagod ka lang. Ang iyong ginawa ay ____________.
A. tama po
B. mali po
C. hindi po ako sigurado
D. hindi ko po alam
41. Ang pagsali ng paligsahan sa barangay ay kailangang _________________
A. sapilitan B. bukal sa puso C. tulakan D. agawan
42. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay. Ano ang ipinahihiwatig sa sitwasyon na ito.
A. Pakikipagkaibigan
B. Pagkamatapang
C. Pagpapasalamat
D. Pakikipag-away
43. Ano ang nararapat mong gawin kung ang kaibigan mo ay nakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa barangay?
A. tutulong sa kanila para madaling matapos
B. manonood na lang ako ng TV
C. titigan sila sa kanilang ginagawa
D. nakakatamad ang kanilang ginawa
44. Lumiban ang iyong kaklase dahil siya ay nilalagnat. Humihiram siya sa iyo ng inyong kwaderno, ang dapat mong gawin ay
_______________________________.
A. Ipahiram ito sa kaklase na lumiban
B. Sabihing nawala ang iyong kwaderno
C. Magkunwaring lumiban ka din sa klase
D. Magkunwari kang walang narinig
45. Ipinagsasabi ng kaklase mo na ikaw ay may natatanging kakayahan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. magyabang
B. maging mabait at mapagpakumbaba
C. sabihan ang kaklase na dapat ipagkalat pa ito sa ibang tao
D. magsungit sa mga kaklase na hindi nakikinig
46. Inatasan ng guro si Jon na maging lider ng kanilang pangkat ngunit ito ay kanyang ipinagkibit balikat lamang at ipinasa sa kanilang kamag-
aral.
A. tama ang ginawa ni Jon dahil nakakapagod ang maging lider.
B. tama lamang na ipasa sa iba ang gawain na naibigay sa kanya.
C. mali dahil ito ay nagpapakita ng hindi pagsunod sa utos ng guro.
D. mali dahil alam ni Jon na hindi tutulong ang mga kasama niya.
47. Si Romel at ang kaniyang buong pamilya ay nakilahok sa Brigada Eskwela ng kanilang paaralan.
A. Wasto B. Di-Wasto C. nakatamad D. nakakaabala
48. Ang tunay na _________________ at pakikiisa sa mga gawaing ito ay nakikita kung ginagawa itong bukal sa kalooban at hindi napipilitan
lámang.
A. pakikipagkaibigan B. Pakikilahok
C. pakikipag-away D. Paglalaro
49. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Amy na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito.
A. Pagpapakita ng pakikiisa sa mga programang pampaaralan.
B. Pagpapakitang tao lamang ang kanyang ginagawa.
C. Pag-uubos ng oras lamang ang kanyang ginagawa.
D. Pagpapapansin lamang ito.
50. Pagtulong sa gawaing pampaaralan na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito ay isang ___
A. malaswang gawain B. magandang gawain
C.magulong gawain D. mahirap na gawain

Inihanda ni:
NORIEL E. MABATO Pinuna:
Teacher II ABUNDIO A. DELA PEŇA
Head Teacher III

You might also like